Bayan ng Rodriguez balik sa dating Montalban TINIG NG MAMAMAYAN NANAIG – NOGRALES

(BERNARD TAGUINOD) SA wakas ay matutuldukan na ang kalituhan hindi lamang sa mga residente kung Montalban o Rodriguez ang itatawag sa kanilang bayan. “An expression of the people’s will and an end to confusion”. Ganito inilarawan Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles matapos maging batas ang panukala nito na ibalik sa dating pangalan na Montalban ang bayan ng Rodriguez. “Sa wakas, mareresolba na ang ilang dekadang kalituhan na dala ng isyung ito. Republic Act No. 11812 now puts a stamp of authority on the widely-accepted practice of calling our town…

Read More

50 bagong kaso naitala PINAS MAY 93 OMICRON SUBVARIANT BA.5 CASES NA

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 50 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5 dahilan upang pumalo na sa 93 ang kaso nito sa bansa. Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may 38 indibidwal ang mula sa Western Visayas, lima naman ang mula sa National Capital Region, at pito ang returning overseas Filipinos (ROFs). Ani Vergeire, isa sa mga tinamaan ay fully vaccinated laban sa COVID-19, ang isa ay unvaccinated, habang ang vaccination status ng natitirang 48 ay bineberipika pa. Ang isa ay nakapag-develop ng mild symptoms…

Read More

RADIO BROADCASTER NA POLITICAL LEADER NILIKIDA

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cagayan de Oro City PNP hinggil sa radio broadcaster na nilikida ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Kinilala ang biktimang si Federico “Ding” Gempesaw, isang radio broadcaster, driver ng taxi, at isa ring political leader. Lumitaw sa pagsisiyasat, pumarada ang biktima sakay ng kanyang minamanehong taxi sa harap ng kanyang bahay nang dikitan ng hindi pa kilalang mga suspek at siya ay ilang ulit na pinaputukan. Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sakay ng isang motorsiklo. (JESSE KABEL) 77

Read More

HEPE NG LIAN PNP PATAY SA AKSIDENTE

BATANGAS – Patay ang hepe ng pulisya ng bayan ng Lian matapos na ang minamaneho nitong SUV ay sumalpok sa isang ten wheeler truck sa national highway sa Barangay Tulo, sa bayan ng Taal noong Martes ng madaling araw. Ayon sa Taal Police, idineklarang dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital sa bayan ng Lemery si P/Maj. Amiel Bernardo Sanhi, residente ng Barangay Calicanto,  Batangas City, dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan. Batay sa report, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente, tinangka…

Read More

3 PATAY SA FLUVIAL PARADE SA PAMPANGA

PAMPANGA – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng “Libad Ilog” o fluvial parade sa pista ng Patron “Apu Iro” sa bayan ng Apalit sa lalawigang ito, nang makuryente ang mga deboto na ikinamatay ng dalawa katao at apat ang nasugatan noong Martes ng hapon. Ayon sa report ni Pampanga Police Acting Director Col. Alvin Ruby Consolacion, kabilang sa mga namatay na si Nyote Ponsenes, 40-anyos, at isang ‘di pa nakikilalang lalaki na edad 25-30-anyos. Habang kinilala ang mga sugatan na sina Maria Christina Javier-Torres, 58; Mia Franz Simbulan, 11; Dwayne Cortez, 11, at Elizabeth Figueras…

Read More

RAPPLER TINULUYAN NG SEC

TULUYAN nang ipinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang online news organization na Rappler sa bisa ng pinagtibay na desisyong nilagdaan ng komisyonado matapos ang mahigit tatlong taong pagrerebisa sa inihaing petisyon ng kontrobersyal na media outfit. Pag-amin ni Rappler chief executive officer Maria Ressa sa harap ng iba pang delegado sa dinaluhang international media conference sa Hawaii, kinansela ng SEC ang “Certificates of Incorporation” ng Rappler at maging ng umbrella entity nitong Rappler Holdings Corporation. Gayunpaman, sinabi ni Ressa na hindi pa isinasapubliko ng SEC ang kapasyahang may…

Read More

P85-M SMUGGLED PORK, POULTRY PRODUCTS NASABAT NG BOC

UMABOT sa P85 milyong halaga ng smuggled pork at poultry products ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Manila International Container Port (MICP). Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, limang misdeclared na mga kargamento ang dumating sa bansa noong Hunyo 15 na ang consignee ay ang Jeroce Consumer Goods Trading. Patung-patong na smuggling case at iba pang kaso ng paglabag ang kahaharapin ng consignee kasama ang broker na si Gilbert Gucilatar Lopez. (RENE CRISOSTOMO) 79

Read More

CHECKPOINTS SA MANILA NAKAPOSTE NA

NAKAPOSTE na ang mga tauhan ng Manila Police District at puwersa ng NCRPO sa buong Maynila bilang seguridad sa panunumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum sa Padre Burgos St., Ermita, Manila ngayong araw. Labintatlong puwesto ng checkpoint ang inilatag na sa sumusunod na mga lugar: sa Barangay 101 sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo; sa Juan Luna sa Tondo; sa Blumentritt malapit sa Dimasalang na sakop ng Sta. Cruz; sa Blumentritt pa rin malapit sa panulukan ng Altura  sa Sampaloc; sa España sa panulukan…

Read More

P1K kada buwan naman sa solo parents PAMAMAHAGI NG P500 AYUDA LARGA NA

ISANG araw bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang P500 buwanang ayuda sa bawat pamilyang Pilipino. Nakarating sa Kamara, isang milyong pamilyang Pilipino ang unang nakatanggap ng P1,500 ayuda kahapon para sa tatlong buwan na ipinangako ni Duterte o para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo. Ipinangako ni Duterte ang nasabing ayuda bilang kapalit ng pag-atras ng Kongreso na suspendehin ang mga buwis na kinokolekta sa mga produktong petrolyo habang lumulobo ang halaga nito sa world market…

Read More