KLAY THOMPSON GIGIL MAGKAMPEON

0

NALALAPIT na ang pagbabalik ng orig ‘Splash Brothers’ ng Golden State Warriors.

Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkawala sa ­Golden State, balik full team practice na ang Splash Brother ni ­Stephen Curry na si Klay Thompson.

Hunyo 2019 nang magkaro’n ng torn ACL si Thompson sa Game 6 ng 2019 NBA Finals. Nasundan pa ito ng ruptured Achilles noong Nobyembre 2020.

“It’s so exciting. Just to be running up and down the court and playing basketball, it’s truly a blessing and it makes coming to work so easy.

The boring stuff’s behind me and now it’s just getting back in game shape – I got to stay patient because I can be an overeager person to get out there and play, but I’m just ­incredibly grateful to be out there,” ani Thompson, matapos ang una niyang 5-on-5 scrimmages.

Noong Martes ay ipinahayag ni GS coach Steve Kerr na magbabalik na sa active roster ang 31-anyos na si Thompson.

“We don’t have a target date,” pag-amin ni Kerr. “What we have is a number of weeks ahead of us for certain where we’re going to play it out, keep letting him scrimmage as often as possible so that he’ll build that endurance. And I would think within a few weeks we’ll be able to finally sort of get a target date, but we don’t have one right now.”

Ngunit marami ang nagsasabi na maglalaro na bago mag-Pasko ang No. 11 pick ng Warriors noong 2011 NBA Draft.

Sa 615 games (578 starts) sa Golden State, nag-average ng 19.5 points, 3.5 rebounds at 2.3 assists per game ang 5-time All-Star at bahagi ng 3 NBA championships team na si Thompson.

Sa kasalukuyan, Warriors ang may NBA’s best record sa 15-2 panalo-talo.

“We’re 15-2. That’s a great indicator of [championship readiness], and our defense, I think it’s top three in the league as well as our offense – and I’m not even out there yet,” wika nang excited nang bumalik sa Warriors line-up na si Thompson.

“Think about that. Really think about that. I’m more motivated than ever as well. I want a championship so bad. More than anything,” sabi pa niya.

Read More

DOH REG’L DIRECTOR ITINALAGA SA PWESTO

0

KASABAY ng tuluyang pagreretiro ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo, itinalaga ni Secretary Francisco Duque ang hepe ng DOH Supply Chain and Management Service bilang bagong pinuno ng tanggapan ng nasabing kagawaran sa rehiyon.

Sa isang pahayag, tinanggap naman ng tubong-Taytay, Rizal na si Dr. Ariel Valencia ang hamong ipagpatuloy ang husay na ipinamalas ng nagretirong regional director na naging bahagi ng ahensya sa loob ng 39 na taon sa siyam na DOH regional offices.

“Together with the DOH-CALABARZON family, our local government partners, private and public stakeholders, we shall take up all the challenges and deliver all the needed health services to our people,” sambit ni Valencia.

Bago pa man itinalaga sa DOH-Calabarzon, dati na siyang regional director ng apat na rehiyon – National Capital Region (2014-2018), Western Visayas (2008-1012), CARAGA (2012-2013) at  MIMAROPA (2013-2014).

Taong 2014 nang hiranging Acting Deputy Director for Field Regulatory Operations ng Food and Drugs Administration (FDA) si Valencia bago itinalaga bilang director ng DOH-Supply Chain and Management Service.

Taong 1992 nang pasukin ni Valencia ang gobyerno bilang medical officer ng Rizal Provincial Government at municipal health officer ng bayan ng Taytay bago inilipat sa DOH bilang Medical Specialist II sa DOH region IV-B na sumasakop sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

Patafa vs. Obiena PSC NAGREPERI

0

Ni ANN ENCARNACION

NAMAGITAN na ang Philippine Sports Commission sa away ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at atleta nitong si Olympian pole vaulter EJ Obiena.

Kahapon ay naglabas ng pahayag ang PSC na mamamagitan sila sa kaso at nanawagan sa dalawang panig na magdayalogo.

Nagbanta rin ang ­nation­al sports agency na kapag hindi naresolba ang isyu ay maaaring maapektuhan ang nakukuhang pinansyal na tulong ng PATAFA.

“While we wish for the matter to be handled with confidentiality, we are bound by duty to mediate and call both parties to the table in the interest of truth and arresting the damage this tussle has done on our country’s image in the international sporting world,” ayon sa PSC.

“We now demand the parties to refrain from issuing statements to the public and on social media. We hope the imposition of this moratorium will allow this proposed dialogue a chance to help all of us arrive at a proper resolution on this matter.”

“The PSC believes that alternative dispute resolution is an efficient tool and alternative procedure for conflict ­resolution between the federation and the athlete.”

“Should this option fail, we regret that the PSC shall be constrained to implement actions that would negatively redound to the concerned ­federation with regard to financial assistances,” ­pahayag ng sports agency.

Nauna rito, nagsagawa ng imbestigasyon ang PATAFA kaugnay sa umano’y kabiguan ni Obiena na bayaran ang sweldo ng kanyang pole vault coach na si Vitaly Petrov kaugnay sa training nito sa nakaraang Tokyo Olympics.

Mariing pinabulaanan ni Obiena ang akusasyon at ­hiniling sa PATAFA na itigil ang imbestigasyon na nakasisira sa kanyang pagkatao.

Nagbanta pa ito na tuluyang tumigil na lang sa sport.

NATAKOT MAWALAN
NG BUDGET

NAGDESISYON ang PSC na huwag makialam noong ­unang pumutok ang istorya.

Ngunit ikinagalit ito ng mga senador at ni-recall o binawi ang 2022 budget ng ahensiya.

“The PSC took a hands-off approach. Sabi lang nila work it out. How can you do that to your national athlete? Pakialaman mo naman! Bigyan mo naman ng halaga ang ating national athlete na inakusahan na lang ng ganun ganun na wala pang basis cause no less than the coach said that he was paid,” dismayadong pahayag ni Senator Pia Cayetano.

“Ang sa akin lang po, this is a young man who has a beautiful career ahead of him. Anyone who has ever tried to participate in sports can just imagine the emotional and mental anguish that this young boy is going through because of these accusations of PATAFA, where the coach himself is saying na binayaran siya.”

Ipinaliwanag ni ­Cayetano, base sa Republic Act No. 6847 o “The Philippine Sports Commission Act,” may mandato ang PSC na makialam sa problema ng national sports association (NSA) gaya ng PATAFA.

Paglilinaw naman ng PSC, inaaksyunan na nila ang naturang kaso at tiniyak na tinutugunan nila ang suliranin ng mga atleta.

“On this issue between the Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) and national athlete EJ Obiena, we assure everyone that we at the Philippine Sports Commission (PSC) did not take the matter lightly.

“Even before issuing our previous statement that ‘we shall intervene when appropriate,’ we have already ­quietly started a series of separate dialogues with each of the concerned parties, with the quick and just resolution of the issue in mind.”

“The PSC is hoping for a resolution of the issue on the year where the country made history in all fronts, including the Olympics where it won its first-ever gold medal.

“We shall not allow this to spoil the successful gains of the Philippine in sports. Let this year remain with the glorious glow of the golden victories of our sports heroes,” giit ng PSC.

Read More

PH SUPPLY BOATS SA AYUNGIN BINARAKO PA RIN NG CHINA

0

INAMIN ng Department of National Defense (DND) ang umano’y muling pambabarako ng mga Tsino sa mga lulan ng supply vessels na naghatid ng pagkain at gamot sa mga sundalong Pilipino na nakahimpil sa BRB Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagama’t matagumpay na naihatid ang mga sundalo ang kanilang mga pangangailangan, nakaranas pa rin ang mililitar na mga Pilipino ng aniya’y pananakot at panggigipit ng Chinese Coast Guard gamit ang mas maliit na rubber boats – bagay na agad naman umano niyang ipinagbigay-alam kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

“There was a Chinese coast guard ship in the vicinity which sent a rubber boat with three persons near the Sierra Madre while our boats were unloading and took photos and video. I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” ayon pa sa Kalihim.

Martes ng tanghali nang muling tangkaing pumalaot ng Philippine Navy para ihatid ang mga pagkain, gamot at iba pang mga pangangailangan ng mga sundalong Pinoy na nakahimpil sa bahagi ng karagatang inaangkin ng bansang China, matapos silang itaboy ng Chinese Coast Guard tatlong araw na ang nakararaan. (JESSE KABEL)

Read More

TRESPASSING SA 3 SEKYU NA PUMASOK SA BAHAY NA MAY BAKOD

0

TAKOT na takot ang isang ginang matapos pasukin ang bahay na kanilang tinitirahan na nakabakod, ng tatlong kalalakihan na pawang mga armado ng baril noong nakaraang Lunes, Nobyembre 22, 2021.

Ang tinutukoy po natin ay ang bahay ni Arlene Espenera ng Upper Bangkal, Brgy. Isidro, Rodriguez, Rizal.

Ipinarating sa PUNA ang kanilang reklamo kaugnay sa ginawa ng tatlong guwardiya ng Silver Griffin Security na may tanggapan sa No. 17 A. Martin St., Brgy. Tugatog, Malabon City na pumasok sa likurang bahagi ng bahay ni Ginang Espenera sa nabanggit na address.

Sinikap ng PUNA na malaman ang detalye ng pangyayari kaya tinungo natin ang tanggapan ng pulisya sa Rodriguez, Rizal na agad namang nagresponde sa lugar.

Base sa pahayag ni Ginang Espenera, sa mga pulis at media, nagkataon ng panahon na ‘yun ay nasa Bulacan sila ng kanyang mister, takot na takot daw ang kanyang tiyahin kaya ipinatawag sa kanya ang kanilang kaibigan para sabihin ang ginawang pagpasok ng tatlong kalalakihang armado.

Ayon kay Misis Espenera, sa gilid na bahagi ng kanilang bahay na kung saan ay masukal, dun pumasok ang tatlong kalalakihan kaya nagdulot ito ng takot sa kanyang tita.

Nang makapasok na raw ang tatlong kalalakihan na pawang armado ay sinabing magbabantay sila sa tinitirikan ng kanilang bahay na nakabakod para mabantay­an at hindi makapasok ang ibang mga magtitirik ng bahay o squatter.

Inamin ng tatlong kalalakihan na ipinadala sila ng isang nagngangalang Allan Cruz na umano’y nagpakilalang may-ari ng lupa na kinatitirikan ng bahay ni Ginang Espenera.

Sa panayam ng PUNA kay Ginang Espenera, ma­tagal na nilang nabili ang lote na may lawak na 9,646 square meter sa isa nilang kaibigan na nangailangan ng pera.

Kaya agad nila itong pinabakuran at tinayuan ng bahay na kung saan ay namili sila ng scrap, ilang taon na ang nakalipas.

Nabigla na lamang sila nitong nakaraang Lunes ay biglang pinasok ang kanilang bahay na may bakod, ng mga tauhan ng Silver Griffin Security nang walang pahintulot sa kanila.

Tsk! Tsk! Tsk! Trespassing ginawa n’yo mga boy.

Para maging patas ang ating panulat, ay sinikap natin makuha ang panig ng Silver Griffin Security at nakausap natin sa cellphone si Mr. Wilfred Martin, ang may-ari ng agency.

Ibinigay niya sa PUNA ang cellphone number ng kanyang tauhan na si Arnel Lopez, supervisor/inspector ng Silver Griffin Security Agency.

Sa phone interview kay Ginoong Lopez, kumuha raw ng security services si Engr. Allan Cruz ng Jac Xyris na matatagpuan din sa lugar ang opisina.

Sinabi ni Lopez na may ipinakita raw na mga dokumento si Engr. Cruz kaya pumayag sila na maglagay ng kanilang guwardiya sa loob ng bakod ng bahay ni Ginang Espenera.

Ayon pa sa kanya, kaya raw pinalalagyan ni Engr. Cruz ng mga guwardiya ang lugar na nakabakod na kung saan may bahay si Ginang Espenera, para hindi mapasok pa ng ibang magtitirik ng bahay sa lugar.

Sina Allan Cruz, Ronnie Roxas at Roselo Espenera (asawa ni Arlene Espenera) ay minsan nang nagharap sa Brgy. San Isidro noong Pebrero 24, 2021 kaugnay sa usapin ng quarrying sa lugar.

Hindi nagkasundo ang dalawa kaya nagbigay na lamang ng certificate to file ang Brgy. San Isidro na pinirmahan nina Melencio Tolentino, Sr., Lupon Head; Nora Oro, Pangkat Chairman, at Hon. Karen Mae Hernandez, punong baran­gay ng Brgy. San Isidro.

Sinabi pa ni Ginang Espenera na minsan na sila ­inalok ni Cruz na bayaran sila ng P400K para lamang iwanan ang kanilang lugar subalit hindi sila pumayag dahil malaki na ang kanilang hirap sa pag-aalaga at ginastos sa nasabing lote.

Sinikap din natin na makuha ang panig ni Engr. Allan Cruz subalit hindi ibi­nigay sa atin ang contact number niya ng mga guwardiya na nakatalaga sa nabanggit na lugar.

Nililinaw lang po ng PUNA na wala po tayong pinapanigan kundi sa totoo lang po tayo, kaya pilit po nating kinukuha ang magkabilang panig.

Ang tanong po natin sa PNP-SOSIA, ano po ang parusa sa mga security agency na mapapatunayang nag-trespass sa loob ng bahay na nakabakod?

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

Read More

CREDIT GRABBER

0

NAPAPANSIN ko na kapag panahon ng eleksyon, ang daming pulitiko na credit grabber para ipakita marahil sa taumbayan na meron silang nagawa kaya dapat iboto uli sila.

Kung napapansin n’yo, may mga reeleksyunista na ipinangangalandakan sa kanilang political ads na kesyo sila ang gumawa ng batas na ganito, batas na ganyan para ipakita na may accomplishment sila.

Parang sila lang ang nagtrabaho at hindi binigyan ng kredito ang mga kasamahan nila sa Kongreso na nagkaroon ng malaking bahagi at papel kung bakit naging batas ang isang panukala.

Para sa kaalaman ng lahat, hindi lang gawa ng isang senador o congressman ang isang batas kundi pinagtulungang ipasa ‘yan ng buong miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Merong kokontra pero iilan lang at dahil mas marami ang bumoto ng pabor sa isang panukala, naipapasa ‘yan pero kung mas marami ang hindi pabor, sa archive division ‘yan itatambak.

Dahil bicameral ang sistema ng paggawa ng batas, hindi magiging batas ang isang panukala na ipinasa sa Kamara kung walang counter bill na maipasa sa Senado o vice versa.

Kailangang may kahalintulad na panukala ang naihain ni Senador sa Kamara dahil kahit maipasa sa kanilang kapulungan ang kanyang panukala kung walang congressman na makaisip sa kanyang naisip ay walang mangyayari.

Ibig sabihin, may papel sina congressman sa isang panukala na naging batas dahil may naipasang countermeasures ang mga senador at dumaan pa ‘yan sa ­bicameral conference na binubuo ng mga appointed member mula sa Senado at Kamara.

Bago ‘yan, ipapasa muna ‘yan sa committee level na may mga chairman at miyembro bago dalhin sa plenaryo para pagbotohan ng buong miyembro ng kapulungan at kung hindi type ni chairman o ng Speaker of the House at Senate President ang isang panukala, mababaon ang panukalang ‘yan sa archive.

Kaya concerted efforts ng mga senador at congressmen ang isang panukala kahit ang naghain o nagpanukala ay isang mambabatas lang kaya hindi dapat angkinin ni Congressman o ni Senador ang isang panukala.

Pero kung angkinin ni re-electionist senator o reelectionist congressman ang kredito ay parang sila lang ang naghirap at hindi binigyan ng kredito ang mga kasamahan lalo na ang chairman ng komite na nagpasa at nagdepensa sa kanyang panukala.

Okey lang siguro na sabihin na siya ang nagpanukala sa batas na ‘yan pero dapat bigyan din niya ng kredito ang naghain ng kahalintulad na panukala sa kabilang kapulungan.

Kaso hindi ko ‘yun ­naririnig sa kanilang mga political advertisement. Inaangkin nila ng buong-buo ang isang batas lalo na kung ito ay maayos na naipapa­tupad at napapakinabangan ng taumbayan.

Parang ipinapalabas nila na sila lang ang nagtrabaho at kung wala sila, hindi ‘yan magiging batas kaya dapat tayong magpasalamat sa kanila at kailangan nating iboto ulit sila…. ganun ba ‘yun?

At ang napapansin ko pa ha, walang reelectionist solons ang nagsasabi na sila ay ang nasa likod ng mga batas na nagpapahirap sa mga tao tulad ng mga karagdagang buwis.

Read More

BENTAHE NG ADMINISTRASYON

0

HINDI biro ang gastos ng mga kandidato para sa pagiging Pangulo.

Bigla sumagi sa isip ng publiko si dating ­Pangulong Fidel Ramos na minsang nagsabing tumataginting na P5 bilyon ang kailangan ng isang presidential candidate para ­makapaglunsad ng isang epektibong kampanya – nang walang katiyakang mananalo liban na lamang kung gagamitan ng salamangka, pandaraya at pagbili ng boto.

Dito lamang ang administrasyon. Nasa kanila ang kakayahang makalikom ng pondong kailangan para sa publisidad gamit ang campaign advertisements sa telebisyon, radyo, ­peryodiko at maging sa social media kung saan nagkalat ang trolls na posibleng binabayaran gamit ang pondo ng gobyerno.

Kamakailan lang, naglabas ng ulat ang grupong “Right to Know,” na kinabibilangan ng certified public accountants (CPA) at mga abogado.

Ayon sa grupo, nasa P5.12 bilyon ang buwis na nagawang iwasan ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para lang sa taong 2020.

Ang Pharmally na nakasungkit ng bilyon-bilyong transaksyon sa gobyerno sa gitna ng pighati ng mga mamamayang Pilipino, ay higit na kilala sa likod ng overpriced at substandard na face shields na binili ng gobyerno mula sa kanila.

Ito rin mismo ang kumpanyang ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), ay mayroon lamang paid-up capital na P600,000.

Nagawa nilang makuha ang kontrata kahit pa pinakamahal ang presyong alok nito sa Department of Budget and Management (DBM) na nangasiwa ng moro-morong bidding sa gitna ng pandemya.

Magkano nga ulit? P5.12 bilyon ba kamo? Sa puntong ito, hindi maiwasan isiping sadyang pinlano ang maanomalyang transaksyon bilang paghahanda sa eleksyon.

Kanino nga ba pumasok ang salaping katumbas ng buwis na dapat bayaran ng Pharmally?

Isa lang ang malinaw, hindi lamang sa transaksyong Pharmally kumita ang mga tiwali sa gobyerno. Maging sa pagbili ng rapid test kits sa unang bugso ng pandemya, pihadong may tiba-tiba. Pati sa PhilHealth, syento-por-syento may kumita.

At sa bakuna? Siyempre naman!

Hindi pa kasali sa kwenta ng “Right to Know” ang halaga ng tinatawag na SOP na komisyon sa mga imprastraktura ng gobyerno.

Oops, meron pa – donasyong sapilitan mula sa mga kapitalista.

Read More

Nagpanggap na kostumer, killer pala VENDOR NIRATRAT NG TANDEM

0

BATANGAS – Dead on the spot ang isang tindero ng gulay matapos na ratratin ng riding in tandem suspects habang nasa kanyang puwesto sa gilid ng highway sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Heracleo Bacit, 47-anyos, residente ng Sitio Bolbok, Barangay Butucan.

Batay sa report ng Nasugbu Police, bandang alas-9:00 ng umaga, nasa kanyang vegetable stand ang biktima sa gilid ng Looc Road nang tumigil ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nagkunwari umano ang mga itong bibili ng gulay subalit nang makalapit sa biktima ay biglang nagbunot ng baril at pinaputukan ang vendor.

Mabilis na tumakas ang hindi kilalang mga suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (NILOU DEL CARMEN).

Read More

HINDI BAKUNADO ‘WAG PAKAININ

0

IPINAGTANGGOL ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang karapatan ng mga restaurant na tanggihan ang mga hindi bakunadong customers.

Ang katuwiran ng Chief Executive, posibleng maging potential spreaders ang mga ito ng coronavirus disease (COVID-19).

“So ‘yan ang dahilan kung bakit ka na hindi makapasok. And I understand, and I support itong mga restaurants and all na delikado sa contamination sa public. You have my support. Huwag mo silang pakainin ,” ayon pa rin sa Chief Executive.

“Kailangan talaga lahat mabakunahan. Ang mga ayaw, they should not be allowed inside public restaurants or resorts because they are a threat to public health and the safety of the general public. Threat to public health,” ayon sa Pangulo.

Ang business establishments gaya ng restaurants ay nagsimula nang tumanggap ng kostumer kasabay ng pagtaas ng operational capacities.

Ito ay naging posible na sa mga bansang may umiiral na Alert Level System (ALS) na sinasabing ” more calibrated for commerce” na salungat naman sa lumang quarantine classification system.

Subalit sa kabila ng mas “lenient protocols” at mababang bagong COVID-19 cases, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan pa ring harapin ang mga unvaccinated individuals at iyong mga hindi sumusunod sa tamang health protocols.

o0o

COVID RECOVERIES
PAYAGAN SA RESTO

DAPAT ding payagang kumain sa restaurant ang mga naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.

Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individual sa restaurants at establisimyento dahil maaaring maka-kontamina ang mga ito sa iba.

“Kung ikaw ay nagka-COVID, na-ICU, kahit ikaw ay hindi ka vaccinated, may antibodies ka, so safe din ako kasama yung mga ganoon. Ang third… yung mga hindi nabakunahan because may allergy sila,” ayon kay Herbosa sa Laging Handa briefing.

“So idadagdag ko ‘yun. Fully vaccinated, natural immunity sa dating impeksyon, at those that cannot be vaccinated because of some medical condition,” dagdag na pahayag ni Herbosa.

Samantala, suportado naman ni Herbosa na payagan ang mga unvaccinated individual sa “outdoors” para mapigilan ang pagkalat ng virus.

o0o

Magpapabakuna sa Nat’l Vax Day
HINDI ABSENT
SA TRABAHO

HINDI mamarkahan ng “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa COVID-19 sa isasagawang 3-day national vaccination event sa Nov. 29-Dec. 1.

Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa nasabing virus.

Tinintahan ni Pangulong Duterte ang kautusan na nagsasaad na ang mga empleyado na makatatanggap ng COVID-19 shots sa nasabing mga araw ay hindi mamarkahan ng absent subalit kailangan na magpakita ng pruweba na binakunahan nga sila.

Nauna rito, idineklara naman ni Pangulong Duterte ang November 29, 30 at December 1 bilang Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days.

Nakasaad ito sa ilalim ng Proclamation 1253 na ipinalabas ni Pangulong Duterte nitong Miyerkoles kung saan ay pinapayagan ang public at private sector employees na magpabakuna. (CHRISTIAN DALE)

Read More