COVID-19 SURGE ASAHAN NGAYONG BUWAN

covid

BABALA ng isang infectious disease expert, asahan ang muling paglobo ng kaso ng mga positibo sa nakamamatay na sakit bunsod ng pagdagsa at pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa katatapos pa lang na 2022 general elections. Panawagan sa publiko ni Dr. Rontgene Solante, na tumatayong miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH), maging mapagmatyag lalo pa’t tatlong ulit na mas nakakahawa umano ang mga Omicron sub variants na nakikitang dahilan sa muling paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Estados Unidos at South Africa. “Sa dami ng superspreader…

Read More

PASAWAY, TINADTAD NG SAKSAK NI TATAY

LUCENA CITY – Sugatan ang isang 22-anyos na binata matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang tatay sa kanilang inuman sa Lucena City nitong Huwebes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Jony Abenoja Tamayo, pedicab driver, residente ng Barangay Dalahican. Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-11:30 ng tanghali, nasa kasagsagan ang inuman sa kanilang bahay dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima nang makasagutan nito ang kanyang tatay na si Eladio Tamayo, 56-anyos, isa ring pedicab driver. Sa tindi ng galit, tuluyang nagwala ang anak, naglabas ng kutsilyo…

Read More

Hirit ng BARMM sa Comelec TAKE 2 SA 3 BAYAN SA LANAO

TATLONG bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur ang kailangan magdaos ng isang special election bunsod ng mga karahasang naganap sa mismong araw ng halalan. Sa rekomendasyong inihain ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Deputy Director for Operations Teopisto Elnas, kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagang ideklara ang “failure of election” sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig kung saan hinarang umano ng mga politiko ang pagpasok ng mga balota patungo sa itinakdang polling places. Naitala rin ang insidente ng pagwasak ng vote counting machines…

Read More

PAGBUWAG SA PARTY-LIST SYSTEM IPINASA NI PDU30 SA BBM ADMIN

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na administrasyon na kaagad simulan ang proseso ng pag-amiyenda sa Saligang Batas na may rekomendasyon na i-abolish ang party-list system. Para sa Pangulo, sobra itong inabuso ng makakaliwang grupo. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat nang trabahuhin ng susunod na Pangulo ng bansa ang Charter change (Cha-cha) upang sa gayon ay hindi mabigyan ng impresyon ang publiko na nakikipagtunggali sila para sa panibagong termino. “Kung sino ang mag-presidente ngayon na papasok, it could…

Read More

BAYAN MUNA LAGLAG SA KONGRESO

SA unang pagkakataon mula nang lumahok sa party-list election dalawang dekada na ang nakararaan, hindi nakapasok sa Kongreso ang Bayan Muna. Batay sa pinakahuling partial and unofficial count, mawawalan ng pwesto ang Bayan Muna party-list sa susunod na Kongreso matapos malaglag sa ika-64th puwesto sa nakaraang halalan. Kasama ang Bayan Muna sa dalawang party-list group na tatlo ang kinatawan sa Kongreso ngayong 18th Congress na bihirang makuha ng ibang partido. Ang Bayan Muna ang unang partido ng mga progresibong grupo at kalaunan ay naitayo ng mga ito ang Gabriela, ACT…

Read More

27 KARAHASAN NAITALA SA MAY POLLS

PINAPURIHAN nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Interior Secretary Eduardo Año ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga ahensiya na nagbigay ng seguridad para sa halalan kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Department of Information and Communications Technology (DICT). Ayon kay Sec. Esperon, naging efficient ang sistema sa automated election system at naging napakabilis ang transmission at paglalabas ng resulta ng local elections. Nilinaw rin ni Esperon na maliit na porsyento lamang o wala pa sa 1% sa kabuuang bilang…

Read More

PASYENTE NAG-SUICIDE SA OSPITAL NG MAYNILA

NALASOG ang katawan ng isang 47-anyos na lalaking pasyente makaraang tumalon mula sa ika-6 palapag ng Ospital ng Maynila. Kinilala ang biktimang si Erwin Ricoplaza, residente ng Sampaloc, Maynila na bumagsak ang katawan sa ikalawang palapag ng nasabing ospital. Ayon sa ulat ni Det. Jay Irene Manalili ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-10:15 ng gabi noong Miyerkoles. Kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan na si Denmarie Gatchalian at naghihintay sa pagbukas ng elevator nang biglang tumakbo ang biktima sa balkonahe ng ospital sa ika-anim na…

Read More

Nag-quarantine bago sumakay sa barko SEAMAN NAMATAY SA HOTEL

NADISKUBRENG walang buhay ang isang 42-anyos na seaman sa loob ng tinuluyan nitong Rothman Hotel sa Adriatico St., Malate, Manila. Ayon sa ulat, nakatakda na sanang sumakay ng barko ang biktimang kinilalang si Danny Tolorio, tubong Zamboanga, Sibugay at pansamantalang nanunuluyan sa Rm. 307 ng Rothman Hotel sa #1633 Adriatico St. sa Malate. Batay sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang hapon noong Miyerkoles nang madiskubreng patay na ang biktima. Nauna rito, nag-check-in umano ang biktima sa hotel noong Mayo 3 para sa…

Read More

PILIPINAS ‘REPUBLIC OF MARITES’ – PDU30

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas bilang “Republic of Marites.” Sa kanyang Talk to The People nitong Huwebes, nagbiro ang Pangulo na lahat ng tao ngayon ay may chismis na, mapababae o lalaki. Kaya maituturing na aniyang ‘Republic of Marites’ ang bansa. Ang Marites kasi ngayon ay tawag sa mga chismosa o mula sa salitang “Mare, ano ang latest o Mare, ano na ang chismis.” Samantala, sa nasabing pagkakataon ay nagpahayag ang Pangulo na nais niyang makapatay ng 3 o 5 drug lords bago siya tuluyang bumaba sa pwesto…

Read More