Tension sa Lakers-Pistons game LEBRON, STEWART PAREHONG EJECTED

0

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

DALAWANG beses nagharap sa NBA Finals noong late 80s ang Los Angeles Lakers at Detroit Pistons.

Nitong Linggo ng gabi (Lunes sa Manila), nanariwa ang rivalry sa pagitan ng dalawang koponan nang muntikan nang magrambulan sa laro.

Lamang ang Pistons, 78-66, sa unang minuto ng third quarter habang nasa free throw line si Jeremi Grant ay nagbabalyahan naman para sa rebound position sina LeBron James ng Lakers at Detroit’s Isaiah Stewart. Binigwasan ni James si Stewart, ayon sa mga saksi, intentional ang ginawa ng Lakers superstar dahil ‘closed fist’ siya nang sikuhin sa mukha ang Detroit player.

Duguang sinugod ni Stewart si James at doon na nagsimula ang hindi matapus-tapos na pag-awat sa magkabilang panig, at maging si Russell Westbrook ng Lakers ay nakitang pasugod din.

Sinipa sa laro si James, pangalawang pagkakataon sa kanyang career, gayundin si Stewart. Habang tinawagan ng technical si Westbrook.

Nang mapayapa na ang sitwasyon, ipinagpatuloy ang laro. Papasok sa fourth period ay abante pa ang Detroit, 99-84, ngunit nagsanib-puwersa sina

Anthony Davis at Westbrook tungo sa 121-116 win ng Lakers.

Umiskor si David ng 30 points, 10 rebounds at dalawang ­malaking blocked shots kay Pistons’ 20-year old rookie Cade Cunningham. May kontribusyon si Westrbook na 26 points, 10 assists at nine rebounds.

May tsansa sanang maitabla ng Detroit ang iskor sa huling 5.9 seconds, ngunit na-turn over si Hamidou Diallo, at humirit si Davis ng dalawang free throws para selyuhan ang ika-siyam na panalo ng Lakers.

Si James ay may 10 points bago nasipa sa laro.

Muling magkikita ang dalawang koponan sa Nobyembre 28 sa teritoryo naman ng Lakers.

Habang isinusulat ito, wala pang desisyon ang NBA hinggil sa parusang ipapataw sa mga sangkot sa gulo.

‘WORST BRAWL’
SA MICHIGAN

SA mainitang laro ng Lakers at Pistons, paulit-ulit ang panawagan ng PA announcer na manatili sa stands ang fans.

Sa Detroit din naganap ang maituturing na ‘worst brawl’ sa kasaysayan ng NBA noong 2004, sa laban ng Indiana Pacers at Pistons.

Eksaktong 15 taon nang maganap ang insidente. Matatalo na ang Pistons sa Pacers noon, 97-82, at magle-layup si Ben Wallace ng Pistons nang i-foul ni Ron Artest (Metta World Peace).

Kasunod nito, itinulak ni Wallace si Artest, pero balewala lang. Nang isang fan ang maghagis ng plastic cup kay Artest, na agad sinugod ang fan sa stand.

Dito na nagsimula ang gulo nang nakisali rin ang players, spectators at fans. Nagtagal ng ilang minuto ang gulo bago nakontrol ng security.

Matapos ito ay sinuspinde ng NBA ang siyam na manlalaro sa kabuuang 146 games. Limang player ang inasunto ng assault at nasentensyahan ng ‘year of probation and community service.’

Si Artest ay sinuspinde sa ­nalalabing season dahil sa pagsugod sa stands at multang umabot sa $5 million. Habang si Wallace ay suspendido ng anim na laro sa pagpapasimula ng gulo at multang $400,000.

Ang nangyari noong Linggo ay malayo sa naganap noong 2004, bagama’t tinangka ni Stewart na makawala sa mga umaawat at umaalalay sa kanya nang pumasok ito sa tunnel ng arena.

WALTON SINIPA
NG KINGS

UMAASA ang Sacramento Kings na magbabago ang ihip ng hangin sa kampanya ng koponan simula sa pakikipagtipan nito sa Philadelphia 76ers sa Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

Ito’y matapos sipain ng Kings si Luke Walton bilang head coach, 24 oras makalipas ang ­magkasunod na lopsided losses kontra Toronto Raptors at Utah Jazz.

Itinalaga si longtime NBA coach Alvin Gentry bilang interim coach, na nakatuon sa positibong mangyayari sa team kasunod ng pitong talo sa walong laro, para malaglag sa ilalim ng Western Conference standings.

“We addressed the team,” pahayag ni Kings general ­manager Monte McNair sa formal announcement ng pagtanggal kay Walton. “The guys remain confident. We all know that we need to get out of this 1-7 stint.”

Ang Kings ay tinalo sa home, 108-89, ng Raptors noong Biyernes ng gabi, at sinundan ito ng 123-105 loss sa Jazz kinabukasan.

May natitira pang dalawang laro sa four-game homestand ang Kings, at kasunod nito ang 14 sa 21 games at home.

Pinakamalaking problema ng Sacramento ang depensa, kung saan nasa ilalim din sila sa rankings dahil sa (111.1) points allowed matapos ang pitong sunod na laro, na 15 of 17 overall sa season.

Ang 76ers ay hikahos din dahil sa pagliban ni star player Joel Embiid sa huling pitong laro sanhi ng COVID-related reasons. Wala pa ring balita kung kailan sasalang o kung lalaro pa ba sa team si Ben Simmons.

Inaasahang hindi na lalaro si Embiid sa nalalabing six-game trip ng Sixers, matatapos sa Miyerkoles sa Golden State. Ang team ay 1-6 sa pagliban ni Embiid at tatlong talo sa apat na salang on the road.

Samantala, sa iba pang resulta ng mga laro, nagtala ang Golden State Warriors ng 119-104 win kontra Toronto Raptors.

Tinalo naman ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets, 126-97, at wagi ang Chicago Bulls laban sa New York Knicks, 109-103.

Read More

UNA SA LAHAT, AMA SIYA NI PORTER

0

ROLL VTR Ni VT ROMANO

NASAKSIHAN natin ang pagmamahal ng isang ama sa Terence Crawford- Shawn Porter fight kamakalawa ng gabi.

Pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng materyal na bagay sa mundo.

Maaaring hindi sang-ayon ang ilang nakasaksi sa ginawang paghagis ng towel ni Kenny Porter sa 10th round. Wala siyang pakialam sa sasabihin o opinyon ng iba. Ang mahalaga sa kanya ­maprotektahan ang anak na si Shawn. Maprotektahan mula sa malulupit na suntok ni Crawford.

Sa mga sandaling iyon, hindi bilang isang chief trainer si (Kenny) Porter, kundi isang ama.

Bilang ama, sapat na ang kanyang nakita, kaya sa pangalawang bagsak ng anak, nagpasya siyang itigil ang laban. Tama na! Awat na!

Hindi naman nag-atubili ang reperi at agad itinigil ang laban.

Wagi si Crawford via 10th round TKO at wala pa ring mantsa ang record niya (38-0, 29KOs).

Ito naman ang unang pagkakataong nakalasap ng knockdown si Porter (32-4-1, 17KOs) sa kanyang boxing career.

Hindi lang sa larangan ng boxing, kundi sa iba pang sports at maging sa normal na buhay, hindi matitiis ng amang makitang nasasaktan ang anak.

Mas gugustuhin pa nilang sila ang masaktan o ‘di kaya’y sila ang makipagsuntukan, kapag may kaaway ang anak.

Ganoon ang ama.

At ganoon ang ipinakita ni (Kenny) Porter nang awatin niya ang anak sa pakikipagsuntukan kay Crawford.

Nag-alala si (Kenny) Porter sa posible pang kasapitan ng anak kung ipinagpatuloy pa ang ­huling dalawang rounds.

Kaya naman, walang pagsisising narinig mula kay (Shawn) at sinang-ayunan niya ang ama sa naging desisyon nito.

***

BIGLANG pumasok sa isip natin si Sen. Manny Pacquiao at anak na si Jimuel (Emmanuel Pacquiao Jr.).

Nasa Amerika pa si Jimuel ngayon at nagsasanay. Desidido ang binatilyong sundan ang yapak ng boxing legend na ama, na kareretiro lang nitong Setyembre, matapos ang pagkatalo kay Yordenis Ugas noong Agosto.

Ang sabi ni Sen. Pacquiao, ayaw nilang payagan ni Jinkee si Jimuel magboksing. Pero, hindi nila mapigilan. Kaya’t ibinigay nila ang basbas dito.

Paano kung dumating ang oras na maging full-time boxer si Jimuel at lumalaban na?

Makayanan kaya ni Sen. Pacquiao makitang nasasaktan ang anak?

Gawin din kaya ni Sen. Pacquiao ang ginawa ni Kenny Porter?

Tingin ko, gagawin din ni Sen. Pacquiao. Ihahagis din niya ang towel para itigil ang laban.

Dahil ama rin siya at hindi niya kakayaning makitang nasasaktan ang anak.

Sa totoo lang, may mga trainer na parang anak ang turing sa boxer. Nakikita nila kung nasasaktan ang kanilang alaga at kung kailangan bang magdesisyon silang awatin ang laban.

Dahil para sa kanila, marami pang laban, makakabawi pa.

Read More

EJ OBIENA BIBITAW NA?

0

Ni EDDIE ALINEA

KAPWA pinabulaanan nina Filipino pole vault star Ernest “EJ” Obiena at kanyang Ukranian coach Vitaly Petrov ang isyu kaugnay sa hindi pagbibigay ng una sa buwanang sweldo ng huli.

Sa isang press ­conference via Zoom noong Linggo, hiniling ng 26-anyos na tubong Barrio Obrero, Tondo na humingi ng tawad sa kanya ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa maling paratang na aniya ay nakasisira sa reputasyon niya.

Kasabay nito, sinabi ng Olympian na si Obiena, tumapos na pang -11 sa pole vault sa nakaraang ­Tokyo Games, handa siyang patunayan na wala siyang kasalanan at tuluyang iwan ang mundo ng sport kung mabibigo siyang gawin ito.

Samantala, nakatakdang magpulong ang lima-kataong PATAFA committee kahapon ng hapon para repasuhin ang atas na ibalik ni Obiena ang 85,000 Euro (humigit kumulang sa P4.8 milyon) na suweldo ni Petrov ngunit hindi naibigay ng atleta.

Inirekomenda rin ng committee na patigilin si ­Obiena sa paghahanda niya sa Formea, Italy kung saan siya naka-base mula pa noong 2014, ang anak ng mga dati ring national athletes na sina Emerson, isang pole vaulter at Jeanette, isang hurdler.

Dapat lamang suriin ng mabuti ang mga pangyayari upang matigil na ang isyu, ayon kay PATAFA president, Dr. Phillip “Popoy” Juico.

Sinang-ayunan naman ito ni PATAFA national training director Renato “Nonoy” Unso, dating hari ng hurdle sa bansa at maging sa Southeast Asia.

“I’ve filed formal complaints with the POC, IOC, and the World Athletics, as we are now talking standard defamation of character,” pahayag ni Obiena sa media kahapon. “I have retained legal counsel and I do intend to pursue this vigorously.”

“This entire incident has damaged my reputation. I welcome any court of law to shed light under the power of evidence and investigate this matter,” dagdag niya.

Pinasinungalingan din ni Petrov na hindi siya nabayaran ni Obiena.

“With this letter I would like to thank you once again for your help and to confirm that EJ Obiena compensated me my salary which was agreed with him before in full beginning 2018 until now,” sabi ng Ukranian coach. “I have no complaints against him. Ernest is an outstanding athlete of your country and my purpose is still to make him an elite world-known athlete.”

Read More

PANALO ANG EKONOMIYA SA ELECTION + CHRISTMAS SEASON

0

MALAKI ang naitutulong ng election season sa ekonomiya ng bansa dahil gumagastos ang mga pulitiko at mga political party para magpakilala sa mga botante at makuha ang suporta ng mga tao.

Tiyak din na lalong gagana ang ekonomiya dahil sinasabayan ng pagpapakilala ng mga kandidato ang Christmas season na ang mga tao, kahit mahirap ang kalagayan sa buhay, ay sineselebra ang kapanganakan ng Poong Jesus Cristo kahit anong mangyari.

Kung ang Pilipinas ay kilala na may pinakamahabang Christmas season, mukhang nakikilala rin tayo sa mundo na may pinakamabahang election season at kapag nagsabay ang dalawang ito, maganda ang tama sa ekonomiya ng bansa.

Siguro pansin nyo, may reelectionist senators ang nagpaparamdam sa simula pa lamang ng taong ito sa pamamagitan ng mga radio at television advertisement na kunwari nangangamusta at ipinangangalandakan ang kanilang nagawang batas daw.

Kung magagawi kayo sa South Luzon at North Luzon Expressway, halos tadtad na ng mukha ng mga pulitikong tatakbo sa susunod na ­eleksyon ang buong highway. Hindi biro ang pera sa billboard ads na ‘yan ha.

May presidential candi­date nga kahit saan ka ­lumi­ngon, mapakanan o kaliwa ay may billboard siya pero nasa dulo ang kanyang pangalan sa mga presidential survey (sayang ang pera).

Hindi lang mga presidential kundi senatorial ­candidate ang makikita mo sa mga highway at maging ang mga partido ng mga ­party-list group na guma­gastos sa mga naglalakihang billboard sa mga expressway.

Tulad ng sabi ko, hindi biro ang perang ginagastos dyan sa mga billboard at buhay na buhay rin ang mga printing press dahil kanya-kanyang pagpapaimprenta na ng tarpaulins.

Ibig sabihin, bumubuhos ang pondo sa eleksyon at magpapatuloy ‘yan hanggang sa Mayo at kapag bumu­buhos ang pera ay iikot ‘yan, madadagdagan ang may pansamantalang trabaho at gagana ang ekonomiya ng bansa.

Hindi lang ‘yan, tiyak din na bubuhos ang pera bago ang araw ng eleksyon dahil hindi pa rin maiiwasan yata na may mga pulitiko ang namimili ng boto para ­masiguro ang kanilang panalo.

Dahil sumabay ang ­eleksyon sa Christmas season na magkakaroon ng extra money ang mga tao dahil sa mga bonus, lalo na ang mga manggagawa ay marami ang maibebentang produkto.

Nitong buwan pa lamang na ito, ang daming namimili ng Christmas decors tulad ng Christmas lights. Bihira kang makakita ng bahay na walang Christmas décor.

Naghahanda rin, kahit ang mga tulad naming mahirap sa Pasko para magregalo sa mga kaanak, inaanak at kaibigan kahit papaano kaya gagastos at gagastos dahil naging kultura na ito ng Pinoy.

Hindi lang Christmas Day ang pinaghahandaan kundi ang New Year’s Eve rin kahit ng mga ordinaryong pamilya dahil naging ­tradisyon na ito sa ating bansa kaya ­maraming food products ang maibebenta.

Dahil d’yan, buhay na buhay ang manufacturing sector at lahat ng negosyo sa pagkain kaya buhay na buhay d’yan ang ekonomiya ng bansa.

Sana wala nang katapusan.

Read More

DU30 NOON, BBM NGAYON!

0

NANINIWALA ang nakararaming Pinoy na itinadhanang maging presidente si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) sa susunod na taon.

Tulad nila ay naniniwala rin po ang PUNA na si BBM na nga ang papalit sa tronong iiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng buwan ng Hunyo sa susunod na taon.

Bakit kamo? Kahit walang basbas ng kampo ni BBM sa mga tao ay kusa silang gumagawa ng iba’t ibang pamamaraan para maipakita nila ang kanilang mainit na pagsuporta sa batang Marcos.

Tulad halimbawa ka­­ma-kalawa, ang isinagawang motorcade ng libong supporters ni BBM na nagsimula sa Belfast St. sa tabi ng SM Fairview, Quezon City hanggang Luneta Park, Maynila ay wala pong go signal mula sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City ‘yun.

Sinabayan pa ng motor­cade ng libu-libong BBM volunteers mula sa Cavite, Pampanga, Tarlac at ibang mga probinsiya sa bansa.

Ang pagkakaisang ito ng motorcade ay sa pamamagitan lamang ng usapan gamit ang social media platform.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita lamang na muling nanunumbalik ang magandang kaugalian ng mga Pilipino na “Bayanihan”.

Ang panunumbalik ng kaugaliang ito ay nakita ng mga Pilipino sa katauhan ni BBM dahil kahit anong bato ng putik sa kanya ay nananatili siya sa kanyang panawagan ng pagkakaisa sa ating mga kababayan.

Maging kakampi ka man niya (BBM) sa pulitika o hindi ay sinasabi niyang isantabi muna ang pulitika, unahin ang pagkakaisa para makabawi tayo sa epekto ng COVID-19.

Ramdam ni BBM na marami ang naapektuhan ng COVID-19 at nangangailangan nang makabawi sila.

Kinakailangan nila ng suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakakitaan.

Hindi rin makakaya kung ang gobyerno lamang ang gagawa kundi lahat ng mga Pilipino ay magkaisa, kaya tinawag ni BBM na “unifying leadership” ang kanyang pamumuno.

Ang panawagang ito ni BBM ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pinoy na may darating na umaga sa Inang Bayan.

Kinakailangan lamang may mangungunang pinuno tulad kay dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa pagkakaisang ito ay walang imposible, lahat ng gusto ay makakamtan.

Kahit anong paninira at pananabotahe kay BBM dahil siya ay itinadhana na maging presidente ng bansa sa susunod na taon ay hindi ito magiging hadlang.

Walang kaibahan ‘yan kay dating Pangulong Duterte kahit anong paninira laban sa kanya ng mga taga-oposisyon ay hindi siya natinag.

Sa simula pa lamang na mag-file si BBM ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ay pinukol na siya ng emergency alert sabotage, martial law at Oxford University issue.

Nariyan din ang ­Rappler survey, kanselasyon ng ­kanyang COC at ngayon maging si Pangulong Duterte ay may patutsada na rin sa kanya.
Ika nga, ‘opposition, administration politics against BBM’ ngayon.

Ang lahat ng mga pani­nira at pananabotaheng ito laban kay BBM ay ang taumbayan pa rin ang ­magdedesisyon kung siya ang susunod na pangulo ng bansa.

Ang lahat ng mga ito ay lalo pang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao na lalo pa nilang ipagtanggol si BBM.

Sa A1 info na natanggap ng PUNA, may kumikilos din mula sa Palasyo para ipa-disqualify si BBM sa pagtakbo para mabigyan ng pagkakataon si Sen. Bong Go na kandidato ng ­administrasyon.

Niluluto raw ang Go-Sara tandem at matutuloy lang ito, kung mawawala si BBM.

Ang istratehiyang ito ay lalo pang nagpalubog kay Bong Go sa kanyang political career dahil karamihan sa supporters ni Pangulong Duterte ay lumapit sa kampo ni BBM.

Ayon sa kanila, ang patutsada ni Pangulong Duterte kay BBM ay ibabalik nila kay Bong Go.

Maging ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-senador ay maaapektuhan at posibleng parehas silang ­dalawa ni Go na hindi manalo sa eleksyon.

Lumalabas na ang kanyang (DU30) patutsada kay BBM ay pulitika lamang para mabigyan ng pagkatataon na umangat si Bong Bo, subalit hindi ito kinagat ng mga tao.

Ika nga ni Erap, “weather weather lang ‘yan”.

PANAHON NI DU30 NOON, KAY BBM NGAYON!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

Read More

DAIG NG PANGULO SI PINOCCHIO

0

HIGIT na kilala ang Pangulo sa kanyang estilong atras-abante pagdating sa mga binibigkas sa tuwing siya’y eere para sa kanyang lingguhang mensahe.

Taong 2016 ng kanyang ihayag sa publiko ang kanyang posisyon kaugnay ng usapin sa pinagtatalunang teritoryo. Paandar pa ng noo’y kandidatong target makasungkit ng boto, sa Spratlys siya mismo ay tutungo para itindig ang bandilang kumakatawan sa mga Pilipino.

Nang mahalal bilang Pangulo, biglang kumambyo ang Pangulong kaibigan pala ng mga Tsino.

Hindi pa sumapat ang pagsira sa kanyang pangako, hinayaan pa niyang magsamantala ang mga Tsino sa karagatang napatunayang bahagi naman talaga ng ating teritoryo.

Sa kabila pa ng panalo ng Pilipinas sa kasong isinampa sa pandaigdigang husgado, nagpatuloy ang pananakop ng mga Tsino sa ating teritoryo. Sa kanyang nasirang pangako, siya’y binansagang sinungaling, bagay na ipinagkibit-balikat lamang ng ating pinuno.

Bunsod nito nabuo ang isang nakaka-aliw na kwento tungkol sa Pangulong dinaig pa si Pinocchio!

Pero teka, sino ba si Pinocchio? Bantog ang karakter ni Pinocchio sa mga kwentong pambata. Si Pinocchio ay isang manikang kahoy na nilikha ng isang malungkot na karpintero. Ayon sa kwento, binuhay ng isang diwata ang manika para magbigay saya sa kanyang lumikha.

Ang siste, naging asal ni Pinocchio ang magsinungaling, dahilan para siya’y parusahan ng lumikhang diwata. Ang kastigo – paghaba ng kanyang ilong sa tuwing siya’y magsisinungaling.

Nang minsang naglamyerda si Pinocchio kasama sina Snow White at Superman, tumambad sa kanila ang isang anunsyong patimpalak ng kagandahang agad namang sinalihan at pinagwagian ni Snow White.

Sumunod naman nilang nakita ang anunsyong kompetisyon sa larangan ng palakasan. Sumali rin si Superman na umuwing tagumpay pagkatapos ng paligsahan.

Sa daang pauwi, nakita naman nila ang isang anunsyong paligsahan para sa pinakamahusay na bulaan. Dito na lumahok si Pinocchio sa pag-aakalang liyamado siya rito.

Pagkatapos ng patimpalak, lumabas si Pinocchio – malungkot at umiiyak.

Tinalo siya ni Duterte!

Read More

MAYOR JOY DESPERADO NA! Inaangking libreng pailaw sa Brgy. Pansol binayaran pala ng mga residente

0

SANDAMAKMAK na batikos ang natanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte mula sa mga residente ng Brgy. Pansol matapos nitong ipangalandakan sa opisyal na Facebook page ng lungsod ng Quezon na libre ang ‘Pailaw Project’ nito para sa 600 na kabahayan sa nasabing lugar.

Matapos ang pagsisiyasat at pagtatanong sa mga taga-Brgy. Pansol ay napag-alaman na isang malaking “FAKE NEWS” ang sinasabi ng QC LGU na libre ang kanilang ‘Pailaw Project’. Ayon sa mga residente, nagbayad sila ng mahal para sa pagkakabit ng mga kable, wires at buwan-buwan din umano nilang babayaran ang kanilang bill para sa kuryente.

“Sinungaling ‘yang mayor na ‘yan,” ito ang karamihan sa mga salitang mababasa mo sa mismong post sa opisyal na Facebook page ng Quezon City Government, at “Hindi totoo at ang mga residente ang gumastos para pagpapakabit ng ilaw at kuryente sa aming lugar.”

“That’s a big lie! Bakit kami gumastos kung project niyo pala yan! hindi biro ang sampung libo (P10,000) plus sa panahon ng pandemic!” sabi ni Aling Lynn.

“Ha?! Anong kasinungalingan ito? Gumastos kami ng halos labinlimang libo (P15,000) tapos ngayon sasabihin niyo pailaw niyo!” komento ni Mang Mel.

Ang ‘Pailaw Project’ diumano ay proyekto sa pangunguna ni Majority Floor Leader at Incumbent Councilor Franz Pumaren, bagamat sa mga tarpaulin na makikita sa nasabing lugar ay nakabalandra ang malaking mukha ni Mayor Joy Belmonte.

Ayon naman sa isa pang residente na si Mang Jesus na pawang pamumulitika ang ginawa nila Mayor Joy at Councilor Pumaren sa lugar, matagal na umano silang may ilaw at kuryente, habang ang iba ay wala, naidulog na rin nila sa alkalde ang nasabing problema pero aniya ay ngayon lang kumilos ang grupo ni Mayor Joy dahil nalalapit na ang eleksyon at pinagbayad pa umano sila.

“Dati na kaming may ilaw, dahil sa project na ito nagastusan kami ng halos sa labingwalong libo (P18,000) bawat isang kuntador. Mga epal tong mga politiko na ito kung makaposing kayo para sa photo-ops niyo WAGAS! Hindi po nakagaan sa aming dati nang may kuntador ang project niyo, NAKAGASTOS LANG KAMI! HINDI PO LIBRE ANG APLIKASYON NAMIN sa MERALCO pati paglalakad ng mga papeles lahat may BAYAD!” giit ni Mang Mel.

Panawagan naman ni Cong. Allan Benedict Reyes, maging transparent, huwag naman gumawa ng kuwento, sabihin ang totoo sa taumbayan at huwag ‘Credit Grabber’ dahil taong bayan ang naghirap, mga residente ng Brgy. Pansol ang nagbayad kaya dapat lang sa kanila ang pagpupuri.

“Nasa Brgy. Pansol po ako, nagconduct kami ng ‘Mobile Gupitan’, may nakita akong mga signages dun, ang ginawa ko nalang nagtanong ako sa mga taong bayan libre ba yan, majority said, halos lahat nagsabi meron po kaming binayaran diyan hindi po yan libre,” sabi ni Cong. Reyes.

“Namutaktak na naman sila ng Fake News, pinalalabas nila na nagbigay daw sila ng libreng pailaw,” sabi ng presidente ng Malayang QC na si Edwin Rodriguez.

“Pwede naman na inendorse para ma-expedite, para ma-fast-track, that is a different story kung inendorse mo lang, tinulungan mo para sila ay makapagtrabaho na, o malagyan na sila ng kuntador, separate kuntador kasi marahil dati sama-sama sila isang association o bukod-bukod na nilakad nila iba naman yung programa, iba yung nilbre mo sila ng pagbabayad ng kuryente,” pahayag naman ni Cong. Precious Castelo.

“These are little things na problema na we can assist as congressmen and congresswomen pero we don’t take credit from it. Ang tawag dun ‘Credit Grabber’,” sabi naman ni Cong. Onyx Crisologo.

“Alam mo ang basa ko ngayon masyado na silang desperate, kaya kung anu-ano na lang yung kini-credit-grab nila eh, anong libreng pailaw eh ang daming umaangal,” sabi ni Cong. Bingbong Crisologo.

Habang puro negatibong komento naman ang natanggap at mababasa sa post ng Quezon City Government Facebook page tungkol sa ‘Pailaw Project’ umano nila, karamihan ay nagrereklamo at pinapasinungalingang libre ang nasabing proyekto. Gumastos umano ang bawat bahay ng mahigit labing-limang libo hanggang dalawampung libong (P15,000-P20,000) piso sa pagpapakabit pa lamang.

Read More

BOOSTER SHOTS SA SENIORS UMARANGKADA NA

0

SINIMULAN na ng pamahalaan ang pagtuturok ng booster shots kontra COVID-19 para sa mga senior citizens at may karamdaman.

Gayunpaman, may kondisyon ng inilatag ang Department of Health (DOH). Anila, tanging mga nakumpleto na ng dalawang doses may anim na buwan na ang nakakaraan pwedeng maturukan ng booster shot. Tatlong buwan naman dapat anila ang pagitan kung naturukan ng single dose ng Janssen COVID-19 vaccine.

Paglilinaw pa ng kagawaran, walang dapat ikabahala kung iba sa naunang itinurok ang matatanggap ng booster shot. Pinahihintulutan din ang pagpili ng bakuna – depende sa suplay na mayroon ang vaccination center.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring magpaturok ng booster shots ang mga taong may HIV, may terminal cancer, mga sumailalim ng transplant at maging yaong mga dumaan sa tinatawag na immunosuppressive treatments.

Kaugnay nito, sinimulan na ring turukan ng COVID-19 booster shots ang health workers sa Valenzuela City.

Isinagawa ang pagbabakuna dakong 8 am hanggang 5 pm noong Sabado sa Valenzuela People’s Park Amphitheater.

Kailangan lang magpakita ng health workers ng kanilang VCVax Passports bilang patunay na sila ay kumpletong bakunado bago sila bigyan ng AstraZeneca o Pfizer vaccine.

Binigyan din sila ng bagong VCVax Booster Dose Card matapos turukan. (ALAIN AJERO)

Read More

Solon sa pagiging agresibo ng China KASALANAN NI DUTERTE

0

KUNG meron mang may kasalanan kung bakit lalong nagiging agresibo ang China sa West Philippines Sea (WPS) ay walang iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang “soft landing at pivot to China foreign policy”.

Reaksyon ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos kastiguhin ni Duterte ang China dahil sa pagharang at pagbomba ng tubig ng kanilang coast guard sa dalawang bangka na magdadala ng supply sa mga sundalo naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“The buck also stops with Malacañang. China’s aggressiveness in the WPS and inside our own territory is also largely a product of the so-called “soft landing” and “pivot to China” foreign policies of the Duterte administration since 2016,” ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sinamantala ng China ang pakikipagkaibigan ni Duterte sa kanila at pananahimik ng pangulo sa mahabang panahon sa nasabing usapin.

Gayunpaman, ikinatuwa ng mambabatas na sa wakas ay nagalit na si Duterte sa China subalit kailangan aniyang sabayan ito ng aksyon upang mabawi ang teritoryo at mapalayas nang tuluyan ang mga dayuhan sa WPS.

“Pres. Duterte’s statement now should be coupled with a clear policy statement stopping his skewed appeasement policy that only resulted to China’s aggressive, even unchecked expansionism,” ani Zarate.

Ito ay upang hindi aniya mapagdudahan na ang reaksyon ng Pangulo ay bilang pambobola muli sa mga botante gaya ng ‘jetski issue’ noong 2016. (BERNARD TAGUINOD)

Read More