BROWNOUT NAKAAMBA SA LUZON SA MAYO

NAGBABALA ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng manipis na power supply sa Luzon grid sa panahon ng nalalapit na dry season dahil sa inaasahang mataas na demand. Sinabi ng NGCP na inaasahan na ng Department of Energy (DOE) ang “total peak demand” na 12,387 MegaWatts (MW) para sa Luzon sa huling linggo ng Mayo ngayong taon. “This is an increase of  747MW from the actual 2021 peak load of 11,640MW recorded on May 28 last year,” ayon sa kalatas ng NGCP. Samantala, sa Visayas, ang peak demand…

Read More

HUWES AT ANAK NA MANLOLOKO

HINDI na bago ang tinatawag na “hoodlum in robes” sa mga husgado kung saan may kumikitang kabuhayan sa likod ng mga inaareglong asuntong tulad ng nangyari sa isang negosyanteng hiningian ng P5 milyon sa pangakong maabswelto ang kaso. Ito ang kwento ng anak daw ng isang huwes sa Makati Regional Trial Court (RTC) na ang lakad ay kumausap ng mga akusadong pinangakuan ng absuwelto gamit ang pangalan ng kanyang amang humahawak ng kasong isinampa laban sa isang lehitimong ­negosyante. Ang siste, hindi naman pinlano o hinanap ng akusado ang serbisyo…

Read More

WALA SA AYOS

IMBES na suportahan ang sektor ng pagsasaka at pangingisda sa Pinas, mukhang ang gobyerno pa ang pumipilay sa mga ito dahil bawat kibot ng pamahalaan, importasyon. Sa ganitong patakaran ng gobyerno natin, ang mga importer ang binubuhay nila imbes na ang mga magsasaka at mangingisda kaya huwag na kayong magtaka kung darating ang araw na wala nang gustong magbungkal ng lupa para magtanim, at mangisda para magkaroon tayo ng ulam sa ating hapag kainan. Nitong nakaraang mga buwan, laganap ang mga importerd na gulay mula sa China na nagpabagsak sa…

Read More

BBM HATAW SA SURVEY SA CALOOCAN AT CAVITE

MILYA-MILYA ang layo ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang mga katunggaling presidentiables sa inilabas na survey sa Caloocan City at Cavite. Ang sakop ng survey sa Caloocan City na isinagawa ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators, Inc. ay mula Enero 6 hanggang 10, 2022. Nakapagtala ng 71% si BBM, tig-10% naman sina Leni Robredo at Mayor Isko Moreno, si Sen. Ping Lacson ay 5%; si Manny “Pacman” Pacquiao na may 2% at may ‘undecided’ na 2%. Ang sinurbey ng nasabing private polling firm ay 5,164…

Read More

AGAM-AGAM SA ESTADO NG PANGULO

MAGING ang sentro ng kapangyarihan, hindi nakalusot sa peligrong dala ng pandemya. Ang Malakanyang ay biglang nawindang nang ang mga kawani nito’y biglang tamaan. Pag-amin ng Palasyo, marami sa kanila ang nahawaan ng lintek na nakamamatay na karamdaman. Ayon mismo kay Sec. Karlo Nograles na tumatayong tagapagsalita ng Palasyo, wala roon ang Pangulo – pansamantalang lumisan bilang pag-iwas sa nakaambang perwisyo. Nasaan ang Pangulo, usal ng mga tao – andun sa kanyang balwarte, tugon naman ng tagapagsalita ni Duterte. Sang-ayon kay Nograles, pansamantalang sarado ang ilang tanggapan sa Palasyo, kasama…

Read More

KASAPI NG CTG, NABITAG NG PNP-PRO5

“OUR stringent efforts to get the custody of on the loose criminals has been paying off,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang isang miyembro ng communist terrorist group CPP-MPA-NDFP, sa lalawigan ng Camarines Norte. Kinilala ng Bicol PNP chief ang nabitag na NPA na si Gerardo Mendoza dela Peña, 38, ng Purok 2, Brgy. Manlucongan, Vinzons, Camarines Norte, isang active member ng Platoon 1, Larangan 1, Kilusang Partido 1, CTG/CNN, at nakatala bilang no.3 municipal level most wanted person ng Camarines…

Read More

P142-B UUTANGIN SA CHINA PARA SA PNR BICOL PROJECT

NAKATAKDANG mangutang ulit ang pamahalaan para matustusan ang P142-bilyong halagang kailangan sa proyektong South Long Haul ng Philippine National Railways (PNR) sa Bicolandia. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tuloy ang pangungutang para sa “design and build contract” para sa unang bahagi ng naturang proyekto. Aniya, hiniling na rin ng kagawaran sa Department of Finance (DOF) para sa formal request sa bansang China na una nang nagpahayag ng kahandaang pondohan ang proyektong sila rin ang gagawa. Una nang lumagda ang DOTR ng…

Read More

PAO CHIEF ACOSTA, DI DAPAT PAYAGANG MAG-REPORT SA TRABAHO

“HINDI ba sampal iyon sa gobyerno?” Ito ang tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng kanyang panawagan sa Malakanyang at Department of Justice (DOJ) na huwag papasukin sa trabaho si Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta dahil hindi pa ito bakunado. “Acosta is putting the life, health and safety of her co-workers in danger and that should be dealt with accordingly and decisively,” saad ni Drilon. Ipinaliwanag ni Drilon na maaakusahan ng double standards ang gobyerno kung papayagan si Acosta na pumasok habang nililimitahan ang kilos…

Read More

NO VAX, NO RIDE POLICY, BAWIIN NA LANG

DAHIL nakakagugulo lang sa lahat, dapat bawiin na lamang ng gobyerno ang ipinatutupad na ‘no vaccination, no ride policy’. Ito ang binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros kasunod ng paglilinaw ng Department of Transportation na exempted sa polisiya ang mga manggagawa. Iginiit ng mambabatas na hindi kinakailangan ang paglilinaw at kalituhan sa pagpapatupad ng polisiya kung pinag-isipang mabuti at dumaan ito sa konsultasyon bago ipinatupad. “Binulabog lang nila ang mga commuters,” saad ni Hontiveros. Wala rin anyang saysay ang paglilinaw lalo’t kailangan pang patunayan ng manggagawa na ‘essential worker’ siya bago…

Read More