‘DI KO MAGETS ANG DTI

0

ANG daming problema sa pagnenegosyo sa ­ating bansa ngayon dahil ­napakaraming negosyo ang nagsara dahil sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Marami ring mga negosyante ang nagsasamantala ngayong panahon ng ­pandemya dahil nagtataas sila ng presyo ng kanilang mga produkto na ang naaapektuhan ay ang kawawang consumers.

Nandyan ang mga walang basehang pagtataas ng presyo ng mga agricultural products, construction ­materials, mga pagkain na nabibili sa mga palengke at kung anu-ano pang mga bagay na kailangan ng mga tao araw-araw.

Maraming naloloko sa online shopping dahil ang mga inoorder nila ay iba sa kanilang inaasahan, o kaya hindi maayos ang produktong binili nila at pahirapan ang pagbabalik dahil nasa ibang bansa ang supplier.

Ito ang mga dapat ­asikasuhin ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil tungkulin nitong proteksyunan ang interes ng mga consumer, pero hindi natin sila ramdam, kaya nagtatanong ang mga tao, may silbi pa ba ang departamentong ito?

Wala silang kusa para pigilan ang pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin.

Pero, mayroon silang panahon na magtakda ng standard ng recipes ng mga pagkaing Pinoy tulad ng adobo, sinigang, sisig at lechon.

Ito ang kanilang pinagkakaabalahan sa panahon ng pandemya.

Hindi ko sila magets.

Bawat rehiyon may kanya-kanyang istilo sa ­pagluluto ng mga nabanggit na putahe, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magkaroon pa ng standard kung paano lutuin ang mga ito?

Sa amin sa Norte, ang gusto naming adobo ay ‘yung mamantika, pero sa ibang rehiyon, ang gusto nila ay halos walang mantika.

Ibig bang sabihin, kailangang sundin ng mga Filipino ang itatakdang pamantayan ng DTI kung papaano lutuin ang putaheng ito?

Sa Cebu, ang may pinakamasarap na lechon na hindi na kailangan ng sawsawan, pero may mga rehiyon na mas gusto nila ang nakasanayan nilang istilo ng pagluluto ng putaheng ito.

May kanya-kanyang pamamaraan din ang bawat rehiyon sa pagluluto ng sisig, sinigang at iba pang putahe na karaniwang nakikita sa mga hapag-kainan at hindi lang sa mga handaan.

Aminin natin, ang gusto natin ay ang nakasanayan nating pagluluto ng mga putaheng ito, kaya kung magagawi tayo sa ibang rehiyon ay sasabihin natin sa ating sarili na “mas masarap pa rin ‘yun luto sa amin”.

Ang punto ko rito, bakit kailangang pakialaman ng DTI kung papaano dapat lutuin ang mga putaheng ito?

Marami silang trabahong dapat gawin para magkaroon ng proteksyon ang mga consumer, ‘yun ang dapat nilang asikasuhin! ‘Di ko kayo talaga magets!

Read More

FREE CORN SEED NG DA, FOR SALE

0

MAY nakarating na impormasyon sa PUNA na ibinibenta raw, sa halip na libreng ipamigay, ng Department of Agriculture (DA) ang binhi ng “mais” sa mga magsasaka sa Region 2.

Bagamat walang binanggit na pangalan ng taong nasa likod ng bentahan ng binhi ng mais sa Isabela, dapat kumilos ang DA main office sa isyung ito.

Walang ibang makagagawa niyan, kundi mula sa ­tangapan ng DA – Regional Office 2.

Sila lang ang may access sa nasabing mga binhi na dapat ipinamimigay nang libre sa mga magsasaka.

Tandaan n’yo po na “walang usok, kung walang apoy”.

Natural walang aamin kung sino ang gumagawa ng kalokohang ‘yan.

Pero, madaling malalaman ‘yan kung talagang aalamin kung sino ang may hawak ng programa na ‘yan.

Hindi katanggap-tanggap ang ganitong modus dahil pati ba naman mga kawawang magsasaka ay pinagsasamantahalan n’yo.

Hindi na nga makaahon ang mga magsasaka dahil sa dami ng kanilang mga utang, pagsasamantalahan n’yo pa.

Hindi na kayo naawa sa kanila? Mga buwisit kayo!

Sa halip na tulungan n’yo, pinagkakakitaan n’yo pa!

Binabarat na nga sila sa kanilang mga inaaning palay at mais ng mga negosyante, pati ba naman kayong nasa DA rno ay winawalanghiya sila!

Hindi na kayo nakuntento sa pamimerwisyo sa kanila sa programang importasyon ng gobyerno ng agricultural ­products tulad ng karneng baboy, bigas at iba pa ay pinapahirapa n’yo pa sila.

Taun-taon, 20 bagyo ang naitatalang pumapasok sa Pilipinas na sumisira sa mga pananim ng mga magsasaka.

Hindi n’yo ba napapansin na marami sa mga ­magsasaka ay ibininbenta na lang ang kanilang ­kakarampot na sakahan dahil halos wala na silang kinikita sa pagtatanim sa kanilang mga bukirin.

Tanging administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos ang natandaan nating talagang nagmalasakit sa mga magsasaka.

Bagamat bata pa tayo sa panahong ‘yun, wala po akong natatandaang nagutom tayo.

Natatandaan ko pa ang programang “Masaganang 99” kung saan hindi problema ng bawat pamilyang Pinoy ang pagkain sa hapag-kainan.

Matapos ang panunungkulan ni Marcos, naging hikahos na ang kalagayan ng mga magsasakang Pinoy hanggang ngayon.

Maramil, hindi na makakain ngayon ng tatlong beses kada araw dahil sa kahirapan.

Kaya, tama ang sinabi ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ­kapag ang mga Filipino ay ­hindi nakapili ng tamang kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections ay muling lulubog sa kahirapan ang Pilipinas.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email: joel2amongo@yahoo.com o magtext sa cel#0919-259-59-07.

Read More

MORENTE ABSENERO, NGUNIT MADALAS MAG-GOLF?

0

KAHIT naman sinong opisyal ng pamahalaan ay mayroong karapatang dumiskarte upang makatiyak na hindi siya magkakaroon ng nakamamatay na coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Kauna-unawa kung hindi papasok sa kanyang tanggapan ang opisyal upang huwag magkasakit dahil maghahanap na naman si Pangulong Rodrigo Duterte ng ipapalit kapag tinamaan ng COVID – 19, o sa mas masahol ay mamatay ang opisyal dahil sa naturang sakit.

Magagawa naman ng opisyal na gampanan ang kanyang mga trabaho, tungkulin at obligasyon na ipinagkatiwala sa kanya ni Duterte, sa pamamagitan ng online.

Kaya, palagay ko hindi masama ang madalas na hindi pagtungo ni Commissioner Jaime Morente sa kanyang tanggapan sa Bureau of Immigration (BI).

Ang masama kung abse-nero si Morente sa BI, ngunit madalas namang mag-golf.

Pokaragat na ‘yan!

Wala pang nakapagsabing marunong mag-golf si Morente.

Hindi ako naniniwalang mahilig maglaro ng golf ang retiradong heneral.

Dahil ignorante ako sa isyung ito laban kay Morente, itatanong ko na lang sa kanya dito sa BADILLA Ngayon kung totoong mas mahilig siyang maglaro ng golf kaysa magpakita sa kanyang tanggapan.

Totoo po ba Immigration Commissioner Jaime Morente na mas regular ang inyong paglalaro ng golf kaysa pumasok sa inyong opisina?

Alam po ba ninyo, o ipinarating po ba sa inyo, na napakatalamak ng korapsyon sa BI?

Patuloy daw ang human trafficking ng mga Filipina kung saan ang tumatrabaho nito ay ilang piling opisyal at kawani sa BI.

Pumapalo na raw po sa P100,000 kada ‘ulo’ – nadoble na ang dating P50,000 na isiniwalat ng isang senador.

Pokaragat na ‘yan!

Ngunit, ang mas ­matinding raket daw ngayon sa BI ay human smuggling kung saan P700,000 hanggang P1 ­milyon ang padulas bawat dayuhan.

Pokaragat na ‘yan!

Kahit walang dokumento ang mga papasok na mga ­dayuhan tulad ng mga Chinese ay kayang-kayang gawan ng paraan upang makapasok sila sa Pilipinas nang walang sagabal.

Alam n’yo kung bakit?

Napakaraming pera ang katapat ng grupong nag-aasikaso sa BI na konektado sa pangkat ng mga Chinese na nakabase rito sa Pilipinas.

Ang totoo, nagkaroon na ng ideya ang National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa multimilyong raket na ito dahil mayroon na silang nahuling suspek sa ilegal na gawaing ito.

Nagsimula nang imbestigahan ito ng NBI ilang buwan na ang nakalilipas, ngunit hanggang ngayon ay walang inilalabas ang NBI tungkol sa human smuggling kung saan posibleng may kaugnayan ang ilang opisyal at kawani ng BI sa nasabing korapsyon.

Ngayon, kailangang magkaroon ng mapagpasyang aksyon si Morente hinggil dito dahil kung hindi siya kikilos ay napakalaki ng posibilidad na husgahan siya ng mga senador na isang ‘dambuhalang inutil’!

oOo

CP: 09985650271 / Viber #: 09457016911

Read More

Tiwala sa kakayahan ni Bongbong dahilan ng mataas na survey MGA PINOY ‘MARCOS PA RIN’

0

(NELSON S. BADILLA)

NAMUMUTAWI pa rin sa nakararaming Filipino ang ‘Marcos pa rin’ na sumikat sa panahon ng panunungkulan ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ito ay dahil lumalakas na naman ngayon ang pagnanais ng mamamayan na maibalik sa poder ang isang Marcos sa katauhan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Bongbong o BBM ay kabilang sa nangunguna sa pinagpipilian ng mga Filipino na maging pangulo ng bansa mula 2022 hanggang 2028.

Katunayan, si Bongbong ay nasa top 3 sa sarbey ng Pulse Asia hinggil sa mga posibleng kandidato sa pagkapangulo sa eleksyong 2022.

Batay sa Pulse Asia survey mula Hunyo 7 hanggang 16, nangunguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa iskor na 32 porsiyento.

Pumangalawa si Manila Mayor Isko Moreno na 29 porsiyento ang pumili.

Si Marcos ang ikatlo sa iskor na 18 porsiyento.

Ikaapat na puwesto si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na 13% ang nakuhang puntos.

Mahalaga ang mensahe ng sarbey dahil nanatiling pasok silang apat sa nangunguna mula noong Disyembre 2020 habang papainit nang papainit ang kanilang mga pangalan sa media, maliban kay Marcos.

Sina Carpio, Moreno at Pacquiao ay “very visible” sa media dahil madalas nailalabas ang kani-kanilang pahayag.

Isa pa, silang tatlo ay nakapuwesto sa kasalukuyan kaya masasabing malaki ang kalamangan nila.

Si Marcos ay hindi lumalabas sa media, maliban noong ang isyu ay tungkol sa kanyang protestang elektoral laban kay Bise-Presidente Maria Leonor Robredo.

Wala ring posisyon sa gobyerno si Marcos.

Sa kabila ng kalamangan ng ibang posibleng kandidato pagdating sa exposure, kapansin-pansin na laging nakadikit o pangalawa, o ikatlo, sa presidential survey si Marcos.

Ang iskor na nakuha niya sa pinakabagong sarbey ng Pulse Asia ay makikitang malapit ang distansiya niya kay Moreno, samantalang ‘suki’ ang alkalde ng Maynila sa mga tabloid at social media.

Mapapansing malaki ang iskor ni Marcos sa National Capital Region (NCR).

Bagamat hindi kataasan sa Balance Luzon, maituturing na signipikante ang puntos ni Marcos sa nasabing lugar.

Ayon sa mga political operator, kailangang kumilos si Marcos upang maging patas, o ungusan pa niya sina Moreno at Carpio – Duterte upang malaman ng mga baseng lalawigan, lungsod at bayan ng mga Marcos na tatakbo siya sa halalang 2022.

Higit na mainam kung itatayo ni Marcos ang kanyang media group tulad ng ginagawa ng lahat ng mga kakandidato sa halalan.

Kapansin-pansin din sa nasabing sarbey na lagpak ang iskor nina Robredo, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Senador Panfilo Lacson, samantalang regular na nababasa ang kanilang mga pangalan sa mga pahayagan, naririnig sa mga radyo, napapanood sa telebisyon at nakabalandra sa social media.

Maging si dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Richard Gordon na regular ding mayroong labas na balita sa media ay hindi nakasama sa sarbey kahit .1% lang ang iskor.

Nangangahulugang ibinasura na sila ng mamamayan.

Read More

PAGTATAPON NG DUMI SA WPS IIMBESTIGAHAN

0

“WE need to verify first because that is just a report.”

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng dumi ng tao ng China ang West Philippine Sea.

Sinabi ni Sec. Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging responsable lamang ang pamahalaan na sagutin ang mga bagay na gaya nito.

“Tingnan muna natin kung may katotohanan dahil kung wala naman eh di tayo naman ang mapapahiya,” ayon kay Sec. Roque.

“Dapat i-verify muna bago pumutak. Noong na-verify naman po natin na nag-export ng basura ang Canada sa atin.. pinabalik naman natin ang basura sa Canada. No IFs, no BUTs,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Ayon naman kay Senadora Grace Poe, ang ginawa ng China ay tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kundi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na kumpirmahin muna ng pamahalaan ang nasabing ulat bago aksiyunan. (CHRISTIAN DALE)

Read More

TRAVEL BAN TATAGAL PA HANGGANG HULYO 31

0

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021 Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.

Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.

Ang mga bansa ay India, Pakistan, Nepal, Bang­ladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates. (CHRISTIAN DALE)

Read More

LPG SAFETY LAW LUSOT SA BICAM

0

MATAPOS ang 18 taon at pitong Kongreso, magiging isa nang ganap na batas ang panukalang regulasyon para sa industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magsisiguro sa kapakanan at interes ng mga konsyumer laban sa mga ilegal na paraan ng pag-refill at mababang kalidad at depektibong tangke.

Inaprubahan na ng bicameral conference committee noong Martes, July 13, ang panukalang LPG Industry Regulation Act na magtatakda ng alituntunin at pamantayan na dapat sundin ng mga domestic industry player, pati na rin ang pagtatatag ng cylinder exchange and swapping program na magpapahintulot sa mga konsyumer na makabili ng LPG kahit na iba ang brand ng dalang tangke.

“Ngayong may napagkaisahang LPG bill na tayo para pamahalaan ang buong LPG industry, mapupunan na nito ang mga regulatory gaps na naging balakid sa mga industry players at mapapalakas pa ang iba’t ibang mga regulasyong ipinatutupad ng gobyerno. Higit sa lahat, ito’y magtatalaga ng safety standards na unti-unting mag-aalis sa merkado ng mga depektibong tangke para lalo pang mabigyan ng proteksyon ang mga konsyumer,” sabi ng Senate Energy Committee chairperson.

Naging maayos ang deliberasyon ng komite para sa pinal na bersyon ng bill matapos magdesisyon ang Senate panel na sang-ayunan ang mga panukalang mula sa ilalim ng bersyon ng House of Representatives.

Sinuportahan naman ng mababang kapulungan ang mga panukalang probisyon ng Senado hinggil sa kung ano ang dapat ipagbawal sa batas.
Sa napagkayariang pinag-isang bersyon ng Senate Bill No. 1955, kung saan punong may-akda sa Senado at ng House Bill No. 9323 si Gatchalian, magtatalaga ng pamantayan at kaukulang responsibilidad sa industry players, tulad ng importers, bulk suppliers, bulk distributors, haulers, refillers, trademark owners, marketers, dealers, pati na ang mga retail outlets, na sumunod sa pinahigpit na safety protocols.

Pinagdiinan ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng komprehensibong regulatory framework para mapamahalaan ang industriya ng LPG na malawak ang sakop. Ang LPG ay isang pangunahing pangangailangan ng apat sa 10 pamilyang Pilipino at ito’y karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pagluluto. Ginagamit na rin ito para mapatakbo ang mga sasakyan, pagpapailaw at iba pa.

“Dahil karaniwang energy source ng sambahayan ang LPG, marapat lamang na mapangasiwaan natin ang kaakibat na panganib na dulot ng paggamit dito. Napapanahon na ang pagkakaroon ng mga regulasyon at pagsasabatas nito,” sabi ni Gatchalian.

“Matutuldukan na rin ang mga maling gawain ng ilang negosyante tulad ng pandaraya sa timbang at importasyon ng mga second-hand cylinders o containers kapag tuluyan na itong naisabatas,” dagdag pa ng senador. (ESTONG REYES)

Read More

METRO WALANG BANTA NG TERORISMO

0

ITO ang pagtiyak kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar matapos madakip ang dalawang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group sa Taguig City.

Ayon kay Gen. Eleazar, patuloy ang kanilang ginagawang threat validation at sa kasalukuyan ay wala silang nakukumpirmang banta sa seguridad sa Metro Manila.

Pinapurihan naman ni Eleazar ang pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office sa pamumuno ni NCRPO Director Vicente Danao; Southern Police District, Taguig City Police at Joint Task Force NCR sa pagkakaaresto sa mga suspect na sina Taupik Galbun, a.k.a “Pa Wahid,” at Saik Galbun, a.k.a “Pa Tanda” sa isang operasyon sa Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City noong Linggo.

Si “Pa Wahid” ay arrest warrants sa mga kasong kinabibilangan ng 6 count (6) ng Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom at konektado sa yumaong ASG leader na si Isnilon Hapilon at Radulan Sahiron. Kabilang din siya sa ilang insidente ng pamumugot at pagdukot sa Zamboanga City at sa Patikul, Sulu.

Si “Pa Tanda” naman ay iniuugnay rin sa pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witness at may warrant sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom. (JESSE KABEL)

Read More

ON-SITE INVESTIGATION SA WPS GIIT NG SOLON

0

SA halip na pabulaanan agad, iginiit ng isang dating mambabatas sa Kamara na magsagawa ang gobyerno ng on-site investigation sa report na ginagawang inidoro ng China ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay dating Congressman Fernando Hicap ng Anakpawis party-list, kailangan pumunta sa WPS ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para mag-imbestiga at kumuha ng water sample.

Ginawa ni Hicap ang pahayag matapos agad pabulaanan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang report ng US geospatial firm na Simularity na nagtatapon ng dumi ng tao ang mga Chinese vessel sa WPS.

“Our maritime authorities should look into the activities of anchored Chinese vessels to validate this disgusting report once and for all. We likewise urge the BFAR to conduct water sample testing in the area to determine the fecal coliform level,” ayon sa dating mambabatas.

Sinabi ng dating solon na hindi malayong totoo ang ulat ng Simularity dahil daan-daang barko ng Chinese militia ang nakatambay sa territorial waters ng Pilipinas sa WPS.

Malamang na itinatapon nila ang kanilang dumi sa ating karagatan bago sila umalis lalo na’t buwanan ang kanilang ang ilegal na pangingisda sa nasabing lugar.

“More than 200 Chinese vessels are present in our waters for more than three months now. Their activities are unmonitored so who knows what more obnoxious behavior are they engaged in?,” paliwanag nito.

Bukod dito, may malalaking pasilidad na aniya ang China sa ating mga teritoryo sa WPS at tiyak na libo-libong People’s Liberation Army (PLA) personnel ang naka-istasyon doon kaya hindi malayong itinatapon nila ang kanilang dumi sa karagatan. (BERNARD TAGUINOD)

Read More