IVANA ALAWI, MAAGANG NAGING SUGAR MOMMY

SI Ivana Alawi ang pinagpapantasyahan ngayon ng mga kalalakihan lalo na sa social media. Maging ang kanyang seryeng “A Family Affair” sa Kapamilya Network ay pulos hunk actors ang kanyang mga kasama tulad na lang nina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake na hindi rin itinago ang paghanga sa alindog ni Ivana. Kaya ganun na lang ang gulat ng followers ni Ivana nang ipagtapat ng sexy young actress na minsan naging sugar mommy siya ng kanyang ex-boypren. Hindi na nga itinago pa ni Ivana na nabuwang siya…

Read More

Paalala ni PBBM sa mga pulis MAGING TAPAT, ‘WAG ABUSADO

(CHRISTIAN DALE) PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapulisan na magtrabaho na may integridad at huwag hayaan na hindi maging tapat at abusuhin ang paggampan sa kanilang tungkulin. Sa naging talumpati ng Pangulo, sa ika-121 Police Service Anniversary celebration na idinaos sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City, hinikayat niya ang mga police officer na gawin ang kanilang makakaya na hindi masasakripisyo ang kanilang integridad bilang public servants. “I enjoined all of you to give it your best as you always have, without sacrificing your integrity as…

Read More

Hindi lang sa Pharmally sabit? PS-DBM GIGISAHIN SA P2.4-B LAPTOP DEAL

(BERNARD TAGUINOD) MAKARAANG mabaon sa limot ang kontrobersyang kinasangkutan ng mga dating opisyales ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), muling bumida ang naturang tanggapan sa bisa ng isang resolusyong inihain sa Kamara. Sa paghahain ng House Resolution 189, hinikayat ng Makabayan Bloc ang malalimang imbestigasyon kaugnay ng inilabas ng ulat ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga sinaunang laptop ng Department of Education (DepEd) sa presyong bonggang-bongga. Giit ng mga militanteng kongresista sa House Committee on Good Governance, katigan ang HR…

Read More

DERRICK, ENJOY SA BAGUHANG LEADING LADY

(WALLY PERALTA) HINDI na rin naman bago para sa hunk Kapuso actor na si Derrick Monasterio ang maging bida sa isang project. Years back nagbida na rin siya sa isang weekly comedy show na “Tsuperhero” at ngayong taon muling susubukan ang kakayahan ni Derrick na magdala ng isang show. By this time isang teleserye naman, ang “Return To Paradise” kasama ang baguhang si Ella Villanueva. Kabilang din sa casts sina Allen Dizon, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez as the third wheel in the Derrick-Elle relationship at Kiray Celis. Ang Return To…

Read More

CHINISMIS NA PUSHER, NAMARIL

SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng lalaking kanya umanong ipinamamalita na drug pusher sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon. Kinilala  ng biktima na si Rey Dejito. Ayon sa report ng San Pedro police, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin si Dejito ng suspek na si Jayson Morada sa Barangay San Antonio. Ayon sa live-in partner ng suspek, nagalit umano ang kanyang kinakasama matapos malaman na ipinamamalita ng biktima na tulak siya ng ilegal na droga. Isinugod ang biktima sa Amante Medical Hospital samantalang tumakas ang suspek matapos…

Read More

TAAL NIYANIG NG 3 LINDOL

MULING nagpapahiwatig ng posibleng pag-aalburoto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala kahapon ng umaga ng tatlong pagyanig ng lupa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa kalatas ng Phivolcs, sinabi ng ahensya na nananatiling banta ang naturang bulkang huling sumabog nito lamang nakaraang Marso. Sa kabila ng mga naitalang pagyanig at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan, nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal. Sa ilalim ng Alert Level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone (PDZ) at maging ang paglalayag…

Read More

3 ISINABIT SA DOLORES EX-VICE MAYOR SLAY

QUEZON – Tatlo katao ang isinangkot sa pag-ambush sa dating vice mayor ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa San Pablo City. Ayon kay Col. Joewei Lucas, hepe ng San Pablo City Police, sinampahan ng kasong murder sa Office of the City Prosecutor ng San Pablo City noong Agosto 3 sina William Panganiban, 51; Orlando Ragudo, 43, at Rolando Risona, 44-anyos. Sina Ragudo at Risona ang itinuturong gunmen, samantalang si Panganiban naman ang siya umanong nagmamaneho sa sinasakyang kotse ng mga ito nang tambangan si dating Vice Mayor Danilo Amat. Ang mga…

Read More

OBRERO NATSUGI SA USAPANG LASING

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang 45-anyos na construction worker ang usapang lasing ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, dahil sa tama ng saksak sa katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30 ng hapon,…

Read More

PULIS TODAS SA TANDEM SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang 52-anyos na tauhan ng Batangas PNP makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang patungo sa Provincial Police Office nitong Lunes. Kinilala ang biktimang si PEMS Romel Mapa Panopio, nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office, at nakatira sa Brgy. Tipas, San Juan, Batangas. Habang target naman ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawang suspek na tumakas sakay ng gate-away motorcycle. Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Manimtim, dakong alas-3:40 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklong KIA Bongo na may…

Read More