NUMBER CODING MULING IKAKASA

0

IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng modified number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong linggo.

Ang dahilan ni MMDA Chairman Benhur Abalos, bumalik na ang pre-pandemic levels, lalo na tuwing Biyernes.

Dahil dito, hihilingin ng MMDA sa mga local chief executive sa Metro Manila na aprubahan ang pagbabalik ng number coding mula 5 p.m. hanggang 8 p.m.

Ang rehiyon ay isinailalim sa mas pinaluwag na Alert Level 2 quarantine level ngayong buwan, kung saan pinapayagan ang mas maraming paggalaw at muling pagbubukas ng mga negosyo.
Sinabi pa ni Abalos na maaari nilang ipatupad ang scheme tuwing morning rush hours sa pagitan ng 7 a.m. at 9 a.m., “subject to the mayors’ approval.”

Matatandaang, nitong Oktubre ay sinabi ni Abalos na nananatiling epektibo ang polisiya upang mapigilan ang pagsirit ng COVID-19 cases, habang ang capital region’s network of public transportation ay hindi pa nagbabalik sa normal.

May ilan na nag-carpooling, na ayon kay Abalos ay maaaring maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19.

Nagbabala rin si Abalos na ang number coding scheme ay maaaring ibalik kapag ang traffic congestion sa kahabaan ng EDSA ay lumala. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PHASE 4 NG ALERT LEVEL SYSTEM APRUB

0

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng Phase 4 ng Alert Level System sa lahat ng natitirang rehiyon sa ilalim ng kani-kanilang Alert Levels mula Nobyembre 22 hanggang Nobyembre 30 2021.

“Thereby covering all regions in the country,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Benguet, Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Occidental Mindoro sa Region IV-B; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Agusan del Norte sa Region XIII (CARAGA); at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, inilagay naman sa ilalim ng Alert Level 3 ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Dinagat Islands sa CARAGA; at Sulu sa BARMM. (CHRISTIAN DALE)

Read More

BOOSTER SHOTS SA HCWs LARGA NA SA LAS PIÑAS

0

SINIMULAN na ng Las Piñas City government ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa hanay ng mga healthcare workers na nakabase sa nasabing lungsod.

Sa datos na ibinahagi ni Las Piñas Mayor Imelda “Mel” Aguilar batay sa records ng City Health Office (CHO), nasa 3,700 fully-vaccinated healthcare workers ang kanilang nakatakdang bigyan ng booster shots sa hangaring tiyaking ligtas ang kanilang hanay sa pagpapatuloy ng pagganap sa kani-kanilang tungkulin.

Ayon pa sa alkalde, inaprubahan na rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ang kanilang vaccination roll out gamit ang Moderna at Pfizer vaccines para sa mga healthcare workers. Tinukoy na rin ng Las Piñas LGU ang mga lugar kung saan babakunahan ang kanilang mga medical frontliners, bagay na una nang sinang-ayunan ng Department of Health (DOH).

Agad namang nakipagpulong si Vice Mayor April Aguilar kina CHO Officer in Charge Dr. Juliana Gonzales at Immunization Program Coordinator Dr. Ellen Gumpal para alamin ang updates sa vaccination roll out ng mga taga-lungsod.

Patuloy namang nakaantabay ang CHO para sa guidelines mula sa DOH kaugnay naman ng pagtuturok sa hanay ng mga senior citizens na residente ng Las Piñas. (DAVE MEDINA)

Read More

2 LALAKI SWAK SA HOYO SA P.2-M SHABU

0

SWAK sa hoyo ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Joseph Alvir 42, jeepney driver, at Alberto Bautista, 57, construction worker, kapwa ng Caloocan City.

Natiklo ang dalawa sa Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City dakong 3:45 ng madaling araw noong Nobyembre 20.

Umabot sa 25 gramo ng shabu na may presyong P170, 000, ang nakumpiska sa dalawa na idineretso sa presinto. (ALAIN AJERO)

Read More

BIKECINATION BENEFICIARIES TUMANGGAP NG BIKE, CP, P5K

0

TUMANGGAP ang bagong batch ng mga benepisyaryo ng Bikecination Project ng Caloocan City, ng bisikleta, cellphone at P5,000 load allowance.

Ang awarding ceremony ng nasabing proyekto ay pinangunahan nina Mayor Oscar Malapitan, Councilor Enteng Malapitan at Department of Labor and Employment (DOLE) Senior Labor Officer Ronald del Rosario noong Biyernes sa North City Hall.

Ang programa ay patuloy na naisasakatuparan sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) sa DOLE para sa mga programang makatutulong sa mamamayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Ang mga benepisyaryong napili ay nakipag-ugnayan sa PESO at nagsumite ng kinakailangang mga requirement. (ALAIN AJERO)

Read More

BUKAS KOTSE UMATAKE SA CAVITE

0

CAVITE – Nasira ang bintana ng dalawang sasakyan at natangayan ng laptop ang isa matapos na mabiktima ng hinihinalang mga miyembro ng basag-kotse gang sa magkahiwalay na insidente sa Bacoor City noong Sabado ng gabi.

Sa unang insidente, pumasok ang mag-amang Joseph Arman Robles at Edward Robles sa Anytime Veal Burger sa Brgy. Bayanan, Bacoor City, dakong alas-7:00 ng gabi upang kumain at ipinarada ang kanilang kotse na isang Suzuki Ertiga na may plakang NAN 7554, sa parking area.

Pagbalik nila, nakitang basag na ang likurang kaliwang bahagi ng sasakyan habang nagkalat ang mga basag na salamin sa loob at nawawala ang Asus laptop na nagkakahalaga ng P20,000 at tanging ang bag case na lamang ang naiwan.

Habang pumasok sa Grandmas Café Resto and Event Place sa Brgy. Molino 2, Bacoor City upang kumain si Rolando Escano at ipinarada sa parking area ang kanyang Toyota Avanza subalit pagbalik niya dakong alas-6:30 ng gabi nang mapuna na basag na ang bintana sa likurang bahagi ng kanyang kotse.

Hindi naman nabanggit kung may natangay na kagamitan mula sa kotse ng biktima.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may kaugnayan ang dalawang insidente at kung isang grupo lamang ang umatake sa dalawang kotse. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

SITG binuo ni BGen. Estomo HUSTISYA SA BINULAG NA PULIS TINIYAK

0

PERSONAL na binisita kahapon ng bagong luklok na hepe ng Pambansang Pulisya, P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, ang police non-commissioned officer na biktima ng kalasingan ng isang police colonel mula sa PNP Aviation Security Group.

Dumating sa Bicol si CPNP Carlos upang kumustahin ang kalagayan ni P/MSG Ricky S. Brabante ng Regional Mobile Force Battalion, sa dinanas nitong pinsala matapos siyang hatawin ng kopita ng opisyal na kinilalang si P/Col. Dulnoan D. Dinamling Jr. na nakatalaga bilang Regional Commander ng Aviation 5, na naging sanhi ng pagkabulag ng isang mata ng biktima.

Kasama si P/BGen. Jonnel C. Estomo, PNP-PRO5 Regional Director, ipinaabot ng CPNP ang kanyang buong pagsuporta sa pagkamit ng naaayong hustisya at pantay na pagdinig sa kaso upang mapanagot ang may sala.

Sa katunayan, sa inisyatibo ni P/BGen. Estomo, agad bumuo ng Special Investigation Task Group upang mas mapabilis at napadali ang imbestigasyon sa insidente.

Agad din namang inaksyunan ni RD Estomo ang pangyayari sa pamamagitan ng pagrekomenda sa director ng Aviation Security Group na sibakin sa pwesto ang abusadong opisyal.

Siniguro naman nina P/Gen. Carlos RD at Estomo ang tulong pinansyal habang patuloy ang pagpapagaling ni P/MSG Brabante sa isinagawang operasyon sa kanyang kanang mata.

Ang PNP Bicol, alinsunod sa mga programa at direktiba ng kasalukuyang administrasyon ay mahigpit na ipatutupad ang batas at paghulma ng disiplina sa bawat miyembro nito.

Hindi rin palalagpasin at pinahihintulutan ang karahasan at pananamantala sa loob ng organisasyon. Lalong paiiralin ng pamunuan ang pantay na pagtingin at respeto sa karapatan ng bawat tauhan nito ano man ang katungkulan at ranggo.

Kaugnay nito, ipinaabot ni retired PNP chief, Guillermo T. Eleazar ang papuri sa Bicol PNP sa dagliang aksyon sa binulag na sarhento.

Ikinatuwa ni Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar ang mabilis na aksyon ng Police Regional Office 5 (PRO5) sa seryosong pananakit kay Brabante na isang non-commissioned officer ng senior police official, “Sa ganitong mga panahon na nakikita natin kung gaano kahalaga ang pagpapalaganap ng disiplina at propesyonalismo sa hanay ng ating kapulisan at buong organisasyon ng pambansang pulisya para maiwasan ang mga mabibigat na problema tulad ng nangyari kay Master Sergeant

Ricky Brabante at mahubog ang PNP para maipagmalaki natin dahil handang laging magsilbi at magbigay proteksyon,” pahayag ni Eleazar. (JESSE KABEL)

Read More

MAGIC BIGO SA BUCKS

0

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

DOUBLE-double performance, 32 points at season-high 20 rebounds ang itinala ni Giannis Antetokounmpo, habang nagdagdag si Bobby Portis ng season-high 24 points, kasama ang anim na 3-pointers, nang talunin ng defending champion Bucks ang Orlando Magic, 117-108, Sabado ng gabi sa Milwaukee (Linggo sa Manila).

May 15-for-23 si Antetokounmpo sa free-throw line, habang si Portis may ambag na 15 rebounds sa kanyang ikaapat na double-double sa season.

Panalo ang Bucks sa ikatlong sunod na laro, first time ng team sa season.

Umarangkada ang Orlando, 30-8 fourth-quarter run, para makadikit, 107-101 mula sa steal ni R.J. Hampton at layup, 2:05 na lang.

Nakahinga ang Bucks mula sa dunk ni Antetokounmpo sa huling isang minuto tungo sa 111-101 count.

Nagawang ma-outscore ng Magic ang Milwaukee 37-21 sa fourth quarter sa likod ng laro ng mga reserve, si Hampton ay umiskor ng 13 ng kanyang 19 puntos at tumapos ding may nine assists.

Ang tatlong panalo ng Milwaukee, panimula ng kanilang five-game homestand, na susundan ng isa pang laro kontra Orlando sa Lunes ng gabi.

Kinumpleto rin ng Bucks ang back-to-back sweep kasama ang 96-89 win kontra Oklahoma City.

Ikalawang sunod na talo ito ng Orlando kasunod ang 115-113 loss sa kamay ng hoset Brooklyn Nets noong Biyernes.

Hindi lumaro si Cole ­Anthony, Orlando’s leading scorer (19.6 points per game), sanhi ng sprained right ankle matapos niyang umiskor ng 16 points at nine assists sa Brooklyn.

May 12 3-pointers ang Milwaukee sa first half at tumapos na may 19-for-40 (47.5%) beyond the arc. Pitong Bucks players din ang nakahirit ng triples, sa pangunguna ni Portis, 6-for-7 performance.

Nagsumite rin si Grayson Allen ng 16 points, may apat na tres. Si Khris Middleton, nagdagdag ng 13 points at eight assists, at sina Jrue Holidaya at Pat Connaughton, tig-11 points.

Umabante ang Bucks hanggang 17 points, sa second quarter bago ito naibaba ng Orlando, 62-50 sa halftime.

Pero, binuksan ng Bucks ang second half sa 13-0 run, tungo sa 75-50 edge. Lumobo pa ito sa 86-59 count, at na-outscore ng Bucks ang Orlando, 34-21 sa third ­period para sa 96-71 lead.

GRIZZLIES NILAPA
NG T’WOLVES

NAITALA ng Minnesota Timberwolves ang ikatlong sunod na panalo, sa pangunguna nina D’Angelo Russell (28 points) at Anthony Edwards (23 points) nang kaldagin ang bisitang Memphis Grizzlies, 138-95.

Nagpasabog si Edwards ng 17 points sa first quarter sa Minnesota, nagtala ng season-high point total at pinutol ang seven-game losing streak laban sa Grizzlies.

Umiskor si Karl-Anthony Towns ng 21 points, may ­dagdag si Malik Beasley na 12 at si ­Patrick Beverly, 11 points, five rebounds at four assists.
Si Edwards, 8-for-10 ­shooting, 5 of 6 sa 3-point range.

Ang 43-point winning margin ay pinakamalaki sa NBA ngayong season. Si Desmond Bane naman ang nanguna sa Memphis, 21 points, may apat na ­3-pointers, habang si Tyus Jones, may ambag na 16 points at 12 buhat kay Jaren Jackson Jr.

Nalimitahan din si Grizzlies star Ja Morant, naga-average ng team-high 26 points, sa 11 puntos mula sa 3-of-9 shooting sa 27 minuto.

Agad umabante ang Minnesota, 40-23 sa first quarter ­galing kay Edwards, nang maipasok lahat ng lima niyang 3-point attempts. Ang Wolves ay 8 of 11 (beyond the arc) sa opening period.

Nahirapan ang Grizzlies na maka-rekober mula sa maagang deficit at tuluyang nalubog, 59-33 mula sa trey ni Beverly, 6:13 sa half.

Nagposte ang Minnesota ng 72-43 lead palapit sa break buhat sa shooting na 56.5% sa field at iniwan ang Memphis sa 28.6%.

Patuloy ang pagkatay ng Wolves sa third quarter, nang palobohin sa 42 points lead ang iskor, kasama ang 3-pointer ni Russell, 6:05 pa.

Naitabla ng Minnesota ang franchise record sa most points scored sa tatlong quarters at kunin ang 113-71 lead papasok sa fourth. Kapwa pinagpahinga ng magkabilang koponan ang kanilang starters sa huling 12 minuto.

Humablot si Jarred Vanderbilt ng 10 rebounds sa Wolves, nabawi ang 125-118 overtime loss sa Grizzlies noong Nobyembre 8.

HORNETS DINAGIT
NG HAWKS

INILISTA ni Atlanta’s Clint Capela ang kanyang team-leading 11th double-double, 20 points at 15 rebounds at tinalo ng Hawks ang Charlotte Hornets, 115-105, sa ikaapat na sunod na panalo ng team, Sabado ng gabi sa Atlanta (Linggo sa Manila).

10-for-11 sa field si Capela at may dalawang blocked shots para tulungan ang Hawks dumikit ng isang panalo pa para sa .500 mark sa 17 games.

Umangat ang Hawks, 7-1 sa home at wagi ng 14 straight home games laban sa Eastern ­Conference opponents, isang panalo pa para tumabla sa franchise record.

Limang Atlanta players ang may double figures, gaya ni Trae Young (19 points at nine assists), Cam Reddish at Kevin Huerter, tig-17 points, Danilo Gallinary (16 points) at John Collins (15 points).

May career-high 35 points naman si Carlotte’s Miles Bridges mula sa 15 of 28 shooting, 10 rebounds at three assists. Triple-double 15 points, 10 rebounds at 11 assists naman ang ambag ni MaMelo Ball at offf-the-bench, nagdagdag si Cody Martin ng 14 points at eight rebounds.

Nagwakas din ang five-game winning run ng Charlotte. Inisplit ng Hornets ang tatlong back-to-backs at minsan ding na-sweep.

Matapos ang 25-21 first quarter lead, ginamit ng Hawks ang second unit at sinimulan ang double-digit lead, na umabot ng 17 points. Abante ang Atlanta, 60-48 sa halftime at pinanatili ang 12-point edge tungo sa 89-77 advantage papunta sa fourth quarter.

Nakalapit ang Charlotte sa apat mula sa layup ni Bridges, 1:18 natitira sa oras. Dito na nakakuha ng tres ang Hawks kina Kevin Huerter at Cam Reddish para sa 112-103 count, 38.9 seconds na lang at sinelyuhan ni Young ang final score sa pamamagitan ng dalawang free throws.
Lalaruin ng Charlotte ang second leg ng three-game trip sa Lunes sa Washington. Habang kukumpletuhin ng Hawks ang five-game homestand sa Lunes kontra Oklahoma City.

Sa iba pang mga laro, nagwagi ang New York Knicks kontra Houston Rockets, 106-99, habang nagtala ang Indiana ­Pacers ng 111-94 win laban sa New Orleans Pelicans. Naitakbo naman ng Washington Wizards ang 103-100 win laban sa Miami Heat. Tinalo ng Boston Celtics ang Oklahoma City Thunder, 111-105. Panalo rin ang Utah Jazz kontra Sacramento Kings, 123-105 at ang Portland Trail Blazers ay namayani laban sa Philadelphia 76ers, 118-111.

Read More

EX-NBA PLAYER BAGONG IMPORT NG MAGNOLIA

0

Ni ANN ENCARNACION

SI Tony Bishop na at hindi si Shabazz Muhammad ang import ng Meralco Bolts sa darating na 2021 PBA Governors’ Cup.

Kinumpirma kahapon ng Bolts na pinalitan nila si Muhammad sa reinforced conference dahil sa “family matters.”

“We wish Shabazz the best in dealing with his family matters, and we are looking forward to welcoming Tony Bishop as our import for this conference,” ayon kay ­Meralco Bolts team ­manager Paolo Trillo.

Si Bishop, 32, produkto ng Richland College at ­Texas State ay naglaro para sa Rio Grande Valley Vipers sa NBA D-League, na ­ngayon ay G League na.

May lahing Panamanian, si Bishop ay naglaro para sa national team nito, bukod sa stints niya sa Germany, Puerto Rico at Romania.

Limang taon din siyang naging bahagi ng Minnesota Timberwolves sa NBA, bago naglaro sa China.

BROWNLEE
BALIK GINEBRA

ANUMANG araw mula ngayon ay darating na ang resident import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee.

“We’re having trouble securing his visa but ­apparently now, we’ve pretty much solved it and he should be on the plane,” sabi ni Cone sa “Power and Play” ni former PBA commissioner Noli Eala. “He’s scheduled to come in on the 25th, but I think he’s gonna be leaving earlier.”

Nais ni Cone na makasama agad ng team ang 33-anyos na si Brownlee upang makapagprepara sa pagbabalik ng import-laden ­conference ng liga.

Matatandaang isang conference lang, All-Filipino Cup, ang naisagawa noong nakaraang taon sa Clark bubble kung saan tinanghal na kampeon ang Ginebra. Ngunit na-dethrone sila ng TNT ngayong season sa Bacolor, sa Pampanga pa rin.

Read More