SEKTOR NA MAY KUMPIYANSA SA BBM ADMIN NADAGDAGAN

PATULOY na umaani ng positibong pagtanggap ang papasok na pamunuan ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos mula sa iba’t ibang hanay ng lipunan. Kahapon ay nagpahayag din ng kumpiyansa ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa incoming Marcos Administration. Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, positibo sila dahil nakatutok sa local production ang BBM Presidency base sa kanilang pag-uusap matapos ang halalan. Sa panayam sa radyo, sinabi ni So na mas may pag-asa ang sektor ng agrikultura dahil pro-farmers ang incoming administration. Nauna rito, nagpahayag din ang Chinese Enterprises Philippines…

Read More

COVID TF NI VINCE DIZON MILYONES UTANG SA INC

NABABAON na sa utang ang Task Force COVID-19 sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo dahil sa hindi umano nabayaran ang mga pagkain, kuryente at iba pang gastusin sa itinayong Mega Quarantine Center sa Philippine Arena, may dalawang taon na ang nakararaan. Sa kabila umano nito, wala kahit isa sa mga opisyal ng task force ang nagpapadala man lang ng mensahe sa pamunuan ng INC upang alamin kung paano mababayaran ang milyong pagkakautang ng pamahalaan. Kung matatandaan, ipinagmalaki ni National Task Force Against COVID-19 chief deputy implementer Vince Dizon ang tatlong…

Read More

Marcos admin hayaang magtrabaho DQ PETITIONERS TIGILAN NA PANGGUGULO

UMAPELA ang chief of staff at spokesman ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na si Atty. Vic Rodriguez sa mga petitioner ng disqualification case na tigilan na ang kanilang walang humpay na panggugulo at pagpupunla ng galit at pagkakawatak-watak na siyang lalong magpapagulo ng sitwasyon sa halip na makausad na ang bansa patungo sa pag-unlad. Sinabi rin ni Rodriguez na dapat na nilang matutunang respetuhin ang kagustuhan ng mayorya na siyang bumoto para kay Marcos at kanyang running mate na si Vice President-elect Inday Sara Duterte sa katatapos lang…

Read More

HEAT NAUNA SA CELTICS

MULA sa eight-point deficit sa halftime, bumalikwas ang Heat at itinala ang 118-107 demolition kontra Boston Celtics sa Eastern Conference finals series opener, Martes ng hapon (Miyerkoles sa Manila) sa FTX Arena sa Miami. Iniskor ni Jimmy Butler ang 17 ng total 41 points sa pivotal third quarter, tungo sa double-digit lead. Sa 62-54 count sa break, na-outscore ng Miami ang Celtics, 39-14 sa third quarter tungo sa pag-angkin ng 1-0 lead sa best-of-seven series. Nagdagdag sina Tyler Herro, 18 points at Gabe Vincent, 17 points, para sa Heat. Naging…

Read More

31st Southeast Asian Games CHUA, BIADO 1-2 FINISH SA 9-BALL

Ni ANN ENCARNACION PINATUNAYAN nina Johann Chua at U.S. Open champion Carlo Biado na wala pa rin tatalo sa mga Pinoy sa billiards. Katunayan, sa 31st Southeast Asian Games, Miyerkoles sa Ha Dong Gymnasium sa Hanoi, ­Vietnam ay all-Pinoy ang naglaban sa men’s 9-ball singles final kung saan sinargo ni Chua ang ginto at pilak kay Biado, 9-6. Ito ang unang SEA Games gold medal ng 29-anyos na si Chua, bronze lang noong 2017 sa men’s singles sa Kuala Lumpur, at bronze pa rin sa men’s doubles sa 2019 Manila…

Read More

SABLAY SI VINCE SA DOTr

UMAANGAL ang ­maraming empleyado ng Department of Transportation dahil sa umuugong na balita na plano umanong kunin ni ­incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, bilang miyembro ng kanyang gabinete si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at CEO Vince Dizon, bilang susunod na ka­lihim ng Department of Transportation (DOTr). Ilan sa mga kawani ng DOTr ang nagsabi na marami naman ang mas karapat-dapat na maaaring mamuno sa kagawaran kesa kay Dizon na anila ay may kaduda-dudang record at ilang beses na ring nasangkot sa mga anomalya at kontrobersya. Maging ang…

Read More

KARANGALAN SI BBM BILANG PRESIDENTE

SA nasyunal eleksyon, ­naging MANTRA ni President-Elect Bongbong Marcos ang PAGKAKAISA, tungo sa isang maunlad at matiwasay na bansa. Isang malinis na hangarin. Hindi po ba? Maluha-luha po ang inyong lingkod habang sinasabi ni President-Elect BBM na gusto niya ang mamamayang Pilipino ay magsasabing “AKO AY PILIPINO, TAAS NOO KAHIT KANINO”. Busilak ang puso ni BBM, hindi lamang ang kanyang sarili ang iniisip, kundi ang ­sambayanang Pilipino. Kaya naman, magkaisa tayo at suportahan ang kanyang napakagandang layunin. Sa ngayon, ikinararangal ko talaga ang kanyang pagka­panalo bilang Presidente ng Pilipinas. Biruin…

Read More

TANGGAPIN NA LANG KASI

HINDI makauusad ang ating bansa kapag hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang iilan sa ating mga kababayan sa resulta ng eleksyon noong Mayo 9, 2022 na pinanalunan ni Bongbong Marcos. Ang petisyong inihain ng isang grupo sa Korte Suprema para ipatigil ang presidential at vice presidential canvassing ng dalawang kapulungan ng Kongreso na magsisimula sa Mayo 24, ay hindi makabubuti sa ating bayan. Hindi lang si presumptive President Marcos ang kanilang tinatarget dito kundi ang buong bansa sa kabuuan. Tila ayaw nilang umusad ang ating bansa at para bang sinasabi…

Read More

GAPANGAN SA SENATE PRESIDENCY

HINDI pa man ganap na nagbubukas ang 19th Congress, kanya-kanyang gapang na ang ginagawa ng limang senador na pawang umaasinta sa iiwanang pwesto ni Senate President Vicente Sotto III. Kabilang sina Sen. Cynthia Villar, Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Joseph Victor Ejercito, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Francis Escudero – lahat sila ay miyembro ng mayorya sa senado. Sa limang interesado, medyo lamang sina Villar at Ejercito na may kaanak na kapwa senador pagsapit ng Hunyo. Hindi naman nagpapaiwan sina Zubiri at Gatchalian na diumano’y agresibong nakikipag-usap sa…

Read More