HIGIT 500K PFIZER VACCINE DOSES PARATING

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 562,770 Pfizer doses ngayong Biyernes ng gabi. Ang shipment ay bahagi ng 40 million doses ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno mula sa American pharmaceutical giant, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ang delivery ay kinokonsiderang “ahead of schedule” taliwas sa naunang pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang delivery mula sa Pfizer ay magsisimula sa Agosto. Ang supply agreement sa Pfizer ay “the biggest and most decisive deal we had for 2021,” ayon kay Galvez. Sa kabilang dako,…

Read More

DOH NAKAPAGTALA NG HIGIT 6K COVID CASES

PATULOY na nadaragdagan ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 6,560 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Biyernes. Sa ulat ng DOH, hanggang 4:00 ng hapon ng Hulyo 21, umaabot na sa 1,524,449 ang total COVID-19 cases sa bansa. Sa naturang kaso, 3.1% na lamang o 47,996 pasyente ang itinuturing pang aktibong kaso kabilang ang 92.1% mild cases, 2.6% naman ang severe, 1.84 ang moderate. May 5,364 namang nadagdag sa mga gumaling kaya umaabot na ngayon sa 1,449,579 ang total recoveries sa bansa. Ang mga…

Read More

MAS MAHIGPIT NA MEKANISMO LABAN SA COVID-19, IPATUPAD

NANANAWAGAN ang ilang senador sa gobyerno na mas higpitan pa ang mga ipinatutupad na hakbangin laban sa COVID-19 upang maiwasang tumaas ang kaso ng Delta Variant sa dangerous levels. Sinabi ni Senador Nancy Binay na hindi lamang ang mismong virus ang kailangang aksyunan dahil karugtong nito ang mga bagay na hindi na rin kontrolado. Ipinaliwanag ni Binay na dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases, napupuno ang mga pagamutan at tiyak na makadaragdag ng stress level healthcare workers ang mga bagong variants. Umaasa si Binay na makahahanap ng mga…

Read More

PAGTATAYO NG ‘BANGKO SA BARYO’ MAKATUTULONG VS PANDEMYA – SOLON

ISANG panukalang batas ang isinusulong ngayon ni Senador Grace Poe upang makapaghatid ng serbisyo ng pagbabangko sa kanayunan dahil parami nang parami ang mamamayan na gumagamit ng digital transaction sanhi ng alalahanin na mahawa ng COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, na kanyang pangungunahan ang isang virtual hearing sa Huwebes upang talakayin ang isang panukalang naglalayong magtayo ng “Bangko sa Baryo.” Ayon sa mambabatas, layunin ng panukala na palawakin ang pagbabangko sa pamamagitan ng “cash agents” at magsilbi sa malawak…

Read More

REELECTION BID SA 2022, KINUMPIRMA NI DE LIMA

KINUMPIRMA ni Senador Leila de Lima na muli siyang sasabak sa 2022 Senatorial Elections. Sinabi ni de Lima na ang naranasang political persecution sa kanya ng Duterte administration ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanyang mga adbokasiya. Dahil anya sa kanyang hindi makatarungang pagkakakulong, mas naniniwala siya na kailangang isulong ang laban sa injustice at ipagtanggol ang human rights. Sa kanyang open letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni de Lima na bigo ang administrasyon na tuparin ang mga pangako nito noong kampanya partikular ang kampanya…

Read More

OFW REMITTANCES, PROTEKSYUNAN – POE

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa financial institutions tulad ng mga bangko at money transfer company gayundin ng mga regulator na paigtingin ang pagbibigay proteksiyon sa mga remittance at money transfer ng overseas Filipino workers (OFW). Batay sa Consumer Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumabas na 96 porsiyento ng mga tahanang nakatatanggap ng mga remittance o padalang pera ay ginagastos ito sa pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya. “Krusyal ang perang padala ng ating mga OFW para maitawid ang kani-kanilang pamilya at ang ating ekonomiya sa…

Read More

SAP FUND SA CALOOCAN IBIBIGAY NA

BIGLANG nag-anunsyo sa kanyang social media account si Caloocan City Oscar “Oca” Malapitan na mayroong Social Amelioration Program (SAP) pay-out sa lungsod. Hulyo 16 nang ilabas ng ­alkalde na may manual pay-out mula sa lumabas na listahan ng mga pangalan na ­makatatanggap ng SAP second-month at waitlisted beneficiaries ng lungsod. Ayon pa kay Malapitan, ang listahan ay ibinaba sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay mula sa mga nakaraang pay-out na unsuccessful at unclaimed ng GCash at Starpay. Nakapaloob pa sa anunsyo ni Malapitan na…

Read More

‘DI BA TALAGA KAYA ANG OIL COMPANIES?

ISA sa mga negosyo na hindi apektado sa panahon ng pandemya ay ang mga kumpanya ng langis dahil kahit lugmok ang mga tao dahil nawalan, kundi man mababawasan ang kanilang income, tuluy-tuloy ang kanilang lingguhang oil price increase. Laging sinasabi ng mga oil company na nalulugi sila, pero ‘yung sinasabi nilang lugi ay ‘yung target na income na hindi nila nakuha dahil nalimitahan ang paggamit ng mga tao ng krudo dahil sa pagtigil ng ilang negosyo. Katunayan, ang Petron ay nagdeklara ng P1.73 ­bilyong profit sa unang tatlong buwan ng…

Read More

‘COSA’ KOLEKTOR SA IMMIGRATION

NAPAKAPALAD naman ng isang nilalang na matatagpuan sa Bureau of Immigration (BI) dahil kundi papel ang hawak nito, pera. Akala mo tuloy kubrador sa jueteng ang taong ito na tawagin nating “Cosa”. Pero, hindi siya kubrador ng jueteng, o anumang ilegal na sugal dahil bawal ito sa BI. Ayon sa tao na masasabi nating kabisado ang BI, si alyas Cosa ay kolektor daw sa BI. Pokaragat na ‘yan! Ang kinokolekta ng nasabing Cosa ay pera mula sa ilang nagtatrabaho sa BI. At ipinapadala raw ang kanyang nakukolekta sa kanyang ‘amo’…

Read More