E-SABONG LIBANGAN NG MASANG SABUNGERO

0

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KAPAG sinabing sabong, masaya iyan para sa mga masang sabungero.

Kumbaga vitamin para sa kanila ang libangang ito.

Sa ating bansa, ­maraming backyard cockfighters o ismol taym lamang. Sila ‘yung nag-aalaga lang ng pailan-ilan na kasya lang sa kanilang bakuran.

Siyempre, abot-kaya rin ng kanilang bulsa. Sabi nga, low-budget.

Kaya naman, sumasabak lang din sila sa mga tinatawag na hackfight o tupada. Kahit Manalo lang ng P50 o P100, masaya na sila.
Mababaw lamang ang happiness ng mga Pinoy. Ganyan ka-exciting ang sabong.

Sabi nga, ang hackfight o ulutan ay pinakamasaya sa lahat. Kung titingnang maigi, hindi ‘yan katulad ng Pitmaster at World Slasher Cup.

Siyempre, ang mga ­mayayaman ay sa class pupunta. Nawala nga lang ang ganito kasayang libangan nang magkaroon ng pandemya.

Kaya isinilang ang tinatawag na e-sabong o online sabong kung saan pinapanood na lamang ng mga sabungero sa internet ang paglalaban ng mga pansabong na manok.

Magandang source of income ng maraming Pinoy ang e-sabong lalo na ngayong krisis.

Kumokontra nga lang dito si dating Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Nanawagan kasi siya ­kamakailan sa mga kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections na tutulan ang e-sabong at iba pang hakbang na banta raw sa Filipino values.

Nababahala raw siya sa paglakas ng online gambling at iba pang imoral na gawain sa bansa.

Well, marahil ay hindi nababahala si Cawatano, este, Cayetano sa mga mawawalan ng trabaho kapag nawala ang e-sabong.

Malaki rin ang nakukuhang buwis ng gobyerno mula sa online sabong kaya hindi ito dapat pag-initan ni Cayetano.

Ang daming natutulungan ng e-sabong kaya dapat itong suportahan.

Baliktad na yata ang utak ng mga pulitiko ngayon.

Nakakagulat kasi na kung sino pa ‘yung nakakatulong ay siya pang pinupuna at tinututulan.

Hay naku, parang gusto ko nang maniwala na anti-poor itong si Cayetano!

Read More

RAKET SA RENEWAL NG PASSPORT SA ABROAD, INALMAHAN NG MGA OFW

Aksyon OFW
0

AKSYON BANTAY OFW Ni FLORANTE ROSALES

SINO ba sa Department of Foreign Affairs ang nakaisip ng ‘raket’ sa pagproseso sa renewal ng pasaporte sa overseas Filipino workers sa abroad?

Bakit ito idinaan sa ilang outsourcing company ng DFA? Dumaan ba sa bidding process ang kontrata? Sinu-sino kaya ang mga opisyal na kumita rito?

Ito ang mga tanong ng galit na galit na mga OFW nang ­iparating sa inyong lingkod ang nasabing ‘raket’ umano na pahirap at dagdag gastusin sa kanila.

Tumataginting po kasi, mga ka-Saksi, na mula P4,900 hanggang P5,300 ang bayad sa bawat pasaporte na nire-renew sa ilang outsourcing companies sa walong siyudad sa Europe, Middle East, Amerika at Asia and the US.

Ipinarating ng AKO OFW advocates sa Italy ang nasabing ‘raket’ na umano’y hindi nila kayang magbayad ng ganito kataas na halaga ng pasaporte.

Kinastigo ng AKO OFW Italy Chapter ang Philippine Embassy sa Rome na umano’y binitiwan na nito ang trabaho na sila ang mag-process ng passport na ini-award sa BLS International Company.

Alam kaya ito nina DFA Secretary Teddy Locsin, Usec. Dodo Dulay at Usec. Sarah Lou Arriola? Mga boss, pakilinaw naman ito sa mga kabayani natin dahil hindi sila “tumatae” ng kwarta sa abroad para sa renewal ng pasaporte.

Sa ating pakikipag-ugnayan sa insiders sa Department of ­Foreign Affairs, kinumpirma nila ang dagdag na singil sa OFWs para sa passport renewal at nilinaw na ito ay “optional and voluntary” lamang.

Sa November 11 advisory ng Philippine Embassy sa Rome, sino mang Pilipino na kukuha at magre-renew ng passport sa BLS International ay sisingilin ng 35 Euros (P1,993) sa convenience fee, at 4.5 Euros (P256) para sa revolving fund.

Ito ay karagdagan sa kasalukuyang sinisingil sa passport ­renewal na 54 Euro o P3,075 kaya naman ang kabuuang gastos ng isang OFW ay aabot sa 93.5 Euro o P5,324. Kalabisan naman na ito, Sec. Locsin. ‘Di ka ba naaawa sa mga kabayani nating pinadapa na ng pandemya ay pipigain nyo pa nang todo ang bulsa. ­Malaking kabawasan na po ito, Secretary, para sa ordinaryong OFW na nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Nanindigan si Josephine Borja Duque, country chairperson ng AKO-OFW party-list Italy Chapter na sa halip ipasa ng DFA ang trabaho nila sa outsourcing companies, dapat nag-hire na lang sila ng dagdag na mga staff para naiwasan ang dagdag-pasanin ng mga kawawang OFWs.

Bukod sa Rome, binuksan din ng DFA ang PARC program nito sa Philippine embassies and consulates sa Dubai at Abu Dhabi sa UAE, Riyadh at Jeddah, Saudi Arabia, Doha sa Qatar, Los Angeles, California, USA, at Kuala Lumpur, Malaysia simula pa noong 2019.

Abangan ang paliwanag ng mga opisyal ng DFA sa hinaing na ito ng mga bagong bayani na pinahihirapan at ginagatasan pa nang husto ng ahensya.

***

Good News!

Nakauwi na sa bansa ang 240 “distressed” overseas Filipino workers mula sa Kuwait.

Sa tulong ng Department of Foreign Affairs, lulan ang mga Pinoy repat ng Kuwait Airways flight KU 417 na lumapag sa NAIA 1, pasado ala-4 ng hapon noong Martes.

Sasailalim naman ang mga repat OFW sa health and medical protocols base sa kautusan ng IATF.

Para sa inyong suhestiyon, komentaryo at reaksyon sa kolum na ito, ipadala lang sa dzrh21@gmail.com.

Read More

PANIBAGONG HAMON KAY RED MARIÑAS

0

BISTADOR Ni RUDY SIM

MULING sasabak sa panibagong hamon ang ­dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si Marc Red Mariñas matapos ang maraming pagsubok sa buhay na pinagdaanan nito.

Hindi man pinalad noong 2019 elections bilang alkalde ng lungsod ng Muntinlupa ay muli itong bumangon sa kagustuhang makapaglingkod sa Muntinlupeños na mabigyan pa ng mas maayos na serbisyo lalo ngayong panahon pa rin ng pandemya at dumaraan pa rin sa kahirapan ang bawat barangay.

Bagama’t ginagamit ng kalaban nito sa pulitika ang pagkakadawit nito sa Pastillas Scheme ay lakas loob na sinagot ni Mariñas na siya ay hindi nakasuhan sa Ombudsman sa naturang kaso at katunayan ay pinagkalooban siya ng ­clearances mula sa BI at Ombudsman na wala itong naging kaso sa gobyerno sa loob ng 15 taon serbisyo.

Mula nang magbitiw si Mariñas bilang deputy commissioner at Port operations division chief noong 2018 ay pinalitan siya bilang POD Chief ni Grifton Medina. Ngunit dahil sa hindi hinayaan nina Mariñas at Medina na ­manaig ang korapsyon sa airport ay ­nahaluan ng pulitika ang isyu ng Pastillas kung saan sa kagustuhang makaporma ng ilang sindikato sa airport na ­magpayaman at makuha ang dating puwesto ni
Mariñas ay nagkaisa ang ilang mga ­tiwaling tauhan sa ahensya at isang mambabatas upang siraan ang mga dating opisyales at maging mabango sila sa publiko.

Ngunit sa pamamagitan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ay hindi niya hinayaang manalo ang sindikato na kinabibilangan ng isang alias SirRAULo upang makapuwesto sa airport.

Sa tatlong dekada ko na bilang mamamahayag na naka-­assign sa BI ay nakita ko kung paano nagbigay ng serbisyo-publiko ang mga Mariñas.

Ang ama ni Red ay isang ordinaryong intelligence agent ng ahensya na naglingkod ng ilang dekada at marami itong ­naarestong mga ilegal na
dayuhan upang mapanatili ang national security ng ating bansa hanggang sa magretiro na walang ano mang kasong kinasangkutan.

Kung kaya’t naging idolo ni Red Mariñas ang kanyang ama na makapaglingkod sa mamamayan. Hindi man ugali ni Red ang gumanti sa
kanyang mga kalaban sa pulitika laban sa kanilang mga paninira ay kagaya ito ni Bongbong Marcos na may respeto sa kapwa at pinalaki ng kanilang magulang na may takot sa Diyos at taos-pusong paglilingkod sa kapwa.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

Read More

PUSPUSAN, PASPASAN

0

SA kabila pa ng pagbuhos ng suplay ng COVID-19 vaccines, nananatiling usad-pagong ang pagbabakuna sa mga Pilipino, dahilan sa likod ng pagkaantala ng pagbangon ng bansa mula sa dusang dala ng pandemya.

Kung noon, suplay ang palusot ng administrasyon sa mabagal na pagbabakuna, ngayon tambak na ang suplay na karamihan ay libreng nakukuha mula sa mga bansang mapagkawang-gawa, wala nang dahilan ang gobyerno sa kanilang palpak na sistema.

Paandar pa ni vaccine czar Carlito Galvez, magagawa nilang mahagip ang target na 54 milyon bago matapos ang taon, bagay na dapat lang niyang panindigan lalo pa’t nagsimula na rin ang bakunahan sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Sa kabagalan ng gobyerno, hindi malayong muling sumipa ang bilang ng mga positibo batay mismo sa pahayag ni Dr. Ted Herbosa na tuma­tayong medical adviser ng National Task Force against COVID-19 (NTF).

Ang totoo, sa pagsipa ng bakunahan para sa 12-17 age group, naiwan naman ang mga paslit na edad 11 pababang walang ano mang kalasag kontra pandemya dahil hindi pa naman pinahihintulutan ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga ­paslit.

Ang siste, napa­aga ang pagluluwag ng ­gobyerno sa ha­ngaring buhayin ang ekonomiya at makalikom ng pondo – sukdulang ilagay sa peligro ang mga kabataang pag-asa ng kinabukasan.

Higit na kailangan ang bakunahang puspusan at paspasan na pwede lang maisakatuparan kung ang sistema ay may kaayusan at walang pinapaborang lalawigan. Hindi dapat sukatan ng prayoridad ang bilang ng botante sa pagbibigay ng bakunang proteksyon ng sambayanan.

Hay naku… ang bayan ni Juan!

Read More

Villanueva sa CSC, DOLE PAY GUIDELINES SA MAGPAPABAKUNANG MANGGAGAWA, ILABAS

0

MARAPAT umano na ipakalat ng gobyerno ang isang direktiba mula sa Pangulo na nagsasabing ang lahat ng magpapabakunang manggagawa, pribado man o sa pamahalaan, sa loob ng tatlong araw na national vaccination holiday ay hindi mamarkahang lumiban sa trabaho, ayon kay Senator Joel Villanueva.

Ani Villanueva, chair ng Senate labor committee, kasabay ng panawagan niya sa DOLE at CSC na maglabas ng guidelines para sa mga manggagawang magpapaturok ng bakuna mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Paliwanag ng senador, kung gusto ng pamahalaan na mas maraming magpabakuna sa mga araw na iyon, dapat umano nitong ipaalam sa lahat na parang “paid vacation leave” ang turing dito.

“Sabihin po natin sa lahat ng empleyado na ang ‘no work, no pay’ ay hindi in effect kung ikaw ay magpapabakuna anomang araw mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1,” ani Villanueva.

“Ayon po mismo sa atas ng Pangulo, ang vaccination card ay nagsisilbi pong excuse slip,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1253 ni Pangulong Duterte, ang mga manggagawa mula sa pribado at gobyerno na lalahok sa national vaccination drive ay “excused” sa pagpasok sa trabaho, basta kailangan lang magbigay ng pruweba na nagpabakuna sa mga araw na iyon.

Dala na rin ng oras sa pagpunta sa vaccination centers, sa haba ng pila, at sa oras na gugugulin sa monitoring matapos mabakunahan, mas maganda umano para sa mga employer na ibigay na ang buong araw sa mga empleyado.

“Ang pagpapabakuna ay hindi sana magresulta sa bawas kita ng mga manggagawa. Huwag po nating papiliin ang ating mga manggagawa kung magpapabakuna para sa seguridad ng pamilya at ekonomiya o magtatrabaho para may pagkain sa hapag-kainan,” ani Villanueva. (ESTONG REYES)

Read More

200 NURSES NG PCG KASADO NA SA PAGBABAKUNA

0

SINABI ng Phil. Coast Guard na hindi lamang transportation assistance ang handang ibigay na suporta ng kanilang tanggapan sa nakatakdang Bakunahan Bayanihan program ng gobyerno sa Nov. 29 hanggang Dec. 1.

Sinabi ni PCG Admiral Leopoldo Laroya sa Laging Handa public briefing na maging ang kanilang dalawandaang nurses sa ahensya ay naka-standby para sa tulong na maaari nilang ibigay sa malawakang inoculation project na ito ng pamahalaan.

Anjya, nakaantabay na ang mga ito para sa tatlong araw na National Vaccination day.

Kasabay nito, hinikayat ng PCG official ang lahat ng mga hindi pa nabakunahan na makiisa sa proyektong ito at magpabakuna na simula November 29 hanggang December 1. (CHRISTIAN DALE)

Read More

CASH CARD MAGAGAMIT NA NG PUJ DRIVERS

0

MALAKI ang posibilidad na magamit bago mag-Disyembre ang mga cash card na naglalaman ng fuel subsidy para sa public utility jeepney drivers na lubos na apektado ng magkakasunod na oil price hike.

Sinabi ni LTFRB Regional Director for NCR Atty. Zona Russet Tamayo sa Laging Handa public press briefing na kasalukuyan na itong tinatapos ng Landbank upang makuha ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Napag-alaman na nasa 136,000 ang mga benepisyaryo ng fuel subsidy kung saan 85,000 dito ang aktibo at higit 50,000 pa ang target na mabigyan ng cash card sa buong bansa.

Sinabi pa ni Atty. Tamayo na nag-umpisa na ang LTFRB na magbigay ng P7,200 per unit na fuel subsidy nitong Miyerkoles.

Samantala, mahigpit naman nitong paalala sa mga tsuper ng jeep na laan lamang ito para sa fuel subsidy at hindi maaaring i-withdraw o gamitin sa iba ang perang inilaan ng pamahalaan para sa naturang programa.

Ani. Atty. Tamayo, may paraan sila upang matukoy kung nagamit sa iba pang transaksyon ang card na para lamang sa pagpapakarga ng krudo. (CHRISTIAN DALE)

Read More

TRASLACIÓN 2022 TABLADO PA RIN

0

SA ikalawang pagkakataon, wala munang magaganap Traslacion, ang taunang panata ng mga milyon-milyong deboto ng Mahal na Poong Itim na Nazareno sa Manor Basilica sa Quiapo, Maynila.

Sa isang pahayag, malungkot na ibinalita ni Manila Police District – Quiapo Detachment Commander Lt. Col. John Guiagui na napagkasunduan ng mga kinatawan ng lungsod ng Maynila, MPD at mga taong simbahan ang muling pagpapaliban ng Traslacion 2022 sa nalalapit na kapistahan ng Nazareno sa Enero 9 ng susunod na taon.

Ayon pa kay Guagui, walang pagbabago sa ipinatupad na restriksyon sa kasagsagan ng pandemya – parang prosisyon, walang pahalik bagamat pinahihintulutan naman aniya ang pagsulyap sa Poong Nazareno.

Gayunpaman, inihanda na rin ng mga lider ng simbahan ang mas maraming misa sa ilalim ng mas maluwag na Alert Level 1 na inaasahang ipatupad kung magtutuloy-tuloy ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

EXPORTATION NG BLACK SAND TINULDUKAN

0

PINAGTIBAY na sa House committee on environment and natural resources ang panukalang batas na nagbabawal sa mining companies na ilabas sa bansa ang kanilang miniminang black sand.

Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga J.r, inaprubahan ang substitute bill ng House Bill (HB) 6321 o “Black Sand Processing Act of 2020”.

Base sa ilalim ng nasabing panukala, hindi na maaaring ilabas sa Pilipinas ang mina na nakukuha sa mga tabing ilog lalo na sa Northern Luzon.

Nais ng Kongreso na mismong ang Pilipinas ang makinabang sa nasabing mina imbes na ang ibang bansa kaya inaatasan ang mga mining at trading companies na dalhin ang minina nilang black sand sa modestic processing facilities sa bansa.

Maraming industriya ang gumagamit ng mga materyales na gawa mula sa black sand kaya nagkaroon ng international demand nito.

Kabilang sa mga pinaggagamitan ng black sand ay nuclear reactor at pagpo-produce ng kuryente bukod sa construction materials subalit hindi ito napakikinabangan ng mga Pilipino.

“The Philippines, being one of the fastest developing countries in the region, is at the receiving end by losing of billion of dollars from our importation of processed products needed in our continuous industrialization, not to mention the current administration’s build, build, build initiatives,” ayon sa panukala. (BERNARD TAGUINOD)

Read More