Matapos dumalo sa libing ni FVR PBBM BINISITA ANG PUNTOD NG AMANG DATING PANGULO SA LNMB

BINISITA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang puntod ng kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City matapos ang pagdalo niya sa state funeral ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita ni Pangulong Marcos ang puntod ng ama mula nang manumpa siya bilang ika-17 Pangulo ng bansa noong Hunyo 30. Huling binisita ni Pangulong Marcos ang puntod ng ama noong Mayo 11, dalawang araw matapos ang May 9 elections. Noong panahon na iyon, Siya ay presidential…

Read More

EKONOMIYA NG PINAS LUMAGO SA 7.4% SA Q2

(CHRISTIAN DALE) PUMALO sa 7.4% sa ikalawang quarter ng 2022 ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate. Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real estate and ownership at 5.9%, from 7.9%, manufacturing at 9.8%, from 10.1% at wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles at 7%, from 7.3%”. Sa kabila ng mababang pigura, ang first-quarter expansion ng ekonomiya ay…

Read More

Inihatid na sa huling hantungan PAALAM, FVR

INIHIMLAY na kahapon si dating pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Metro Manila. Nanguna sa mga nagsipaghatid sa ika-12 Pangulo ng Pilipinas na nagsilbi noong 1992 hanggang 1998, si Armed Forces of the Philippines Commander in chief, President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. at ang bagong talagang AFP chief of staff na si General Bartolome VO Bacarro. Matapos ang seremonya, tinanggap ng pamilya Ramos ang labi ng dating lider na isa ring military man at inilagay sa karwaheng tradisyunal na pinaglalagyan ng labi ng mga…

Read More

SENADOR NA POSITIBO SA COVID-19 NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ang mga senador na nagpositibo sa COVID-19 sa katauhan ni Senador Cynthia Villar. Ayon kay Senate President Migz Zubiri, kanina ay sumalang sa COVID-19 test si Villar makaraang sumama ang kanyang pakiramdam. Pinaalalahanan naman ni Zubiri ang lahat ng miyembro ng Senado na magdoble ingat sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. “We just like to put on record that our distinguished colleague Senator Cynthia Villar had tested positive today for COVID-19. We would like to wish her well and pray for her speedy recovery…

Read More

MGA PINOY NA NANALO SA ASEAN PARA GAMES BINATI NI PRES. MARCOS

NAGPAABOT ng pagbati at papuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga atletang Pinoy na nanalo sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa Indonesia. Para sa Pangulo, ang dedikasyon ng mga atleta ay “magandang halimbawa” sa mga kabataang Pinoy na nais subukan ang kanilang swerte sa Philippine sports. “Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lamang na 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia. Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post. “Ang kanilang katatagan…

Read More

Perang pangkumpuni naglaho? 11K SILID-ARALAN KAPOS SA UPUAN, MESA

DALAWANG linggo bago pa sumapit ang pinananabikang pagbabalik-eskwela, nananatiling palaisipan pa rin ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbubukas ng school year 2022-2023 sa kabila pa ng puspusang paghahanda ng Department of Education (DepEd). Para kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, hindi kainaman ang tunay na sitwasyon sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa. Aniya, sira-sirang upuan para sa mga mag-aaral at mesa ng guro ang daratnan sa 11,468 classrooms. Ayon kay Villafuerte, nabigo ang dating Kalihim ng naturang departamento na ipakumpuni ang mga sirang silya at…

Read More

JORDAN, GILAS NATURALIZED PLAYER

WALANG choice ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kundi tanggapin ang desisyon ng Fiba – na payagan si Filipino-American at Utah Jazz guard Jordan Clarkson na maglaro sa Gilas Pilipinas hindi bilang local kundi naturalized player. Sinabi ni SBP Executive Director at spokesperson Renauld ‘Sonny’ Barrios sa online ­Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes, nalulungkot sila sa pasya ng ­federation. “Sabi nga Bull by the horn, horn by the Bull. Hindi na puwede siya maglaro as local. Tinanggap na namin sa SBP na naturalized lang ang classification niya sa…

Read More

SMB, TNT LALAPIT SA KAMPEONATO

Ni ANN ENCARNACION KAPWA tatangkain ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga na makalapit sa PBA Philippine Cup finals ngayon (Miyerkoles) Game 4 sa Araneta Coliseum. Sa kasalukuyan ay kapwa lamang na ang dalawang teams (2-1) kontra karibal na Meralco Bolts at Magnolia Hotshots, ayon sa pagkakasunod. Kung mananalong muli ang Beermen laban sa Bolts sa alas-3 ng hapon, at Tropang Giga kontra. Hotshots sa alas-6 ng gabi, isang panalo na lang at ­kapwa uusad na sa finals ang No.1 at No.2 teams ngayong All-Filipino ­conference. Matatandaang nalama­ngan ng…

Read More

PITMASTERS CUP SA SETYEMBRE AT OKTUBRE, AARANGKADA NA!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MATAPOS ang matagumpay na Pitmasters Cup Early Bird Edition kung saan 498 entries ang sumali, aba’y panibagong events na naman ang inaabangan ng bayang sabungero. Ito ay ang Pitmasters Cup na nakalinya sa mga susunod na buwan. Sa Oktubre ay magkakaroon din ng katulad na events. Aba’y sa 2022 Pitmasters Cup 10-Stag Derby (local band edition), mayroong format 3-3-4 at ang venue ay sa Manila Arena. Nasa P88,000 ang pot money at P55,000 naman ang minimum bet. Siyempre, dahil malaki nga ang bangka…

Read More