KLASE SUSPENDIDO NA RIN SA BULACAN

IPINAG-UTOS na rin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang academic ease o “academic health break” para sa mga guro at estudyante sa lalawigan ng Bulacan. Sa pamamagitan ng memorandum, paiiralin ang 14-day suspension of classes and academic activities sa Bulacan bunsod ng pagtaas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases. Sa Division Memorandum No. 14s. 2022 na inilabas nitong Huwebes ng DepEd Region III-Central Luzon para sa mga School Division sa Bulacan kabilang ang Division Chief; Education Program Supervisors; Public Schools District Supervisors at Public and Private Kto12 School Heads, inaprubahan…

Read More

PNP-NUP HULI SA CAMSUR BUY-BUST

NAKAKULONG na ang isang non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) matapos madakip sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay San Miguel, sa bayan ng Calabanga sa Camarines Sur. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang PNP-NUP na hindi muna pinangalanan dahil sa isinasagawang follow-up operation, ang hinuli sa ikinasang buy-bust operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, Batay sa paunang ulat mula kay Police Lt. Mary Jean Cuevas ng PNP-IMEG, isang alyas Obet na nakatalaga sa Magarao Municipal Police Station, ang…

Read More

PAGLABAS NG ‘DI BAKUNADO SA LAGUNA, LIMITADO NA

BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, nagpalabas ng kautusan at ordinansa ang pitong bayan sa lalawigan ng Laguna hinggil sa regulasyon na ipatutupad sa mga indibidwal na wala pang bakuna. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) 4-A, kabilang ang Biñan, Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan at Pila sa naglabas ng mga panuntunan hinggil sa paglilimita sa paglabas ng mga hindi pa bakunado upang maiwasan ang nakahahawang sakit. Samantala, nagpalabas naman ng anunsiyo ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagsuspinde…

Read More

KANDIDATONG RADIO COMMENTATOR, ITINUMBA

PATAY ang isang hard hitting radio commentator makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. New Carmen sa Lambayong, Sultan Kudarat. Si Jaynard Angeles, 36-anyos, ng Barangay Matiompong, Lambayong, Sultan Kudarat, dating station manager ng Radyo ni Juan FM station, ay kumakandidato para sa isang local position sa bayan ng Lambayong. Ayon sa ulat ng Soccsksargen Police Regional Office, si Angeles ay binaril nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Park Sampaguita sa Brgy. New Carmen sa gitna ng pinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections.…

Read More

Sa pagkamatay ng mag-asawa sa ‘Bloody Sunday’ raid 17 PNP OFFICERS, PERSONNEL KINASUHAN NG MURDER

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang 17 opisyal at personnel ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Region lV-A) na iniuugnay sa pagpatay sa mag-asawa sa tinaguriang “bloody sunday” raid sa Nasugbu, Batangas. Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), ang 17 operatiba ng CIDG Region lV-A ay nagsilbi ng arrest warrant sa mag-asawang Ariel at Ana Mariz Evangelista na napatay noong Marso 7, 2021 sa nasabing lalawigan. Iniimbestigahan din ang mga nasabing pulis sa pagkamatay ni Emmanuel “Manny” Asuncion, local coordinator ng BAYAN Cavite…

Read More

Sa Tondo at Pandacan AKTIBIDAD SA PISTA NG STO. NIÑO TABLADO

TABLADO ang lahat ng mga aktibidad sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at sa Pandacan sa Lungsod ng Maynila sa Enero 16. Inihayag ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasunod ng pagkansela sa online at physical classes mula Enero 14 hanggang Enero 21. Sinabi ng alkalde, walang magaganap na stage shows, religious procession, street parties, street games at iba pang katulad na pampublikong pagdiriwang. Gayundin, ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar. Inatasan ni Moreno ang mga barangay chairman sa nabanggit na mga lugar…

Read More

MOST WANTED SA BICOL TIMBOG SA QC

ARESTADO sa mga tauhan ng Masambong Police Station (PS-2) ng Quezon City Police District (QCPD) ang no.8 regional level most wanted person ng Bicol, sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Ritchie Claravall, commander ng Masambong Police Station (PS-2), ang suspek na si Fernando Servillon, 49-anyos, tubong Libmanan, Camarines Sur, at residente ng #37 Kalyos St., Brgy. Veterans Village, Project 7, Quezon City. Ang suspek ay nadakip ng pinagsamang mga operatiba ng PS-2, Intelligence Group ng PRO 5, at Pilar Sorsogon Municipal Police Station,…

Read More

Takbuhan ng binabarakong peryodista MEDIA DESK SA BAWAT HIMPILAN NG PULISYA

BILANG tugon sa rekomendasyon ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), naglabas ng direktiba ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) para sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pulisya na tanging trabaho ay saklolohan ang mga peryodistang malalagay sa peligrong dala ng kanilang trabaho. Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, magtatalaga na rin ng media complaint desk sa bawat himpilan ng pulisya kung saan maaaring dumulog ang mga mamamahayag na nahaharap sa bantang kalakip ng propesyon. Ayon kay Undersecretary Jose…

Read More

PBA, ATRAS NA SA DUBAI EXPO

HINDI magpapartisipa ang PBA sa mini-tournament na parte ng selebrasyon ng Dubai Expo 2020. Imbitado ang tatlo hanggang apat na PBA teams sa Dubai Expo mini-tournament, ngunit nag-beg off ang liga dahil sa muling pagsipa ng COVID-19 cases sa bansa, partikular ang Omicron variant. Ang imbitasyon ay ipinadala ni Kevin Brown, planning and management vice president, master calendar-events and entertainment ng Expo 2020, na isagawa sa ­Enero 27 hanggang 30 sa Expo Sports Arena, sa nasabing bansa. Ang Dubai Expo ay isang trade fair na nagtatampok ng mga inobasyon at…

Read More