2 DRUG GROUP MEMBERS, 2 PA TIMBOG SA RIZAL

RIZAL – Nasukol ang apat na katao sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PIU sa Sitio Tadlak, Brgy. Looc, sa bayan ng Cardona sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Iniulat ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay, kay Calabarzon Acting Regional Director Police Brigadier Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina John Carlo Santos y Roldan, alyas “Dune”, lider ng John Carlo Santos drug group; Janie Sesbreño y Toleno, miyembro; at dalawang high value individual na sina Mark Nelson Belleza…

Read More

MAGTIYUHIN NAKURYENTE SA BUKID PATAY

QUEZON – Patay ang magtiyuhin matapos na makuryente sa kanilang bukid sa bayan ng Mulanay, sa lalawigang ito. Kapwa wala nang buhay nang madiskubre noong Miyerkoles ng hapon ang mga biktimang sina Fabian Ermo Bia, 75-anyos, at Sherwin Mediavilla, parehong residente ng Barangay Sta. Rosa. Batay sa report ng Mulanay Police, umaga nang magtungo ang mga biktima sa bukid para bisitahin ang kanilang mga pananim. Subalit ayon sa mga kaanak, hindi nakabalik ang dalawa dakong tanghali na oras ng kanilang pagkain. Nang hanapin, nakita ang magkatabing bangkay ng mga ito na nakabulagta…

Read More

TARGET BOOSTER SHOT NG DOH 30% NA LANG

IBINABABA sa 30% fully-vaccinated Filipinos ang target ng Department of Health (DOH) para sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Due to the pace at which our booster vaccination is going, we have adjusted our target only for the first 100 days (Oct. 8) to 30%,” ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Ngunit nananatili naman umano na 50% pa rin ang target nila na mabakunahan sa katapusan ng 2022. “In fact, some regions such as NCR have already achieved our target of 50% booster vaccination coverage,” saad…

Read More

PAGPAPAHIRAM AT PAGBEBENTA NG MOBILE WALLET ACCOUNTS PINASISIYASAT

SA pagnanais na protektahan ang mga konsyumer mula sa cybercriminals, naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ang pagpapahiram at pagbebenta ng mga mobile wallet accounts. “Nakita na natin na ang paggamit ng mga mobile o e-wallet ay nagbibigay ng napakalaking benepisyo lalo na noong kasagsagan ng pandemya para sa mga online transaction, kaya kailangan nating tiyakin na protektado ang ating mga consumers mula sa mga masasamang loob na may hangad na manloko sa pamamagitan ng mga mobile wallets,” saad ni Gatchalian. Binigyang-diin ng senador na dapat magkaroon…

Read More

Active COVID cases sumirit sa 274 MANDATORY FACE MASK PINABABALIK SA VALENZUELA

covid

ISA pang pasyente ang binawian ng buhay sa COVID-19 habang sumipa sa 274 ang mga aktibong kaso sa Valenzuela City matapos na 57 bagong kaso ang naitala, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang 11:59 ng gabi noong Setyembre 21 ay umakyat na sa 963 ang bilang ng mga namatay, habang 46,299 ang cumulative confirmed cases at 45,062 ang recovered matapos na 42 ang gumaling. Sa 274 na aktibong kaso ay 207 ang naka-home quarantine, 53 ang nasa isolation facility at 14…

Read More

Sapul sa CCTV CAREGIVER KULONG SA PANANAKIT SA ALAGANG 91-ANYOS

DINAKIP ang isang 68-anyos na caregiver matapos makuhanan ng closed-circuit television (CCTV) camera na sinasaktan ang isang 91-anyos na lola sa Valenzuela City. Arestado si Alicia Cervantes, 68, ng Meycauayan City, Bulacan. Ayon sa anak ng biktima na si Rodolfo ng Valenzuela City, nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na si Jean, na nagtatrabaho sa ibang bansa, at sinabi nito na nakita sa CCTV footage na sinasaktan ng suspek ang kanilang ina. Ang naturang CCTV camera ay nakakabit sa bahay ng biktima sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City, at…

Read More