VACC nababahala sa pag-leak ng ilang dokumento MAY ‘AHAS’ SA PALASYO

(CHRISTIAN DALE) LABIS na nababahala ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa “leakages” kamakailan ng mga sensitibong dokumento at impormasyon mula sa Office of the President. Napaulat na may isang draft Administrative Order na isinumite ng Office of the Executive Secretary sa Office of the President (OP) para aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nag-leak sa publiko kasama ang signed memorandum mula sa Presidential Legal Counsel, na nagrerekomenda ng “rejection” ng panukala na nakasaad sa draft Administrative Order. Naniniwala ang VACC na ang paglabas ng dalawang maituturing na…

Read More

Pamumunuan ni Atty. Rodriguez TUNGKULIN NG BAGONG OPCOS DINETALYE

(CHRISTIAN DALE) INILAHAD ng Office of the Press Secretary ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff (OPCOS) na pamumunuan ni Atty. Victor Rodriguez matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong nakaraang linggo. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang presidential chief of staff ay direktang mapasasailalim sa supervision ng presidente. Nakasaad sa administrative order number 1 na ang Office of the Presidential Chief of Staff ay may pangunahing tungkulin na pangasiwaan at tiyakin ang mahusay at tuloy-tuloy na pang-araw-araw…

Read More

LABOR SEC. LAGUESMA, LUSOT NA SA CA

LUSOT na sa Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma. Ito ang ikalawang beses na dininig ng CA ang pagkakatalaga kay laguesma matapos kapusin ng oras noong nakaraang linggo para sa pagtatanong ng mga mambabatas sa kalihim. Sa CA hearing, kabilang sa mga naitanong kay laguesma ang kapakanan ng mga delivery riders na itinuring na pandemic heroes ng bansa dahil sa tulong nila sa ekonomiya nitong pandemya. Ayon kay Laguesma, sang-ayon sila sa konsultasyon at sa pagbibigay ng proteksyon at employment compensation sa mga delivery…

Read More

BUDGET CUT SA HUDIKATURA, KINUWESTYON

KINUWESTYON ni Senador Raffy Tulfo ang malaking binawas ng Department of Budget and Management (DBM) sa inirerekomendang budget ng hudikatura. Dahil dito, isinusulong ni Tulfo na dagdagan ang pondo ng hudikatura sa 2023 national budget upang makatulong sa modernisasyon at digitalisasyon nito. “Allow me to quote Former President Ramon Magsaysay Jr. when he said ‘He who has less in life, should have more in law,’ na ang ibig sabihin ay madalas naaapi ang mga walang-wala nating mga kababayan, madalas natatapakan ang kanilang mga karapatan at sa batas na lamang sila…

Read More

CLARKSON PALABAN KAHIT SAANG TEAM

Ni VT ROMANO “I’M ready for whatever happens.” Reaksyon ito ni Fil-Am Jordan Clarkson hinggil sa napapabalitang trade na magaganap sa Utah Jazz (kasalukuyan niyang koponan) at posibleng pagbabalik sa Los ­Angeles Lakers. Dagdag niya: “If I’m in a ­different jersey in a week or tomorrow I get a phone call and I have to put on whatever jersey it is, I’m just trying to win and take whatever team it is to the next level to hopefully win a championship one day.” Nasa rebuilding ang Jazz at ipinamigay na…

Read More

PITMASTER FOUNDATION, INC. MAJOR SPONSOR SA CLIMATE CHANGE FORUM

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang charity efforts ng Pitmaster Foundation, Inc. Katunayan, aba’y isa ito sa major sponsors sa gaganaping National Climate and Disaster Emergency Policy Forum na gaganapin sa Discovery Primea Hotel, Ayala Avenue, Makati City bukas, September 22, 2022. Sinasabing ang event ay dadaluhan ng lima sa mga miyembro ng gabinete ni ­Pangulong Bongbong ­Marcos. Wala kasi ang Pangulo sa Pilipinas dahil dumadalo ito sa mas mahalagang aktibidad sa Amerika. Kasama sa mga inaasahang a-attend sa forum sina Secretaries Benjamin Diokno, Arsenio Balisacan, Raphael…

Read More

HARINAWA

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO OPTIMISTIKO si PANGULONG FERDINAND “BONGBONG” MARCOS, JR., na kanyang makakausap si US PRESIDENT JOE BIDEN, ito’y upang mapag-usapan at lalo pang ­mapaganda ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos para matiyak at mas lalo pang lumakas ang bilateral relations ng dalawang bansa dahil na rin sa patuloy at matagal na rin namang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika. Bukod sa naturang hangarin ni PBBM ay naniniwala rin itong mas lalo pang mapalalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa tulong na rin ng ating mga kababayan sa…

Read More

PATAPOS NA ANG PANDEMYA

NABABANAAG na ng World Health ­Organization na magtatapos na ang ­pandemya sa COVID-19. Naitala ang pinakamalaking pagbaba ng mga kaso kamakailan mula nang sumulpot ang pandemya noong Marso 2020. Ngunit may babala si Chief Tedros ­Adhanom Ghebreyesus na igihan ang ­pag-iingat at mga hakbang habang papalapit na ang pagtatapos ng pandemya. Nanawagan ang WHO sa mga bansa na agapan ang pagbagsak ng mga kaso para tuluyan nang mawala ito. Kung magpapabaya ay posibleng muling lumaki ang mga kaso at ang sumulpot ang ibang variants. Hindi mauunsyami ang magandang kalalabasan ng…

Read More

TIRADOR NG SIMBAHAN SA BULACAN ARESTADO

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspek sa serye ng pagnanakaw sa mga Simbahang Katoliko matapos sumalakay sa isang simbahan sa lungsod ng San Jose Del Monte, madaling araw ng Sabado. Sa report ni PCol. Relly Arnedo, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), nakilala ang nadakip na si Samuel Lorenzana, residente ng Brgy. Fatima 3, City of San Jose Del Monte. Base sa panimulang imbestigasyon, ninakawan ni Lorenzana ang Cross Over Christian Ministry Church na matatagpuan sa Brgy.…

Read More