PSC SUKO NA!

TINAPOS na ng ­Philippine Sports Commission (PSC) ang ­pagrereperi sa pagitan nina EJ Obiena at ­Phil­ippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Nagdesisyon ang PSC na tigilan nang mamagitan sa dalawang kampo matapos aminin ng Tokyo Olympian na hindi niya nagustuhan ang pagbalewala ng PATAFA sa moratorium ng PSC, lalo ang patuloy na paninira nito sa kanyang pagkatao. “In light of the recent decision of Mr. Ernest John Obiena as posted on his social media ­account, the Philippine Sports Commission humbly informs the public that we are discontinuing the mediation…

Read More

PBA YEAR-ENDER

Ni ANN ENCARNACION NATULOY ang 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa kabila ng patuloy na pagragasa ng COVID-19 pandemic. At tuloy ang pag-dagdag ng pahina sa kasaysayan ng liga, na ngayon ay kabilang na sa East Asia Super League, kasama ang mga piling koponan mula sa rehiyon ng Asia at Oceania. Ang bagong liga na EASL ang panibagong hamon sa PBA, na kasali pa rin sa pagbubuo ng pambansang koponan na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam at 19th Asian Games sa China. Mayroong mga beteranong…

Read More

6-DAY QUARANTINE IPATUTUPAD

HINDI na kinakailangan ng hanggang 10-day absence ng mga NBA players at coaches na magpopositibo sa COVID-19. Sa ulat ng ESPN, nagkasundo na umano nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pamunuan ng liga at NBPA sa bagong polisiyang ipatutupad, kung saan ang player at coach (na nagpositibo) ay papayagang makabalik sa aksyon makalipas lang ang anim na araw sa loob ng health and safety protocols. Hanggang nitong Lunes, mahigit 200 players ang nasa ­COVID-19 protocols, ulat ng ESPN, at karamihan sa nasabing bilang ay ngayon lamang buwan ng Disyembre, kasama…

Read More

CHARLIE “ATONG” ANG, SINISIRAAN NG MGA “MARITES” SA INTERNET

MARAMING fake news na naglalabasan ngayon. ‘Yung iba, naninira lang talaga. Kaya mag-ingat po tayo sa mga nababasa natin sa social media. Hindi lahat ng mga ‘yan ay totoo. Mas maganda kung mag-fact check tayo. Kamakailan ay tinarget naman ng mga ­”Marites” sa internet ang ­bilyonaryong si Atong Ang. Kaya ipinagtanggol ito ni ­Gretchen Barretto. Idinepensa ito ng ­aktres laban sa kumakalat na pahayag kung saan sinabi raw ni Ang na pinaglololoko lang ni presidential aspirant ­Ferdinand Marcos Jr. ang mga tao. Well, si Barretto na ang nagsabi na fake…

Read More

ANO ITO? MAHIGIT 100 KATAO NABIKTIMA NG FOOD POISONING SA LUCENA CITY?

ANO ba ang nangyari? Bakit ‘di man lang ­siniguro ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na maging maayos ang kanilang ipinakain sa mga dumalo sa isang pagtitipon? Sa nakalap na impormasyon ng inyong lingkod, nagkaroon ng isang ­malaking pagtitipon sa ­Quezon Convention Center sa Lucena City, na sa ‘di pa mabatid na kadahilanan, mahigit 100 katao, kabilang ang ilang empleyado ng pamahalaang panlalawigan, ang na-food poison o nakakain ng sira o ‘di maayos na pagkalutong pagkain habang nagaganap ang pay-out ng honorarium sa may apat na libong kasapi ng Provincial Union…

Read More

PANGUNGUNA NI BBM SA SURVEYS, MAGANDANG PAMASKO SA MGA PILIPINO

TINULDUKAN na ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang mapanirang akusasyon laban dito kaugnay sa hindi nabayarang tax evasion cases na agad na iniharap sa media ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, ang isang certification mula sa BIR na patunay na bayad na ang lahat ng buwis at multa nito. Matatandaang kaliwa’t kanang demolition job ang pinakawalan ng ilan sa mga kalaban ni Marcos sa pagkapangulo ngunit sa kabila nito ay nanaig pa rin sa karamihan sa mga Pilipino ang pagkakaisa na labanan ang…

Read More

LIGTAS NA PABAHAY

KUNG hindi pa sa lawak ng pinsalang dulot ng bagyong Odette, hindi pa marahil maiisip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng batas na nagtatakda ng 40 metrong “easement” mula sa baybaying dagat. Ayon mismo sa Pangulo, pwersahan na nilang paaalisin ang mga pamilyang nawalan ng tahanan sa mga baybaying bahagi ng mga lalawigang sinalanta kamakailan ng hagupit ng delubyong kumitil ng hindi bababa sa 748 katao, bukod pa sa nawindang na ekonomiya, nawasak na mga tahanan at imprastraktura, pagbagsak ng mga linya ng kuryente, tubig at komunikasyon, at pinsala…

Read More

PONDO SA P5-K AYUDA IRE-RELEASE BUKAS

INIULAT ng Malakanyang na ang P5,000 cash assistance kada displaced family dahil sa bagyong Odette ay direktang ipalalabas sa local government units (LGUs) ngayon, Disyembre 29. Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pamamahagi ng cash assistance ay magiging kahalintulad sa distribusyon ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa COVID-19. “The aid for typhoon Odette victims will be the same setup as the SAP. The fund will be downloaded to the Local Government Units…

Read More

NANINIRAHAN SA DANGER ZONES I-RELOCATE

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kausapin ang mga alkalde kaugnay sa istrukturang nakatayo sa danger zones. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inatasan ni Pangulong Duterte si DPWH Secretary Roger Mercado na silipin ang mga istrakturang nakatayo sa “no-build zones” sa ilang lugar na apektado ng bagyong Odette. Sinabihan ng Chief Executive si Mercado na kausapin ang local executives para tugunan ang nasabing usapin. “You need to talk to the mayors pati governors but more importantly is…

Read More