Dahil sa distance learning MGA ESTUDYANTE, ZOMBIE NA!

INILARAWAN ni Senador Imee Marcos ang mga estudyante ngayong distance learning na mala-Zombie habang mala-bampira naman ang mga nanay at guro. “Ito ang nakakatakot na epekto ng pandemya – ang paunti-unting pagpatay sa kaalaman at mental, emotional at social na kakayahan ng mga batang estudyante pati na rin sa pagpapaubaya at simpatya ng pagod nang mga nanay at mga guro na tinatapos ang kanilang mga gawaing bahay at opisina kahit gabing-gabi na,” hinaing ni Marcos. Pabor si Marcos sa itinutulak ng Department of Education, Commission on Higher Education, at National…

Read More

OSY, HINIMOK NA PUMASOK SA SPES NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN

HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang kabataan partikular ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic na tangkilikin ang mga trabaho sa ilalim ng Republic Act 10917 o ang Expanded Special Program for Employment of Students law upang makabalik sila sa pag-aaral. Ipinaliwanag ni Angara, may akda ng RA 10917 sa Senado, na ang batas ay napapanahon ngayong pandemic dahil upang matulungan ang mga pamilyang nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. “One significant amendment we introduced in the SPES law was the inclusion of the dependents of displaced workers and would-be displaced…

Read More

PAGBABALIK NG F2F CLASSES DAPAT SLOWLY BUT SURELY – SOLON

HINIKAYAT ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pamahalaan partikular ang Department of Education (DepEd) na pakinggan at paghandaan ang hinaing ng teachers at grupo ng mga Education Advocate para sa pagbabalik ng face-to-face classes. Ayon kay Quezon City Congressman Alfred Vargas, kabilang sa inaasam ng mga guro sa pagbabalik ng tradisyunal na pag-aaral ang additional hazard pay at enforcement of health protocols. “Dapat lahat ng concerns ay paghandaan. Hindi po biro-biro ang resumption ng face-to-face classes, lalo na’t patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19,…

Read More

KELOT ITINUMBA SA ESKINITA

BINARIL at napatay ang isang hindi pa kilalang lalaki nitong Linggo ng madaling araw sa Caloocan City. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Bagong Silang ng lungsod. Nabatid sa ulat, nakaupo ang biktima sa isang eskinita malapit sa Aratiles St., Phase 3, Bagong Silang nang barilin ng suspek. Agad binawian ng buhay ang biktima na nakalungayngay sa upuan nang abutan ng mga pulis. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (ALAIN AJERO) 52

Read More

CALL CENTER AGENT NAKIPAG-INUMAN, NATAGPUANG PATAY

NATAGPUANG patay ng kanyang ina ang isang call canter agent matapos makipag-inuman sa mga kaibigan sa Malabon City noong Sabado ng hapon. Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, nadiskubre ang walang buhay na si Armando Escaño, 30, ng kanyang ina na si Mila, 56, na nakadapa sa kama sa kanilang bahay sa Brgy. Potrero, dakong alas-2:00 ng madaling araw. Ayon sa salaysay ni Mila sa pulisya, huli niyang nakitang buhay ang biktima bandang ala-una ng hapon habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan. Dinala sa Northern Police District (NPD)…

Read More

Kaso pinatutukan ni Eleazar LALAKI ITINUMBA SA HARAP NG ASAWA

SA kabila na nagkalat ang close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, bigo ang pulisyang dakpin ang gunman na pumaslang sa isang 32-anyos na lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bambang nito lamang nakaraang Sabado. Hindi na nakuha pang isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Gilson Pillarina Garcia na agad ding namatay sa loob mismo ng kanilang tahanan. Ayon sa kanyang asawang kinilalang si Maricel David, bandang alas-6:00 ng umaga nang pasukin sila ng isang armadong lalaking agad na ipinutok ang…

Read More

OFW IPINAKULONG NG AMO DAHIL SA BINTANG NA PANANAKIT

IPINARATING sa akin ng ­kapwa volunteer advocate na si ­Mockingjay, ang panawagan ng asawa ng isang OFW na si April Penaflor nasa Dammam, Saudi Arabia. Ayon kay Darrel Duran, ang kanyang asawa na si April ay nakarating sa bansang Saudi Arabia noong Agosto 2, 2019 sa pamamagitan ng Al Rafedain Manpower International Corporation. Wala naman siyang binanggit na pagmamaltrato sa kanya sa kanyang pagtatrabaho, maliban lamang nitong Setyembre 16, 2021 ay ipinakulong siya ng kanyang amo. Ayon sa sumbong ni April sa kanyang asawa, pinagbintangan siya ng kanyang amo ng…

Read More

MAKABAGONG PAMAMARAAN NG MGA NEGOSYO SA PANAHON NG BAGONG NORMAL

ANG pagdating ng pandemyang COVID-19 ay nagresulta ng napakaraming pagbabago sa ating pamumuhay. Kasama rito ang pagbabago na kinailangang harapin at ipatupad ng mga negosyo upang makapagpatuloy sa kanilang mga operasyon. Ang panahong ito ay kritikal para sa mga negosyo. Nakasalalay sa kanilang estratehiya sa pag-angkop sa bagong normal kung kakayanin nitong magpatuloy ng operasyon sa kabila ng pandemya o kung ito ay magsasara na lamang nang tuluyan gaya ng nangyari sa iba. Tila napapanahon naman ang pagdaraos ng MAP 2021 International CEO Conference kamakailan na pinangasiwaan ng Management Association…

Read More

IMMIGRATION AIRPORT CHIEF, BANTAY SALAKAY?

INAKUSAHAN ng pag-abuso sa kapangyarihan ang hepe ng Bureau of Immigration – Port Operations Division (BI-POD) na si Atty. Carlos Capulong ng ilan nitong mga tauhan sa airport matapos umanong utusan ang mga ito na huwag harangin ang pagpasok sa bansa ng ilang Chinese nationals kahit ilegal ang dokumento ng mga ito. Ayon sa isang text message na sumbong na ating natanggap, noong July ay tinawagan umano ang isang immigration supervisor na on duty na si Immigration ­Officer Paolo Cristobal upang hindi ilagay sa exclusion ang ilan sa 44 Chinese…

Read More