ALERT LEVELS PROTOCOL, MAKATULONG KAYA SA PAGBABA NG COVID CASES?

WALANG masama sa alert levels na ipinatutupad ng gobyerno partikular ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa sitwasyon ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa bansa kung makatu­tulong ito sa pagbaba ng hawaan ng virus. Sa pananaw ng PUNA, layunin dito ng gobyerno na mapagsabay ang pagbubukas ng ekonomiya at paglaban sa COVID-19. Hindi kasi pwedeng puro paghihigpit lang sa paggalaw ng mga tao kasi magugutom ang mga ordinaryong mamamayan. Mula Marso 2020 na pananalasa ng COVID-19 sa bansa ay marami nang nawalan ng trabaho at namatay sa ating mga kamag-anak,…

Read More

FACE SHIELD SIMBOLO NG CORRUPTION

DALAWANG bagay ang mangyayari sa susunod na mga araw lalo na sa susunod na taon na pupunta sa mga presinto ang mga tao para bumoto at magluklok ng mga bagong lider ng bansa… tatanggalin na ang face shield o paninindigan na nakatutulong na ­pangontra sa COVID-19. Puwedeng iutos ng Inter-agency task force (IATF) na huwag nang gumamit ng face shield dahil eto na ang tinatawag na “simbolo ng corruption” sa kasalukuyang administrasyon. Malaking kasiraan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na kapag itinuloy niya ang pagtakbo sa vice presidential race…

Read More

HULI MAN DAW AT MAGALING, HULI PA RIN

HINDI sapat ang katagang katampalasan para ilarawan ang kawalang aksyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyong laan sa humigit kumulang 12.5 milyong senior citizens sa bansang kanilang kinalinga sa loob ng mahabang panahon. Kung tutuusin, barya lang ang nakukuha nina Lolo at Lola. Ang masaklap, barya na nga lang ay ipinagkakait pa – sukdulang ikamatay na ng marami sa kanila ang benepisyong sadya namang para sa kanila batay sa Republic Act 9994 o higit na kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Sa ilalim…

Read More

Bukod sa Solid North BBM MAY SOLID SOUTH NA RIN

PORMAL nang inendorso ng mga kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang kandidatura ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa 2022 presidential elections. Kasabay ng ginanap na PFP National Convention sa bayan ng Tupi sa lalawigan ng North Cotabato, nagpaabot naman ng suporta ang mga prominenteng politikong nabibilang sa tinaguriang “Solid South,” na kumakatawan sa mga rehiyon, lalawigan, distrito, lungsod, munisipalidad at barangay sa Mindanao. Sa isang resolusyong pirmado ng mga kasapi ng PFP, pinagtibay ng kasapian ang pagsusulong kay Marcos bilang pambato ng Solid South sa…

Read More

GRANULAR LOCKDOWN DAPAT MAY ABISO

IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government units (LGUs) ang pagbibigay ng sapat na abiso sa mga lugar na ilalagay sa granular lockdown pati na rin ang pagpapatupad ng bagong alert level system upang mapaghandaan ito ng mga apektadong indibidwal o mga negosyo. “I am in favor of granular lockdown as long as the public is informed in advance para makapag plano sila. Like for example, kung bababa tayo to alert level 3, yung capacity ng restaurants…

Read More

PAGBUWAG SA PS-DBM ITINUTULAK SA KAMARA

HINDI pa man ganap na naisasara ng Kongreso ang imbestigasyon sa mga umano’y katiwalian kinasasangkutan ni dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao at mga Tsinong nasa likod ng Pharmally Pharmaceutical Company, pormal nang inihain na sa Kamara ang isang panukalang nagsusulong sa pagbuwag ng Procurement Service of Department of Budget and Management (PS-DBM) na dating pinamumunuan ng kontrobersyal na opisyal. Sa House Bill 10222 na inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, inatasan din ang lahat ng national government agencies – kasama na ang state-owned or controlled corporations, colleges and universities at…

Read More

Sa iringan sa PDP-Laban PRESIDENTIAL BID NI PACQUIAO MASISILAT

WALA pa ring katiyakan kung si Senador Manny Pacquiao na nga ang magiging presidential candidate ng ruling party PDP-Laban na mayroong dalawang paksyon – ang isa ay pinangungunahan ng mambabatas habang ang isa ay pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa anunsyo ni Pacquiao ukol sa kanyang Eleksyon 2022 presidential bid. “Karapatan po niya tumakbo,” ayon kay Sec. Roque. “Pero hindi ko po alam kung ano ang magiging desisyon ng Comelec (Commission on Elections) kung siya ang puwedeng magdala ng pangalan…

Read More

PILOT FACE-TO-FACE CLASSES KASADO NA

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face-to-face classes. Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DepEd Secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face-to-face classes na lilimitahan mula sa 100 paaralan. Base sa guidelines , maisasagawa lamang ang pilot face-to-face kung papasa sa safety assessment ng Deped ang area kung saan gagawin ang klase. Kailangan din aniya na may pahintulot mula sa LGU at written consent mula sa mga magulang ng mga estudyanteng lalahok sa face-to-face classes. Sinabi ng Kalihim…

Read More

VILLAR, PINAKAMAYAMAN PA RING SENADOR; DE LIMA, PINAKAMAHIRAP PA RIN

HINDI pa rin natitinag si Senador Cynthia Villar sa nangunguna sa listahan ng mga senador kung yaman ang pag-uusapan. Batay sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga senador hanggang noong December 2020, umabot sa P3.875 bilyon ang networth ni Villar na halos walang ipinag-iba sa kanyang yaman noong 2019. Sumunod kay Villar, ang pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao na may net worth na P3.187 bilyon habang pangatlo sa pinakamayaman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may networth na P581.07 milyon at pang-apat si…

Read More