Mas makahihikayat kaysa raffle VACCINATION REGISTRATION GAWING SIMPLE

0

HINDI raffle kundi ang madali at maayos na pagpaparehistro sa mga local government units (LGUs) ang sagot para makumbinsi ang publiko na magpabakuna.

Reaksyon ito ni House committee on ways and means chairman Joey Salceda matapos maglaan ang Department of Health (DOH) ng P3 million na ipara-raffle sa mga magpapabakuna.

“Vaccination incentive, easy registration better than raffle in encouraging Pinoys to get COVID-19 jabs,” ayon sa mambabatas.

Ayon sa mambabatas, marami pa rin ang hirap makapagrehistro sa pamamagitan ng online sa kanilang LGUs lalo na sa mga probinsya kung saan mahirap ang internet connection.

Bukod dito, kailangang bigyan umano ng insentibo ang mga tao lalo na ang mga manggagawa na arawan ang sahod na kailangan pang mag-absent para magpabakuna.

“The problem is not the lack of some probability of winning a big prize. The problem is for many, they have to skip a work day just to get jabbed. For the average wage worker, that will cost them the day’s pay,” paliwanag ng solon.

Kung maaari rin aniya, itaon ng LGUs sa araw na walang pasok ang mga nagparehistrong manggagawa para mabakunahan upang hindi sila mawalan ng income.

“Earlier this year, I already proposed that we give a day’s worth of minimum wage as a vaccine incentive. There are places where that’s being done already, like Davao City,” ayon pa kay Salceda. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

PREMYO PANG-AKIT SA PUBLIKO

0

TULOY-TULOY ang mga programa ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang panig ng bansa upang mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Ilan sa mga ito ang pagbibigay ng premyo sa mga magpapabakuna.

Kamakailan ay inanunsyo sa Laguna ang pagkakaroon ng raffle promo kung saan ang mananalo ay makatatanggap ng isang milyong piso.

Sa Sta. Cruz, Ilocos Sur naman, ang lahat ng magpapabakuna kontra COVID-19 ay may tiyansang manalo ng brand new house and lot.

Ang ipamimigay na bahay ay may 2 bedroom at 1 restroom. Under construction pa ang bahay at inaasahang matatapos bago ang raffle draw sa Disyembre 16.

Kaya naman patuloy ang paghikayat ng DOH sa mamamayan na sunggaban ang pagkakataon kung sila na ang naka-schedule sa bakunahan o kabilang sa priority group.

Hindi lamang premyo ang naghihintay sa mga magpapa-RESBAKUNA kundi uuwi pa silang protektado laban sa nakamamatay na virus. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

PAGIGING MIDDLE CLASS NG PINOY, ISINUSULONG

0

ISINUSULONG ng Maharlika Party-list ang pagiging middle class ng lahat ng Pilipino.

Layon ng grupo na pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging entrepreneurs.

“Itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Maharlikang pag-iisip at pagkatao na magsusulong ng mga programang lilinang sa kasanayan, kabuhayan, at kaunlaran ng lahing Pilipino,” ayon sa party-list.

Sinabi ni Alvin Sahagun, first nominee ng nasabing party-list, na nais ng kanilang grupo na gawing negosyante ang mga Pilipino.

“Ang adbokasiya namin is nag-oopen kami ng awareness sa mga tao na kailangan silang magnegosyo kailangan nilang matutong tumayo sa sariling paa lalo na sa gobyerno o sa ibang tao,” aniya ni Sahagun.

Nais din ng party-list na magbigay ng pantay na oportunidad sa mga katutubo at makabagong Pilipino.

Isinusulong din nito na mapagyaman ang talento ng Pilipino, edukasyon, at kakayahan sa pamamagitan ng libreng pagsasanay ayon sa kanilang pangangailangan.

“Pagtataguyod sa pagkakakilanlan, kasaysayan, at kultura ng Maharlikang Pilipino bilang pundasyon ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng mamamayan,” dagdag pa nito.

Read More

NCR POSIBLENG IBABA NA SA ‘LOW-RISK’

0

POSIBLENG maklasipika na ang National Capital Region (NCR) bilang ‘low risk’ sa COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre kung magpapatuloy ang trend ng pagbaba ng mga bagong kaso, ayon sa OCTA Research Group.

Ito ay dahil bumaba sa 2,000 ang ‘seven-day daily average’ ng COVID cases sa rehiyon, ayon kay OCTA member Dr. Guido David.

“Wala tayong nakikitang variant of concern ngayon na threatening, na pwedeng pumasok sa bansa natin. So ang talagang tingin natin, tuloy-tuloy na ‘yan hanggang Pasko,” ayon pa kay David.

Kasalukuyan din na nasa 0.6 na lamang ang reproduction rate ng virus sa Metro Manila na malaki na ang ibinaba sa ideyal na 1.0.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso, inaasahan din na bababa ang ‘healthcare utilization’ sa kalakhang Maynila.

Nasa 11,000 pa ang kasalukuyang ‘seven-day average’ ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa pero inaasahan na bababa na ito sa 10,000 ngayong papasok na linggo.

May posibilidad umano na magdulot na ang ‘herd immunity’ ng pagbaba ng mga kaso dahil sa kalahati na ng populasyon ng Metro Manila ang nabakunahan laban sa virus.  Inaasahan na lalo pang bababa ang mga kaso kapag tumaas na sa 80 porsyento ang bilang ng populasyon ng rehiyon na nabakunahan. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

Inilatag ni Defensor P17-B FINANCIAL AID SA MGA TAGA-QC

0

MAKATITIKIM ng P17 billion financial aid ang mga taga-Quezon City kapag naupo na bilang Mayor at Vice Mayor sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Councilor Winnie Castelo.

Ito ang blueprint na inilatag nina Defensor at Castelo na ipatutupad umano ng kanilang administrasyon bilang panimula ng economic recovery ng lungsod mula sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, agad na maglalaan ang mga ito ng P3 billion na direct financial aid sa mga walang trabaho, informal workers, medical frontliners, teachers, police officers at public-sector personnel.

Aabot din aniya ng P5 billion ang ipamamahaging tax incentives at iba pang kahalintulad na insentibo sa mga negosyo lalo na ang small and medium-scale enterprises (SMES) sa lungsod.

“The last component, costing P9 billion, is a combination of an infrastructure program that would provide new jobs to city residents, and pandemic responses that aim to lessen the city’s new COVID-19 cases and protect people from the highly infectious respiratory disease,” ayon kay Defensor.

We will hit the ground running on Day 1 of our stewardship of the city,” dagdag pa ng mambabatas na tatakbo bilang mayor ng Quezon City laban kay incumbent Mayor Joy Belmonte.

Sa kabuuan, aabot aniya ito ng P17 billion ang agad na matitikman ng mga residente ng Quezon City sa sandaling manalo ang kanilang ticket sa paparating na halalan.

“We have clear-cut, comprehensive and practical solutions. We will focus like a laser beam to help our residents recover and to revive the economy. We will help businesses create new jobs,” ayon naman kay Castelo.

Bukod dito, sinabi ni Defensor na palalakasin ang contact-tracing, isolation, at pagpapagamot sa COVID-19 patients na taga-Quezon City kapag sila ang nahalal sa darating na eleksyon.

“Our city has an unenviable record under the leadership of Mayor Joy Belmonte: it is always No. 1 – in terms of daily new cases. Surely, there are better ways to deal with this pandemic, which the city’s current leadership has clearly failed to execute,” ayon pa kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

2 TIKLO SA P.2-M SHABU SA NAVOTAS

0

SWAK sa hoyo ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City noong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Val Christopher Valentin, 32, at Martin Pangilinan, 46, kapwa ng Brgy. Tangos South, ng lungsod.

Ayon sa ulat, alas-11:10 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa F. Pascual St., Brgy. Tangos South kung saan isang undercover ang umiskor sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

Nang kunin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu ay agad silang dinamba.

Nakumpiska sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na tinatayang P170,000 ang halaga, buy-bust money, sling bag, digital weighing scale at P90 cash. (ALAIN AJERO)

Read More

May 354 active cases, 23 gumaling COVID DEATHS SA NAVOTAS NADAGDAGAN

0

ISANG COVID-19 patient ang binawian ng buhay sa Navotas City habang 354 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 8 matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 23 naman ang nakarekober.

Pumalo na sa 17,419 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,532 na ang gumaling at 533 ang namatay.

Samantala, wala namang iniulat na namatay sa Malabon City dahil sa pandemya, habang anim ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 9. Sa kabuuan ay nasa 20,824 ang positive cases sa lungsod, 257 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Catmon (2), Concepcion (2), Dampalit (1), at Hulong Duhat (1).

Habang 17 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (1), Dampalit (2), Hulong Duhat (1), Niugan (1), San Agustin (5), at Tinajeros (7).

Sa kabuuan ay nasa 19,934 ang recovered patients ng Malabon, habang nanatili sa 633 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)

 

Read More

8 pasahero sugatan sa nasunog na bagon BIYAHE NG MRT 3 NABALAM

0

NABALAM ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang magkaroon ng sunog sa isa sa mga bagon nito naging dahilan ng pagkakasugat ng walong pasahero noong Sabado ng gabi.

“Eight passengers (4 male and 4 female) sustained minor injuries (minor bruises on their arms and legs), which they obtained from jumping off the trains,” ayon sa pahayag ng MRT-3 nitong Linggo.

Ayon sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi noong Sabado, ang isang bagon ng MRT na may byaheng patungong North Ave., Quezon City, ang biglang sumiklab ang apoy.

Bunsod nito, nataranta ang mga biktima kaya tumalon sa riles malapit sa Guadalupe MRT Station.

Bandang alas-9:12 ng gabi nang i-report ang insidente malapit sa MRT-3 Guadalupe Station makalagpas ng Buendia MRT Station.

Idineklara namang fire-out ng Bureau of Fire Protection ang insidente bandang alas-9:51 noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni MRT-3 Director Michael Capati, luma na at makailang ulit nang sumailalim sa general overhaul ang nasunog na train.

Tiniyak naman ni Asec. Capati na sinisikap nilang maging ligtas ang mga bibiyaheng bagon ngayong Lunes, habang patuloy na nag-iimbestiga hinggil sa sanhi ng nangyaring sunog ng tren ng MRT. (DAVE MEDINA)

Read More

DUPLIKADONG PAMBATO UMEKSENA SA QUEZON

0

PAGKALITO ang inaasahang dulot ng pagpasok ng mga aspiranteng ka-apelyido ng dalawang higanteng politiko sa lalawigan ng Quezon.

Sa salpukan para sa pwesto ng gobernador sa pagitan nina incumbent Gov. Danilo Suarez at Quezon 4th district Rep. Angelina “Helen” Tan, biglang lumutang at naghain din ng kanilang

certificate of candidacy (COC) ang dalawang iba pang kapwa Suarez din ang apelyido – sina Sonny Suarez at Romeo Suarez.

Bukod sa dalawang Suarez na naghain ng kandidatura, pasok din sa talaan ng mga aspirante sa pagka gobernador ang isang Frumencio Danilo “Sonny” Pulgar.

Sa panig naman ni Tan na una nang naghain ng kanyang kandidatura laban sa nakaupong gobernador, naghain din ang isang Jeson Haboc Tan.

Sa tala ng Commission on Elections (Comelec), siyam ang kandidato para gobernador ng Quezon.

Wala pang pahayag mula sa magkabilang kampo ng Suarez at Tan kung magpepetisyon sila sa Comelec kaugnay ng pagsulpot ng kanilang mga kapangalan, na karaniwang taktika sa hangaring manlito ng botante sa araw ng halalan. (NILOU DEL CARMEN)

Read More