PANIC BUYING

ISA sa hindi na-anticipate (o alam nila pero ‘di agad kumilos) ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagsirit ng presyo ng krudo, ang panic buying. Sabagay hindi na ako nagulat dahil puro reactionary lang naman ang mga opisyales ng gobyerno. Parang wala silang advance planning sa mga problemang darating at saka lang magre-react kapag nandyan na ang problema at apektado na lahat. Napansin ko kasi, ­ma­raming motorista ang nag-panic kaya pinilahan nila ang mga gasolinahan…

Read More

COMELEC-RAPPLER MOA, INSULTO SA NPC AT KBP

HINDI lang insulto kundi sampal sa dalawang malalaking samahan ng mga mamamahayag sa bansa na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Press Club (NPC) ang ginawang kasunduan ng Commission on Elections (Comelec) at Rappler na may kinalaman sa darating na May 9, 2022 national and local elections. Ang tinutukoy po ng PUNA ay ang pinasok na pakikipagkasundo ng Comelec sa Rappler kamakailan na magtutulungan sila sa pagbabantay sa darating na eleksyon. Layunin daw kuno ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Comelec at Rappler na magkaroon…

Read More

WALANG TABLA, PURO TALO LANG

SA gitna ng hindi maawat na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing mga bilihin, walang ano mang paggalaw sa antas ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon. Pagtitiyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra, mananatili sa P9 ang minimum fare sa mga pampasaherong dyip sa kabila ng halos dobleng halaga nito kumpara sa unang bahagi ng nakaraang taon. Ang totoo, matagal nang sadlak sa kahirapan ang mga pobreng tsuper ng mga pampasaherong dyip na ang tanging kita ay ang baryang labis…

Read More

HORNETS NASUKOL NG NETS

SIYAM na three-pointers at season-high 50 points ang kinamada ni Kyrie Irving para tulungan ang Brooklyn Nets na putulin ang four-game skid via 132-121 win kontra host Chartlotte Hornets, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Napasama si Irving sa 22 players sa NBA history na nakapagtala ng limang 50-point games, ayon sa Basketball Reference. Ang kanyang career high 57 points ay naitala noong Marso 12, 2015 nang talunin sa overtime ng Cleveland Cavaliers ang San Antonio Spurs. Dinomina naman ni Andre Drummond ang loob, tumapos na may 20 points at…

Read More

SAMBO, MARATHON SA TOPS

MAKABULUHANG usapan ang muling matutunghayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, ganap na 10:00 ng umaga via Zoom. Isyu sa sports na sambo, isa sa sumisikat na martial arts sa bansa, ang tatalakayin ni Paolo Tancontin, pangulo ng Pilipinas Sambo Federation Inc., sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR. Ibabahagi naman ang pinakabagong kaganapan sa Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ni Mr. Joenel Pogoy sa programang mapapanood via live streaming sa TOPS officials Facebook page…

Read More

OBIENA, PATAFA DEADLOCK

WALANG susuko. Ganito ang kapwa paninindigan ni world no.5 at Asia pole vault record holder Ernest John “EJ” Obiena at ng Philippine ­Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa isinasagawang mediation ng Philippine Sports Commission (PSC). Ayon sa isang reliable source, nagmatigas ang national athletics federation sa desisyon nitong hindi iendorso si Obiena sa nakatakdang Southeast Asian Games na gaganapin sa Mayo 12 hanggang 23 sa Hanoi, Vietnam. Maliban sa SEA Games, malabo na rin makalahok si ­Obiena sa world indoor championships sa Marso 18 hanggang 20 sa Belgrade, Serbia;…

Read More

MONABESA-VAYSON FIGHT DINEKLARANG ‘NO CONTEST’

IDINEKLARA ng World Boxing Council (WBC) na ‘No Contest’ ang naganap na laban sa pagitan ni Pinoy Jayson Vayson at reigning International Light Flyweight champion Tibo Monabesa ng Indonesia noong Pebrero 27 sa Holywings Night Club sa Jakarta. Sa sulat ni WBC president Mauricio Sulaiman kay Indonesian Boxing Association president Manahan Situmorang na may petsang Marso 7, 2022, hindi kinikilala ng world boxing ­governing body ang ‘split decision win’ ni Monabesa matapos ang ‘review’ sa laban. Kaugnay nito, ipinag-utos ang ‘rematch’ para maresolba ang isyu. “The 10 judges who ­evaluated…

Read More

Natuklasan ng COA P5-B MSME LOANS HINDI NAGAMIT

INIULAT ng Commission on Audit (COA) na may P4.99-billion na inilaan para sa loan distribution sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng Bayanihan 2 Act ang naiwan at hindi nagamit. Sa pamamagitan ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program, ang Small Business Corporation (SB Corp.) ay nakatanggap ng P9.08-billion na ipamamahagi bilang collateral-free at 0% interest loans sa MSMEs. Nakasaad sa 86-page report ng COA, nagpalabas lamang ang SB Corp ng P4.09-billion o 45.04% ng P9.08-billion, naiwan at hindi nagamit ang P4.99-billion o 54.96% Ang SB…

Read More

KITA NG OIL COMPANIES PUNTIRYA SA SPECIAL SESSION

SA gitna ng walang humpay na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, muling nanawagan ang isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kagyat na pagpapatawag ng isang special session sa hangaring amyendahan ang oil deregulation law. Ayon kay House committee on economic affairs chairperson Rep. Sharon Garin, higit na angkop na matalupan ang aktuwal na halagang ginagastos ng mga kumpanya ng langis at ilahad ang paraan ng pagkukwenta ng kita sa kada litro ng mga produktong petrolyong ibinebenta sa merkado. “If and when, the House convenes a special session, there…

Read More