TAGASUPORTA SA CAVITE PINASALAMATAN NI MARCOS

SA kanyang pagbabalik sa lalawigan ng Cavite, pinasalamatan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kaalyado at supporters na tumulong sa kanya upang manalo sa nakaraang halalan. Kamakalawa ay dumalo si PBBM sa ikasampung taon ng Cityhood ng Bacoor. Sa kanyang pananalita, sinabi ng incoming President na malaki ang tulong ng mga Caviteño sa tagumpay ng tambalan nila ni Vice President-elect Sara Duterte. Nabatid na aabot sa 1.09 milyong boto ang nakuha ni Marcos mula sa Cavite.

Read More

MEGA DAM SA ILOILO MAKATUTULONG SA FOOD SECURITY

TIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang maitutulong ng Jalaur River Multi-Purpose Project (JRMP) sa Iloilo sa pagresolba sa iba’t ibang problema sa food security. Tinukoy ng senador ang bumabang produksyon sa agrikultura ng bansa na nagreresulta sa kakapusan ng pagkain. Inaasahang matatapos ang mega dam project sa Disyembre ng susunod na taon. “Its immediate completion will play a crucial role in the Marcos administration’s commitment to stabilize the food supply and improve food production,” diin ni Drilon. Ipinaliwanag ni Drilon na ang P11.2 bilyong irrigation project…

Read More

$500-M INVESTMENT ILALAAN NG KOREAN INVESTORS SA BULACAN

NAKAHANDANG mamuhunan ang Korean investors ng hanggang 500 million US Dollars o P27 billion investment sa lalawigan ng Bulacan para sa planong pagtatayo ng commercial establishments o ‘smart city’ matapos bumisita ang mga ito at personal na nakipagpulong kay Governor Daniel Fernando sa Kapitolyo nitong Huwebes. Ayon kay Fernando, ang mga bumisitang negosyanteng Koreano ay mula sa Korea-Philippines Business Association (KPBA) na mayroong 197 companies sa pangunguna ni Haesook Suh, chairwoman; Geon Park, chairman at Leo Hwang, foundation general; Sunghee Han, vice-chairwoman; Kyuwan Lee, vice-chairman; Soobum Kim, secretary general; Hanyoung…

Read More

ELECTION OFFICER, 2 ANAK, 1 PA SUGATAN SA AKSIDENTE

CAVITE – Sugatan ang apat na katao kabilang ang isang election officer ng bayan ng Kawit at dalawang anak nito, nang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo nang tinangkang umiwas na mabangga ang isang sumingit na sasakyan sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Pawang nilalapatan ng lunas sa Gentri Doctors Hospital ang mga biktimang sina Jasmin Gilera y Fernandez, 47,  election officer ng Kawit, Cavite at angkas nitong 17-anyos na anak; isa pang anak na si Cipriano Jonas Gilera y Fernandez, 24, at angkas nitong si Jhanela Carranza y…

Read More

GINANG PATAY SA SUNTOK NG LIVE-IN PARTNER?

patay

CAVITE – Hinihinalang namatay sa suntok ng kanyang live-in partner ang isang ginang na napuruhan sa kaliwang tenga makaraang magtalo na nauwi sa pananakit sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Annaliza Atatado, nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa suntok ng kanyang live-in partner na si Robert Ramirez, nasa hustong edad, kapwa residente ng Brgy. Kaytambong, Indang, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Oliver Riazon Jr., ng Indang Police, bago nangyari ang…

Read More

2 kaibigan nagbuwis ng buhay 2 PATAY, 1 SUGATAN SA LOVE TRIANGLE

CAVITE – Patay ang dalawa katao habang isa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng grupo ng karibal ng isa sa mga biktima sa madugong insidente dahil sa love triangle sa bayan ng Naic sa lalawigang ito noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang mga biktimang sina Lennox Nuguid, 24; Rico Mariscotes, 23, at John Aldy Bendijo, 24, ngunit hindi umabot ng buhay sina Nuguid at Mariscotes. Arestado naman sa isinagawang follow-up operation si Joshua Mojica y Mojica, alyas “Jotjot”, 25, habang pinaghahanap ang kasamahan nito na sina John…

Read More

‘PALPAK’ NA SERBISYO NG IT CONTRACTOR NG LTO BINANATAN NG NETIZENS

MAINIT ngayon ang netizens sa Information Technology (IT) Contractor ng Land Transportation Office (LTO) na Dermalog dahil sa kapalpakan umano ng serbisyo nito. Hindi napigilan ng netizens na batikusin sa social media ang banyagang contractor makaraang maglabas ito ng video na nagsasaad na ginawa nilang “state of the art,” at ligtas ang technology platform ng LTO na Land Transportation Management System (LTMS). Sa naturang video, ipinagmalaki pa na mas makatitipid ang publiko dahil mas mabilis at episyente na ang sistema sa LTO dahil sa bagong teknolohiya. Kinontra ito ng isa…

Read More

FLOAT NG MPD NAGWAGI SA 451ST ANNIV NG MAYNILA

NAGWAGI mula sa 14 na kalahok ang float ng Manila Police District sa parada sa isinagawang pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng Araw ng Maynila nitong Biyernes ng umaga. Unang parangal na may pabuyang P40,000 ang nakamit ng MPD, ayon sa ulat ni P/Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD. Nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga ang parada at nilibot ang buong siyudad ng Maynila. Sa kabuuang 14 na lumahok sa parada ay nanalo sa unang puwesto ang float ng MPD. Ang naturang paligsahan ay pinamunuan ni P/Col.…

Read More

60 NEW BI OFFICERS, ITATALAGA SA NAIA

MAGTATALAGA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 60 newly-hired immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makatulong sa bilang ng personnel na nagsasagawa ng pangunahing inspection ng international travelers na parating at palabas sa pangunahing port ng bansa. Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 63 immigration officers ay matatapos na sa susunod na linggo sa isang buwang pagsasanay sa immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga. Sinabi pa ni Morente, ang 63 personnel ay kabilang sa 195 recently-hired BI…

Read More