PAMILYA PRAYORIDAD NI ATTY. RODRIGUEZ

(CHRISTIAN DALE) NAGBITIW bilang Executive Secretary si Atty. Vic Rodriguez nitong Sabado upang magkaroon ng oras sa kanyang pamilya. “I have asked permission to step down as Executive Secretary,” ayon sa pahayag ni Rodriguez. Sa kabila nito, mananatili siya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Presidential Chief of Staff. “There is nothing more rewarding than answering the call to serve the country, a rare privilege not extended to all but was given to me by the President, His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.” dagdag ni Rodriguez. Hindi…

Read More

Tatalakayin ni PBBM sa UNGA ECONOMIC RECOVERY, FOOD SECURITY

TATALAKAYIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang minimithi ng kanyang administrasyon para sa economic recovery, food security, at agricultural productivity sa idaraos na 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA). Sa kanyang departure speech bago lumipad patungong New York, alas-8:00 ng Linggo ng umaga, sinabi ng Pangulo na ihahayag niya ang national statement sa Setyembre 20, kung saan inaasahan na babalangkasin niya ang ekspektasyon o inaasahan ng Pilipinas mula sa UN at magiging tungkulin ng bansa at magiging ambag nito para palakasin ang international relations. “The UN is where…

Read More

REGIONAL WAGE BOARD PINABUBUWAG

PINABUBUWAG na ng mga militanteng mambabatas sa Kamara ang mga regional wage board at sa halip ay ipaubaya na lamang sa Kongreso ang pagtatakda ng minimum wage sa bansa. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, panahon na para ibasura ang Republic Act Act (RA) 6727 o Wage Rationalization Act na ipinasa noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. “When then-President Corazon Aquino signed into law Republic Act No. 6727 in 1989, the country abandoned the old practice of legislating national minimum wage and ushered in regionalized wage setting and…

Read More

TAAS-PASAHE EPEKTIBO SA OKTUBRE 4

(PAOLO SANTOS/BERNARD TAGUINOD) EPEKTIBO sa darating na Oktubre 4 ang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ito ay makaraang pagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa fare hike. Pinayagan ng LTFRB ang provisional P1 minimum fare increase sa traditional at modern jeepneys kaya’t P12 at P14 ang magiging bagong pasahe sa unang kilometro ng biyahe ng mga ito. Sa city at provincial buses naman, P5 ang itataas sa unang limang kilometro ng biyahe sa ordinary at airconditioned bus at karagdagang P0.35 at P0.50 sa bawat…

Read More

$10M HALAGA NG JORDAN JERSEY

NABENTA ng $10.1 million ang isinuot na jersey ni Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA Finals, ayon sa auction house Sotheby’s noong nakaraang linggo. Ito na ang ‘most expensive’ game-worn sports memorabilia nabenta at pinakamahal ding MJ item naibenta sa auction. Sinira nito ang dating record na $9.3 million worth na jersey ni Argentinian soccer legend Diego Maradona’s “Hand of God” goal sa 1986 World Cup nabenta rin ng Sotheby. Most expensive sports memorabilia naman ang $12.6 million Mickey Mantle card ang nag-top sa market. Isinuot ang nasabing…

Read More

GM TITLE TARGET NI YOUNG

ASAM ni International Master Angelo Young na makamit ang Grandmaster title, kahit sa edad 65. “‘Yung Grandmaster title, ‘yan ang ultimate dream namin mga players. Hindi pa huli ang lahat at kung papalarin ngayong taon, makukuha natin ang title bilang oldest player na makakuha ng GM,” pahayag ni Young sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City. Sasabak ang 8-time Illinois USA champion sa 2022 Asian Senior sa New Zealand sa susunod na buwan, matapos manguna sa 11th Datu Arthur…

Read More

GILAS SERYOSO SA ENSAYO

Ni ANN ENCARNACION SIMULA na ngayon (Lunes) ng puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa November window ng FIBA qualifier at iba pang international tourney. “This isn’t just for the November window, it’s also looking forward to the 2023 FIBA World Cup,” sabi ni Gilas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy executive director Butch Antonio. “For November, we’ll be picking players from San Miguel Beer, Barangay Ginebra and TNT. Depending on PBA approval of a proposed trade, either Troy Rosario or Calvin Oftana will also join,” dagdag…

Read More

SERYOSO ANG USAPIN TUNGKOL SA TUBIG

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. NAPAKAHALAGA ng malinis na tubig sa buhay ng tao at kung mawawala ito tiyak na magiging katapusan na ng mundo. Ito Ang Totoo: Tatagal ng hanggang tatlong (3) linggo ang buhay ng tao nang walang pagkain pero swerte na sa tatlo (3) o apat (4) na araw kung walang tubig na inumin, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto. Mapalad ang Pilipinas na sagana sa mga natural na pinanggagalingan ng tubig kaya tuloy hindi sineseryoso ng marami ang posibilidad na mawala ito. Katunayan,…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ, NAPULITIKA

BISTADOR Ni RUDY SIM SA umpisa pa lamang ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay naging mainit na ang tumbong ng ilang politiko at ilang makapangyarihang grupo laban kay Atty. Vic Rodriguez, nariyan ang iba’t ibang demolition job at fake news upang sirain ang ­kredibilidad nito bilang executive secretary. Dahil sa epektibong brand of leadership ni Rodriguez ay naging tinik ito sa kanilang lalamunan at ­maraming ­nasagasaan partikular ang mga taong may pansariling ­interes upang makakuha ng kapangyarihan sa pamahalaan kaya pinatigpas ito sa pwesto. Maraming mapanirang indibidwal…

Read More