SSS NAGHAHANAP NG ‘GENEROUS’ PARTNERS

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga indibidwal at grupo na may magandang-kalooban na i-subsidiya ang buwanang kontribusyon ng piling miyembro kabilang na iyong nasa informal sector, manggagawang nasa job order category, at overseas Filipino workers (OFWs). Sinabi ng ahensiya na kumakatok sila at hinihikayat ang mga “generous” potential partner na i-subsidiya ang contribution payments ng mapipiling miyembro sa loob ng anim na buwan. Maaaring makasama rito ang mga ahensya ng pamahalaan na maaaring i-subsidiya ang kontribusyon ng job order workers dahil hindi sakop ang mga ito ng Government…

Read More

‘VP’s PORK’ BINAKBAKAN SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD) TINAWAG ng isang mambabatas sa Kamara na ‘vice president’s pork (barrel) ang P500 million confidential funds ni Vice President Sara Duterte na bahagi ng P2.3 billion pondo ng Office of the Vice President (OVP) sa 2023. Sa floor deliberation sa OVP budget na dinaluhan mismo ni Duterte, harap-harapang sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na “I believe iyong current proposal ng OVP ay maihahalintulad sa vice president’s pork cloaked with good governance”. Sa nakaraang administrasyon, walang confidential funds na ibinigay kay dating Vice President Leni Robredo kaya…

Read More

KONSTITUSYON IBAGAY SA PANAHON – GO

IGINIIT ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na dapat ibagay na sa kasalukuyang panahon ang Saligang Batas ng bansa. Binigyang-diin ng senador na dapat pag-aralan nang mabuti ang Konstitusyon dahil posibleng may mga probisyon na hindi na naaangkop sa kasalukuyang panahon. “Ang 1987 Philippine Constitution ay 35 years old na. Ni minsan, hindi ito naamyendahan. Kaya suportado ko ang mga inisyatibo na pag-aralang muli ang mga probisyon nito na pwedeng gawing mas akma sa hamon ng makabagong panahon,” pahayag ni Go. Ipinaalala pa ng senador na napakaimportante ng Saligang Batas dahil…

Read More

PAPEL NG KABABAIHAN SA NATION-BUILDING KINILALA SA SENADO

KINILALA ni Senator Cynthia A. Villar ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ‘nation building’ at pinuri ang National Federation of Women’s Clubs of the Philippines (NFWCP) sa pagtulong na palakasin sila. Sa paglipas ng maraming dekada, sinabi ni Villar na nangunguna ang NFWCP sa women empowerment para sa mas malaking papel sa pambasang kaunlaran. “The gender and development issues in the Philippines have made remarkable decisive steps for women’s welfare with the help of the NFWCP,” giit ng senador. Pinakamataas ang antas ng Pilpinas sa Asia Pacific…

Read More

46% NG MGA PINOY TIWALANG UUNLAD ANG KANILANG BUHAY

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO ISA sa magagandang balita na lumabas kamakailan ay hinggil sa resulta ng survey na ginawa kamakailan ng Social Weather Station kung saan lumabas na 46 porsyento ng mga Pilipino ang nagpahayag ng tiwala at pag-asa na uunlad ang kanilang buhay sa loob ng darating na 12 buwan. Hindi masyadong nabigyan ng prominence ang nasabing survey dahil nga sa mas malalaking balita tulad ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 77th United Nations General Assembly sa New York, at maging sa isyu kung dapat…

Read More

EXPIRED NA COVID-19 VACCINES, SINOVAC BA?

DPA Ni BERNARD TAGUINOD KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) sa kanilang budget hearing sa Kongreso, na mahigit 20 million doses ng COVID-19 vaccines ang nag-expire na lamang. Sayang naman! Pero hindi inaamin ng DOH kung anong brand ng bakuna ang nag-expire gayong tuloy-tuloy naman ang kanilang pagbabakuna, hindi nga lang agresibo pero kahit papaano ay marami pa rin ang nagpapabakuna. Dahil hindi nila sinasabi kung anong brand, marami tuloy ang naniniwala na mga gawang China na Sinovac ang nasayang na mga bakuna dahil inaayawan ito ng mga Pilipino. Kung…

Read More

PINAS, PASULONG BA O PAURONG?

PUNA Ni JOEL AMONGO NAPAKARAMING katanungan ang taumbayan sa gobyerno ngayon, kung kailan naging computerized na ang proseso ng mga tanggapan nito ay saka naman naging matagal ang pag-iisyu ng tinatawag na government identifications (IDs). Ayon sa mga nakausap ng PUNA, kung dati, ang postal identification na iniisyu ng PhilPost ay nakukuha sa loob lamang ng isang araw, ngayon ay umaabot na ng dalawang buwan. Hindi na rin agad nag-iisyu sa loob ng isang araw ng Social Security System (SSS) Identification card, sa halip ay aabutin na rin ito ng…

Read More

2 TULAK NA GUMAGAMIT NG PASLIT SA BULACAN ARESTADO

ARESTADO ang dalawang notorious drug personalities na gumagamit ng mga paslit bilang courier o taga-deliver nang maaktuhan ng mga tauhan ni San Jose Del Monte, Bulacan PNP chief Lt. Col. Rannie Lumactod sa ikinasang anti-narcotics operation kahapon. Kinilala ni Col. Lumactod ang mga nadakip na sina Elvira Dicang y Delos Reyes, 50 at Armando Alforte y Cardenas, 64, kapwa ng CSJDM. Gamit ang PDEA Coordination number 10004-092022-0500, isinagawa ang anti-illegal drugs operations ng mga tauhan ng Intel/CDEU (lead unit) na pinamumunuan ni PLT Reynaldo Bayan Jr., laban sa dalawang target…

Read More

BULACAN LGUs NAGKAISA SA PAGRESOLBA SA MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon at kasaysayan ng Bulacan, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa pangunguna nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro upang resolbahin ang mga kasalukuyang problema ng lalawigan sa ginanap na kumperensya na may temang “Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management” sa The Manor, Camp John Hay, Baguio City mula Setyembre 19 hanggang 21, ngayong taon. Kabilang sa mga dumalo rito ay ang lahat ng mga punong lungsod at punongbayan, pangalawang punong lungsod at bayan, bokal, ahensya ng pamahalaang nasyunal, at mga pinuno…

Read More