HIGIT 3M MINORS BAKUNADO NA

0

MAHIGIT tatlong milyong kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang bakunado na laban sa COVID-19.

“I am very pleased to know that we have already vaccinated more than three million minors aged 12 to 17 as of today (Martes). Marami yan, three million,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People.

Ang pagbabakuna sa lahat ng menor de edad o 12-17 ay sinimulan noong Nobyembre 3, 2021 sa National Capital Region habang ang nationwide implementation ay noong Nob. 5.

Sa kabilang dako, sa Enero 2022 posibleng makumpleto ang pagbabakuna sa mga edad 12-17, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa panayam sa kalihim, sinabi nito: “Kung 100% ng 12.7 million [minors], baka ‘yan ay umabot ng Enero, first quarter ng 2022.”

Tinatarget aniya ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 80% ng nasabing age group sa pagtatapos ng Disyembre, base sa unang pahayag ng National Task Force.

Samantala, nakatanggap naman ang Pilipinas ng kabuuang 134.4 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers.
Iniulat din ng Pangulo na may 76.5 milyong vaccine doses ang naiturok.

“Of this number, 41.9 million have [been given as] the first dose or more than 33.5 million are given second dose and single-dose shots,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Tumatagay ng alak sa virtual hybrid session PCOO-APO OFFICIAL KINASTIGO SA SENADO

0

BINALAAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang opisyal ng APO Production Unit Inc., sa ilalim ng Presidential Communications Operations Offices (PCOO) matapos matuklasan na tumatagay ito habang dumadalo sa virtual hybrid session nitong Lunes hinggil sa deliberasyon ng badyet.

Sa pahayag, binalaan ni Gatchalian si Dominic Tajon, sales and marketing manager ng APO Production Unit Inc., nang kumpirmahin ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) ang kanyang pag-inom ng alak habang nasa sesyon.

Ayon kay Gatchalian, dapat sundin ng lahat ng civil servants ang itinakda ng batas hinggil sa ethical standards upang hindi masampahan ng kasong administratibo at pagdidisiplina sa sinomang susuway rito.

“Mahigpit ang tagubilin ng Civil Service Commission sa pagbabawal sa pag-inom (ng alak) ng mga empleyado ng gobyerno sa opisina lalo na sa oras ng trabaho. May kaukulang parusa ito na suspensyon o pagkatanggal sa serbisyo sa ikalawang beses na pagkakamali,” ani Gatchalian.

Sa gitna ng plenary debates, tinawag ni Gatchalian ang atensyon ni Tajon dahil sa napansin niyang “improper behavior” ng opisyal at pinaalalahanan na nasa official duty siya habang dumadalo sa hybrid session.

Napansin ni Gatchalian ang video ni Tajon na hindi ito mapirmi sa kanyang kinalalagyan na nakagagambala sa ibang senador na nasa plenary session. Bilang Presiding Officer noong oras na iyun, pinagsabihan ng senador si Tajon na sumunod sa naaayon na virtual etiquette.

Sa puntong ito, sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon na nakitang umiinom ng alak si Tajon batay sa impormasyong ipinarating sa kanya na kinumpirma naman ng Senate Sergeant-at-Arms.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang PCOO sa Senado.

Binasa ni Senador Richard Gordon ang sulat ni Communications Secretary Martin Andanar kung saan sinabi nito na iniimbestigahan na nila ang insidente.

“Our apologies to the Senate. In this juncture, we reflect our sincere assurance that any such behavior that shows discourtesy will never be deliberately observed by any of our personnel in any situation as it is detrimental to PCOO, its attached agencies, our core values and government partners,” ayon kay Andanar.

“Any lapse in appropriate conduct will never be condoned as we in the PCOO and our attached agencies are committed to the highest standards of professionalism in all instances,” ayon pa rin sa PCOO statement. (ESTONG REYES/CHRISTIAN DALE)

Read More

DICT PINA-AAKSYON VS TEXT SCAMS

0

INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na sugpuin ang sinomang nasa likod ng lumalaganap na text scam na bumibiktima ng maraming consumers.

“Habang mas marami nating mamamayan ang gumagamit ng smartphone para sa komunikasyon, negosyo at edukasyon lalo na ngayong pandemya, nagdagsaan naman ang mga manloloko,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na ” Dito, kailangang magkasabay na umaksyon ang gobyerno at pribadong sektor laban sa mga sindikatong mas pinalakas at pinabilis ang kanilang mga pag-atake at pananamantala sa kahinaan ng publikong nakaasa sa mobile phones.”

“Hinihikayat natin ang lahat na mas lalong maging mapagmatyag at tingnan ang mga senyales ng mga ilegal na aktibidad upang maprotektahan ang mga personal at sensitibong impormasyon,” ayon kay Poe.

Idinagdag pa ni Poe na kailangan tuluy-tuloy ang pagpapalakas ng mga mekanismo tulad ng mga umiiral na hotlines, kung saan maaaring isumbong ng taumbayan ang mga ‘spams at scams’ at makakuha ng agarang tulong. (ESTONG REYES)

Read More

MARCOS SA NTC AT NPC: SPAM MESSAGING, SAWATAIN

0

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa National Telecommunications Commission (NTC) at National Privacy Commission (NPC) na agarang lutasin ang patuloy na paglobo ng cybersecurity attacks sa publiko sa pamamagitan ng spam messages.

“Paano nasisikwat ng mga ‘smisher’ na yan ang ating mga mobile number? Kailangang masugpo agad ang puno’t dulo n’yan, at lampas na isang buwan ang nakararaan mula nang maireport ang ganitong mga insidente,” diin ni Marcos, na chairman ng Senate committee on economic affairs.

Ang smishing o SMS phishing ay ang ilegal na pagkuha sa mga personal na impormasyon tulad ng password o credit card numbers gamit ang text messages o mobile data apps, sa pamamagitan ng alok na trabaho, mga premyo o diskwento.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang “unsolicited commercial communications” na itinatago ang pinagmulan ng mga electronic messages at ipinadadala nang walang paunang abiso sa mga pinadadalhan nito.

Bagamat nagpalabas ang telcos ng mga abiso kung paano harapin ang ganitong ‘spam messages,’ hindi kumbinsido si Marcos na sapat na ito para malutas ang problema.

“Dapat makalikha ng isang sistema ang NTC at NPC kasama ang mga telco companies, mga bangko, at online shopping platforms na makakaharang sa spam messages para wala nang makatanggap nito,” giit ni Marcos.

Nanawagan din si Marcos na itigil na ang “walang ingat na pangungulekta ng mga mobile phone numbers para sa contact tracing, na inililista sa mga nakabuyangyang lang na mga papel” bago payagan ang isang tao na makapasok sa mga bangko, supermarket at iba pang mga establisimyento.

“Nagiging daan lang ito para malantad ang publiko sa mga scammer. Kailangang makahanap ang mga business establishments ng mas pribadong pamamaraan ng pagsasagawa ng contact tracing, lalo na para sa mga mobile phone user na walang app para makagawa ng QR codes,” paliwanag pa ni Marcos. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

Pamilya ng Ampatuan massacre victims sa mga politiko MANGILABOT NAMAN KAYO!

0

NANAWAGAN ang mga pamilya ng biktima ng Ampatuan Massacre sa mga kandidato na patuloy na gumagamit sa kanilang kaso sa kampanya na tupdin ang ipinapangako sa kanila.

Sa PPI roundtable discussion kaugnay sa paggunita sa ika-12 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, sinabi ni Mary Grace Morales na parati na lamang nagagamit sa eleksyon ang kanilang kaso.

Si Morales ay asawa ni Roselle at kapatid ni Marites Cablitas na kapwa namatay sa masaker.

“Parati na lamang nagagamit sa eleksyon (ang kaso). Mangilabot naman kayo kung hindi ninyo rin lang tutuparin ang inyong mga pangako. Hindi kayo sa amin nangangako kundi sa mga namatay,” diin ni Morales.

Marami na anyang politiko ang nangako na itutuloy ang kanilang pakikipaglaban sa hustisya sa panahon ng kampanya subalit sa sandaling manalo ay nakakalimutan na ang kanilang grupo.

Apektado sa kaso

AMINADO ang panel of prosecutors na humawak sa Maguindanao Massacre na personal rin silang apektado sa kaso.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutors Olivia Torrevillas, ito ang ‘hardest case’ na kanyang nahawakan.

“I remember, there were days na kahit Saturdays and Sundays nagtatrabaho kami. Uuwi kami ng bahay ni hindi kami nakakalinis dahil ang hearings 3x a week,” pahayag ni Torrevillas.

“Ipe-prepare mo ang witness, makikita namin ang mga ebidensya. How can you be not affected? Ang family makikita namin, iniiyakan kami paanong di ka maapektuhan,” dagdag nito.

May pagkakataon pa anyang iniuwi niya ang testigo at nag-iyakan sila.

“Ganun po kapersonal sa akin. We have given the opportunity to serve. We deliver it to the best of our ability. Ang buong panel sobra ang binigay naming commitment dito sa kasong ito. We did our best po to deliver justice na pati po personal naming buhay,” diin pa ng prosecutor.

Sa 12 taon, iginiit ng mga pamilya na patuloy ang kanilang pakikibaka upang makamit ang buong hustisya at aminado silang hanggang ngayon ay pinipilit na lamang kayanin ang buhay.

Matatandaang November 23, 2009 nang maganap ang pinakamadugong insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag kung saan 32 sa 58 napaslang ay mga miyembro ng media habang ang isa pang biktima na si Reynaldo Momay ay hindi pa rin natatagpuan. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

BABAENG TULAK, 3 PA NALAMBAT SA BASECO

0

APAT na indibidwal, kabilang ang isang babae na siyang target ng operasyon, ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang target ng operasyon na si Norma Batua y Ahito, 40-anyos, residente ng 12th Street, Barangay 650, Port Area.

Samantala, swak din sa operasyon ang umano’y mga buyer ni Batua na sina alyas “Toto”, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Baseco Compound, Port Area; isang alyas ” Murphy”, 39, kaanib ng Sputnik Gang, at isang alyas “Danica”, kapwa ng residente ng #1933 Tioco St., Barangay 91, Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD- Station 13, bandang 2:30 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng 12th Street sa Port Area.

Habang nag-aabutan ng pera kapalit ng shabu ay dinamba ng mga awtoridad si Batua gayundin ang tatlo niyang buyer.

Nakumpiska kay Batua ang anim na sachet ng umano’y shabu na umabot sa 51.9 gramo na tinatayang P352,000 ang street value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS SUMADSAD *Booster shots larga na sa Caloocan

0

UMABOT na lamang sa 14 ang active COVID-19 cases sa Navotas City noong Nobyembre 23, ang bagong pinakamababang bilang ng aktibong kaso ngayong taon, matapos na walang magpositibo sa 108 swab test results na natanggap ng City Health Office mula sa Philippine Red Cross.

“Wish granted. We’ve prayed and worked hard for our numbers to go down. This shows that all our efforts and sacrifices have borne fruit,” ani Mayor Toby Tiangco.

“We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing their part in preventing the spread of COVID. Let us continue to keep each other safe by following the health protocols and getting ourselves vaccinated,” ayon sa alkalde.

Dating 17 ang record low ng active COVID cases sa lungsod ngayong 2021, na naitala noong Nobyembre 8.

Kaugnay nito, sinabi ni Tiangco na nitong Nobyembre 24 nang simulan ang rollout ng booster shots para sa seniors at persons with comorbidity sa lungsod, at maaaring mag-set ng vaccination appointment ang mga interesadong residente at empleyado ng Navotas sa https://covax.navotas.gov.ph/.

Hinimok din ni Tiangco ang mga magulang ng mga mag-aaral na nakatira o nag-aaral sa Navotas na pabakunahan ang kanilang mga anak.

“We allotted 450 slots for the sites intended for pediatric vaccination. Get your children ages 12-17 years old vaccinated soon so they will be ready once face-to-face classes start. To keep our students safe, we will allow only those who have received complete doses of COVID vaccine to join the classes,” paalala ni Tiangco.

Samantala, sinimulan na noong Martes, Nobyembre 23, ang pagpapabakuna ng COVID-19 booster shots sa mga senior citizen at persons with comorbidity o karamdaman sa Caloocan City.

Ayon sa anunsyo ng Department of Health, kinakailangan na ang babakunahan ng booster dose ay naka-anim na buwan na simula nang mabakunahan ng second dose.

Ibinilin ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Oscar Malapitan, sa mga nabibilang sa A2 at A3 priority groups na maaari nang magpa-booster shot, na magtungo o magwalk-in lamang sa alinmang bukas na vaccination site.

Ipinadadala rin ang valid ID, vaccination card at medical certificate para sa mga A3 na immunocompromised.

Ayon pa sa City Hall, simula Nobyembre 24, 2021, ang mga vaccination site sa Caloocan ay tatanggap lang ng mga magpapabakuna ng booster shot mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.

Para sa iba pang booster shot reminders, tingnan ang post na ito: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=206618568313060&id=100068947548347. (ALAIN AJERO)

Read More

BI KASADO NA SA PAGDATING NG FOREIGN TOURISTS

0

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nakahanda na sila para sa muling pagbubukas ng Philippine borders para sa foreign tourists.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, habang wala pang siguradong petsa kung kailan muling bubuksan ang bansa para sa foreign tourists, tiwala siya na malapit na ito.

“There are reports circulating that the country has already reopened its borders to international leisure travelers,” ani Morente. “While we are awaiting the official announcement from the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), we have already put in place the needed manpower and facilities in preparation for this,” dagdag niya.

Kamakailan, inanunsyo ng BI na ang frontline personnel ay ipinagbawal ang pagpa-file ng vacation leaves sa panahon ng holiday season.

Inihayag din ng BI na may 99 bagong Immigration officers ang tinanggap kamakailan para sa pagtatalaga sa BI’s ports sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“We have also resumed the use of our e-gates for arriving Filipinos as it would greatly lessen the processing time for our kababayan who will be returning here for Christmas,” ani Morente.

Binanggit pa ni Morente na status quo ang country’s travel restrictions habang naghihintay sa desisyon ng IATF para sa kanilang formal announcement.

Idinagdag pa na ang mga miyembro ng IATF ay nananatili sa kanilang pagtalakay kaugnay sa planong muling pagbubukas ng bansa sa alien visitors at pinaplantsa na ang mga detalye bago ang implementasyon nito.

“Most probably, those coming from Green list countries will be the first ones to be allowed entry,” ayon pa kay Morente.

Ayon kay BI Port Operations Division chief, Atty. Carlos Capulong, may 44 na bansa ang nasa ilalim ng Green list, habang dalawa na kinabibilangan ng Faroe Islands at The Netherlands, ang nananatili sa Red list. (JOEL O. AMONGO)

Read More

WFH lang pag di bakunado NO VAX, NO WORK NGAYONG DISYEMBRE NA

0

TALIWAS sa unang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), itutuloy pa rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang polisiyang “no vaccine, no work” na una nang pinalagan ng mga sektor ng manggagawa.

Sa ilalim ng IATF Resolution 148 at 149, hindi na pahihintulutan pumunta sa kani-kanilang trabaho ang mga hindi pa bakunado simula unang araw ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Gayunpaman, may dalawang pasubaling probisyong kalakip ang nasabing atas ng IAFT – lingguhang RT-PCR test na personal na babalikatin ng mga empleyado at ang work-from-home set-up, depende sa tanggapan ng pamahalaan o kumpanyang pinapasukan.

Layon ng IATF na tiyaking bakunado ang lahat ng on-site workers.

Paglilinaw naman ng DOLE, tanging mga lugar na may sapat na supply ng bakuna muna ang saklaw ng nasabing resolusyon.

“Those who do not want to be vaccinated but have to report on-site can report, but they have to be tested at their own expense,” sabi ni Labor Assistant Secretary Teresita Cucueco, kasabay ng pahayag na nagbibigay pahintulot sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga pribadong kompanya na ipatupad ang polisiyang “no work, no pay” para sa mga empleyadong ayaw magpaturok kontra COVID-19.

“The worker may work from home if there is a work-from-home arrangement. But if there’s none and the worker is really needed on-site, the worker can work but should undergo testing. Now if they still refuse that, any remaining leaves may apply. If there are no more leaves, they would have to go to ‘no work, no pay,'” dagdag niya.

Nanindigan naman ang DOLE na hindi pwedeng sibakin ang mga empleyadong hindi pa bakunado.

Samantala, pinalagan naman ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang anila’y “no vax, no work” policy ng IATF.

Anila, taliwas ang nasabing polisiya sa Republic Act 11525 kung saan nakalahad na hindi dapat pwersahan ang pagbabakuna.

Labag sa karapatang pantao

Kinuwestiyon din ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang nasabing polisiya dahil nilalabag umano ng IATF ng karapatan ng mga Pilipino.

“No vaccination, no work? Ano yun? Sapilitang bakasyon kung walang bakuna? Malinaw na labag sa batas ito,” ani Gaite kaya naghain ang mga ito ng resolusyon para harangin ang polisiya.

Bagama’t may probisyon umano sa resolusyon ng IATF na ipatutupad lamang ito sa mga lugar na sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines, sinabi ni Gaite na hindi pa rin ito makatarungan.

Hindi rin umano naaayon ang isa pang probisyon sa nasabing resolusyon na inoobliga ang mga manggagawa na wala pang bakuna na sumailalim sa regular na RT-PCR Test na sariling gastos.

“We reiterate our demand for free testing of workers which should be shouldered by the government to ensure safe workplaces. Also, the vaccine supply and administration must urgently be addressed which we believe the Duterte Administration has miserably failed in attending to,” ayon pa kay Gaite. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

Read More