Sa lahat ng buy-bust operations PNP INOOBLIGA SA PAGGAMIT NG BODY CAMERA

SA harap ng umiinit na kontrobersiya sa isang anti-drug operations sa Laguna, ipinanawagan ni Senador Panfilo Lacson ang pagpapabilis sa proseso para makumpleto na at ganap nang magamit ang mga body camera na inilaan para sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP). Nadamay at napatay sa nabanggit na operasyon ang isang 16-taong gulang na tinedyer na ayon sa mga kaanak ay sadyang pinatay at ikinatuwiran naman ng mga pulis na ito ay nanlaban. “The killing of a minor in a recent PNP drug bust operation and the subsequent ‘he…

Read More

SUPORTA SA ILOILO VS COVID-19 BILISAN

HINILING ni Senador Grace Poe sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na kumilos kaagad sa apela ng lalawigan ng Iloilo at iba pang high-risk local government na punan ang kakulangan ng resources para sa pagtugon sa COVID-19 sa harap ng dumaraming pasyente. Ipinarating ni Poe ang kahilingan ng ilang local executives sa labas ng National Capital Region na ikinokonsiderang COVID hotspots, na gawing prayoridad sa distribusyon ng bakuna upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa ilang lalawigan. “While there aren’t enough vaccines yet for everybody,…

Read More

Sa pagsasara ng Malampaya BROWNOUTS TITINDI SA OKTUBRE

(BERNARD TAGUINOD) LALONG lalala ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Oktubre dahil nakatakdang magsara ang Malampaya gas field na posibleng maging dahilan ng brownouts at pagtaas ng presyo ng kuryente. Ito ang ibinabala ni House deputy minority leader Carlos Zarate lalo na hindi pa umano pinaghahandaan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang nakatakdang pagsasara ng Malampaya kahit inabisuhan na ang dalawang nabanggit na ahensya noon pang nakaraang taon. “Did the DOE and the Energy Regulatory Commission (ERC) not learn anything from that situation almost…

Read More

DOTr, LTFRB SABLAY SA LIBRENG SAKAY

MISTULANG hindi kayang gastusin ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pondong ibinigay sa mga ito upang tulungan ang mga mananakay o commuters. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento kaugnay ng pondong ibinigay sa mga ito para sa Service Contracting o libreng sakay. Ayon kay Sarmiento, binigyan ang DOTr at LTFRB ng P5.580 billion sa ilalim ng Bayanihan 2 na karagdagan sa P3 billion na nasa ilalim ng 2021 general appropriations…

Read More

Napipintong pagsipa sa kanya sa PDP-Laban uunahan PACQUIAO, TATALON SA NPC NI SOTTO?

LAHAT ng paraan ay tila gagawin ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao upang walang maging sagabal sa kanyang planong tumakbo sa pagkapresidente ng Pilipinas sa eleksyon sa susunod na taon. Isa sa mga diskarte ng boksingerong naging politiko ay iwanan ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kahit siya pa ang “acting president” nito. Kasunod ito ng girian ni Pacquiao at ng ilang matataas na opisyal ng PDP-Laban tulad nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Secretary Raul Lambino. Katunayan, ipinunto nina Cusi at Lambino sa media…

Read More

NEGOSYO UGAT NG MAGULONG POLISIYA SA FACE SHIELD

(BERNARD TAGUINOD) NEGOSYO ang nakikita ng isang mambabatas sa Kamara na dahilan kung bakit magulo ang polisiya ng gobyerno partikular na ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa usapin ng face shield. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung walang nagnenegosyo sa face shield ay malamang na matagal na aniyang inabandona ang pagpapasuot nito sa mga tao. “Malamang may negosyo behind this kaya ganyan ang usapin ngayon at nagkakaroon ng pabago-bagong panukala ang ating pamahalaan,” pahayag ni Brosas sa isang press conference. Magugunita na unang nanawagan ang mga kongresista tulad…

Read More

500K JABS A DAY KAKAYANIN

POSITIBO ang Malakanyang na mas bibilis ang pagbabakuna ngayon at hindi lang sa Pfizer umaasa ang pamahalaan para makamit ang tinatawag na population protection o herd immunity. Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa ulat na makatutulong sa bansa ang 40 million Pfizer doses na darating sa Oktubre para makamit ang herd immunity bago matapos ang taon. “Well, unang-una, hindi naman tayo umaasa lang sa Pfizer para doon sa tinatawag nating population protection. Patuloy po ang ating pagbabakuna at kanina nga po binasa ko ‘no, mahigit 8 milyon na…

Read More

MEMO NI DUTERTE MAGLILINAW SA FACE SHIELD POLICY

NAOBLIGA nang maglabas ng memorandum si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paggamit ng face shield upang matuldukan ang kalituhan dito. Ang nasabing memorandum mula sa tanggapan ni Pangulong Duterte ay naglalayong linawin ang pagkalito ng mamamayan sa paggamit ng face shield lalo pa’t may ilang opisyal ng pamahalaan ang nagpahayag ng magkakasalungat na posisyon sa usaping ito. “The President is supposed to issue a memorandum. Maybe perhaps this week baka lumabas na ‘yan (memorandum). When that memo comes out then we can’t really say anything pero just to say that…

Read More

1 PATAY, 1 ARESTADO SA TONDO ROBBERY

NADAKIP ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 23- anyos na lalaki habang napatay ang kasama nito sa follow-up operation ng mga pulis makaraang holdapin ang isang truck driver sa Tondo, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang napatay na suspek na si Mark Kenneth Cabrigas, 27, habang arestado ang kasama nitong si Moises Alfero, 23-anyos. Base sa report ng MPD-Station 1, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10, sa Barangay 110 sa Tondo. Pinangunahan ni P/Lt.…

Read More