PAGSIRA NG YOSI PARA IWAS SA TB

0

SANDAMAKMAK na sigaril­yong bigong ipuslit sa merkado ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa hangaring tuldukan ang paulit-ulit na tangkang pagpupuslit ng mga iligal na kargamento sa bansa.

Sa pangunguna ng BOC-Port of Cagayan de Oro, winasak sa loob mismo ng Digama Warehouse and Destruction Facility ang P30-milyong halaga ng mga kumpis­kadong sigarilyong nasabat sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong nakaraang Mayo.

Sa pagtataya ng Port of CDO, aabot ng 48,850 reams na sigaril­yong nakapaloob sa 977 master cases ang sinira gamit ang isang shredder equipment, sa pagnanais na hindi na ito makarating pa sa merkado.

Sa datos ng BOC, isang Lorna Oftana ng General Santos City ang nakatalang consignee ng nasabing shipment na ikinubli bilang “personal effects.”

Kasama sa isinagawang pag­wasak sa mga kumpiskadong sigarilyo sina Port of Cagayan de Oro District Collector Elvira Cruz, Deputy Collector for Operations Elizabeth Delas Llagas, CIIS CDO Field Station Chief IO1 Oliver Valiente, ESS-CDO District Commander SP/Capt. Abdila Maulana Jr., ESS CDO Deputy District Commander SP/Lt. Arkhan Macaombang, Warehouse In-Charge Maida Dimakuta at Mr. Richard Paragas bilang kinatawan ng Philip Morris.

Kasong paglabag naman sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang inihain na ng BOC laban kay Oftana.

Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mas paiigtingin pa ng kanilang kawanihan ang kampanya kontra smuggling. Babala pa nito, ipakukulong ang iba pang magtatangkang magpuslit ng mga iligal na kargamento kasunod ng paghahain nito ng kaso sa mga importer, consignees at customs brokers nito lamang nakaraang linggo. (BOY ANACTA)

Read More

ROQUE: BATIKOS NI DUTERTE DEPENSA SA MGA INOSENTE

0

BINIGYANG katuwiran ng Malakanyang ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pag-atake sa mga senador na nag-iimbestiga sa 8 bilyon pisong pagbili ng pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sinabi ni Sec. Roque na nais lamang depensahan ng Pangulo ang mga inosente.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa tanong kung bakit tila abala ang pangulo sa pag-atake sa mga senador sa gitna ng patuloy na pagtaas araw-araw ng bagong COVID-19 cases, na umabot na sa 26,000 para lamang sa nakaraang linggo.

“Walang hupa ang COVID response. Pataas nang pataas ang mga nababakunahan. Pero importante na panindigan ng Presidente ang mga tao na sa tingin niya ay walang pagkakasalang nagawa,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PAGPAPABUSISI NG MALAKANYANG SA PRC PWEDENG ILAPIT SA KORTE

0

MAAARING lumapit ang Malakanyang sa korte para pilitin ang Philippine Red Cross (PRC) na buksan at isumite ang kanilang financial records kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay dahil sa kabiguan umano ng PRC na isumite ang financial records sa Chief Executive na nagsisilbing ‘honorary president’ ng organisasyon.

“For one, kung hindi kusa magbigay ng report, we can go to court to compel them to comply with what the law asks them to do,” ayon kay Presidential legal counsel Salvador Panelo.
“Kapag hindi pa rin sila gumawa niyan, mayroon silang liability. Kung five years sila hindi nagsusumite, mayroon silang violation,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, nagbanta si Pangulong Duterte na mapipilitan siyang putulin ang anomang pakikipag-transaksyon sa Philippine Red Cross (PRC) kapag tumanggi si PRC Chairman Senator Richard Gordon na ma-audit ang kanilang pondo.

Ayon kay Duterte, kapag nangyari ito, ituturing niya na hindi nag-e-exist ang PRC. (CHRISTIAN DALE)

Read More

SOLAR MODULES MULA CHINA, SABAT SA CEBU

0

SA halip na makatipid, bulil­yaso ang negosyo ng isang importer makaraang masabat ng mga kawani ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) ang 470 panels ng mga bagong solar modules na inangkat pa mula sa bansang Tsina.

Sa pagtataya ng BOC-POC, aabot sa P2.6 milyon ang halaga ng mga nasabat na brand new solar modules na nasilat ng kawanihan sa Port of Cebu nito lamang nakaraang Martes.

Sa pahayag ng BOC, deklarado bilang Used Solar Modules ang nasabing karga­mentong agad nilang inindorso sa BOC Environmental Protection and Compliance Division-Enforcement and Security Service (EPCD-ESS) bilang pagtitiyak na walang peligrong dulot ang mga ito sa kalusugan at kapaligiran.

Kasama ang mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ESS, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS),

X-Ray Inspection Project Team, Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), agad na nirebisa ang laman ng nasabing kargamento subalit sa halip na lumang solar panels, tumambad ang mga bago at selyado pang solar modules.

Sa isinagawang beripika­syon, lumalabas na walang pre-shipment importation clearance ang nasabing kargamento. Paliwanag ng kinatawan ng importer, hindi na kailangan ng clearance mula sa DENR ang kanilang importasyon dahil brand new solar modules naman ito.

Bunsod nito, maagap na nagpalabas ng Alert Order at Warrant of Seizure and Detention si POC acting District Collector Charlito Martin Mendoza dahil iba aniya ang deklarasyong nakasaad sa mga isinumiteng dokumento sa kanilang kawanihan.

Ani Mendoza, isang malinaw na paglabag sa Customs Modernization Act ang maling deklarasyon sa mga kalakal. Lumalabas din sa kanilang pagtatala na hindi bababa sa P190,000 ang nawala sa gobyerno bunsod ng misdeclaration.

Dagdag pa ng opisyal, “grossly undervalued” ng 155% ang nasabing kargamento.

Read More

Yosi, oto at ukay inembargo SMUGGLERS KINASUHAN

0

KASONG kriminal ang inihain ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kumpanya, importers at customs brokers na nagtangkang magpuslit ng P89-milyong halaga ng mga kontrabandong naglalaman ng mga sigarilyo, sasakyan, ukay-ukay at iba pang kalakal sa Port of Subic at sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan.

Kasong paglabag sa Customs Modernization Act ang isinampa laban sa Shemala International Commercial Equipment Whole­saling at sa kanilang customs broker sa maling deklarasyon ng P69.74-milyong halaga ng sigarilyong nasabat sa Port of Subic nito lamang nakaraang Agosto.

Kabilang din sa kasong isinampa ang mga kasong paglabag ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, National Tobacco Administration (NTA) Board Resolution 079-2005, National Tobacco Memorandum Circular No. 03, s. 2004, Intellectual Property Code of the Philippines, at Revised Penal Code.

Patong-patong din ang demandang kinakaharap ng JLFDM Consumer Goods Trading para sa pag-angkat ng mga luxury cars — isang Ferrari Scuderia, tatlong Mercedes Benz, isang Porsche Boxster at dalawang Toyota MRS. Bukod sa mamahaling sasakyan, tinangka rin umanong ipuslit ang 79 balyenang naglalaman ng mga pinaglumaang damit at iba pang kalakal.

Sa pagtataya ng BOC, aabot sa P19.5 milyong halaga ang tinangka nitong ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nito lamang buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga asuntong isinampa ng kawanihan laban sa nasabing kumpanya ang mga paglabag sa CMTA kaugnay ng EO 877-A (Comprehensive Motor Vehicle Development Program), at RA 4653 (An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles commonly known as Used Clothing and Rags) na mahigpit na nagbabawal sa pag-angkat ng ukay-ukay.

Mula buwan ng Enero, naka­pagsampa na ng 69 kasong kriminal ang naihain laban sa 220 indibidwal at customs brokers na umano’y sangkot sa iregularidad at iligal na aktibidades.

Hindi rin pinalusot ng BOC ang 48 licensed customs brokers na nahaharap sa kasong administratibo sa Professional Regulation Commission (PRC). (joel amongo)

Read More

$20B IPINUSLIT NA EPEKTOS KUMPISKADO MULA ENERO

0

SA kabila ng peligro na dulot ng pandemya, hindi nagpa­tinag ang mga sindikato sa likod ng mga smuggling activities sa bansa – isang bagay na pinaghandaan ng Bureau of Customs (BOC) bunsod ng direktibang tiyakin ang pagkolekta ng husto at naaayon sa mga lumalabas at pumapasok ng kargamento.

Ayon mismo sa Department of Finance (DOF), naging epektibo ang BOC sa pagtupad ng kanilang mandato. Patunay pa anila ang halos $20-bilyong halaga ng epektos na nakum­piska ng kawanihan mula Enero ng kasalukuyang taon – kabilang ang P15-bilyong halaga ng mga counterfeit merchandise na nasabat sa unang semester ng 2021.

Pasok din sa talaan ng mga nasabat ng BOC ang umano’y P1.9-bilyong halaga ng droga sa loob din ng kalahating taon.

May katumbas na halagang P1.2 bilyon naman ng mga ipinuslit na sigarilyo ang nakum­piska ng BOC sa ilalim ng mas mahigpit na border security sa mga port of entries sa 17 rehiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Binigyang pagkilala naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanilang mga kawani at operatibang matiyagang nakibahagi sa 615 operasyon ng kanilang ahensya.

Mula Enero ng kasalukuyang taon, nasabat din ng nasabing kawanihan ang P887.6 milyong halaga ng iba’t ibang kalakal (general merchandise), P267.3 milyong halaga ng mga produktong agrikultura, cosmetic products, personal protective equipment (PPE) at mga medical supplies para sa kabuuang halagang P182.5 milyon.

“The BOC also seized P290-million worth of currency, jewelry, fuel, chemicals, steel products and other items,” ayon pa sa pahayag ng DOF.

Kumpiskado rin sa mahigpit na pagbabantay ng mga puwerto ang iba’t ibang klase ng sasakyang may kabuuang halagang P77.5 milyon, P56.6-milyong halaga ng ukay-ukay, P23.6-milyong halaga ng mga electronic products at piyesa nito, P3.9-milyong halaga naman
ng mga exotic at endangered animals.

Bahagi rin ng ulat na isinumite ni Guerrero sa DOF ay ang pagsasampa ng 67 kasong criminal laban sa 217 pinaniniwalaang smugglers.

Sapul din ng kasong administratibo ang 48 customs brokers na nanganganib na matanggalan ng lisensya ng Professional Regulatory Commission (PRC) sakaling mapatunayang nagkasala.

Read More

BULKANG TAAL BANTA PA RIN

0

NANANATILING banta pa ang Bulkang Taal bunsod ng patuloy na pagbubuga ng nito ng volcanic fumes na sinabayan pa ng mahinang ashfall sa paligid nito, saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pinakahuling bulletin.

Ayon sa Phivolcs nakapagtala din ng siyam na pagyanig ng lupa – apat dito ay volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang tatlong minute. Rumehistro din ang limang low-frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor.

Sa bandang bunganga ng bulkan, mayroon din umanong pagsampa ng kumukulong volcanic fluids, bukod pa sa ibinubugang usok na may taas na 2,500 meters patungong hilagang silangan.
Sa pagtatala ng Phivolcs, nasa 5,246 tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng nasabing bulkan.

Nananatili pa rin sa Alert level 2 ang Bulkang Taal. Mahigpit na rin ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na bahagi ng permanent danger zone. (CYRILL QUILO)

Read More

17 DEATH TOLL KAY JOLINA

0

KINUMPIRMA ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 17 na ang bilang ng reported deaths sa pananalasa ng bagyong Jolina sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang pito ang iniulat na nawawala.

Ngunit tatlo pa rin ang kasalukuyang kinukumpirma ng NDRRMC na namatay sa bagyong Jolina na umano’y na-validate ng DOH na namatay talaga sa bagyo, habang apat naman ang nawawala.

Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad, ang nadagdag sa talaan ng mga namatay ay ang mga mangingisdang sina Almario Mingueto, 63, at Bobby Villavicencio, 46, kapwa ng Barangay Tungib sa Buenavista, Marinduque.

Kasama sila ng 21-anyos na si Jovert Garay na unang naiulat na namatay dahil sa paglubog ng kanilang bangkang pangisda noong nakaraang Martes.

Karamihan din sa 14 napaulat na namatay ay mga mangingisda at may pito katao pa ang nawawala.

Sa kabuuan, 81,048 pamilya na binubuo ng 313,373 indibidwal, ang naapektuhan ng nagdaang bagyo, na naminsala rin ng 8,924 kabahayan.

Samantala, sabi pa ni Jalad, 2,780 pamilya o 11,145 indibidwal sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Regions ang naapektuhan ng bagyong Kiko.

Wala pa namang iniulat na namatay sa pananalasa ng ika-11 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon. (JESSE KABEL)

Read More

2 RAPIST NASAKOTE NG PNP-PRO5

0

DALAWANG lalaki na pawang wanted sa krimeng panggagahasa sa probinsya ng Camarines Norte, ang nadakip sa mas pinatinding na kampanya kontra wanted persons ng PNP Police Regional Office 5.

Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinailangang

dumayo pa sa Barangay Sta. Maria, Guinayangan, Quezon ang mga operatiba ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) upang tugisin ang ika-pito sa municipal most wanted person (MMWP) ng Sta. Elena, Camarines Norte na kinilalang si Luis Bruto y Reobilo, 40-anyos, may asawa at tubong Sitio Nagsingi, Barangay San Pedro ng nasabing bayan.

Ang suspek ay naaresto noong Linggo ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region Branch 64, Labo, Camarine Norte para sa kasong 2 counts ng rape na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nadakip din sa inilatag na manhunt operation ng pulisya, katuwang ang Governor’s Task Force at Provincial Highway Patrol Team, ang ikatlo sa municipal most wanted persons ng Daet na si Jerry Bacea y Delagua alyas “Jun” dakong alas-6:00 ng gabi sa Purok 4, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte para sa kasong rape na may kaugnayan sa paglabag sa RA7610 (child abuse). Wala ring inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng pulisya ng Bicol upang sumailalim sa dokumentasyon at disposisyon. Ipinaalam din sa mga naaresto ang dahilan ng kanilang pagkakahuli pati na rin angkanilang mga karapatan.

“Ang buong hanay ng PNP ay nananatiling nakamatyag sa bawat sulok ng Bicol upang tiyakin ang kaligtasan sa rehiyon. Ang mga wanted person na ito ay nagkasala sa batas at nararapat lamang nilang

pagbayaran ang kanilang pagkakasala. Nais nating manaig ang katahimikan at pag-unlad sa ating pamayanan kaya naman ating tututukan ang pagresolba ng kriminalidad sa ating kapaligiran,” pahayag ni Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo. (JESSE KABEL)

Read More