MAG-INA PINATAY, TIYUHING SUSPEK UTAS SA PNP-PRO5

0

PATAY sa follow-up operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang suspek sa pagpatay sa kanyang pamangkin at 6-anyos niyang apo sa Sorsogon, nang manlaban umano sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo ng Sorsogon Provincial Police Office, kinilala ang suspek na si Joey Llames Blanca, tiyuhin at lolo ng mga biktima.

Una rito, bandang ang alas-diyes noong Huwebes ng umaga nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng Castilla MPS na may mag-inang
pinatay sa mismong bahay ng mga ito sa Sitio Bagongon, Brgy. Tomalaytay, sa bayan Castilla.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at tumambad sa mga ito ang duguang bangkay ni Rose Ann May E. Tariga, 23, at 6-anyos na anak nitong babae na ginilitan ng leeg at pinagsasaksak sa mukha at katawan.

Isa sa motibong nakikita ng Sorsogon Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director P/Col. Arturo P. Brual Jr., ang tangkang panggagahasa sa ginang.

Si Rose Ann ay may tama ng mga saksak sa pagitan ng mga hita, halos maputol ang ulo, at basag ang panga.

Tinitingnan din ang anggulong sekswal na pang-aabuso dahil hubo’t hubad ang ginang nang madatnan ng mga kamag-anak.

Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, mapalad namang naiwang buhay ang isang taong gulang na sanggol na anak din ng biktima na nakitang tigmak din ng dugo.

Sa pakikipag-ugnayan sa mamamayan ng nasabing lugar, bandang alas-2:00 ng hapon ay natukoy ang kinaroroonan ng suspek sa Brgy. Bagalayag, Castilla, Sorsogon.

Habang binabagtas ng mga operatiba ang daan ay namataan nila ang suspek na agad nilang inaresto.

Agad namang inamin ng suspek ang ginawa niyang krimen sa kanyang pamangkin at apo.

Subalit nang pabalik na sa istasyon ng Castilla MPS dakong alas-3:00 ng hapon, pilit na nagpumiglas umano ang suspek, nakipagbuno sa arresting team at inagaw ang baril ng isang pulis sabay tutok at nagbadyang ipuputok.

Bunsod nito, napilitang magpaputok ang mga pulis bilang depensa na ikinamatay ng suspek.

“Mula sa hanay ng kapulisan ng Bicol, nais kong ipaabot ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ng biktima sa kalunos-lunos na sinapitb nito.

Walang sino man ang dapat pang makaranas ng ganitong pangyayari, ang gusto natin ay isang maayos na komunidad at iyon ang pinagsisikapan nating ihatid sa ating mga kababayan.

Nais ko ring pasalamatan at bigyan ng pagkilala ang ating kapulisan na hindi nagdalawang isip puntahan ang kinaroroonan ng suspek.

Bagama’t nalagay ang kanilang mga buhay sa panganib ngunit ‘di nila ito alintana mabigyan lamang ng hustisya ang biktima.

At gayon din sa publiko na nagtimbre sa atin ng pinagtataguan ng suspek,” pahayag ni P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

Read More

LALAKI PATAY SA SUNOG SA MAYNILA

0

HINDI na nakalabas nang buhay ang isang 50-anyos na lalaki nang makulong sa nasusunog na inuupahan niyang bahay nitong Biyernes ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jose Nonie Gregorio, residente ng Arquiza St., Ermita.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, nagsimulang sumiklab ang sunog bandang alas-1:04 ng madaling araw sa ika-2 palapag ng bahay na inuupahan ng biktima sa #443 Arquiza St., sa Ermita.

Ang nasabing paupahang bahay ay pagmamay-ari umano ni Jasmine Liwanag.

Ayon sa report ng Arson Division, umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-2:14 ng madaling araw at tuluyang naapula bandang alas-3:06 ng madaling araw.

Ayon sa isang residente, bigla silang nakaamoy ng usok at napansin ang apoy mula sa silid ni Gregorio sa ikalawang palapag ng paupahang bahay.

Tinangka umano ng ilang residente na apulain ang sunog at iligtas ang biktima ngunit naging mabilis ang pagkalat ng apoy.

May dalawang bahay pa ang nadamay sa sunog na tinatayang aabot sa 15 pamilya ang naapektuhan.

Aabot naman sa P60,000 ang halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog.

Masusing iniimbestigahan ng Arson Division ang insidente upang mabatid kung ano ang naging sanhi ng sunog. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

TRANSITING PASSENGERS ‘DI KASAMA SA TRAVEL BAN – BI

0

NILINAW ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente na ang transiting passengers ay hindi kasama sa travel ban.

Gayunman, ipinaalala ni Morente, na ang kasalukuyang travel restrictions sa mga pasahero mula sa walong bansa ay mananatili hanggang Hulyo 31.

Ayon kay Morente, ang pinalawak na temporary travel ban para sa mga parating mula India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at ang United Arab Emirates ay pinalawig hanggang sa katapusan ng buwan.

“With the recent inclusion of Indonesia, the temporary ban now covers 8 countries,” pahayag pa ni Morente.

Sa advisory mula sa BI, ang mga galing sa walong bansa, tulad ng may travel history mula sa nabanggit na mga bansa sa nakalipas 14-araw mula sa petsa ng kanilang pagdating, ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas.

“Because of this temporary travel restriction, anyone coming from said countries will be excluded, meaning they will be denied entry and returned to their port of origin immediately on the next available flight,” ani Morente. (JOEL O. AMONGO)

Read More

PINAS NAGTALA NG 11 LOCAL DELTA VARIANT CASES

0

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DoH) ng kauna-unahang mga lokal na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isinagawa nilang pinakahuling genome sequencing run ay nakatukoy sila ng 16 bagong Delta variant cases.

Sa naturang bagong bilang, 11 ang lokal na Delta variant cases at lima naman ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Nabatid pa kay Vergeire, sa 11 local cases, dalawa ang natukoy sa Metro Manila at isa sa mga ito ang namatay habang isinusugod sa pagamutan noong Hunyo 28 samantalang ang isa pa aniya ay nakarekober na mula sa COVID-19 noong Hunyo 23.

May anim na Delta variant cases rin na natukoy sa Region 10 at ang lahat ng mga ito ay nakarekober na.

Ang isang lokal na kaso ng sakit ay natukoy sa Metro Manila ngunit may address naman sa Region 3. Ang pasyente ay nakarekober na rin matapos na dapuan ng karamdaman noong Hunyo 27.

“All these cases have no known connection to each other,” pahayag pa ni Vergeire.

Ang dalawa pang lokal na kaso ay natukoy naman aniya sa Region 6 at nakarekober na rin matapos na magkasakit noong Mayo 27.

Samantala, sa limang ROFs naman, isa ang dumating sa bansa mula sa United Kingdom noong Abril 26 at na-tagged na bilang recovered matapos ang 14-day quarantine.

Dalawa pa sa kanila ang dumating mula sa Qatar noong Hunyo 15 at gumaling na rin mula sa karamdaman.

Bineberipika pa umano ng DoH ang arrival date at quarantine status ng dalawa pang ROF cases.

Sa kabuuan ay umabot na umano ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas sa 35.

Unang iniulat na ang Delta variant ng COVID-19 na-detect sa India noong Disyembre 2020, ay mas nakahahawa kumpara sa orihinal na COVID-19 strain dahil sa presensiya ng L452R mutation na ang virus ay may kakayahang makadaan sa immune system ng tao at mas mabilis na kumalat sa mga cell.

Inatasan na ng DOH ang mga apektadong local government units (LGUs) na paghusayin pa ang kanilang contact tracing efforts at magsagawa ng ‘back tracing’ sa Delta variant carriers.

Ayon sa DOH, kailangang mapalawak pa ang pagtunton sa contacts ng mga pasyente hanggang sa third generation para makita kung sinu-sino pa ang apektado nito. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

#1stWorldNetwork: 212 cell site itinayo ng Globe sa NCR mula Enero-Hunyo 2021

0

NAKAPAGTAYO ang Globe ng 212 na mga bagong cell site sa Metro Manila para sa unang anim na buwan ng 2021 sa kabila ng mga hamon na dala ng quarantine restrictions at mga protokol na pangkalusugan.

Napananatili ng kompanya ang momentum sa pagbuo ng kinakailangang imprastraktura ng ICT para mapabuti ang mga serbisyo sa mobile at internet. Patuloy nitong naaabot ang tinatarget na dami ng cell site para sa kasalukuyang taon.

“Kami ay lubos na umaasa na ang mga bagong cell site ay makakatulong na makapagbigay ng mas magandang karanasan sa mobile para sa aming mga customer dahil ang connectivity ay isang mahalagang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Alam namin ang kanilang mga alalahanin kaya ginagawa namin ang aming makakaya para agad matugunan ito. Ang mga cell site na ito ay tiyak na makapagbibigay ng magandang serbisyo hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa mga kalapit na lalawigan,” ayon kay Joel Agustin, Globe SVP para sa Program Delivery, Network Technical Group.

Ang pagsisikap ng Globe na mag-roll out ng network mula noong Enero ay nagresulta rin sa mas maraming naitayong mga cell tower sa Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Cebu, Bulacan at Pampanga.

Mayroong hindi bababa sa 39 na mga bagong tower ang itinayo sa mga pangunahing lokasyon sa Cavite, 26 sa Rizal, at 25 sa Batangas at Laguna. Hindi bababa sa 17 na mga bagong cell site ang inilagay sa Cebu, Bulacan at Pampanga sa unang kalahati ng taon.

Idinagdag pa ni Agustin na nagpapatuloy rin ang mga kahalintulad na aktibidad sa mas maraming lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang walang tigil na paggawa ng Globe para mapabuti ang estado ng pagkakakonekta ng bansa ay nag-resulta sa pagiging pinaka-consistent na mobile network nito sa dalawang magkasunod na quarter ng 2021, na pinatunayan naman ng Ookla®.
Nanatiling nangunguna ang telco sa mobile consistency sa buong bansa kumpara sa kumpetisyon. Ang Consistency Score ng Globe sa Q1 2021 ay 70.43 at sa Q2 2021 ay 75.98

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang UN SDG No. 9 na binibigyang diin ang papel na ginagampanan ng imprastraktura at innovation sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangangako rin ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at 10 sa 17 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Read More

DUTERTE DADALO SA APEC 2021 MEETING

0

DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang ibang world leaders sa 2021 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Informal Leaders’ Retreat, mamayang gabi, araw ng Biyernes (oras sa Maynila).

Ayon sa kalatas mula sa Office of the President, dadalo ang pangulo sa prestihiyosong pulong na ito “via video conference.”

“The President will join his APEC counterparts in a high-level discussion on mitigating the impact of the COVID-19 pandemic and opportunities for collaboration to accelerate economic recovery,” ang nakasaad sa kalatas.

Inaasahan naman na ibi-brief o magbibigay ng tagubilin sina International Monetary Fund Managing Director Kristalina Georgieva at World Health Organization Executive Director Michael Ryan sa mga lider hinggil sa global economic at health responses para sugpuin ang pandemya.

Ang APEC ay kinabibilangan ng 21 member economies gaya ng Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Pilipinas, Russian Federation, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, Estados Unidos, at Vietnam.

Ang Retreat na pamumunuan ng New Zealand ay isa sa “highlights” ng 2021 APEC calendar.

“This is the first time in APEC’s history that leaders have held an extraordinary meeting at leaders’ level, and it reflects our desire to navigate together out of the Covid-19 pandemic and economic crisis,” ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

“APEC economies have suffered their biggest contraction since World War II over the past year, with 81 million jobs lost,” dagdag na pahayag ni Arden.

Ang paliwanag pa ni Arden, ang sama-samang pagtugon ay mahalaga para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya para sa rehiyon.

“Our region has already responded in significant ways, including removing barriers to the efficient distribution of vaccines and related goods, but there is still a lot of work to do to get through the crisis,” aniya pa rin.

Sinabi ni Arden na magbabahagi ang mga lider ng impormasyon para makabuo ng “collective understanding” sa health response ng rehiyon sa Covid-19, at humulma ng “collaborative economic response.”

“The APEC has been responding to the pandemic collectively with numerous policy tools that address many pain points of the health and economic crisis including vaccines and essential goods and services, structural reform, as well as the resumption of safe and seamless cross-border travel,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

Read More

JULY 20 IDINEKLARANG REGULAR HOLIDAY

0

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Hulyo 20, 2021 bilang regular holiday sa buong bansa kaugnay sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Base sa Proclamation No. 1189, na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Huwebes, pinapayagan ang mga Filipino Muslim na gunitain ang Eid’l Adha subalit kailangan pa rin sumunod sa umiiral na community quarantine at social distancing measures.

Ito ang pangalawang pagkakataon na ang Eid’l Adha ay gugunitain sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

Nauna rito, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang Hulyo 20 bilang national holiday upang bigyang daan ang paggunita sa Eid’l Adha.

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang malalaking okasyon para sa Islam.

Nakasaad sa Republic Act No. 9649 na ang Eid’l Adha ay kailangang gunitain bilang regular holiday.

“Eid’l Adha marks the culmination of the hajj (pilgrimage) rites at Minā, Saudi Arabia, near Mecca, but is celebrated by Muslims throughout the world. Like Eid’l Fitr, it is distinguished by the performance of communal prayer at daybreak on its first day,” ayon sa ulat.

Ang festival ay ipinagdiriwang “on the 10th day” ng huling buwan ng Islamic calendar at nagpapatuloy para sa karagdagang tatlong araw.

Ginugunita nito ang pagpayag ni Abraham na isakripisyo ang kanyang anak “as an act of obedience to God’s command.” (CHRISTIAN DALE)

Read More

18 KM NA BAHAGI NG CLLEX MAGAGAMIT NA

0

MAGAGAMIT na ng mga motorista ang unang 18-kilometer na bahagi ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) mula SCTEX/ TPLEX connection sa Tarlac City hanggang sa intersection ng Aliaga-Guimba Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

Pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar kasama si Senador Bong Go ang inauguration ceremony ng 4 lanes toll-free expressway project na magkokonekta sa lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija.

Ang inisyal na bahagi ng CLLEX na bubuksan ay ang mga sumusunod na sections na covered ng 3 contract packages: 4.10 kilometer Tarlac Section, 6.40 kilometer Rio Chico River Bridge Section kabilang na ang 1.5 kilometer Rio Chico Viaduct at Aliaga Section “with up and down ramps” sa Guimba-Aliaga Road.

Ang bagong highway project na ito ay inimplementa ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) sa pamumuno ni Usec. Emil K. Sadain at project Director Benjamin A. Bautista ng UPMO Roads Management Cluster 1 (Bilateral) na nag-doble oras para mai-deliver ang pagtatapos ng proyekto.

Ang CLLEX ay kabilang sa mga pangunahing infrastructure projects na may funding assistance mula sa gobyerno ng bansang Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) bilang pagsuporta sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Ang kabuuang 30-kilometer expressway project ay inaasahan na paiiksiin ang usual travel time na 70 minuto sa pagitan ng Tarlac, City at Cabanatuan City ng 20 minuto na lamang.

Samantala, sa talumpati naman ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na magugustuhan ng mamamayang Filipino ang pinaikling byahe mula 70 minuto at magiging 20 minuto sa pagitan ng Tarlac, City at Cabanatuan City.

“This day marks another milestone in our flagship “Build, Build, Build” program as we inaugurate this 18 kilometer portion of Phase 1 of the Central Luzon Link Expressway or CLLEX. Once completed, this 30 kilometer four lane expressway will not only connect Tarlac City and Cabanatuan City but also improve access to several localities in Tarlac and Nueva Ecija,” ayon sa pangulo.

Kumbinsido ang chief executive na sa pamamagitan ng proyektong ito ay magi-improve ang galaw ng goods o produkto na papunta at magmumula sa Metro Manila at Central Luzon, na malinaw na kapaki-pakinabang naman sa entrepreneurs, consumers at sa ekonomiya.

Sa pagkakataong ito ay pinasalamatan ng pangulo ang gobyerno ng Japan sa pagtulong na pondohan ang konstruksyon ng CLLEX bilang suporta sa national infrastructure program.

“The infusion of P12 billion by the Japan International Cooperation Agency or JICA attests to the indispensable role of Japan as one of our important partners in attaining inclusive program through infrastructure development. I also commend the Department of Public Works and Highways and its partners for the speedy, efficient, and timely completion of this part of CLLEX,” aniya pa rin.

“Just keep in mind that transparency, accountability and integrity must be upheld in all our development projects,” ani Pangulong Duterte.

At sa mamamayang Filipino, tiniyak ng punong ehekutibo na mananatiling committed ang pamahalaan na maisakatuparan ang misyon nito na bigyan ng mas komportableng buhay ang lahat ng Filipino. (CHRISTIAN DALE)

Read More

CCP DONATES BOOKS TO LAHAT NG BATA

0
THE Cultural Center of the Philippines donated various books and other publications to a youth group called Lahat ng Bata in Singalong, Manila.
A variety of publications ranging from books for children from the Philippine Board on Books for Young People (PBBY), publications of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), as well as book donations collected from the Performatura Festival 2019 were turned over to Lahat ng Bata on May 27, 2021.  Some of these books served as admission tickets during the three-day Performance Literature Festival last April 5-7, 2019 with the policy, one book is equivalent to a whole day admission.
The youth group intends to make reading accessible to the poorest families in the neighborhood who could not afford to buy books or learning materials.  Thus, they put up the Lahat ng Bata Community Library.  It was set up along Pag-asa Street in Zapanta, Singalong, Manila, to promote the joy of reading to neighborhood kids reeling from months-long isolation at home.  Pag-asa Street is a community near De La Salle-College of St. Benilde, St. Scholastica’s College, and an estero (inlet canal).
The community library gives readers an access to various book genres such as children’s literature to fiction, self-help books, psychology and philosophy books, even Filipiniana books, among other reading materials. Learning materials from grade school to college are also available.
Lahat ng Bata is also open for hygiene kit donations such as alcohol and facemasks.  For inquiries, contact them at 0929-3779865.  You may also visit their Instagram and Facebook pages at instagram.com/lahatngbata.ph and facebook.com/lahatngbataph.
Read More