PAGWAWAKAS NG AGRI-SMUGGLING

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO HINDI sapat ang katagang kapanapanabik para ilarawan ang mga matutunghayang tagpo sa mga susunod na araw sa isang kagawarang sukdulan ang kapalpakan pagdating sa mandatong kanilang pinanumpaan. Dangan naman kasi, hindi ordinaryong Kalihim ang uupo sa nasabing departamentong binaboy ng sabwatan ng mga sindikato sa likod ng agri-smuggling at ng mga mismong taong gobyernong nagpayaman ng husto sa kani-kanilang mga pwesto. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang napipintong pamumuno sa Department of Agriculture – hindi dahil sa…

Read More

LIDERATO NG ASEAN CUSTOMS BOARD, IPINASA SA SINGAPORE

SA pagtatapos ng termino ng administrasyong Duterte, kasa­bay nang ipinasa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations – Customs Directors-General of Customs sa bansang Singapore. Sa ginanap na 31st regular meeting ng nasabing grupong binubuo ng mga katuwang na bansang Asyano, pormal na isinalin ni Guerrero ang chairmanship kay Ho Chee Pong, Director-General ng Singapore Customs. “The Philippine Customs is honored to officially turn over the emblem of authority and responsibility of the ASEAN Customs Chairmanship to the able hand of Mr. Ho Chee…

Read More

PATAMA NG KOLUMNISTA, PINALAGAN NI GUERRERO

boc

INALMAHAN ni outgoing Customs Commissioner ang patutsadang inilathala sa isang pitak ng batikang kolumnistang si Cito Beltran. Sa artikulong lumabas sa pahayagang Philippine Star, hayagang sinabi ni Beltran na mas malaki ang ganansya sa Bureau of Customs (BOC) kumpara sa pagiging Kalihim ng isang departamento, kasabay ng paglalahad ng mga umano’y malawakang katiwalian at smuggling ng langis at agri-products sa iba’t ibang pasilidad na nasa ilalim ng pangangasiwa ng naturang kawanihan. Giit ni Guerrero, malaki na ang ipinagbago ng BOC kung saan aniya puspusan ang pagpapatupad ng mga reporma sa…

Read More

Trak sa SoCot, timbog din SMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBO

MAHIGIT P5.1-milyong halaga ng mga smuggled na siga­rilyo ang kumpiskado sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Zamboanga at South Cotabato. Unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police – Zamboanga City Mobile Force Company ang dalawang bangkang de motor, na may lulang 62 master cases ng sigarilyong Champion Menthol. Sa ulat ng pulisya, nagpapatrolya ang mga operatiba ng BOC at PNP nang namataan ang dalawang bangka sa karagatang sakop ng Zamboanga City. Nang sitahin ng mga operatiba, walang naipakitang dokumentong patunay na…

Read More

P21M PARA LANG SA 2 LUXURY CAR

TUMATAGINTING na P21 mil­yon ang kabuuang nakalap ng Bureau of Customs (BOC) mula sa dalawa sa apat na sinubastang smuggled luxury cars. Sa kalatas ng BOC, nagwagi sa isinagawang public auction para sa pulang 2006 Lamborghini ang FR Agbay Jr. Enterprise sa halagang P10.378 milyon, habang swak naman sa P10.452 milyong hirit ng ETANS ang 2008 model na Ferrari Scuderia 430 na apat na ulit nang isinalang sa subastahan ng kawanihan. Wala naman nagpakita ng interes para sa 2001 model ng Porsche Boxster na pilit binebenta ng BOC sa halagang…

Read More

LIBRENG SAKAY HANGGANG HUNYO 30 NA LANG – LTFRB

TULUYAN nang tutuldukan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang programang Libreng Sakay sa hudyat ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30,2022. Partikular na tinukoy ng LTFRB ang libreng sakay sa mga tren ng Metro Rail Transit – Line 3 at sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa nalalabing 28 ruta sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Katwiran ng ahensya – ubos na ang pondo para sa naturang programa. Ayon sa LTFRB, nasaid na ang P7-bilyong pondong mula sa national government. Anila, nasa…

Read More

‘NO SAIL ZONE’ SA PASIG RIVER

PAIIRALIN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ‘no sail’ sa bahagi ng Pasig River kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum ngayong Hunyo 30. Ayon kay LCdr. Michael John Encina, tagapagsalita ng PCG Station Malacañang, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Hunyo 30 epektibo ang polisiya. Paliwanag niya, hindi papayagan ang paglalayag ng anomang uri ng sasakyang-pantubig mula sa bahagi ng Ilog Pasig sa Hospicio de San Jose hanggang sa Pureza sa Sta. Mesa, Maynila. Aniya, 10 sa kanilang floating assets ang magpapatrulya sa naturang bahagi…

Read More

WEBSITES NA KONEKTADO SA NPA PINA-BLOCK SA NTC

PINA-BLOCK ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga internet services provider ang mga website na sinasabing konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front. Ito ay kaugnay sa kahilingan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa NTC na i-block ang access sa 25 website na naka-link umano sa CPP-NPA-NDF na idineklarang teroristang grupo ng administrasyong Duterte. Kabilang sa mga ipinapa-block ng NTC ang website ng mga progresibong grupo at independent media. Samantala, wala namang nabanggit na dahilan sa hiling ni Esperon na i-block ang website ng progresibong…

Read More

NBI STRIKES AGAIN

INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO, JR. ISANG pagpupugay sa National Bureau of Investigation-National Capital Region sa pagmamaneho ni NCR Dir. Atty. Emeterio Dongallo, sa isang matagumpay na operasyon. Sana all! Magandang accomplishment na naman ito. Opo mga Igan, huli sa entrapment operation ang suspek na si Mary Ann Hernandez, sa umano’y INVESTMENT SCAM, ang kanyang modus gamit ang kanyang forwarding company at may pangakong sampung porsyentong tubo pero bogus pala. Ambot. Sa ulat, nakatangay na ang suspek ng labing anim na milyong piso (P16-M), sa kanilang suma total. Naku…

Read More