OFW SA KUWAIT GINUGUTOM NG MADAMOT NA AMO

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PALIHIM na ipinaabot ng isang OFW ang kanyang sumbong sa pamamagitan ng isang kapwa OFW na ­kanyang nakasabay sa ­ospital sa Kuwait habang ito ay nagpapakonsulta sa doktor. Ayon sa sumbong na ipinarating ni OFW Cindy Gallardo, siya ay namamasukan bilang kasambahay sa isang tahanan sa Jaber Ali, sa bansang Kuwait. Halos isang buwan pa lamang siya sa kanyang amo, pero sa simula pa lamang ay naranasan na n’ya ang hindi magandang pagtrato ng kanyang amo. Kung dati ay nababasa ­lamang nito sa…

Read More

PNP OIC GEN. DANAO, GALIT DAW SA MEDIA!

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NAGMURA daw si PNP OIC Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. nang hilingin ng isang kasamahan sa media na siya ay ma-interview. Sinisisi raw ni Gen. Danao ang media sa pag-viral ng kanyang larawan kung saan nagmano sa kanya ang ina ni Jose Antonio San Vicente na nakasagasa sa security guard. Hindi kasi naging maganda ang reaksyon ng madla sa ­nasabing larawan at pinaghinalaan si Gen. Danao bilang protektor umano ng batang San Vicente. Sakaling totoo ngang nagmura si Gen. Danao sa media, hindi naman dapat…

Read More

ALING KAUTUSAN BA ANG DAPAT MANGIBABAW? LOCAL O NATIONAL?

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO ALING kautusan nga ba ang mas mananaig sa paglaban sa COVID-19, ang kautusan ng local executive o ng national ­executive? Bakit nga ba nagiging problema pa ngayon ‘yan ng mga Cebuano? Nalilito tuloy sila kung sino ang susundin! Eh kasi naman nagpalabas ng kautusan ang kanilang Governor’s Office na optional na lang daw ang pagamit ng face mask sa kanilang lalawigan na mariin namang tinutulan ng national government o ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang ‘di ko lang maintindihan ay…

Read More

PAGKAIN MUNA

SA gitna ng nagbabadyang gutom, pinakamainam ang naging desisyon ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. Aniya, sa tindi ng problemang kinakaharap ng bansa, siya na muna ang kukumpas sa Department of Agriculture. Babala ng international institutions kabilang ang World Trade Organization at Food and Agricultural Organization ng United Nations, isang food crisis ang nakaamba bunsod nang patuloy na banta ng pandemya at umiinit na hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia – lalo na sa mga bansang umaasa sa inaangkat na pagkain. Ang totoo, higit na apektado ang mga maralita…

Read More

Sa pagresolba sa oil price hike DISKARTE NG AMA SUSUNDAN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) HANGAD na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na magsagawa ng arrangements sa oil-producing countries upang mapalambot at mapagaan ang hagupit ng presyo ng petroleum products sa consumers. Sa press briefing, sinabi ni Marcos na nais ng kanyang administrasyon na gamitin ang kahalintulad na approach na in-adopt ng kanyang ama noong 1973 oil crisis nang ang administrasyon nito ay nakipag-usap sa oil-producing nations na habaan pa ang payback period. Nagsimula ang krisis nang magdesisyon ang Arab oil producers na putulin ang suplay sa Estados Unidos bilang pagpapakita ng military…

Read More

GABINETE NI PBBM MAKUKUMPLETO NA

PATULOY na nababawasan ang shortlist ng mga kandidato na target mapasama sa gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “The shortlist is getting shorter, let me put it that way. If we started with 10 names, a dozen names, we are down to maybe three or two in each of those departments,” ayon kay Marcos sa  press conference sa Mandaluyong City nang tanungin kung nakapagtalaga na ito ng mamumuno sa  Department of Health (DOH) at Transportation (DOTr). Sinabi ni Marcos na maaaring magbigay siya ng mas maraming pangalan ng Cabinet…

Read More

Umani ng positibong reaksyon sa publiko PBBM BILANG AGRI CHIEF ‘WISE DECISION’

(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA) UMANI ng positibong reaksyon hindi lamang sa mga taong gobyerno kundi maging sa publiko ang anunsyo kamakalawa ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pansamantala nitong pamumunuan ang Department of Agriculture sa sandaling umupo na siya sa pwesto. Kaugnay ito ng layunin ni Marcos na siguruhin na matutugunan ang kakulangan ng pagkain sa bansa. Para kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, “wise decision” ito ng susunod na Pangulo. Aniya, ang pagtatalaga ni Marcos sa sarili sa DA ay ‘crystal clear message” na ang numero unong prayoridad…

Read More

SUSPENSYON NG FUEL EXCISE TAX AT VAT MULING ISUSULONG

NANGAKO si Senador Koko Pimentel na isusulong sa susunod na Kongreso ang panukala upang suspendihin ang pagpapataw ng excise tax at iba pang pagbubuwis sa produktong petrolyo. Ito ay sa gitna ng patuloy na paghihirap ng publiko sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Sinabi ni Pimentel na isa ito sa maaaring gawin ng gobyerno upang mabawasan ang dagok na kinakaharap ng mamamayan. Samantala, iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kailangan munang timbangin ang buti at masamang idudulot ng suspensyon ng excise tax at VAT. Aminado si…

Read More

Sa pagbabalik ng f2f classes DAPAT MAY SOCIAL DISTANCING PA RIN

KINUWESTYON sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pahayag umano ng Department of Education (DepEd) na hindi ipatutupad ang social distancing sa mga eskuwelahan sa ilalim ng Alert Level 1 kapag nagsimula na ang face-to-face classes. Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, mistulang ikinokompromiso ng DepEd ang kalusugan ng mga estudyante, guro at school officials gayung hindi pa tapos ang problema sa COVID-19. “COVID-19 is still present. Minimum health protocols should not be eased as schools prepare for face-to-face classes in the incoming school year especially…

Read More