PONDO NG HEALTHCARE SA QUEZON, TINAPYASAN?

LUMABAS na rin ang katotohanan na kaya pala malala ang sitwasyon ng healthcare sa North ­Quezon, lalo na sa munisipalidad ng Panukulan Quezon dahil sa diumano’y binawasan ang pondo ng healthcare ng lalawigan. Lumalabas sa deliberasyon ng 2021 badyet ng ­Quezon, natuklasan ni Bokal Sonny Ubana, majority floor leader at pito pang board members ng Sangguniang Panlalawigan na diumano’y tinapyasan ni Quezon Governor Danny Suarez ang pondo para sa mga hospital ng ­mahigit 20 porsiyento. Kailangan yata ng ­paliwanag dito ng ama ng Quezon kung bakit binawasan pa ang pondo…

Read More

OFW NA LIMANG BUWAN NANG MINAMALTRATO

NAGPARATING ng sumbong hinggil sa pagmamaltrato si Michelle Viola na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, sa pamamagitan ng kanyang pamilya. Ayon kay Michelle, nakarating siya sa Saudi Arabia noong Enero 22 ng taong kasalukuyan, sa pamamagitan ng Ozims Manpower Agency. Isinumbong ni Michelle ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang amo na halos ­parang kalabaw na siyang ituring dahil hindi man lang daw siya binibigyan ng pagkakataon na makapag-pahinga. Hindi rin diumano naibibigay sa kanya ang kanyang buwanang sahod. Ngunit, ang mas labis na ikinasasama ng kanyang kalooban ay ang pananakit…

Read More

P160-B AYUDA SA HALALAN

NAPAKARAMI pang pera ang administrasyong Duterte hanggang ngayon. Sa kasalukuyan, mayroon pang P160 bilyon ang pamahalaan para sa 2020, ngunit hindi pa inilalabas ng Department of Budget and Management (DBM). Sabi ni DBM Secretary Wendel Avisado, “for later release” (FLR) ang kategorya ng P160 bilyon. Idiniin ni Avisado na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte ang mayroong kapangyarihan na magpalabas sa DBM ng P160 bilyon. Aniya, inaantay niya ang utos ni Duterte na ilabas ng DBM ang nasabing multi-bilyong pera ng pamahalaan. Ibinatay ni Avisado ang kanyang paliwanag sa prosesong itinakda…

Read More

Sa gitna ng banta ng Delta variant PAGLABAS NG MINORS INAWAT NG METRO MAYORS

(CHRISTIAN DALE) HINILING ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na suspendihin ang polisiya na pinapayagan ang mga kabataang may edad 5 taon pataas na lumabas na ng bahay at makapunta sa ilang piling outdoor areas sa gitna ng banta ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant. “Kami po ay nagbotohan kanina, kami pong mga alkalde, mga mayors.. nag-usap-usap po kami at hinihiling po sana namin sa IATF na baka maaari na ‘yong polisiya tungkol sa 5 year old pataas ay…

Read More

CUSI ‘INUTIL’ SA OIL PRICE HIKES

TALUNAN ang sambayanang Filipino kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi dahil wala itong magawa para maproteksyunan ang mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Ito ang pahayag ni House deputy speaker Carlos Zarate matapos muling magpatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis kahapon na ika-9 sunod na linggo na. “Mula umpisa ng taon, P11.85 na ang net increase sa kada litro ng gasolina, P10.20 sa diesel, at P8.71 sa kerosene, pero wala pa ring ginagawa ang DOE para mapababa ito maski…

Read More

Kahit ‘di umubrang bise presidente CAYETANO TARGET MAGING PANGULO

(BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG makigulo sa presidential race sa 2022 si dating Speaker Alan Peter Cayetano at hindi sa vice presidential race kung saan posibleng makalaban nito si Pangulong Rodrigo Duterte. “I’m considering just either running for president or for reelection sa position ko ngayon,” ani Cayetano sa isang ambush interview hinggil sa kanyang mga plano sa susunod na eleksyon. Si Cayetano ay naging runningmate ni Duterte noong 2016 presidential election subalit natalo ito kaya umuugong na posibleng subukan umano nito na tumakbo sa nasabing posisyon muli. “I’m not really considering…

Read More

QUEZON HEALTH WORKERS PUMALAG SA KAPOS NA BUDGET

UMAALMA ngayon ang mga health worker sa lalawigan ng Quezon makaraang ma-delay ang kanilang sweldo pati na ang mga medical equipment na kanilang ginagamit upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 virus sa probinsya. Ito’y sa kabila umano ng sapat na pondong nailaan para sa pasweldo sa mga empleyado ng kapitolyo simula 2020. Sa panayam kay Sonny Ubana, board member at Majority Floor leader ng Sangguniang Panlalawigan sa nasabing probinsya, naglaan si Quezon Governor Danny Suarez ng mahigit 75.5 milyong pisong pondo para sa pasweldo at mga benepisyo ng mga empleyado…

Read More

STUDENTS IANGAT SA MATH, SCIENCE

SA pagsulong ng inobasyon sa “new normal” at pagbagon ng bansa mula sa pinsala ng COVID-19 pandemic, dapat maging prayoridad ang pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa math at science, ayon kay Senador Win Gatchalian. Para kay Gatchalian na siyang chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture, ang kakayahan ng mga mag-aaral sa math at science ay isang pundasyon sa inobasyon—isang mahalagang aspeto sa pagbangon ng bansa mula sa pangkalusugang krisis at paghahanda para sa anomang krisis na susuungin pa ng bansa sa hinaharap. Matatandaang…

Read More

2 TIRADOR NG GASOLINAHAN, NALAMBAT SA CALOOCAN

ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima ng gasoline stations sa Caloocan City, noong Lunes ng gabi. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head, Lt. Col. Jay Dimaandal ang arestadong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23, ng Hidalgo St., Quiapo, Manila, at John Ray Goopio, 19, ng Building 7, Katuparan. Vitas, Tondo. Dakong alas-11:30 ng gabi, tinutukan ng mga suspek na armado ng .45 kalibreng pistola at cal. .22 revolver, si Edmond Rivera, 39, kahera ng Shell gasoline…

Read More