Kinastigo sa panduduro sa mga doktor ROQUE KUMAMBYO NAG-SORRY

0

HUMINGI ng paumanhin si Presidential spokesperson Harry Roque matapos mabatikos dahil sa kumalat na video kung saan makikita na sumabog ang kanyang galit laban sa mga medical doctor na nagpanukala sa pamahalaan na magpatupad ng hard lockdown.

Nangyari ang insidenteng ito sa isang meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Inamin ni Sec. Roque na naging emosyonal lamang siya matapos marinig ang panukala ng dalawang doktor na magpatupad ng hard lockdown ang gobyerno.

“Kinukumpirma ko na tayo’y naging emosyonal at pasensiya na po kayo, tao lamang,” aniya.

Base sa nag-leak na video ng meeting ng COVID-19 task force, nagalit si Sec. Roque at dinuro ang computer screen matapos na hikayatin ng ilang doktor ang pamahalaan na pigilin ang pagpapaluwag ng lockdown sa Kalakhang Maynila.

“It does not mean that we care any less. And let me point out to everyone, this group, they have never said anything good about the government response,” maririnig na sinabi ni Sec. Roque sa video sabay taas ng boses at dinuro ang computer screen.

Ito umano ang naging tugon ng kalihim kay Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, na hinikayat ang pamahalaan na huwag paluwagin ang quarantine status sa Kalakhang Maynila sa pangamba na sumirit pa ang COVID-19 cases.

“Do not sit there as if you’re the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people?” ang tugon ni Roque kay Limpin sa video.

“Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives. For crying out loud, no one in the government wants a single life lost. No one! How dare you think that we are not considering steps to prevent the loss of lives?” dagdag na pahayag nito.

May isang opisyal naman ang pinakalma si Sec. Roque at sinabing “Relax, partner, relax.”

Dahil dito, sa twitter ni dating government adviser Dr. Tony Leachon ay kumbinsido ito na kailangan at karapat-dapat lamang na humingi ng paumanhin ni Sec. Roque sa mga health worker dahil sa magaspang na pag-uugali nito.

Naniniwala naman si Dr. Leni Jara ng Shape Up to Defeat COVID-19 group na kailangan ngang humingi ng paumanhin ni Sec. Roque sa medical professionals.

Tinatayang may 103 medical workers ang namatay sa panahon ng pandemya, bukod pa sa 33,500 coronavirus fatalities sa kabuuan.

Hirit naman ni Alliance of Health Workers president Robert Mendoza ang pagbibitiw ni Roque at ng iba pang miyembro ng gabinete dahil sa pang-insulto sa medical professionals.

“Siguro panahon na rin magsabay-sabay na po mag-resign ‘yung mga Cabinet member na hindi po talaga kaaya-aya sa mamamayang Pilipino,” ayon kay Mendoza.

Habang si Filipino Nurses United president Maristela Abenojar ay nagsabing hindi umano nararapat si Roque sa boto ng taumbayan kung tatakbo siya sa Senado sa halalan sa 2022.

Sinabi naman ni Roque na ang meeting ng grupo ay dapat sana’y “classified secret” dahil ang kanilang desisyon ay makaaapekto sa mamamayang Filipino.

Roque, arogante – solon

Para naman sa isang mambabatas, pagiging arogante ang ipinakita ni Roque sa nasabing pulong.

“Ang arogante ng ginawa ni Harry Roque na tinaasan niya ng boses ang mga health worker na nais magpahayag ng mga saloobin at ipaalam kung ano ang akmang gawin para sa mga nakakalitong health protocols,” ani Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat.

Ayon sa mambabatas, walang katumbas ang ginagawa ng mga health worker dahil kahit kahit hindi sila nakatatanggap ng special risk allowances ay ginagawa pa rin ng mga ito ang kanilang trabaho para magligtas ng buhay ng mga tao.

“Wag mong idaan sa galit, makinig ka sa kanila dahil sila ang nakakaalam sa pagtugon sa pandemya kaya kalmahan mo ang sarili mo,” payo ng lady solon kay Roque.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na walang karapatan si Roque na pagalitan ang mga medical frontliner dahil sa simula pa lamang aniya ng pandemya ay palpak na ang gobyerno sa pagtugon dito.

Dapat aniyang matutunan ni Roque na irespeto ang mga medical frontliner na nagligtas sa kanyang buhay nang tamaan siya ng COVID-19 noong Abril.

“This is what they get in return? Hindi na dapat maulit ito, at para hindi na ito maulit eh baka kailangan nang magpahinga ni Roque. It seems his outburst is due to his mounting stress in repeatedly defending the indefensible failures of the Duterte administration,” ayon pa kay Gaite. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE/RENE CRISOSTOMO))

Read More

UGNAYAN NI ‘ALLAN LIM’ KAY DU30 PINASISIYASAT

0

INUNGKAT ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes ang koneksyon ng Chinese national na si “Allan Lim” sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Hontiveros, si Lim ay nakunan ng video noong 2017 na kasama sa pagpupulong ni Pangulong Duterte at mga executive ng Pharmally na ngayon ay sangkot sa anomalya.

“Siya din ba yung Allan Lim o Lin Weixiong na ayon kay anti-drug operator Eduardo Acierto ay sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga?

Kailangan natin alamin ang lahat ukol sa taong ito. Kung totoo man na siya ito, nakakabahala na ganyan ang mga taong nakapaligid sa Pangulo,” ayon kay Hontiveros.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ipinakita ng senadora ang larawan ni Allan Lim kasama si Rose Nono Lin, na isang incorporator ng Pharmally Biological Inc., na sister company ng Pharmally Pharmaceutical. Ayon sa mga source ni Hontiveros, asawa ni Rose Lin si Allan Lim.

Napag-alaman din na si Lin ay incorporator ng Full Win o Fu De Sheng Group sa Pilipinas, na pinamumunuan ng former presidential economic adviser na si Michael Yang. Ang chairman ng Full Win na nakabase sa Xiamen, China – si Zheng Bingqiang – ay wanted sa Taiwan dahil sa pagmamanipula ng mga stock ng Pharmally.

“Susi si Rose Nono Lin para maliwanagan ang komite sa kaduda-dudang mga koneksyon na ito. Pwedeng-pwede siyang maimbita sa hearing kasi hindi siya mahirap hanapin. Sa katunayan, kalat na kalat ang tarpaulin niya sa 5th District ng Quezon City, may sarili siyang YouTube channel, at aktibo siya sa social media. Mukhang tatakbo pa nga siya sa Kongreso bilang kinatawan ng 5th District ng Quezon City,” ani Hontiveros nang maghain siya ng mosyon sa komite para ipa-subpoena si Lin.

Nauna nang isiniwalat ni Hontiveros na ang mga executive ng Pharmally, ang pinakamalaking supplier ng medical supplies para sa pandemic response ng bansa, ay mga pugante na hinahanap ng gobyerno ng Taiwan.

“It seems these people run in the same circles. Dapat masagot nila ang ugnayan nilang lahat, at kung bakit mukhang ang lakas nila sa Pangulo. Naniniwala akong hindi habambuhay matatago ang anomang alingasaw at baho,” pagtatapos ni Hontiveros. (ESTONG REYES)

Read More

Pinalalabas ng solon P160-B PONDO NA-HIJACK NG DBM

0

(BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA kahapon si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa gobyerno na ilabas na ang P160 Billion halaga ng mga proyekto na nakapaloob sa FLR o For Later Release lalo na’t kailangang gumastos ang gobyerno upang mabuhay ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

“The Department of Budget and Management (DBM) has effectively hijacked these funds by withholding them. The President should direct the DBM to immediately release the money,” ayon sa mambabatas.

Bahagi ng 2021 national budget ang nasabing pondo subalit hanggang ngayon ay ayaw umanong irelease ng DBM dahil kailangan muna ang go-signal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mambabatas, labag sa batas na patuloy na i-hijack ang nasabing pondo bukod sa hindi umano ito makabubuti sa ekonomiya ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bukod dito, nilalabag din umano ng Malacanang ang power of the purse ng Kongreso sa pagtuloy na pag-embargo sa nasabing pondo gayung nakadetalye na kung saan-saan ito gagamitin.

Ang tanging trabaho aniya ng Pangulo ay iveto ang ginawang batas ng Kongreso.

“It cannot be overemphasized that our people are suffering from the Covid-19 pandemic and are barely making both ends meet. We need to give them jobs and income, and the best way to do that is to spend funds for infrastructure, social services, and other projects. The government should be the biggest creator of livelihood opportunities,” ayon pa sa mambabatas.

Read More

NAPAPANAHONG DATOS HIRIT SA NEDA

0

HINILING ni Sen. Grace Poe sa National Economic and Development Authority (NEDA) na magsumite ng kinakailangang datos sa inaasahang epekto ng panukalang pag-amyenda ng Public Service Act (PSA) sa mga industriya tulad ng power generation, transportation, broadcasting at telecommunication.

“Liberalizing certain sectors is going through a hurdle because of national security concerns that we have to balance with economic concerns,” sabi ni Poe.

“If you’re not going to make our argument strong enough by providing data, we might not be able to get what we want from here, which is the spirit of the law—liberalizing our economy,” dagdag pa nito.

Ayon kay Poe, bagama’t ang NEDA ang lead agency na nakatalaga sa PSA, may ilang punang kulang ang suporta ng ahensiya sa pagbuo ng panukala, partikular sa pananaliksik at datos.

Tinanong ng senadora ang ahensiya kung paano magbebenepisyo ang ekonomiya at lokal na sektor at industriya sa pagpasa ng panukalang ito.

Nauna nang sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang agarang pagpasa ng panukala na magpapalakas sa economic recovery ng bansa sa gitna ng pandemya, isa na doon ang PSA.

Nagpahiwatig din si NEDA Sec. Karl Chua na dapat ipasa ang PSA na magbubunsod ng interes sa sektor ng telekomunikasyon at transportasyon, lalo na’t malaki ang agwat sa pagitan kung paano makakapagbigay at kung gaano kalaki ang aktuwal na pangangailangan ng bansa.

Hiniling din ni Poe sa NEDA na pangunahan at akuin ang responsibilidad sa pagtitiyak na maibibigay ng ahensiya ang kontribusyon nito para sa panukala upang maprotektahan ang interes ng publiko. (ESTONG REYES)

Read More

LAGUNA LAKE DAPAT NANG HUKAYIN PARA IWAS-BAHA

0

ISANG dekada makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyong ibasura ang bilyong dolyar na halagang Laguna de Bay dredging project, nanawagan ang isang alkalde sa lalawigan ng Laguna na ituloy na ang proyekto sa hangaring maiwasan ang pagbaha sa kanilang lalawigan, partikular sa lungsod ng Biñan.

Ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila, lubhang maliit na ang kapasidad ng lawa kaya naman umaapaw na ito sa tuwing may matinding pagbuhos ng ulan.

Bukod sa Biñan, malaking bahagi ng Laguna ang napaulat na lubog sa baha dulot ng bagyong Jolina.

Ani Dimaguila, sukdulang dusa ang inaabot ng mga residente sa kanilang mga lakeshore barangays dahil inaabot umano ng tatlong buwan bago humupa ang tubig sa mga nasabing lugar na malapit sa mismong Laguna de Bay.

Nito lamang nakaraang Miyerkules, binayo ng walang tigil na buhos ng ulan ang mga lalawigang nakapalibot sa Laguna de Bay – dahilan upang bumaha ang maraming baybaying lokalidad sa nasabing rehiyon. Kabilang sa mga lubhang naapektuhan ay ang mga lakeshore municipalities.

Sa lungsod ng San Pedro, hanggang dibdib ang naitalang lalim ng pagbaha sa 10 barangay nito.

“Hangga’t hindi dine-dredge ng national government ang Laguna Lake para tumaas ang capacity niya mag-stock ng tubig, lagi ganito ang mangyayari sa Biñan at mga karatig-bayan,” bunton ni alkalde na pagtukoy sa multi-billion dollar dredging project na una nang ibinasura ng noo’y Pangulong Noynoy Aquino at kalaunan ay pinagtibay pa ng Korte Suprema.

Gayunpaman, hindi lamang dredging ang nakikitang solusyon ng mga environmental groups. Anila, mas mainam na solusyon sa pagbaha ay ang pagtatanim ng puno sa mga kinalbong kabundukan sa paligid ng lawa at ang maayos na solid waste disposal system ng bawat lokalidad. (CYRILL QUILO)

Read More

KAHIT MAY COVID PWEDENG BUMOTO – COMELEC

0

 Hindi mawawalan ng kapangyarihan ang sino mang Filipino na makapamili ng kanilang mga susunod na lider sa 2022 dahil maaaring makaboto pa rin ang mga ito kahit positibo sila sa COVID-19.

Ito ang tiniyak ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sheriff Abas sa pagdinig ng House Committee on Appropriation sa P26.7 billion na pondo ng komisyon sa susunod na taon.

“If a registered voter is tested positive for COVID, can that registered voter vote in upcoming May 9 national and local elections?” tanong ni Zamboanga Rep. Manuel Dalipe, vice chairman ng nasabing komite kay Abas.

“Oo naman po. Pwede po silang bumoto,” sagot ni Abas at idinagdag na “…gagawan po namin ng paraan na magkaroon ng parang isolation center sa bawat polling center, so ihihiwalay po natin sila just in case they will be confirmed and then doon natin sila pabobotohin doon sa isolation center.

Ginawa ni Dalipe ang nasabing pagtatanong dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Filipino na nagpopositibo sa COVID-19 at sa nakaraang mga araw ay hindi bumababa sa 20,000 ang tinatamaan ng nasabing virus.

Dahil dito, nangangamba umano ang mga mambabatas na kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay posibleng hindi makaboto ang COVID-19 registered voters sa susunod na halalan.

Pinawi ni Abas ang pangamba ng mambabatas dahil magtatayo umano ang mga ito ng isolation centers kung saan maaaring bumoto ang COVID-19 positive voters.

Samantala, sinabi ng komisyon na 12 oras ang ibibigay nilang panahon sa mga botante para makaboto sa Mayo 9, 2022 o mula ala-sais ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Maaari pa umanong humaba ang oras na ito kapag may nakapila pa para bumoto bago sa cut-off period na ala-sais ng gabi.

Kinumpirma rin ng komisyon na aabot sa 102 party-list organization ang maglaban-laban sa 20% seat sa Kamara kasama na ang dalawang baguhan mula sa 245 grupo na nag-apply para sumali sa party-list election. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

APPOINTMENT NI PARLADE SA NSC IKINABABAHALA

0

HINDI na ikinagulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ret. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang Deputy Director General ng National Security Council (NSC).

“Inaasahan ko na ang pagtatalaga ng pangulo kay Parlade sa ano mang posisyon sa gobyerno dahil mahilig naman si Duterte mag-recycle ng basura,” pahayag ni ACT Party-list Rep. France Castro.

Si Parlade na dating South Luzon Command chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagretiro sa serbisyo noong Hulyo.

Sinabi ng mambabatas, kailangan ni Duterte si Parlade upang maipagpatuloy nito ang kanyang misyon na sirain ang kanyang mga kritiko kasama na ang kanilang grupo lalo na’t malapit na ang eleksyon.

“Kilalalang rabid red-tagger si Parlade at komander ng paglabag sa mga karapatang pantao kaya naman pakikinabangan ito ni Duterte para lalo pang siraan ang oposisyon at Makabayan bloc ngayong panahon ng eleksyon,” ayon sa mambabatas.

Patunay rin umano ang pagpapatalaga ni Duterte sa NSC na mas pinagtutuunan ng pansin ang problema sa kanyang mga kritiko imbes ang pandemya sa COVID-19 lalo na’t patuloy ang pagdami ng kaso.

Dahil dito, inaasahan na umano ng mga ito ang mas matindi pang red-tagging activities sa mamamayan at grupo na nagpapahayag lang ng kanilang saloobin sa gobyerno.

“Ang pagtatalaga kay Antonio Parlade bilang National Security Deputy Director General ay walang ibang kahahantungan kundi ang mas matinding pagpapalaganap ng red-tagging laban sa human rights defenders, guro, magsasaka, abogado, manggagawang pangkalusugan, unyonista at kahit sinong mambatikos sa palpak na mga polisiya ng gobyerno,” ayon pa kay Castro.

Subalit ang ikinababahala ng mambabatas ay kung mauwi ito sa mas madugong operasyon laban sa mga kritiko ng administrasyon tulad ng mga aktibista na pinatay matapos umanong i-redtag ang mga ito ng NTF-ELCAC. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

3 TIKLO SA VALENZUELA DRUG BUY-BUST

0

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, ang mga arestado na sina Leandro Villegas, 36, company driver; Joel Solis, 40, scrap agent; at Joey Leccio, 29-anyos.

Ayon sa ulat ni SDEU investigator P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo, ng buy-bust operation sa harap ng Blk. 13, Milestone Subd., Brgy. Karuhatan.

Nagawang makipagtransaksyon ni P/Cpl. Maverick Jake Perez na umaktong poseur buyer, ng P500 halaga ng shabu kina Villegas at Solis.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na sina P/Cpl. Noriel Boco at P/Cpl. Isagani Manait saka dinamba ang mga ito kasama si Leccio.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P40,800, buy-bust money, P1,000 cash, at dalawang cellphones.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (FRANCIS SORIANO)

Read More

Bugbog sarado bago ikinulong HOLDAPER KINUYOG NG TAUMBAYAN

0

BAGO makulong ay binugbog muna ng taumbayan ang umano’y notoryus na holdaper makaraang biktimahin ang isang saleslady sa Malabon City noong Huwebes ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon Police deputy chief, P/Lt. Col. Rhoderick Juan ang arestadong suspek na si Bryan Jame Eusebio, 33, residente sa Vicencio St., Brgy. Niugan.

 

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 chief, P/Maj. Patrick Alvarado, habang binabantayan ang tindahan na Margaux Footwear sa No. 315 General Luna St., Brgy. Baritan ng saleslady na si Samanta Santos, 18, dakong alas-5:00 ng hapon nang lumapit ang suspek at tinutukan siya ng baril sabay nagdeklara ng holdap.

 

Sa pangamba sa kaligtasan, hindi pumalag ang biktima nang sapilitang kunin ng suspek ang kanyang cellphone na P7,000 ang halaga at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

 

Gayunman, hinabol ang suspek ng mga bystander at nang makorner ay pinagtulungan siyang bugbugin hanggang sa dumating ang nagrespondeng mga tauhan ng SS7 at mga barangay tanod.

 

Nabawi sa suspek ang cellphone ng biktima at ang toy gun na ginamit nito sa pagholdap sa saleslady. (FRANCIS SORIANO)

Read More