Paglilinaw ng WHO THIRD SHOT IBA SA BOOSTER SHOT

NILINAW ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na iba ang booster shot sa 3rd shot vaccine. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Abeyasinghe na ang dapat maibigay sa mga senior citizen ay 3rd dose at hindi booster shot. Ang rekomendasyon nila ay mabigyan ng 3rd dose ang mga naturukan ng Sinovac at Sinopharm na may comorbidities at mga elderly. Kapag booster shot naman aniya ang pinag- uusapan, sinabi ng WHO official na ang binibigyang diin dito ay para mapalakas ang immunity. Sa kasalukuyan, wala pa aniya silang…

Read More

Ikinasa ng iba’t ibang grupo KILOS PROTESTA VS OIL PRICE HIKE

gasol

MAKARAAN ang mahabang panahon, nagbabalik lansangan ang mga militanteng aktibista at mga kinatawan at kasapi ng iba’t ibang sektor sa ikinasang kilos-protesta laban sa lingguhang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo. Kabilang sa mga lumahok sa kilos protestang sinimulan sa Quezon City Circle ang mga tsuper at operator na miyembro ng grupong Piston, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Kadamay. Anila, marami pang susunod at mas malaking kilos protesta ang kanilang pangungunahan hangga’t hindi dinidinig ng gobyerno ang kanilang panawagang pagbasura sa oil deregulation law na…

Read More

Apela sa mga magulang PASLIT HUWAG MUNANG IPASYAL

NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga magulang at guardians na huwag palabasin ang mga bata o isama sa mga pasyalan lalo na kung ang lugar ay dinudumog ng mga tao. Kaugnay ito ng patuloy na pagdagsa ng tao sa kontrobersyal na Manila Baywalk Dolomite Beach. Katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa panahon pa rin ng pandemiya ang bansa kaya’t hindi pupuwede na magpasyal-pasyal ang mga bata lalo na sa matataong lugar. “Well, unang-una po, ang mga bata talagang for essentials lang po na dapat lumalabas ng…

Read More

MPBL MAY BAGONG PARTNER

NAKIPAGSANIB ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Chooks-To-Go ni Ronald Mascariñas. “I am elated to have this new partnership given that Chooks-to-Go is a very organized ­organization especially in basketball,” sabi ng retired eight-division world champ. “I saw the world-class event of their one-day invitational league in San Fernando (Pampanga) and I was impressed,” papuri ni Pacquiao sa nakaraang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Invitational tournament noong nakaraang linggo. “They are the only group in partnership with FIBA 3×3 in the country. With that, they basically know…

Read More

GAP ALL-OUT KAY CALOY YULO

KINUKUMPLETO na ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang buong team na tutulong upang makamit ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo ang inaasam na gold medal sa 2024 Paris Olympics. Sinabi ng GAP prexy, nasa final negotiation stage na sila para sa magiging sports psychologist at sports nutritionist ng Pinoy vault champ sa katatapos lang na World Championships, upang makumpleto na ang Team Yulo na kinabibilangan din nina Japanese coach Munehiro Kugimiya at physical therapist Jumpei Konno ang kasama. Si Carrion-Norton ay nakatakdang dumalo sa International Gymnastics…

Read More

CURRY, 1st WARRIOR NA MAY 5K ASSISTS

nba

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NAGTALA si Stephen Curry ng 27 points at naging unang player ng Warriors franchise history na nakapaglista ng 5,000 assists, nang akayin ang Golden State sa 3-0, sa Sacramento. Tinalo ng Warriors ang Kings, 119-107, sa pangunguna ni Curry, may 10 assists at seven rebounds. Ang two-time MVP ay umiskor ng hanggang 20 points at may 10 rebounds sa unang dalawang laro ng Warriors. Tumulong din si Jordan Poole, 22 points, habang si Draymond Green ay nagdagdag ng 14 points, six rebounds at seven assists.…

Read More

NAKAKAKABA ANG EKSENA SA DOLOMITE BEACH

NAKAKAKABA ang eksena sa dolomite beach sa Roxas Blvd. sa lungsod ng Maynila lalo na’t hindi pa tapos ang problema natin sa COVID-19 at libu-libo pa rin ang nahahawaan. Kung pagbabasehan natin ang mga video at mga larawan sa social media, hindi nasusunod ang health protocols at hindi nakokontrol ang pagpasok ng mga tao sa artificial beach. Dikit-dikit ang mga tao kaya walang social distancing at nang bumuhos ang ulan, nagkumpulan ang mga utaw para sumilong kaya nakakakaba lalo na’t nag-mutate na ang Delta variant kaya meron na namang tinatawag…

Read More

BONGBONG MARCOS NA?

KUNG ang eleksyon ay ginawa nitong nakaraang Oktubre 11 hanggang 18, 2021, walang kaduda-dudang si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM) na ang presidente ng Pilipinas. Bakit kamo? Base sa inilabas na resulta ng Publicus Asia Survey on Election Preferences October 11-18, 2021, sa presidential, malayo ang deperensiya nina BBM at Leni. Si BBM ay nakapagtalaga ng 49.3%; Leni Robredo ay 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; undecided, 8.6; Panfilo Lacson, 2.9%; Manny Pacquiao, 2.8%; Others, 2.1%; Sen. Bato dela Rosa, 1.9%; None, 1.7%; at Ernesto Abella, 0.6%. Sa pinagsama-samang nakuhang…

Read More

VIBER DIRECTIVES NG LTO VS MANDATORY PMVIC INSPECTION PINALAGAN

pmvic

KINASTIGO ni Sen. Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa gitna ng kawalan nito ng pormal na memorandum ukol sa pananatiling opsyonal at hindi mandatory ng pag-iinspeksyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs), na nagbunsod ng kalituhan at kaguluhan sa mga motorista sa iba’t ibang rehiyon. “‘Yan ay napaka-unprofessional. Ano ba naman ‘yung isang page na ipa-type ninyo, ipa-press release na ninyo kung hindi niyo mapaabot o ma-email sa mga regional directors ninyo,” ayon kay Poe. Sa pagdinig ng Senate finance subcommittee sa pondo ng Department of…

Read More