Sa usapin ng langis at pharma industry TULONG NG NIGERIA, BANGLADESH SINIGURO

HANDA ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas sa problema nito sa langis at natural gas sources sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo. Ayon kay Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akinleye, may ilang mahahalagang usapin na tinalakay sa kanyang courtesy call kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kabilang ang agrikultura, teknolohiya at natural gas. Ayon kay Akileye, ang Nigeria ay pang- 12 “largest oil producer” sa buong mundo. At sa tanong kung magagarantiya ng Nigeria ang kanilang commitment na tumulong patatagin ang presyo ng langis sa gitna…

Read More

VP SARA NANUMPA NA

NANUMPA na bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas si Sara Duterte-Carpio. Sa seremonyang ginanap sa San Pedro Square in Davao City, si Duterte-Carpio ay nanumpa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando. Suot ni Duterte-Carpio ang green Filipiniana na dinisenyo ni Davao-based designer Silverio Anglacer. Kasama niya sa kanyang panunumpa ang amang si President Rodrigo Duterte, inang si Elizabeth Zimmerman at asawang si Atty. Manases Carpio. Dumalo rin si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “Ako po si Inday Sara. A proud…

Read More

Sa gitna ng nagbabadyang global food crisis FOOD SECURITY PRAYORIDAD SA BBM ADMIN

(CHRISTIAN DALE) GAGAWIN lahat ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa. Ito’y matapos magbabala ang World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization, at World Food Programme ng global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries. Sa isang kalatas, tiniyak ni Press Secretary-designate Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa publiko na ang administrasyong Marcos ay handa na patatagin ang food supply at paghusayin ang food production. “Gaya nang nasabi na ni President-elect…

Read More

ARMY MAJOR PINATAY, SUSPEK NA ARMY CAPTAIN NAG-SUICIDE

CAMARINES SUR – Patuloy na iniimbestigahan ng Bicol PNP at ng pamunuan ng Philippine Army ang motibo sa pagpaslang sa isang Philippine Army major sa loob ng Camp Weene Martillana at pagkaraan ay nag-suicide ang suspek na isang Army captain noong nakalipas na linggo sa bayan ng Pili sa lalawigang ito. Habang isang non-commission officer ang nasugatan sa nasabing shooting incident sa loob mismo ng military camp, na kinilalang si Sgt. Manuel Colico Jr. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Maj. John Paul Belleza, Army’s 9th Infantry Division Public Affairs Office…

Read More

Dike nagiba sa high tide BARANGAY SA OBANDO, VALENZUELA BINAHA

LUMUBOG mula sa isa hanggang apat na talampakang tubig baha ang ilang barangay sa bayan ng Obando sa Bulacan, at sa Lungsod ng Valenzuela matapos masira ang floodgate at dike na pumipigil sa tubig na nagmumula sa Manila Bay. Personal na nakipag-ugnayan si Mayor-elect Ding Valeda ng Obando, Bulacan kina Bulacan Governor Daniel Fernando, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at incoming Mayor Wes Gatchalian gayundin sa tanggapan ng Second Bulacan District Engineers Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), upang mabigyan ng agarang solusyon ang idinulot na pagbaha sa…

Read More

PINOY NURSE NA GUSTONG MAGTRABAHO SA US DUMARAMI

PARAMI nang parami ang mga Filipino registered nurse ang gustong magtrabaho sa United States (US) kung saan mas malaki ang sahod kumpara sa Pilipinas. Ayon kay Cebu Rep. Eduardo Gullas, umabot sa 3,713 ang kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan. Mas mataas umano ito ng 147 percent kumpara sa 1,501 na kumuha ng NCLEX sa parehong panahon noong 2021 kahit pa nagbabayad ang mga ito ng US$200 bilang exam fees. “Since passing the NCLEX is usually the final step in America’s nurse licensure…

Read More

2 PANG MIYEMBRO NG GABINETE NG BBM ADMIN PINANGALANAN

PINANGALANAN na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng incoming administration. Sa isang kalatas, sinabi ni incoming Press secretary Rose Beatrix “Trixie” Cruz Angeles na pinili ni Marcos Jr., sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Lilia Guillermo para pamunuan ang BIR at retired Philippine National Police (PNP) Deputy Director General Ricardo de Leon bilang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General-designate. Si Guillermo ay dating Deputy Commissioner ng BIR at sa kasalukuyan, nagsisilbi itong Assistant…

Read More

LIMITASYON SA 2ND BOOSTER KINUWESTYON

HININGAN ng komento ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Technology Assessment Council (HTAC) kung bakit ang ikalawang COVID booster ay ibinibigay lamang sa piling grupo. Sa kanyang liham, binigyang-diin ni Tiangco na maraming Navoteño na payag masaksakan ng second booster shot ngunit hindi pa “eligible” ayon sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH). Nakasaad sa DOH Memorandum No. 2022-0206 na bukod sa immunocompromised individuals, tanging senior citizens at frontline healthcare workers ang maaaring bigyan ng second booster ng Moderna at Pfizer vaccines.…

Read More

AYUDA NG ACT-CIS TULOY-TULOY

TULOY-TULOY lang ang ayuda ng ACT-CIS Party-list sa mahihirap at mga nangangailangan na kababayan. Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “hindi titigil ang pagbibigay ng ayuda ng grupo kahit wala na sa ACT-CIS si Sir Erwin Tulfo.” Matatandaang si Tulfo ay itinalaga ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Yap, Si Cong. Jeff Soriano na ang magpapatakbo ng ACT -CIS Action Center. Ani Yap, “tuloy ang pagbibigay nila ng mga gamot, hospital and burial assistance”…

Read More