BASILAN WALA PANG TALO

KUMAWALA ang Basilan Peace Riders sa dikitang laban sa second half ­tungo sa 82-76 panalo kontra host team Pagadian ­Explorers sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ­Mindanao Challenge, Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur. Dahil dito ay nanatiling malinis ang marka ng nangungunang Peace Riders, 3-0, sa tanging pro league sa South. Matapos magtabla sa first half, umariba ang Basilan sa 20-5 run, tampok ang driving lay-up ni Ar Raouf Julkipli para hilahin ang Peace Riders sa 15 puntos na kalamangan, 61-46 sa nalalabing 4:20 minuto…

Read More

F2 LOGISTICS, PNVF LEAGUE CHAMP

WINALIS ng F2 Logistics Cargo Movers ang lima nilang nakalaban para makopo ang kauna-unahang PNVF Champions League title. Pinatunayan ng Cargo Movers ang bangis nila nang pabagsakin sa tatlong sets ang reigning PVL champions Chery Tiggo Crossovers, 25-20, 25-20, 25-22, para sa gold medal. Bumida si Kalei Mau sa F2 Logistics nang magtala ng team-high 16 points, lahat mula sa attacks, at 19 receptions. Nag-ambag si middle blockers Majoy Baron at Aby Maraño ng kabuuang 17 markers sa pinakamagandang record na 5-0 ng Cargo Movers. Nagtapos ang Chery Tiggo, naglaro…

Read More

ANCAJAS AT IOKA AGAWAN SA BANTAMWEIGHT CROWN

NAKAKASIYAM na depensa na si Jerwin Ancajas ng kanyang IBF junior bantam-weight crown sapol pa noong 2016. Sa kabila nito, may pumupuna sa mga challenger na tinatalo niya. Kaya naman makalipas ang anim na taong paghi­hintay sa de-kalibreng kalaban, matutupad na rin ang kanyang pangarap. Mapapasabak si Ancajas (33-1-2, 22 KOs) sa inaasam na unification bout laban kay Japanese WBO champion Kazuto Ioka (27-2, 15 KOs) sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo. Hindi mahalaga sa tubong Panabo City, Davao del Norte boxer kung sa Japan na teritoryo…

Read More

PICSON, NEW ABAP PREXY

NAHALAL bilang bagong presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang long-time executive director at secretary-general nitong si Ed Picson. Virtual lang isinagawa ang halalan ng national sports association (NSA), na sa unang pagkakataon ay nakapag-uwi ng dalawang silver medal sa pamamagitan nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze medal mula kay ­Eumir Marcial, noong nakaraang ­Tokyo Olympics. Si outgoing president Ricky Vargas, na magsisilbing ABAP chairman, ang mismong nagnomina kay Picson. “I am honored to turn the baton over to Ed as my successor.…

Read More

PINGRIS, UMAHON SA PAGRERETIRO

Ni ANN ENCARNACION BALIK aksyon si Marc ­Pingris, hindi sa Gilas Pilipinas o ­Philippine Basketball Association (PBA) kundi sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational Cup. Matapos magretiro sa PBA, muling magiging aktibo sa basketbol ang tinaguriang Pinoy ‘Sakuragi’ bilang miyembro ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa 2021 MPBL na sisikad simula Disyembre 11 hanggang 23 sa Mall of Asia Arena. Matatandaan na si Pingris, 40, ay nagdesisyon na tuluyang magretiro noong Mayo matapos ang mahigit na 16 taon na paglalaro sa PBA dahil sa tinamo nitong injury sa tuhod.…

Read More

NEW COVID VARIANT BINABANTAYAN

MAHIGPIT na naka-monitor ang pamahalaan sa B.1.1.529 variant ng COVID-19, bagong variant na mayroong malaking bilang ng mutations na natuklasan sa South Africa. Tiniyak ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na naka-monitor ang Inter-Agency Task Force (IATF), Malacañang at Department of Health (DOH) sa bagay na ito. Sinabi naman ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval na nakahanda ang BI na magpatupad ng travel restrictions sakali’t makita ng IATF na mayroong pangangailangan na i-adjust ang travel restrictions kung biglang may mga umusbong na bagong variants kagaya…

Read More

BAKUNA SA 3-DAY NAT’L VAX PROGRAM NAIPAMUDMOD NA

HANDANG-HANDA na ang pamahalaan sa three-day national COVID-19 vaccination program na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. “Lahat po, iyong deployment, lahat ng assignments, lahat ng tasking at responsibilities down to the regional level at pakikipag-ugnayan po natin sa mga LGUs ay napaghandaan na po nating lahat,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. “Nag-meeting na naman kami sa IATF kahapon to, again, emphasize and remind. At sa araw na ito and sa susunod pang mga araw na naiiwan before the November 29 ay patuloy pa…

Read More

PINAS BUKAS NA MULI SA FOREIGN TOURISTS MULA DEC. 1 – 15

NAKAHANDA na ang gobyerno na tumanggap ng mga dayuhang turista simula sa Disyembre 1. Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, may polisiya na silang naihanda para sa pagdating ng mga dayuhan mula sa green list countries. Iyon nga lamang ay may ilang kondisyon na dapat sundin ng mga dayuhang tutungo sa Pilipinas kabilang na ang pagkakaroon nito ng outbound ticket pabalik sa kanilang bansa o next country of destination bukod sa dapat silang holder ng passport valid ng hindi bababa sa anim na buwan. Kailangan din…

Read More

PERMANENT POSITIONS SA GOBYERNO GINAGAMIT SA PULITIKA?

DPA NI BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nagdududa na ginagamit sa pulitika ang mga permanent position sa gobyerno lalo na sa Local Government Units (LGUs) kaya mara­mi ang bakanteng trabaho na walang tao. Halos 178,000 ang permanenteng posisyon sa gobyerno at karamihan sa mga ito ay mga trabaho sa LGUs pero hindi nilalagyan ng mga tao kahit pinopondohan ito taon-taon sa national budget. Papaanong nangyari? Halos lahat yata ng mayor ay may utang na loob sa kanilang supporters na pinapangakuan ng trabaho kapag sila ay nakapuwesto na at kailangan nilang tuparin…

Read More