NARCO POLITICIANS WAG IBOTO — PDEA

senate
0

WALANG puwang sa gobyerno ang mga politikong sangkot sa kalakalan ng droga.

Ito ang giit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay ng panawagang pagbasura sa kandidatura ng mga kandidatong sangkot sa pagpapalaganap ng droga.

Panawagan ni PDEA Director-General Wilkins Villanueva sa publiko, huwag hayaang manalo sa 2022 general elections ang mga nagkakalat ng salot, kasunod ng pagkakadakip ng isang mayoralty candidate at apat pang iba sa isinagawang operasyon sa Mountain Province kamakailan.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang mahagip ng pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (CAR) Philippine National Police (PNP) sa isang checkpoint sa Oowayen, Barangay Poblacion sa bayan ng Sadanga ang isang dating pulis na kinilala bilang si Sonny Kalaw kasama ang apat pang mga kasamahan.

Sa pagsisiyasat, lumabas na kandidato pala sa pagka-alkalde ng Sabangan si Kalaw na nahulihan ng 19 na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na lulan ng kanyang sasakyan. Sa tala ng PDEA, aabot sa P2.28 milyon ang halaga ng mga nasamsam ng marijuana sa kandidato.

“Dismiss candidates who are involved in illegal drug activities. They do not deserve your votes. We urge the voting public to choose wisely our next leaders,” ani Villanueva.

Bukod kay Kalaw, naniniwala rin si Villanueva na marami pang ibang politiko ang sangkot sa kalakalan ng droga, kung saan aniya nagmumula ang perang gamit sa kampanya, pambili ng boto, pandaraya o paghahasik ng karahasan.

“Your vote is precious. Please treat it that way. If we want to attain drug-free communities, we should opt for leaders who genuinely defend the nation from illegal drugs,” pagtatapos ng PDEA chief. (JOEL AMONGO)

Read More

9K OFWs GINUGUTOM SA SAUDI

0

MULING nagbabadyang magpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng deployment ban sa Saudi Arabia dahil umaabot na sa P4.6 bilyong pasuweldo ang hindi nababayaran ng mga employer sa mga overseas Filipino worker (OFW) doon.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 9,000 OFWs sa naturang bansa ang hindi pinasuweldo ng kanilang mga amo.

Dahil dito, iminungkahi na ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad muli ng deployment ban sa Saudi Arabia hanggang hindi nagbabayad ang mga employer.

“I sent a memorandum to the President requesting him permission to consider the deployment ban to KSA (Kingdom of Saudi Arabia) kung hindi nila mabayaran yung pera,” ayon sa kalihim.

Nag-umpisa ito noong 2016 na may 11,000 OFWs ang hindi binayaran ng sahod ng dalawang taon. Nagkaroon ng pagsasampa ng kaso at may desisyon na ngunit marami pa rin sa kanila ang hindi nababayaran.

Inatasan na rin ni Bello ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pag-aralan ang naturang usapin.

Nitong nakaraang Mayo, pansamantalang ipinatigil ni Bello ang pagpapadala ng OFWs sa KSA dahil sa ulat na ang mga ito at hindi ang mga amo o agency ang sasagot sa gastusin ng health at safety protocol sa COVID-19 at insurance coverage premium pagdating nila sa naturang bansa.

Agad namang pumayag ang mga employer na sagutin ang naturang mga gastusin kaya tinanggal ang ban. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

Inilabas ng Malakanyang UPDATED TESTING, QUARANTINE RULES

0

“STREAMLINED and codified” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang testing and quarantine protocols para sa mga biyahero na papasok ng bansa.

Ito ang anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque kahapon.

Ang arriving passengers mula sa red countries ay pagbabawalan kung nanatili sila roon ng 14 days bago pa ang kanilang pagdating sa Pilipinas.

“Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to Red List within the last 14 days prior to arrival to the Philippines shall not be allowed,” ayon kay Sec. Roque.

“However, all passengers merely transiting through the red country should not be deemed as having come from or having been to said country or jurisdiction or territory if they stayed in the airport the whole time and were not cleared for entry by its immigration authorities,” paglilinaw ng kalihim.

“Upon arrival in the Philippines, passengers covered by the preceding paragraph shall comply with the existing and testing protocols,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ni Sec. Roque  na ang mga Filipino na magbabalik-bansa sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation, at maging Bayanihan Flights, ay papayagan makapasok ng Pilipinas, “subject to testing and quarantine protocols.”

Idinagdag pa nito na ang mga magbabalik na Filipino mula sa mga bansa na nasa red list ay required na manatili ng kanilang unang 10 araw sa quarantine facility at ang huling apat na araw sa kanilang tahanan.

“They are also mandated to take reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test on their seventh day in the country,” ayon kay Sec. Roque.

“Notwithstanding a negative test result, the arriving passenger shall complete the facility-based quarantine period of 10 days,” dagdag na pahayag nito.

Aniya pa, ang Bureau of Quarantine (BOQ) ay inatasan na tiyakin ang mahigpit na symptom monitoring ng mga byahero mula sa red countries habang 10 araw na nasa  facility quarantine.

“For fully-vaccinated passengers from yellow countries, they need to undergo facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test result taken on their fifth day in the Philippines,” ani Sec. Roque.

“After which, they shall be required to undergo home quarantine until their 10th day. Foreign nationals shall be required to secure their pre-booked accommodation of at least 6 days,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang unvaccinated o partially vaccinated travelers at maging iyong ‘with unverified vaccination status,’ ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa maipalabas ang kanilang  negative RT-PCR test result na isinagawa sa ika-7 araw sa bansa.

Samantala, ang  mga fully-vaccinated foreigner mula sa green list countries ay hindi na kinakailangan pang sumailalim sa facility-based quarantine, sa kondisyong, kailangan nilang magkaroon ng negative RT-PCR test results na kinuha sa loob ng 72 hours bago ang departure mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

Sa kaso naman ng unvaccinated o partially vaccinated minors na bibiyahe kasama ang kanilang fully-vaccinated na magulang o guardians, mandato ang mga ito na obserbahan o sundin ang quarantine protocols na naaayon sa kanilang vaccination status. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PEDIATRIC VACCINATION UMARANGKADA

0

(CHRISTIAN DALE)

PORMAL nang sinimulan kahapon (Oktubre 15) ang pagbabakuna sa mga menor de edad na 15 hanggang 17-anyos.

Target naman ang initial rollout nito sa mga lalawigan bago matapos ang buwan.

Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nagsagawa ang Department of Health ng simulation matapos inspeksyunin ang 8 initial Metro Manila hospitals na pinili para sa pilot vaccination.

“We are ready. We’ve given 1,700 Pfizer (doses) to each vaccination site and in fact, there are many hospitals and local government units who are asking also for the pilot,” ang pahayag ni Galvez  nang dumating ang 862,290 doses ng government-procured Pfizer-BioNTech sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang mga piling ospital para sa pilot pediatric inoculation ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del

Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center (Bonifacio Global City), at Makati Medical Center.

Nakiusap naman ang Iloilo, Cebu at ilang lugar sa Calabarzon at Central Luzon sa task force na maisama sila sa programa.

Nais ng national government na ma-assess at makumpleto muna ang pagbabakuna sa 8 sites na naunang pinili.

“[On] October 22, we will have a run down to the different regions also and more or less November 5, we will have the full vaccination of children ranging from 15 to 17, basically those people who have comorbidities,” ayon sa kalihim.

Matapos ang first phase para sa mga may edad 15 hanggang 17, ang pagbabakuna ay palalawigin sa mga menor de edad na 12 hanggang 14.

Tiniyak naman ni Galvez na mayroong sapat na suplay ng bakuna lalo pa’t majority ng fresh Pfizer delivery ay inilaan sa Calabarzon, Central Luzon, at sa pediatric vaccination sa National Capital Region.

Idinagdag pa nito na ang Maynila ay nag-order ng mahigit sa 40 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na ibibyahe ‘in tranches’ o 11 milyon kada buwan.

“So starting October, ang procured natin (we’ve already procured) 11 million and we are very thankful to the US government and COVAX Facility and the World Health Organization for giving another 10 million for the Philippines,” ani Galvez.

Kasama naman ni Galvez sa pagsalubong at pagtanggap sa 800,000 Pfizer doses sa NAIA Terminal 3 si United States Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava, na nagbahagi ng tagumpay ng  teenage COVID-19 vaccination sa Estados Unidos.

“Pfizer vaccine is one of the safest and most effective of the Covid vaccines and so we’re delighted to see more coming to the Philippines,” aniya.

Samantala, pagsapit ng Nobyembre 5, magsisimula na rin ang vaccination sa mga kabataan sa mga rehiyon na higit 50% na ng mga senior citizen ang nabakunahan.

Kabilang dito ang Cordillera Autonomous Region (CAR), Regions 1, 2, 3, 4A, 8, at 10, at Caraga. Para sa NCR, maaaring magdagdag ng isa pang ospital.

Gagamitin ng Department of Health ang COVID-19 vaccine ng Moderna at Pfizer na siya pa lamang nabibigyan ng Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Kaugnay nito, sisimulan din sa Navotas ang pagbabakuna sa mga batang 12-17-anyos na may comorbidities sa Oktubre 22.

Samantala, hiniling ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga residente at manggagawa na hindi pa nababakunahan na samantalahin na ang pagkakataon habang maluwag sa vaccination sites at huwag nang sumabay sa dagsa ng kabataan.

Ayon pa sa punong lungsod, kapag nabakunahan ang mas maraming mamamayan, mas liliit na ang tsansa ng hawaan at pagkalat pa ng virus, at gawin dapat ang lahat ng makakaya para maproteksyunan ang sarili at mga mahal sa buhay.

Samantala, sinabi rin ni Tiangco na ayon sa Covidactnow, nasa moderate risk na ang lahat ng mga lungsod sa Metro Manila matapos bumaba sa 0.60 ang reproduction number ng NCR (1,847 average daily cases) noong Oktubre 7-13, 2021, na mas mababa ng 30% kumpara sa nakaraang linggo.

“Navotas po ang second lowest sa Average Daily Attack Rate (7.39%) nitong linggo. Bunga po ito ng disiplina at pakikiisa ng bawat Navoteño. Ipagpatuloy lang po natin ang pag-iingat para unti-unti nang magbalik sa normal ang ating buhay at kabuhayan,” paalala ni Tiangco. (May dagdag na ulat sina RENE CRISOSTOMO/ALAIN AJERO)

Read More

2 TIMBOG SA SANGKAP SA PAMPASABOG

0

NASABAT ng pinagsamang puwersa ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG)- Cavite at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tinatayang 750 kilos ng ammonium nitrate na sangkap sa pampasabog, at 1,000 piraso ng improvised blasting caps, sa dalawang lalaki sa operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Lucena City, Quezon at Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Charlito Tenorio, 52, may asawa, ng Daffodil St., Brgy. Salcedo, Noveleta, Cavite, at Jay-Ar Suson, 34, binata, ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon noong Huwebes nang magsagawa ng Oplan Paglalansag Omega (buy-bust operation) ang mga awtoridad sa Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakadakip kay Tenorio.

Itinuro naman ni Tenorio na si Suson ang pinagkukunan niya ng mga kontrabando at siyang mastermind sa ilegal na aktibidad.

Agad nagsagawa ang mga awtoridad ng follow-up operation sa National Highway sa Brgy. Isabang, Lucena City kung saan nadakip si Suson.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1,000 piraso ng improvise blasting caps, 30 sako ng ammonium nitrate at powder ammonium na tinatayang 750 kilos ang timbang lulan ng Foton Traveler van, at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

SENIOR CITIZEN PATAY SA KURBADA *2 pa dedbol sa bundol

matanda
0

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 65-anyos na senior citizen nang bumangga ang sinasakyang L300 van na minamaneho ng kanyang anak sa isang nakaparadang trailer van sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Arnel Cruz, Sr. habang sugatan ang anak nitong si Arnel Joseph Cruz, 27, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), na isinugod sa MCI Hospital.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police Station, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Arnel Joseph ang isang L300 Van na may plakang WCF 930, sakay ang kanyang ama at binabagtas ang kahabaan ng Buhay na Tubig Road, Imus City, Cavite.

Pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada nang nawalan umano ng kontrol sa manibela si Arnel Joseph at bumangga ang kanilang sasakyan sa isang nakaparadang trailer van sa gilid ng kalsada.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang senior citizen habang isinugod sa ospital ang anak nito.

Samantala, Dalawa katao ang namatay makaraang mabundol ng sasakyan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, noong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona ang biktimang si Rosa Esta, 38, ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Agad namang nalagutan ng hininga makaraang mabundol ang biktimang kinilalang si John Miguel Cabildo, 18-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Charles Virtudez ng Carmona Police Station, alas-7:00 noong Huwebes ng gabi, tumatawid sa kalsada sa Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmona, Cavite sina Esta at Gina Sarmiento, 34, nang mahagip ang mga ito ng bus na minamaneho ni Noel Mallorca, 60-anyos.

Kapwa isinugod ang dalawa sa ospital ngunit binawian ng buhay si Esta habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin, tumatakbo umano sa kalsada si Cabildo na tila ay nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa

Molino-Paliparan Road, Brgy. Molino IV, Bacoor City dakong alas-11:20 ng gabi noong Huwebes.

Hinarang pa umano nito ang ilang sasakyan ngunit nabundol ng isang Daewoo bus na may plakang NDE 489 na minamaneho ni Florencio Ochavez, 44-anyos,

Agad nalagutan ng hininga sa nasabing insidente ang biktima. Inaalam pa ng pulisya kung may diperensiya sa pag-iisip si Cabildo. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

Mga miyembro balik-loob sa gobyerno – Gen. Estomo PWERSA NG NPA, PALIIT NANG PALIIT

0

MABABAKAS ang unti-unting paghina ng pwersa ng New People’s Army sa sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito sa iba’t ibang probinsya ng Bicol Region partikular na sa Masbate, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo.

Ito ay matapos na sumuko ang isang ama na nagnanais magbagong buhay at maging ehemplo sa kanyang mga anak sa Brgy. San Antonio, Milagros, Masbate.

Itinago ito sa pangalan “Tatay Caloy”, 63-anyos at isang magsasaka.

Bakas sa mukha ng dating rebelde ang kasabikan na tahakin ang tuwid na landas at gayundin ang pagsisisi sa pagiging bihag sa mali at walang
katuturang ipinaglalaban ng rebeldeng samahan.

Ang sumukong rebelde ay kasapi ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 4, Comprob Masbate.

Isang panawagan ang iniwan ni “Tatay Caloy” sa kanyang mga anak na itinago sa pangalang “Pulay” at “Jimar” pati na rin sa kanyang biyenan na si alyas “Kris” na sumuko na rin at tanggapin ang alok na pagbabagong buhay Samantala, nakatakdang bigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program (ECLIP) ang isa pang dating rebelde na kinilalang si alyas “Ka Jonard” na sumuko sa Tara, Sipocot, Camarines Sur nang makumbinse ng mga operatiba ng Camarines Sur Police Provincial Office at Philippine Army.

Si Jonard ay commanding officer ng Militia ng Bayan at sangkot sa mga opensibang operasyong inilunsad ng rebeldeng samahan laban sa gobyerno at inosenteng mamamayan.

“Ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta nang walang humpay na negosasyon upang bigyan ng linaw at kasagutan ang kasinungalingan ng NPA,” pahayag pa ni P/BGen. Estomo.

Read More

6 MPD COPS INARESTO SA EXTORTION

0

NAHAHARAP sa kasong robbery extortion ang anim na miyembro ng Manila Police District makaraang sampahan ng reklamo ng isang SK chairman sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Dahil dito, agad iniutos ni P/Major General Vicente Danao Jr. ang malalimang imbestigasyon at kung positibo sa reklamo, inirekomenda nito na bukod sa kasong kriminal ay sampahan din ng kasong administratibo ang mga suspek na sina P/SSgt. Jeffrey Mejia, P/Cpl. Jigie Azores, P/Cpl. Kevin John Villanueva, P/Cpl. Johndee Toledo, Pat. Danny Rangaig, at Pat. Kenneth Cordova.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng Manila Police Station 2, ang mga suspek ay inireklamo ni Jericho Laniog, 24-anyos, binata, SK chairman, residente ng Doroteo Jose St., Barangay 313, Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-1:00 ng madaling araw noong Oktubre 14, habang nakikipaghuntahan ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang sitahin ito ng nasabing mga pulis sa Luzon St., Brgy. 314 sa Sta. Cruz dahil sa paglabag sa curfew ordinance.

Bukod umano sa curfew, nakitaan din ang SK chairman ng pipa na gamit sa paghitit ng ilegal na droga.

Bunsod nito, inaresto ng mga pulis ang biktima ngunit bago dinala sa Padre Algue Police Community Precinct na sakop ng Station 2 ng MPD, ay isinailalim ito sa medical check-up sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Nang dalhin sa PCP ang biktima ay humingi umano ang mga pulis ng P47,000 kapalit ng kanyang kalayaan. Pinayagan ng mga pulis ang biktima na makalaya ngunit ipinaiwan ang kanyang motorsiklo at gintong kwintas.

Ngunit sinampahan ng biktima ng robbery extortion ang mga pulis na agad na dinisarmahan at inaresto. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

WATER DELIVERY BOY HINOSTAGE NG PWD

tubig
0

HINOSTAGE ng 46-anyos na lalaking pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip ang isang  delivery boy  kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Gamit ang dalawang kutsilyo, hinostage ng 46-anyos na suspek na kinilalang si Universe Santos ang 21-anyos na water delivery boy na si Gabriel Espinosa sa Alpha Village, Capitol Hills sa Barangay Old Balara.

Bahagya namang nagtamo ng mabababaw na sugat ang biktimang bihag ng suspek sa loob ng mahigit isang oras.

Paniwala ni Lt. Arnold Bantanos na tumayong lider ng mga rumespondeng pulis, mental disorder ang nagtulak sa suspek na bihagin si Espinosa na noo’y nagdedeliver lamang ng tubig sa tahanan ng pamilya ni Santos.

Pansamantalang inilagak sa himpilan ng pulisya si Santos habang inihahanda ang pagdadala sa suspek sa pagamutan para suriin ang kanyang kalagayan.

Kumbinsido naman ang pulisyang walang masamang motibo ang suspek sa kanyang ginawang panghohostage dahil sa mayroon umano itong kapansanan sa pag-iisip. (LILY REYES)

Read More