GINANG INARESTO SA ONLINE LIBEL

INARESTO ng mga tauhan ng Manila District Anti-Cybercrime Team, kasama ang ilang mga tauhan ng Manila Police District – Station 4, ang isang 49-anyos na ginang dahil sa kasong online libel, sa Sampaloc, Manila, nitong Biyernes ng tanghali, Setyembre 23. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jay D. Guillermo, OIC ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng NCRPO, ang suspek na si alyas “Lyca Dela Rosa”, may asawa, ng Montaña St., Sampaloc. Base sa ulat ni P/Major Reynaldo T. Salim, team leader ng MDACT, bandang alas-11:00 ng tanghali nang arestuhin ang ginang sa…

Read More

BABAE, 2 KASABWAT KULONG SA NAKAW NA P.3-M BINTANA

KALABOSO ang isang babae at dalawa nitong kasabwat dahil sa umano’y pagnanakaw ng P292,700 halaga ng sliding at awning windows sa isang bodega sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City. Dinakip ng mga awtoridad sina Marivic Manaog, 29, office staff, ng Barangay Paso De Blas;  Mark Dorenn Alcomendras Ortega, 30, supervisor, ng Barangay Gen. T. De Leon, at Ferdinand Pletchetero, 31, production staff, ng Barangay Bignay, pawang ng lungsod, at mga empleyado ng isang kumpanya ng bintana. Ayon sa pulisya, nabulaga ng isang staff  ng kumpanya na si alyas “Daisy” si…

Read More

PATAY NA BABAENG NAKAGAPOS, ITINAPON SA ILOG

patay

ISANG nakaposas na bangkay ng isang babae sa loob ng isang sako ang natagpuan sa isang ilog sa Malabon City. Alas-8:00 ng umaga noong Setyembre 21, habang nangunguha ng kalakal ang saksing si Alfredo Broa, 73, scavenger, sa Northern Hills Property Compound, sa Industrial Road, Tullahan River, Brgy. Potrero nang mamataan ang isang sako kung saan nakasilid ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog. Dagling iniulat ng scavenger sa gwardya sa lugar ang nadiskubre, na siya namang nag-ulat sa Malabon Police. Sa ocular investigation, natuklasang ang biktima ay may…

Read More

BABAE KINASUHAN SA ‘PEKENG KIDNAP’

KINASUHAN ng National Capital Region Police Office-Caloocan City Police Station ang babaeng nag-ulat na may motorcycle rider na nagpakilalang pulis, nanggipit, at nagtangkang dumukot sa kanya, matapos na lumitaw na magkakilala babae at ang rider. Kinumpirma ng pamunuan ng Northern Police District na sinampahan ng ‘unlawful means of publication and libel’ si Samantha Pargad sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Ito ay matapos ang masusing imbestigasyon sa ulat sa naganap sa Alma Jose St. sa Barangay 177, kung saan sumingaw sa pahayag ng dalawang saksi na na magkakilala si Pargad at ang…

Read More

MAG-AMANG WANTED SA MURDER SA LEYTE, NADAKMA SA LAGUNA

NAGWAKAS na ang tatlong taong pagtatago ng mag-amang wanted sa kasong murder at attempted  murder sa probinsya ng Leyte matapos na ang mga ito ay matunton ng mga awtoridad sa kanilang pinagtataguan sa Calauan, Laguna. Batay sa report ng Laguna PNP, magkasunod na naaresto ang mag-amang sina Richard Palconit, 34, at Felimon Palconit, 69, sa dalawang operasyon sa Barangay Dayap noong Miyerkoles at Huwebes. Ang mag-ama na parehong taga Brgy. Toctoc, Leyte, ay kapwa wanted sa mga kasong murder at 3 counts ng attempted murder na isinamapa noong Hulyo 17, 2019. Inaresto ang mga ito…

Read More

BIGAS, KARNE SAPAT HANGGANG DISYEMBRE – DA

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng bigas at karne hanggang sa Kapaskuhan. Ayon sa DA, mayorya ng suplay ng bigas ay mula sa local production ng mga Pilipinong magsasaka. “A big chunk of the supply comes from the locally produced rice, and production of farmers will be enough to meet the demand towards the end of the year,” ayon sa DA. Sa kabilang dako, mararamdaman naman ang adjustments sa presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil sa epekto ng nararanasang tagtuyot sa China. “Retail prices,…

Read More

PBBM-BIDEN MEETING INAABANGAN

(CHRISTIAN DALE) KAABANG-ABANG ang nakatakdang pagkikita at pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at US President Joe Biden sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly sa Estados Unidos. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ito ang “first in-person discussion” sa pagitan ng dalawang lider. “This is a momentous event for both countries as (it is) an opportunity to discuss 76 fruitful years of the Philippine-US alliance,” ayon kay Cruz-Angeles. Inaasahang matatalakay ng dalawang world leader ang pagpapatatag ng relasyong Pilipinas-US na nasa 76 na taon na ng…

Read More

Masayang tatlong linggo

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA HALOS tatlong taon makaraang ideklara ang ­COVID-19 pandemic sa bansa, sa wakas ay nagkita-kita rin kaming magpapamilya. Nakauwi na rin ang pangalawang anak namin ng kabiyak kong si Annie, si Choy kung tawagin ko, at ­praternidad ko sa ­sportswriting na si Kimberly. Si Kim ay nagtatrabaho sa Dubai bilang fashion designer at taunan lamang nakauuwi sa Pilipinas. Pero mula noong Marso 2019, hindi siya nakapagbakasyon dito dala ng mga ­restriksyong pangkalusugan dulot ng pandemic. Kaya ­sobrang saya ng buong pamilya at…

Read More

PH SAMBO QUEEN, SILVER SA FISU U. WORLD CUP

NAGKASYA si Pilipino ‘Sambo Queen’ Sydney Sy sa pilak na medalya sa 2022 FISU ­University World Cup Combat kahapon sa Samsun, Turkey. Si Sy, produkto ng judo ­program sa University of Santo Tomas, ay nabigo (1-2) kay home bet Dirgen Duygu sa finals ng women’s sambo +80 kg. Sumampa ang Pinay sa finals matapos talunin ang mas malaking kalaban na si Bielkova Marhayta ng Ukraine, 6-0. Asam sana ng ipinagmamalaki ng Davao na tinagurian ding ‘Asian Sambo Queen’ ­maiuwi ang unang world title ngunit ­kinapos sa championship round. Sa kabila…

Read More