9 SUGATAN SA SERYE NG MINDANAO BLAST

bomba

UMABOT sa siyam na katao ang iniulat na nasugatan sa serye ng mga pagsabog sa dakong Mindanao kaugnay ng halalang ginanap kahapon. Ayon kay Kabacan police chief Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, bandang alas 9.35 kahapon ng umaga nang maganap ang isang pagsabog sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan. Wala naman aniyang nasugatan sa naturang insidente. Gayunpaman, nagdulot ng matinding takot sa mga mamamayan at maging sa hanay ng mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) ng Kabacan ang naturang pagsabog. Bago pa man ang nasabing insidente, walong…

Read More

Mga guro ‘no show” dahil sa takot 500 PULIS PUMAPEL NA BEIs SA COTABATO

DAHIL sa matinding takot, hindi na nagawa pang siputin ng tinatayang 500 guro ang kanilang pwesto bilang election inspector sa Cotabato City, batay sa ulat na natanggap ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, natuloy pa rin naman umano ang halalan makaraang ipalit sa pwesto ng mga lumibang guro ang mga nakatalagang PNP personnel sa nasabing lungsod. Gayunpaman, tinutukan pa rin aniya ng husto ng Commission on Elections (Comelec) ang isinagawang botohan, kasabay ng pagtitiyak na may sapat na kasanayan ang mga pulis na sadyang…

Read More

Umuwi lang para bumoto 5 PATAY, 14 SUGATAN SA SUMALPOK NA VAN

HINDI na nagawang tumungo sa mga nakatalagang polling precincts ang lima kataong nasawi matapos sumalpok sa poste ang sinasakyang van sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur. Bukod sa limang namatay, 14 pang iba ang sugatan sa naturang aksidente, ayon kay Bicol-PNP chief information officer Major Malou Calubaquib. Kinilala naman ang limang pumanaw na sina Ryan Desuasido, Jedro Polo, Gabby Duhapa, at dalawang hindi pa batid ang pagkakakilanlan. Nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang 14 na iba pa – kabilang ang dalawang menor de…

Read More

PNP NAKATUTOK SA REKLAMO VS ELECTORAL FRAUD

UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anomang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad. “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin ora mismo,” ayon sa Kalihim. Sinabi ni Año na simula Mayo 8 hanggang sa aktuwal na halalan nitong Lunes, Mayo 9, tungkulin ng dineploy na police officers na ipatupad ang liquor ban at tiyakin na walang anomang…

Read More

2,000 BILIBID BOYS BUMOTO SA MUNTI

TINATAYANG 2,000 rehistradong preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang lumahok at bumoto ng kanilang kursunadang kandidato sa loob mismo ng piitan. Sa kalatas ng NBP, naging maayos at payapa ang halalan sa hanay ng mga “persons deprived of liberty” na tumungo sa itinakdang polling precinct sa Visitation Area na matatagpuan sa loob ng NBP Compound ng nasabing lungsod. Ayon kay Jayferson Bonas na tumatayong hepe ng NBP – Maximum Security Compound, walang anumang naitalang aberya sa isinagawang botohang nagsimula kahapon ng umaga at natapos bandang…

Read More

Halalan naantala ng 2 oras 50 VCMs SA METRO MANILA SUMABLAY

KABILA-kabilang aberya ang idinulog ng mga botante kaugnay ng pagkaantala sa pagboto makaraang makataan ng depekto ang mga vote-counting machines (VCM) at SD cards na gamit sa automated election na pinangangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec). Pinakamataas ang antas ng aberya sa National Capital Region kung saan hindi bababa sa 50 VCMs ang iniulat na depektibo sa hudyat ng pagbubukas ng mga polling precincts eksaktong alas 6:00 ng umaga. Bagamat napalitan naman ng Comelec ang mga sirang VCMs, nagdulot naman ito mahabang pila sa mga pampublikong paaralang itinakdang polling places…

Read More

FAKE NEWS KINONDENA NI LOPEZ

KINONDENA ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kumalat na fake news na nagsabing nag-withdraw siya sa kanyang kandidatura. Sa mismong araw ng halalan, binigyang linaw ni Lopez na hindi siya susuko hanggang hindi naipapasok ang huling boto ng kanyang mga tagasuporta. Itinuturing ni Lopez na desperate moves ng mga kalaban para siraan siya kahit sa mismong araw na ng halalan. Malinaw aniyang panlilinlang ito sa taumbayan para isulong ang masamang hangarin dahil alam nila na umangat si Atty. Alex. Ibinahagi rin ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas…

Read More

HINDI DIKIT ANG LABAN

BUGBOG si Saul ‘Canelo’ Alvarez sa kamay ni Dmitry Bivol kamakalawa ng gabi sa kanilang light heavyweight match sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Dami sigurong natalo sa pustahan, dahil liyamado si Alvarez. Sa mga nanalo, balato naman. Kung mayroon mang rounds na nakuha si Alvarez, nasa 3 o apat lang. Kaya hindi nakapagtatakang unanimous decision ang resulta pabor kay Bivol. Ang nakapagtataka, dikit ang iskor ng mga hurado, bawat isa 115-113 ang ibinigay. Hindi po dikit ang laban. Kitang-kita naman sa hitsura ng mukha ni Alvarez matapos ang laban.…

Read More

MANINDIGAN PARA SA MALINIS AT MAAYOS NA HALALAN

HABANG isinusulat ang kolum na ito ay kasalukuyang ginaga­nap na ang halalan sa buong bansa kung saan nakataya ang iba’t ibang posisyon mula sa pangulo, pangalawang-pangulo, mga senador, mga kongresista, gobernador, mayor at mga konsehal ng iba’t ibang bayan at lungsod. Base sa inisyal na mga ulat at iba’t ibang exit polls at gaya ng inaasahan ay nangunguna si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos laban sa kanyang mga katunggali. Subalit nakakaalarma rin sapagkat maraming mga lugar ang nagkakaroon ng problema sa mga depektibong vote-counting machines at sa ibang lugar naman…

Read More