45 crew nailigtas 2 CARGO VESSELS TUMIRIK SA BATANGAS

0

BATANGAS – Nailigtas 45 crew ng dalawang sister cargo vessels na magkasunod na tumirik sa karagatang sakop ng bayan ng Lobo sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Batay sa report ng Philippine Coast Guard, unang tumirik ang cargo vessel na MV Seaborne Cargo 6 nang masira ang makina nito habang nasa bahagi ng Verde Island Passage patungong Roxas Culasi, Iloilo at may kargang 140 containers.

Dahil nasa busy maritime lines ito at daanan ng mga barkong patungo sa Visayas at Mindanao at Manila, kaagad itong humingi ng saklolo sa sister vessel nito na MV Seaborne Cargo 5 na noon ay patungo ng Maynila galing Tagbilaran, Bohol at kargado ng 113 baka at 1,620 baboy.

Dakong alas-1:30 noong Huwebes ng madaling araw, nahatak ang nasirang bako at nadala sa ligtas na lugar sa baybaying dagat sakop ng Brgy. Masaguitsit, Lobo, Batangas.

Ngunit nang papaalis na ang MV Seaborne Cargo 5 upang ituloy ang biyahe patungong Maynila, sumadsad naman ito sa mababang bahagi ng dagat, 200 metro ang layo sa dalampasigan.

Sa tulong naman ng sumaklolong Motor Tugboat Mimosa, nahatak ito patungo sa malalim na bahagi.

Wala namang nasaktan sa 45 crew na sakay ng dalawang nagka-trouble na barko. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

PAGPASOK NG ESTRANGHERO SA BATANGAS HINIGPITAN

0

MAS mahigpit na border security ang ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa kabila pa ng pagluluwag ng community quarantine status ng Metro Manila at ang pagbawi ng travel ban sa 10 bansang may mataas na antas ng kontaminasyon.

Sa isang pahayag, mas minarapat umano ng pamahalaang panlalawigang panatilihin ang mahigpit na border control upang tiyaking hindi na madaragdagan ang kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa kanilang hurisdiksyon.

Partikular na hihigpitan ang mga international travellers mula sa 10 bansang kabilang sa red list. Mas mahigpit na guidelines din anila ang pagpapatupad nila sa health and quarantine procedures sa mga papasok na Pinoy at dayuhan upang masiguro ang kalusugan ng mga papasok sa kanilang lugar.

Hindi din anila papayagan ang anumang pagtitipong posibleng maging isang super-spreader lalo pa’t nakaamba ang peligrong dala ng mas mabagsik ng COVID-19 delta variant.

Kasabay ng paghihigpit sa mga hangganan ng Batangas, magdadagdag pa din umano sila ng dedicated beds sakaling dumagsang muli ang bilang ng mga pasyenteng positibo sa mga pagamutan sa buong lalawigan.

Magtatayo din ng mga Temporary Treatment Medical Facilities sa mga lokal na pamahalaan na walang pasilidad para sa may sakit na corona virus. Maging ang mga Barangay Health Emergency Response Team, inatasang maghigpit sa pagpapatupad ng health protocols sa mga pampubliko at matataong lugar.

Palalakasin din anila ang contact tracing at ang pagbabakuna sa kanilang mga residente. (CYRILL QUILO)

Read More

Tumakas sa Albay natunton sa Antipolo WANTED RAPIST ‘DI NILUBAYAN NG PNP-PRO5

0

UMABOT ng hanggang Antipolo City ang pagtugis ng mga tauhan ng PNP Bicol para madakip ang isang wanted rapist ng Oas, Albay upang bigyan ng hustisya ang biktimang may diperensiya sa pag-iisip.

Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ginalugad ng mga operatiba ng Kasurog Bicol ang kinaroroonan ng suspek na si Rolly Olayval y Selos sa Sitio Libis, San Isidro, San Jose, Antipolo City.

Si Olayval ang tinuturong suspek sa panggagahasa sa isang dalagang may diperensiya sa pag-iisip sa Oas, Albay noong taong 2016.

Base sa datos ng Oas PNP, dahil sa kakulangan sa pag-iisip ay

madaling naisagawa ng akusado ang panghahalay at nagbunga ang kahayupan ng suspek sa biktima.

Dakong alas-9:49 ng umaga Septyembre 16, 2021, dinampot ang

suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong qualified rape.

Si Olayval ay tinagurian din bilang top 10 municipal most wanted person ng Oas, Albay.

Kaugnay nito, lalong pinaigting ang kampanya kontra wanted persons upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.

Pinapurihan naman ni P/BGen. Estomo ang mga nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkakadakip suspek. (JESSE KABEL)

Read More

DRUG GROUP MEMBER NABITAG SA BICOL

0

NABITAG sa operasyong ikinasa nang pinagsamang mga tauhan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CN PPO) at Regional Drug Enforcement Unit 5 ang isang umano’y miyembro ng drug group at kabilang sa listahan ng PNP-PRO5 Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs ng Bicol.

Ang suspek ay kinilalang si Van Valenzuela y Velasquez, 45-anyos at residente ng Purok-5, Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP Regional Director, Police Brig. General Jonnel C. Estomo ng Camarines Norte PPO, ang high vale target ay kasapi ng Gutierrez drug group na kumikilos sa lalawigan.

Matapos ang ilang linggong pagmamanman, naglatag ng anti-narcotics operation laban sa suspek.

Nabatid na positibo nitong binentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang poseur buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska rin sa suspek ang 23 pang maliliit na selyadong plastik na naglalaman ng umano’y shabu.

Ang dokumentasyon, pagmamarka at imbentaryo ng nakuhang mga ebidensya ay sinaksihan ng mandatory witnesses.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Hangga’t alam nating mayroon pang natitirang mga lulong at sangkot sa pagbebenta ng ano mang uri ng ipinagbabawal na gamot ay ‘di rin tayo titigil sa ating kampanya upang ang mga ito ay dakpin. Pagsisikapan ng PNP Bicol sa abot nang makakaya nito na tuldukan na ang talamak na presensya at pagpapalaganap ng droga sa rehiyong ito. Sa panahon ng pandemya, solusyon at aksyon ang ating nais, at iyan ang ibibigay natin sa ating mamamayan,” pahayag ni P/BGen. Estomo.

(JESSE KABEL)

Read More

57 LUGAR SA NCR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN

0

NASA ilalim ng granular lockdown ang 57 lugar sa National Capital Region (NCR) dulot na rin ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay batay sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng alert level system sa kalakhang Maynila.

“Almost all LGUs here in Metro Manila have granular lockdowns,” ani Malaya.
Samantala, 73% na umanong okupado ang COVID-19 beds sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila.

Kabilang dito ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Hospital, Ospital ng Tondo at Sta. Ana Hospital.

Ang COVID field hospitals naman ay 87% nang okupado kung saan 299 na mga kama ang okupado ng COVID patients mula sa kabuuang 344 beds. Habang ang quarantine facilities ay 18% na okupado.

Bakante naman ang lahat ng kama sa COVID suspect cases quarantine facilities sa lungsod.

Countries
classification list

Sa kabilang dako, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang updated list ng “considered’ “Red,” “Yellow” at “Green” countries/jurisdictions/territories.

Ang bagong classification ay magiging epektibo sa Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.

Ang mga bansang kabilang sa Red List ay Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.

Nasa Green List naman ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Gabon, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikstan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Vanuatu, at Yemen.

Ang iba pang “countries/territories/jurisdictions” na hindi nabanggit ay kasama sa Yellow List. (RENE CRISOSTOMO/CHRISTIAN DALE)

Read More

MANDATORY SIM CARD REGISTRATION VS KRIMEN

0

SUPORTADO ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagsasabatas ng panukalang Senate Bill No. 2395, or the SIM Card Registration Act, na nag-aatas sa mandatory registration ng SIM card o subscriber identity or identification module, bago makabili.

Sa  kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng mandatory registration ng SIM cards laban sa paggawa ng online fraud o krimen.

“With the proposed measure…SIM card registration shall now be mandatory as a prerequisite for the sale thereof, including all existing SIM card subscribers with active services who shall likewise be required to register with their respective Public Telecommunications Entity,” ayon kay Dela Rosa.

Sinabi ng dating chief ng Philippine National Police na ginagamit ngayon ang cellphone ng mga scammer at terrorists elements sa ilegal na aktibidad.

Ayon pa kay Dela Rosa, ginagamit din ang cellphone sa bombing activities ng mga pinaghihinalaang terorista tulad ng pangyayari noong Enero 27, 2019 na nakita sa isang security footage na isa sa nagbomba ang may hawak ng cellphone na pinaniniwalaan nag-trigger ng pagsabog na tinudla ang dalawang simbahan sa Mindanao.

“By using unregistered SIM cards, criminal elements can conveniently hide their identities because “once the prepaid SIM card is disposed, there is no way for us to identify the perpetrator,” aniya. (ESTONG REYES)

Read More

Sa isa pang kumbento sa QC 22 POSITIBO,1 PA PATAY SA COVID-19

0

MINO-MONITOR ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at nagsasagawa ng inventory sa lahat ng closed-setting at long-term care facilities sa siyudad upang mabatid kung nagkaroon ng COVID-19 outbreaks.

Kasama sa nasabing mga pasilidad ang convents, orphanages, nursing homes, homes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso, hospices, correctional facilities at iba pa.

“Hindi pwedeng reactive tayo sa tuwing magkakaroon ng outbreak. Nakikita natin na sunod-sunod na ang mga reported outbreak sa ganitong high-risk facilities, unahan na natin. We will test them and check if they have strict health protocols in place,” ani Mayor Joy Belmonte.

Nagbigay ng direktiba si Belmonte sa CESU para malaman ang vaccination status ng bawat isa na nananatili o nagtatrabaho sa nasabing mga pasilidad at kumbinsihin ang hindi pa bakunado na magpabakuna.

“Kailangan nating malaman kung may bakuna ba ang mga ito at gaya ng ginawa natin sa ibang nursing homes at opisina, tayo na ang pupunta sa kanila para sila ay mabakunahan kung marami sa kanila ang takot lumabas o ayaw lumabas ngayong panahon ng pandemya,” dagdag pa ng alkalde.

Ang dalawang kumbento na nagkaroon ng COVID-19 outbreak ay ang Convent of the Holy Spirit at Barangay Immaculate Concepcion.

Kabilang sa mga positibong kaso sa Barangay Immaculate Concepcion ay13 madre at 9 staff kabilang ang first index case.

Sa 22, labing apat ang pawang mga bakunado na, habang ang iba ay hindi pa nababakunahan.

Ayon kay QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, ang kumbento ay may populasyon ng 90 individuals, na kung saan ay 46 na ang na-swabbed ng siyudad noong Setyembre 10, habang ang iba ay tumangging magpakabuna sa mga oras na iyon.

“Per our agreement with them, they will take care of the testing of the remaining 44 individuals and they will send us the results as soon as they come out,” ani Cruz.

Sa swab results ng 46, lumalabas na 25 ay naging negatibo, habang ang 21 ay positibo.

Karagdagan nito, ay may isang index case kung kaya’t nakapagtala ng kabuuang 22 na positibo. (JOEL O. AMONGO)

Read More

PANIBAGONG PAGPASLANG SA ABOGADO IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

0

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para kondenahin at imbestigahan ang pagpatay sa isa sa aktibong miyembro ng Bayan Muna na si Atty. Juan Macababbad sa Surallah, South Cotabato.

Sa House Resolution (HR) 2223 na inakda ng mga miyembro ng Makabayan bloc, inatasan ng mga ito ang House Committee on Human Rights na kondenahin at imbestigahan ang pagpatay kay Atty. Macababbad.

Base sa report, tinaniman ng mahigit limang bala si Macababbad sa katawan na karamihan ay sa ulo ang tama noong Setyembre 15, 2021 sa harap ng kanyang bahay sa Surallah, South Cotabato, ng dalawang hindi kilalang mga suspek.

Ayon sa Makabayan bloc, bukod sa pagiging vice chairperson ng Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) at miyembro National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), aktibong miyembro rin umano ng Bayan Muna ang pinaslang na abogado.

“He also serves as legal counsel to indigenous peoples, including teachers of indigenous schools and indigenous community members in the region, as well as for several political prisoners in the region,” ayon sa resolusyon.

Si Macababbad ang ika-58 na abogado at ikatlong NULP member na pinatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, hiniling ng nasabing grupo na imbestigahan ang pagpatay kay Macababbad at dapat din umano itong kondenahin dahil patuloy ang pag-atake sa mga nagtatanggol sa mga ordinaryong mamamayan.

“It is imperative for members of Congress, as representatives of our people, to defend the rights of our people and check on excesses and violations, especially in this time of crisis. It must bring perpetrators to account to put a stop to the killings and rights violations against its people. Laws and rules should serve the interest of our people and should not be weaponized to suppress their rights and oppress them,” ayon pa sa resolusyon. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

MAGNOLIA SINAGIP NI ABUEVA

0

INILIGTAS ni Calvin ‘The Beast’ Abueva ang Magnolia laban sa NorthPort sa kanyang game-winning turnaround shot, 90-89, kahapon sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Mayroong ­nalalabing 2.6 segundo na lang sa laro nang mula sa inbound ni Rome Dela Rosa ay nakuha ni ­Abueva ang bola at isinyut ito sa kabila ng mahigpit na depensa ng NorthPort.

Nanguna para sa Hotshots si Ian ­Sangalang sa kinamadang 26 points at 10 boards.

Nagdagdag naman si The Beast ng 15 points kasama ang winning basket, five rebounds at four assists.

Top scorer para sa Bat­ang Pier si Greg Slaughter na may 21 points off of the bench, habang nag-ambag ng 16 points si Sean Anthony.

Nag-imprub ang Magnolia sa 7-3 win-loss, samantalang dumausdos sa 4-5 kartada ang NorthPort.

Read More