PHARMALLY EXECUTIVES SA JUNE 30 PA PWEDENG LUMAYA

NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon na sa June 30 pa maaaring makalaya ang Pharmally executives na sina Lincoln Ong at Mohit Dargani. Iginiit ni Gordon na alinsunod sa batas, matatapos ang bisa ng kanilang contempt powers na naging dahilan ng pagkakakulong sa dalawang Pharmally executives kapag nagsara na ang Kongreso. Binigyang-diin ng senador na matatapos ang 18th Congress sa Hunyo 30 bagama’t ang kanilang sine die adjournment ay sa June 3 na. Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na maaari nang makalaya sina…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, 3 NA LANG

covid

NAITALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas noong Martes, Mayo 17, ang pinakamababang bilang ng active COVID-19 cases ngayong taon. Tatlo na lamang ang nalalabing COVID patients, kasunod ng limang magkakasunod na araw na walang naitatalang bagong kaso. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagpapatuloy ng laban kontra pandemya. “Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your…

Read More

50 PAMILYA HOMELESS SA SUNOG SA NAVOTAS

UMABOT sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Navotas City noong Martes ng gabi. Agad binisita ni ­Mayor-elect Cong. John Rey Tiangco ang mga nasunugan sa Sitio Puting Bato sa Brgy. North Bay Boulevard South Proper para makumusta ang kanilang kalagayan at makapaghatid ng tulong. Pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa naturang barangay at sa kanilang mga kaanak ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog habang patuloy naman ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ipinag-utos naman ni incumbent Mayor Toby Tiangco…

Read More

0.7 KILONG DAMO TIMBOG SA QC JAIL

ILANG araw matapos ang madugong riot sa pagitan ng iba’t ibang pangkat, sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga selda sa loob ng Quezon City Jail kung saan hagip sa paghahalughog ang hindi bababa sa 700 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana. Sa paunang ulat ng BJMP, kinailangan pa anilang bakbakin ng mga operatibang bahagi ng Operation Greyhound, ang sahig at pader sa loob ng mga dormitoryo bago natagpuan ang ilegal na droga at sari-saring armas na pinaniniwalaang ipinuslit sa loob ng naturang…

Read More

RAMON TULFO DAKIP SA LIBEL

INARESTO kahapon ang batikang kolumnista at dating special envoy to China Ramon Tulfo bunsod ng kasong cyber libel na inihain ni dating Justice Secretary at ngayo’y National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Vitaliano Aguirre II. Sa paunang ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kahapon ng umaga nang ihain kay Tulfo ng mga operatiba ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang bench warrant na nilagdaan ni Presiding Judge Maria Victoria Soriano ng Manila Regional Trial Court Branch 24. Nag-ugat ang asunto nang birahin umano ni Tulfo sa kanyang…

Read More

MAGSASAKA PATAY SA LOVER NI MISIS

ILOILO – Dead  on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng umano’y dating kalaguyo ng kanyang misis sa Pototan City sa lalawigang ito noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat ng Pototan City Police Station, binaril nang malapitan ng suspek ang 44-anyos na magsasaka sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dawis ng nabanggit na siyudad. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Pototan Police, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 13-anyos na anak nang biglang tumahol ang kanilang alagang aso. Nang silipin ng biktima ang pintuan ay biglang sumungaw ang…

Read More

BINATILYO NALIGO SA DAM, PATAY SA KIDLAT

BULACAN – Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay habang naliligo sa Bustos Dam nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng matalim na kidlat na tumama sa biktima sa bayan ng Bustos sa lalawigang ito, noong Martes. Base sa report ng pulisya, hindi pinangalanan ang biktimang binatilyo na nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival bunga ng matinding sugat sa ulo at katawan matapos tamaan ng kidlat. Hindi naging madali ang pagsagip at pagkuha sa biktimang habang nasa malalim na bahagi ng dam dahil sa malakas…

Read More

BAYOLENTENG KUYA IPINADAMPOT SA PULIS

kulong

CAVITE – Ipinadampot ng isang Grade 12 student ang kanyang nakatatandang kapatid dahil sa hindi makontrol na pambubugbog sa kanya sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Hawak ngayon ng Bacoor Police si Eduardo Concepcion y De Guzman, 36, dahil sa reklamo ng 18-anyos niyang kapatid, kapwa residente ng Brgy. Mambog II, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes, Jr., ng Bacoor City Police, natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang walang sabi-sabing binugbog siya ng kanyang kuya dakong alas-5:30 ng hapon. Sinasabing ang…

Read More

2 CHINESE TIKLO SA KIDNAPPING

kulong

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese national na dumukot umano sa isang Vietnamese at isang kapwa Intsik. Kinilala ni AKG Director P/BGen. Rudolph B. Dimas ang mga suspek na sina Huang Jun, 26, at Lu Zhillin, 22, parehong Chinese national na tumutuloy sa Clark Majestic World sa Mabalacat, Pampanga. Nabatid sa pagsisiyasat na puwersahang tinangay ng dalawang suspek ang Vietnamese national na si Vo Nguyen Huyen Chau noong Mayo 11 sa PBCom Building sa Makati City at narekober ng AKG noong…

Read More