ILANG EMPLEYADO NG LTO SAN JUAN AT STA. MESA MGA TAMAD?

RAPIDO Ni PATRICK TULFO MAKAILANG beses ko nang naririnig ang mga ­sentimyento ng mga aplikante laban sa branch ng Land Transportation Office (LTO) sa San Juan at Sta. Mesa. Pero ‘di namin inaaksyunan dahil sa kawalan ng pormal na reklamo. Pero nitong mga nakaraang buwan, naranasan mismo ng ilang mga kaibigan at kaanak ko ang kagaspangan at katamaran ng ilang empleyado nito. Noong Marso, sinamahan ng ating co-host na si Matt Montoya ang kanyang kaibigang babae para mag-apply ng student license sa LTO San Juan branch, kung saan ito kumuha…

Read More

TECHNICAL SMUGGLING MABUBURA SA PROGRAMA NG PPA

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO NARARAPAT lamang suportahan ang Administrative Order o AO No. 04-2021 na inisyu ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago na ipinalabas noong September 2021, na maaaring makatulong upang mapigilan o maibsan na ang ismagling sa bansa. Hindi na bago sa ating pandinig ang diumano’y talamak na ­smuggling activities sa Pilipinas, na tila nagiging kanser na at pangunahing pinoproblema na rin ng Bureau of Customs (BOC). Ito ay dahil lahat na yata ng mga produkto ay ini-smuggle na. Kung ating pagbabasehan, talamak…

Read More

SOBRA SA PAANDAR

GIIT ng Malakanyang, ang pagsibak sa 41 kawaning sangkot sa kontrobersyal na “pastillas scam” ay patunay na walang lugar ang mga tiwali sa ilalim ng administrasyon ng paretirong Pangulong Rodrigo Duterte. Kung tutuusin, magandang balita naman ang dala ng pasya ng Office of the Ombudsman hinggil sa bulilyasong kinasangkutan ng mga opisyales at tauhan ng Bureau of Immigration na pinaniniwalaang nagkamal nang husto gamit ang pwesto sa gobyerno. Ang siste, isa lamang ang pastillas scam sa mahabang talaan ng mga bulilyasong naganap sa ilalim ng pamamahala ni Duterte. Sa umpisa…

Read More

DE LIMA, SASALANG SA MAJOR OPERATION

SASALANG sa major operation si Senadora Leila de Lima ngayong buwan. Kinumpirma ni Atty Filibon Tacardon, legal counsel ni De Lima na kailangang tanggalin ang ilang bahagi ng uterus ng mambabatas. Sinabi ni Tacardon na hiniling na nila sa dalawang korte na humahawak ng kaso ng senadora na pagbigyan ang kanilang petisyon para sa medical leave mula Hunyo 19 hanggang Hunyo 25 para maisagawa na ang surgery. Pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang petisyon noong Lunes, habang hindi pa nagdedesisyon ang Branch 256. “It is about the…

Read More

SENATOR-ELECT PADILLA, HANDA NA SA DEBATE SA SENADO

SUMAILALIM na sa briefing ng Senado si Senator-Elect Robin Padilla bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagtupad sa bagong tungkulin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Nagtungo sa Senado si Padilla at sumalang sa briefing ni Senate Deputy Secretary for Legislation Edwin Bellen, nitong Martes ng umaga. Samantala, muling kinumpirma ni Padilla na ang panukala para sa pagbabago ng saligang batas partikular ang pagsusulong ng Pederalismo ang kanyang prayoridad sa 19th Congress kasabay ng paghimok sa publiko na yakapin ang charter change dahil ito na ang kailangan ng bansa kung…

Read More

PAGGAMIT NG ORGANIC FERTILIZER ISINUSULONG NI VILLAR

SANHI ng masasamang gawain na nakapagpababa ng 38% sa sustansya ng lupa, isinusulong ni Sen. Cynthia A. Villar ang composting at paggamit ng organic fertilizer upang pangalagaan  ito. Sa kanyang video message sa 71st anniversary ng Bureau of Soils and Waste Management (BSWM), binigyan diin ni Villar ang paggawa ng organic fertilizer mula sa agricultural residues gaya ng tangkay ng palay at mais, dumi ng mga hayop, at iba pang bagay na maaaring ipalit sa inorganic/synthetic o chemical fertilizers. “You are one with us in actively promoting organic  farming methods…

Read More

ANTI-OVERLOADED TRUCK SCHEME IPATUTUPAD SA MANILA NORTH ROAD

(ELOISA SILVERIO) Mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa anti-overloading truck scheme ang unang pagtutuunan pansin ni Bulacan Fifth District Congressman-elect Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. ng Guiguinto, Bulacan para masolusyunan ang pagkasira ng national highways. Sa panayam kay Cruz, pangulo ng Bulacan Mayors League, sinabi nito na magsasagawa siya ng isang dialogue kasama ang samahan ng mga hauler o truckers association partikular na yaong mga dumadaan sa Manila North Road kilala bilang dating Macarthur Highway upang talakayin at resolbahan ang dulot nitong problema sa pagkasira ng mga kalsada. Nauna rito…

Read More

P36-M GIANT CLAMS NASABAT NG COAST GUARD

TINATAYANG may P36 milyon ang halaga ng giant clam na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa ikinasang entrapment operation sa Daanbantayan, Cebu. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, 12 katao ang inaresto matapos makumpiskahan ng 133 piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa naturang bayan. Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Coast Guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laban sa mga suspek. Agad namang ipinasa ang mga nakumpiskang giant…

Read More

“TINANG 83” LAYA NA

PANSAMANTALANG nakalaya ang 83 magsasaka na tinaguriang “Tinang 83”, isang land reform advocates group matapos makapaglagak ng kanilang piyansa. Nanindigan naman si PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao na kumilos lamang nang naayon sa batas ang mga pulis nang arestuhin nila ang mahigit 90 indibidwal na nagsagawa umano ng panggugulo sa Hacienda Tinang. Paliwanag ni Lt. Gen. Danao, ang mga inaresto ay isinailalim sa kustodiya dahil sa alegasyon ng Malicious Mischief, Direct Assault, Disobedience and Resistance to Persons in Authority, Obstruction of Justice, at Illegal Assembly. Sinasabing binatay ito sa…

Read More