GSW LIYAMADO SA 2023 NBA SEASON

MULING tinanghal na NBA champion ang Golden State, matapos talunin ang Boston noong Huwebes (Biyernes sa Manila), 103-90, para sa ikaapat na titulo ng koponan. Halos katatapos lamang ng panalo, naka-post na agad sa BetMGM ang odds kung saan paborito ang tropa ni coach Steve Kerr para sa 2023 NBA Finals. Bukod sa NBA champion, inilabas din ng BetMGM ang 2022-23 NBA MVP odds at si Philadelphia 76ers center Joel Embiid ang paborito @ +500. Habang si back-to-back MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets ay pang-apat sa listahan +850. Nasa…

Read More

Naka-3 golds sa Asian C’ships CALOY YULO SWAK SA WORLD C’SHIPS

Ni VT ROMANO SA ikatlong sunod na pagkakataon, swak si Carlos Yulo para sumabak sa World Championship sa Liverpool, United Kingdom bago matapos ang taon. Ito’y makaraang makahablot ng tatlong ginto sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar. Ibinulsa ng 22-anyos Tokyo Olympian ang gold sa men’s vault, umiskor ng 14.800 points. Tinalo niya sina Tachibana Shiga ng Japan (silver) at Kim Hansol ng Korea (bronze). Bago ito, sinungkit ni Yulo ang unang ginto noong Biyernes sa men’s floor ­exercise, sinundan ng tagumpay sa parallel bars (15.617…

Read More

CONG. ARJO ATAYDE, SUMABAK NA SA TRABAHO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG PINALAD na makasungkit ng puwesto sa katatapos na 2022 local and national elections si Quezon City First District ­Congressman-elect Arjo Atayde. Dahil isa na ngang ganap na lingkod-bayan, marami ang nagtatanong kung tuluyan na nga ba niyang tatalikuran ang mundo ng show business. Pero negatibo ang sagot ni Atayde. Katunayan daw, katatapos lang nilang mag-shoot ng ‘Cattleya Killer’ bago ang campaign period. Hindi raw siya titigil ngunit mas prayoridad daw niya ang kanyang distrito. Talagang nasa puso niya ang trabaho bilang isang aktor.…

Read More

Greatest of All Time na ba si Steph Curry?

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA MAYROON pa bang kailangang patunayan si Golden State point guard Stephen Curry matapos muling tanghaling hari ng NBA ang Warriors? Lahat halos ng dapat hilingin ng isang manlalaro ay nasa kanya na – walong beses na miyembro ng All-Star Team, dalawang beses na MVP ng liga (isa rito ay iginawad sa nagkakaisang hatol), dalawang beses na scoring champion, All-Star Game MVP, at ngayon ay apat na beses na NBA champion pa. Matapos ang 2022 NBA Finals laban sa Boston Celtics noong…

Read More

NAG-DRAMA BA O HINDI ANG SEKYU NA NASAGASAAN?

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. HINDI nagtatapos ang pagmamay-ari ng sasakyan sa pagmamantine at alaga nito. Ito Ang Totoo: napakalawak at walang katapusan ang lansangan, mapa-konkreto, aspalto, graba o lupa-lupa lang, basta madadaanan. Kaya naman ang responsibilidad at obligasyon, kapwa sa sarili at ibang tao, ay talagang seryoso. Sa aspeto ng kaligtasan, dapat tinitiyak na nasa ­kondisyon ang sasakyan, ang sarili at umaakma sa kalagayan ng lansangan at panahon. Kapag wala sa kondisyon ang sasakyan o ang nagmamaneho kasama na ang kakulangan ng konsiderasyon sa kalagayan ng…

Read More

PATAS NA JUSTICE SYSTEM ASAHAN KINA GUEVARRA AT REMULLA

BISTADOR Ni RUDY SIM ISANG matalinong desisyon ang ginagawang pagpili ni President-elect Ferdinand “Bong­bong” Marcos Jr. ng mga miyembro ng kanyang gabinete at opisyales na ilalagay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa tulong din ni Incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na nagpapatunay lamang na walang palakasan at para sa kapakanan ng sambayanan upang isakatuparan ang mga naipangako nito sa sambayanan noong panahon ng kampanya. Marami ang humanga sa naging desisyon ni PBBM na maglingkod sa kanyang administrasyon si Outgoing 59th Justice Secretary Menardo “Boy” Ilasco Guevarra bilang Solicitor…

Read More

TURISMO PALALAKASIN SA ILALIM NI BBM

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NAGING malaking hamon sa turismo ang pagsasara ng maraming negosyo at industriya bunsod ng pagpapatupad ng mga lockdown upang puksain ang pandemyang dulot ng COVID-19. Dahil dito nagkaroon ng malaking kakulangan sa kita ang pribadong sektor na nagresulta sa mas mababang buwis para sa pamahalaan. Kasama na rito ang kawalan ng trabaho sa ating bansa at maging sa OFWs na nawalan din ng hanapbuhay. Dahil sa restrictions na dulot ng pandemya, ang mga airport, airline, hotel, at tourist spots ay napilitang magsara nang halos…

Read More

UMAMIN DIN SA WAKAS

SA mga nakalipas ng linggo, pilit ikinukubli ng Department of Health (DOH) ang nakaambang peligrong dala ng muling pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. Pero nitong nakaraang Sabado, biglang umamin ang departamento! Anila, posibleng pumalo sa 1,200 ang arawang tala ng mga bagong COVID-19 cases bago matapos ang buwan ng Hunyo – ‘yan ay kung magpapatuloy aniya ang paglaganap ng mikrobyo. Susmarya! Ang totoo, laganap na ang hawaan sa iba’t ibang panig ng bansa, Gayunpaman, pinakamataas ang antas ng mga kumpirmadong kaso sa National Capital Region (NCR)…

Read More

TRICYCLE BAWAL PA RIN SA HIGHWAY

HINIKAYAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Local Government Units (LGUs) na ipagpatuloy ang nationwide Road Clearing Operation (RCO) at kampanya laban sa tricycle sa national highways para protektahan ang kanilang mga anak at mga kabataan mula sa road accidents kasunod ng inaasahang pagbabalik ng face-to-face classes. “The Road Clearing Ops and ‘no trike on national highway’ campaign have to be sustained. Hindi puwedeng ningas-kugon. We urge our LGUs to continue and sustain their successes to protect our children from road accidents, lalo…

Read More