SIMULA NG KATAPUSAN

MARAMI ang nanlumo sa muling paglobo ng arawang talaan ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. ­Dangan naman kasi, ang inaasahang pagwawakas ng pagdurusa at balik-normal na pamumuhay, naunsyami pa. Pero iba ang pananaw ni Fr. Nicanor ­Austriaco, isang eksperto pagdating sa larangan ng molecular biology. Aniya, ito na ang indikasyong magwawakas na talaga ang pandemya, batay sa resulta ng pag-aaral ng mga kapwa niya dalubhasa. Pag-amin ni Austriaco, higit na nakahahawa ang Omicron variant. Gayunpaman, hindi naman aniya dapat mabahala dahil sa mga pag-aaral, ito raw ay isang…

Read More

JOINT SECURITY PLAN SA 2022 POLLS Inilatag ng Comelec, AFP, PNP Bicol

LUMAGDA ang bagong talagang Philippine Army 9th Infantry Division commander at Philippine National Police-Bicol PNP chief sa binalangkas na Joint Security Plan for a Secure 2022 Polls napinangungunahan ng Commission on Election (Comelec). Ayon kay PNP-Police Regional Police Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo at bagong 9th ID commander, Maj. General Alex Luna, opisyal nang inaktibo ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Bicol bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national and local Elections. Sa pangunguna ng Comelec, tinalakay sa kauna-unahang coordinating conference ng RJSCC ang hinggil sa kahaharaping…

Read More

BONGBONG ‘LUCKY 8’ SA PRESIDENTIAL LIST NG COMELEC

NAG-IISA na lamang ngayon si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may apelyidong Marcos base sa inilabas na candidates’ list ng Commission on Elections (Comelec). Sa pinakahuling listahan ng Comelec na isinapubliko nitong Enero 4, 2022, lumalabas na si Marcos Jr., ang presidential candidate number eight. Ang numerong walo ay itinuturing na lucky number sa mga Chinese. Matatandaan na nagsimula ang listahan sa 97 na pawang mga gustong tumakbong pangulo pero bumaba ang bilang nito sa 15 bago mag-Pasko matapos ideklarang nuisance candidate ng Comelec ang…

Read More

‘NO VAX, NO LABAS’ DIN SA CALABARZON

PAIIRALIN din sa Calabarzon ang resolusyon ng Metro Manila mayors na naglilimita sa paggalaw ng mga unvaccinated o hindi pa bakunadong indibidwal. Inihayag ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos maglabas ang regional task force COVID-19 ng Calabarzon ng isang memorandum na naglalayong i-adopt o ipatupad na rin sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon ang ‘no bakuna, no labas’ policy ng National Capital Region (NCR). Sa kabilang dako, hinimok ng RTF- Calabarzon ang lahat ng local task forces sa rehiyon na pairalin na sa kanilang…

Read More

Pag-abandona sa mga Pilipino – solon KANYA-KANYA SA HOME TESTING

ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pag-abandona sa mamamayan ang ibinigay na ‘green light’ ng Department of Health (DOH) para sa sariling pagsasailalim sa antigen test ng mga tao. “A sign that the Duterte administration will once again leave the Covid-fatigued Filipino to fend for themselves,” parunggit ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite. Taliwas aniya ang aksyong ito ng gobyerno sa panawagan ng marami na magsagawa ng mass testing at hindi na pagastusin pa ang mga tao upang malaman ang tunay na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT MAGPABAKUNA, SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa publiko, partikular sa mga ‘di pa nakapagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID-19 upang mapangalagaan ang sarili laban sa virus. Ito ang pahayag ng senador sa gitna ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID sa bansa nitong mga nakaraang araw. Kaugnay ang panawagang ito ni Angara sa pahayag ng Department of Health (DOH) na 85 porsyento ng mga pasyenteng may malalang COVID sa mga pagamutan ay pawang mga hindi pa bakunado. “Nakaaalarma ang panibagong pag-angat ng mga kaso ng COVID sa…

Read More

15 PSG PERSONNEL POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG) na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang personnel. Base sa tala ng PSG Task Force COVID-19, 15 personnel ang nagpositibo sa test. “These personnel were those who came from holiday break. After undergoing the mandatory quarantine for 7 days, they were administered RT-PCR Tests, and, 15 personnel have yielded positive test results,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni PSG Commander Col. Randolph G. Cabangbang. Ang lahat aniya ng personnel ay fully vaccinated at asymptomatic. “This Command, through PSG Task Force COVID-19 is attending…

Read More

2 LIBRENG FIGHTER JET ALOK NI CHAVIT SA AFP

DALAWANG modernong fighter jets mula sa Estados Unidos ang alok ni League of Municipalities (LMP) president at Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon mismo sa Department of National Defense. “Yes, he offered to donate,” tugon ni Sec Lorenzana sa pahayagang SAKSI. Gayunpaman, hindi naman aniya pwedeng agad nilang tanggapin ang anumang donasyon, partikular ang dalawang fighter jets – dahil kailangan pa aniyang pag-aralan ang legalidad ng nasabing alok, lalo pa’t isang kilalang pulitiko si Singson. Dapat din aniyang busisiin kung magiging paborable o…

Read More

Mga pulis idineploy – PNP QUARANTINE HOTELS, BANTAY-SARADO NA

KINUMPIRMA ng Philippine National Police na nagpasimula na silang mag-deploy ng mga pulis sa mga hotel na itinakdang quarantine facilities kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay bunsod na rin ng nadiskubreng pagtakas ng dalawang kababaihan sa kanilang quarantine hotel para makaiwas sa itinakdang isolation rules. Una rito ang isang babae na tinaguriang “massage girl” na tumakas sa kanyang isolation requirement sa isang hotel sa Makati at nagtungo sa isang massage clinic na kanyang ipinaskil sa kanyang Facebook account, bago tumuloy sa kanyang condominium sa Global City.…

Read More