SMUGGLED YOSI, SABAT SA SUBIC

TUMATAGINTING na P40.1-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nabulilyaso ng mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic kamakailan. Sa kalatas ng BOC, hagip ng mga operatiba ng Port of Subic ang isang dambuhalang 40-ft container van bunsod ng timbre ng isang impormante hinggil sa pagpasok ng isang kargamento mula sa karatig na bansang Tsina. Sa isang Pre-Lodgment Control Order na nilagdaan ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, batay na rin sa rekomendasyon ng Customs Investigation and Intelligence Service-Field Station, lumalabas na labag sa National Tobacco Administration…

Read More

Sa pulong ng mga BOC lawyers MEKANISMO BINALANGKAS PARA IDIIN MGA INASUNTO

SA hangaring tuluyan nang wakasan ang pamamayagpag ng mga sindikato at mga kasapakat sa pamahalaan, binalangkas ng mga abogado ng Bureau of Customs (BOC) ang mga angkop na mekanismong magbibigay daan para ipanalo ang lahat ng asuntong inihain ng kawanihan laban sa mga smugglers at mga protektor na tinukoy sa mga isinampang kaso. Sa ginanap na Legal Summit 2022 na dinaluhan ng mga abogado mula sa iba’t ibang tanggapan ng BOC at mga district collection offices ng kawanihan, inilatag rin ni Atty. Julito Doria na tumatayong hepe ng Prosecution and…

Read More

I-DECLARE SYSTEM, INILUNSAD NG BOC

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang i-Declare System na nag­bibigay-daan para sa pinadaling prosesong kalakip ng makabagong teknolohiya para sa deklarasyon ng mga bagahe at salaping pumapasok at lumalabas ng bansa. Sa ilalim ng makabagong Electronic Customs Baggage and Currency Declaration System, binibigyang pagkaka­taon ang paalis at parating na biyahero na makapagsumite ng deklarasyon hinggil sa kanilang bitbit na bagahe at salaping dala bago lumapag, lumisan o habang nasa byahe patungo sa kanilang destina­syon. Kabilang naman sa mga ahensya ng pamahalaan sa likod ng naturang reglamento ang…

Read More

MODERNONG CUSTOMER CARE CENTER ITINAMPOK

SA bisa ng isang direktibang nagsusulong ng bukas na talaan ng mga transaksyon kaugnay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan ang mas pinahusay na Customer Care Center, isang tanggapang kagyat na tumutugon sa mga idinudulog na isyu kalakip ng usapin sa kalakalan. Batay sa Customs Administrative Order (CAO) 09-2022 (Institutionalizing Transparency in Delivery of Services Through the Establishment of the Bureau of Customs Customer Care Centers), pinalawak na rin ang saklaw ng naturang tanggapang naatasang maglabas ng BOC database bilang tugon sa…

Read More

Hataw sa midyear collection P76B PASOK PARA LANG SA HUNYO

Ni JOEL O. AMONGO BAGO tuluyang bumaba sa pwesto, nakalikom ng record-breaking koleksyon ang kawanihang mandato’y pangasiwaan ang paglikom ng taripa at buwis na kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa datos ng BOC-Financial Service, tumataginting ng P76.290 bilyong piso ang pumasok na pondo sa BOC sa buwan ng Hunyo – higit na malaki ng P20 bilyon (katumbas ng +35%) kumpara sa P56.287 bilyong target para sa naturang buwan sa kalagitnaan ng taon. Hinigitan din ng naturang koleksyon ang P70.778 bil­yong naitala naman nito lamang Marso ng kasalukuyang…

Read More

Obiena at Yulo naghahanda na sa 2024 Paris Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA PINAGHAHANDAAN na nina pole vaulter ­Ernest John Obiena at gymnast Carlos Yulo ang XXXIII Games of the Olympiad na gaganapin dalawang taon mula ngayon sa Paris, France. Nagkataong ang 2024 Paris Games ay ika-100 taong paglahok din ng Pilipinas sa Olimpiyada, matapos unang katawanin ng sprinter na si David Nepomuceno ang bansa sa pangunahing lungsod ng France noong 1994. Kaya’t marapat lang na paghandaan ito nang mas maaga dahil sa kahalagahan nito sa history ng ating bansa, at upang magtuloy-tuloy ang…

Read More

GILAS GIRLS, 3rd SA FIBA U16

PUMANGATLO ang Gilas Pilipinas Girls sa pagtatapos ng 2022 FIBA Asia U16 Women’s ­Championship Division B sa pagbigo sa Lebanon sa huling araw ng kompetisyon, 90-68, sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan. Bumawi ang Gilas Girls sa Lebanon matapos ang pagkatalo sa Samoa sa semifinals. Rumatsada sa third quarter ang Filipina cagers at dinagdagan ang pitong puntos na half time lead ­tungo sa 19-puntos papasok sa ­huling yugto, 67-48. Nagtulong sina Kristan Geyl Yumul at Gabriella Ramos, ­parehong may tig-20 puntos, para selyuhan ang tagumpay. Nagdagdag si Yumul…

Read More

NBA rigodon tuloy SETH CURRY TARGET NG LAKERS

Ni VT ROMANO SA pinakahuling kaganapan sa rigodon sa NBA, nag-uusap ang Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets sa isang trade package kung saan magpapalitan ng point guards sa pagitan nina Russell Westbrook at Kyre Irving. Ayon sa multiple sources ng liga, may nakikitang dahilan para magkasundo ang magkabilang kampo, bagama’t mayroon pang mga dapat plantsahin. Nais ng Nets na si shooting guard Joe Harris, ­nagpapagaling mula sa left ankle surgery, at ang nalalabi nitong $38.6 million sa susunod na dalawang taon ay mapasama sa deal. Hindi pa sumasang-ayon ang…

Read More

LUCKY 8 STAR QUEST NAG-REMIT SA GOV’T NG P2.6-B, PITMASTER NAG-DONATE NAMAN NG P1-B (PART 1)

ANG Lucky 8 Star Quest Inc. ay hindi lamang isa sa mga pinakamalaking taxpayers sa bansa dahil namahagi rin ito ng tinatayang P1 bilyong halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. Nakapag-remit ito ng P2.6 bilyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis (P985 milyon) at P1.64 bilyon naman sa Philippine Amusement and ­Gaming Corporation (PAGCOR). Nangyari ito sa loob lamang ng isa’t kalahating taong operasyon ng kompanya. Nasa P955 milyon ang nai-donate nito sa various programs, siyempre, kasama na riyan ang COVID-19 response and vaccination; hospital equipment…

Read More