P10-M SHABU NASABAT SA HOLDUP SUSPECT

HINDI pa man nahahatulan sa kasong robbery hold-up, muling naaresto ang 38-anyos na lalaki nang makumpiskahan ng mahigit sa P10 milyong halaga ng umano’y shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw. Ang suspek ay kinilalang si Jayson Estrada Espinar, residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Ang suspek ay may nakabinbin pang kaso ng paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at robbery hold-up. Ayon sa report ng Quezon City Police District…

Read More

400 KG NG SHABU NASABAT NG PDEA-LED MULTI-AGENCY FORCES

UMABOT 400 kilo ng methamphetamine hydrochloride na mas kilala bilang shabu ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng government security forces sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa ikinasang bigtime buy-bust operation noong Biyernes ng hapon sa Pangasinan at La Union. Ininspeksyon ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva ang nasabat na mga droga na pake-pakete at may tatak na Chinese Tea, na tinatayang umabot sa P 2.72 billion ang street value. Ayon kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, matapos ang ilang linggo ng paniniktik at pagpaplano…

Read More

74-ANYOS NAGTAPOS NG ELEMENTARYA SA NAVOTAS

DUMALO si Congressman Toby Tiangco sa isinagawang graduation ceremony ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa Lungsod ng Navotas. Binati ni Cong. Tiangco ang mga nagsipagtapos kabilang ang 74-anyos na si Urbana Señal Navarrete na nagtapos sa elementarya. “Saludo tayo kay Nanay Urbana at sa mga kasama niyang ALS graduates dahil hindi naging hadlang ang edad, katayuan sa buhay, o iba pang hamon at pagsubok para sila ay magsikap na makapagtapos sa pag-aaral at ikinararangal namin ang inyong pagpupursigi,” pahayag ni Cong. Tiangco. Samantala, nakiisa si Mayor John…

Read More

17 PATAY SA DENGUE SA BULACAN

UMABOT na sa 17 katao ang namatay sa sakit na dengue sa lalawigan ng Bulacan mula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) noong Biyernes, patuloy pa rin ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nabanggit na probinsiya. Tinatayang nasa kabuuang bilang na 10,945 ang suspected dengue cases sa lalawigan na 349% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taong 2021 na nasa 2,435 kaso lamang. Sa datos na ito ay mayroon nang naitalang 17 dengue-related deaths…

Read More

2K RESIDENTE NG BATANGAS APEKTADO NG SMOG MULA SA MT. TAAL

taal

PINAG-IINGAT ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal makaraang mahigit 2,000 residente ang naapektuhan ng smog na may kasamang sulfur, ayon sa Agoncillo Municipal Health Office sa Batangas. Kabilang ang isang taong gulang na bata na taga-Brgy. Banyaga sa Agoncillo ang kalalabas pa lamang ng ospital matapos ang apat na araw na pagpapagamot dahil sa nalanghap na volcanic smog na nagresulta sa pneumonia. Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na isarang mabuti ang mga bintana ng bahay na malapit sa bulkan upang hindi masinghot ang mga abo na nagiging…

Read More

2 DRUG PUSHER TIKLO SA P400K SHABU SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos makumpiska sa mga ito ang mahigit sa P400,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Biyernes sa Calamba City. Kinilala ang mga suspek na sina Ronnie Ortiz at Rosario Belmonte, nadakip dakong alas-9:00 ng gabi sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay 1, Calamba City. Nakuha sa mga suspek ang 6 sachet ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 62 gramo at nagkakahalaga ng P421,000. Nakakulong na ang dalawa sa Calamba City Police Station locked-up cell at nahaharap sa kasong paglabag…

Read More

P1.3-B PPE DEAL NG PS-DBM PINUNA RIN NG COA

PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang tinintahang 1.3-bilyong pisong kontrata ng Department of Budget and Management-Procurement Services (DBM-PS) para makabili ng Personal Protective Equipment (PPE) laban sa COVID-19. Makikita sa 2021 audit report ng COA, hindi nakapagsumite ng kaukulang Certificate of Medical Device Notification (CMDN), supplier na binilhan ng DBM-PS ng mga surgical masks, face shields, aprons, gloves, coveralls, head and cover gowns at respirators. Nakasaad sa ilalim ng Food and Drug Administration (FDA) circular noong November 3, 2020, ang CMDN ay isang requirement para sa mga importers at…

Read More

PBBM NAGTALAGA NG BAGONG PH ENVOY SA JAPAN

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang dating mambabatas na si  Mylene Garcia-Albano bilang bagong Philippine envoy to Japan. Sa isang Facebook post ng  state-run Radio Television Malacañang (RTVM), inanunsyo nito na nanumpa sa tungkulin si Garcia-Albano bilang  Philippine Ambassador to Japan sa harap mismo ni Pangulong Marcos. Ibinahagi rin ng RTVM ang short video clip ng oath-taking rites sa Reception Hall ng Malacañan Palace, araw ng Huwebes. Bukod kay Garcia-Albano, nanumpa rin sa harap ng Pangulo sina Aileen Anunciacion Zosa bilang Pangulo at chief executive officer ng Bases Conversion…

Read More

COVID SURGE, MALABO NA SA NCR – OCTA

covid

TALIWAS sa pangamba ng Department of Health (DOH), posibleng hindi umabot sa sukdulan ang sitwasyon sa Metro Manila bunsod ng pagbaba ng COVID-19 growth rate sa nasabing rehiyon. Gayunpaman, hindi dapat maging kampante ang pamahalaan, ayon kay Prof. Guido David, kasabay ng pagtukoy sa ilang lalawigang patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19. Bukod sa Metro Manila, nakikitaan rin aniya nila ng pagbaba ng bilang ng mga positibo ang lalawigan ng Iloilo. “Ang isang napansin natin ay bumaba ang growth rate sa Metro Manila. Actually pati…

Read More