PAGBABALIK NG E-SABONG INAABANGAN NA NG BAYANG SABUNGERO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TALAGANG inaabangan na ng bayang sabungero ang pagbabalik ng operasyon ng online cockfighting. Ngunit kung ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang tatanungin, hindi pa raw alam ng board nila kung ihihinto ang operasyon ng e-sabong tulad ng utos ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang naging pahayag ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na nagsabing kokonsultahin pa raw nila si Pres. Bongbong Marcos ukol sa usapin. Hindi naman daw magtatagal ay pagdedesisyunan na ito. “I have not had a chance to discuss…

Read More

SA SUBIC FREEPORT: “STUPID” DAW ANG “SCHOOL” SABI NG DAYUHAN

ITO ANG TOTOO NI VIC V. VIZCOCHO, JR. TINAWAG na “stupid” ng isang dayuhang residente ng Subic Bay Freeport ang mga paaralan sa Kalayaan Housing dahil lamang sa nagkabuhol-buhol ang daloy ng mga sasakyan sa tapat nito sa unang araw ng “face-to-face” classes nitong ­nakaraang Linggo. Ito Ang Totoo: Dalawang magkatabing paaralan, ang Special Education Center for the Gifted (SPEDG) na ­elementarya at Regional ­Science High School (RSHS), ang nasa “area,” kapwa kilala sa kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral. Kung tutuusin, pwede ­naman maiwasan ang ­”vehicular traffic” pero…

Read More

MAY ANAY SA BI-AURA

BISTADOR Ni RUDY SIM WALA na nga ang dating raket ng sindikato na baklas passport dahil sa makabagong gamit ngayon ng airport laban sa mga dayuhang banta sa ating seguridad na nagnanais pumasok at lumabas ng bansa sa pakiki­pagtulungan sa Interpol ngunit tila naisahan ang Bureau of Immigration (BI) ng isa sa kanilang kabaro na nakatalaga sa satellite office ng ahensya sa SM Aura. Kung ang matitinong kawani ng BI na hindi kasama sa sindikato ay nagtitiis sa kakarampot na sahod na kulang pa para sa kanilang pamilya, ay isang…

Read More

BUWIS SA PAGMIMINA DAPAT PAG-ARALAN MUNA

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA HITIK na hitik sa likas na yaman ang Pilipinas katulad ng mga metalikong mineral gaya ng ginto, nickel, tanso, at chromite. Ito ay dahil sa lokasyon ng bansa sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan maraming ­aktibong bulkan. Bunsod nito, hindi maipagkakailang malaki ang potensyal ng ­industriya ng pagmimina sa bansa. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), ang ahensya ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa 30 milyong ektarya ng lupa ang maaaring mapagkuhanan ng…

Read More

OKAY KA BA SA DAGDAG PASAHE?

MARAMI ang matutuwa, siguro higit na bilang ang madidismaya at hindi mabibilang ang ­daraing. Ilan lang ‘yan sa senaryong masasaksihan kapag inilabas na ng Land Transportation ­Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang rate ng ­pagtaas ng pamasahe sa jeepney. Tinitimbang ng LTFRB kung magkano sa ­petisyon na P3 hanggang P4 na dagdag na ­pamasahe, ang ipapataw sa mga komyuter, ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Velicaria-Garafil, na nagpahayag din na hiniling ng regulatory board sa mga grupo ng ­jeepney na maghain ng position paper o memorandum sa loob ng 15 araw…

Read More

MPD STATION COMMANDERS BINALASA

UPANG mas lalong palakasin ang hanay ng mga pulis ng Manila Police District, binalasa ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang anim na commander ng Stations 3, 4, 7, 10, 11 at 12, makaraan ang simpleng turnover ceremony sa bulwagan ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Sa Station 3, inalis si P/Lt. Col. Jonathan Villamor at inilipat sa Station 7, habang si P/Lt. Col. Ramon Czar Solas ay itinalagang commander ng Station 3. Si P/Lt. Col. Robert Domingo na dating commander ng Station 7, ay na-assign…

Read More

GINANG KUMALAS SA KILUSAN

ISANG 51-anyos na ginang ang kusang-loob na isinuko ang sarili bilang pagtalikod sa magulong pamumuhay sa pag-anib sa communist organization. Bandang alas-3:40 noong Biyernes ng hapon nang magtungo sa Barangay Hall ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area si Sarah Lagarap y Estoso kasama ang mga tauhan ng Intelligence Operation Section ng MPD Station 13, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, bilang station commander. Si Lagarap ay residente ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area. Ayon kay Lt. Col. Borbe, matagal nang isinasailalim sa surveillance operation ang…

Read More

PARKING ATTENDANT ITINUMBA

patay

PATAY ang isang parking attendant makaraang dalawang beses na paputukan sa Maria Orosa St. sa panulukan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Arman”, walang tiyak na tirahan sa lungsod. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Lt. Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang pagbabarilin ang biktima ng gunman na lulan ng pulang Toyota Vios na walang plaka Ayon sa pahayag ng isang Francis Abela, 42, isa ring parking attendant, habang…

Read More

6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA

ANIM na umano’y hinihinalang sangkot sa bentahan ng ilegal na droga ang nabitag ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Ligaya St., Sampaloc, Manila noong madaling araw ng Sabado. Nakumpiska sa mga suspek ang 43 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na halagang P292,740. Base sa ulat na isinumite ni P/Major Inocencio Richard Villanueva, hepe ng District Anti-Illegal Drug Enforcement Unit, kay MPD Director, P/Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang…

Read More