LGUs pinuri ni Pres. Marcos ST KARDING MAAGANG NAPAGHANDAAN

(CHRISTIAN DALE) NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “swerte” pa rin ang Pilipinas sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ito’y dahil sa nakaplano at preparado ang mga ahensya ng pamahalaan sa bagay na ito. Dahil dito, pinuri ni Pangulong Marcos ang local government units dahil ipinaalam ng mga ito sa mga residente ang dapat at kailangan nilang gawin sa panahon ng kalamidad. “I think, we may have gotten lucky at this time, a little bit. I think it’s clear from what we did these last…

Read More

DOE agad pinakilos ni PBBM KURYENTE PARALISADO SA N. ECIJA AT AURORA

(CHRISTIAN DALE) INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na kaagad mag-deploy ng generators na may kasamang langis sa mga lugar sa Nueva Ecija at Aurora na may limitadong power supply resulta ng pananalasa ng Super Typhoon Karding. Sa situation briefing kasama ang top government officials sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Quezon City, inilahad ni DOE Secretary Raphael Lotilla na bukod sa Nueva Ecija at Aurora, nahaharap din sa problema sa power supply ang Tarlac, Zambales, Pampanga, at Quezon. Sinabi…

Read More

Anti-gambling ops ng mga ‘bata’ ni PBGen. Hernia pinagdududahan PANGHUHULI SA PNB SA OR MINDORO MORO-MORO?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ng mga concerned citizen at ilang civic groups sa Oriental Mindoro si MIMAROPA Police Regional Office Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia na patunayang seryoso ang kanilang kampanya kontra ilegal na sugalan. Kasunod ito ng operasyon kamakailan ng mga tauhan ni Hernia laban sa Peryahan ng Bayan sa nasabing lalawigan na pinagdududahan na palabas lamang o moro-moro. Tanong ng ilang residente, bakit isang operator ng Peryahan ng Bayan o PNB ang hinuli at kinasuhan ng pulisya? “Sa laki ng Oriental Mindoro e isa lang…

Read More

Pondo ng NBI pinababalik sa dati KAMPANYA KONTRA CYBERCRIME LALAMYA

NAIS ni Senador Win Gatchalian na maibalik ang natapyas na pondo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa susunod na taon upang mapaigting ang laban kontra sa mga insidente ng cybercrime. Mula P2.3 bilyon ngayong taon, lumiit ang pondo ng NBI sa ilalim ng National Expenditure Program na nasa P1.8 bilyon na lamang para sa 2023. Dahil dito, nabawasan din ng halos bente porsyento ang pondong inilaan para sa anti-cybercrime enforcement unit ng NBI para sa susunod na taon. Bumaba ito sa P21.2 milyon mula sa budget ngayong taon…

Read More

3 PROVINCIAL MWPs DINAKMA SA CAVITE

CAVITE – Dinakma ng mga tauhan ng Cavite Police ang tatlong most wanted persons (MWPs), kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Aljon Borlagdaton y Marteja, 24, isang alyas “Jay”, 17, kapwa construction worker, at Victorious Baylosis y Blanca,  29, isang security guard. Si Borlagdaton at alyas “Jay” ay naaresto dakong alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, ng mga operatiba ng RID 4A-RIT/RSOU (lead unit), RMFB 4A-HQ at Dasmariñas CPS, dahil sa kasong homicide.…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA BAGYONG KARDING SA QUEZON

NAGTALA ng isang nasawi at isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Karding sa lalawigan ng Quezon. Batay sa report mula sa Quezon PNP, nasawi ang 70-anyos na si Eli Alberto matapos matabunan sa landslide sa Sityo Subok, Barangay Aluyon, bayan ng Burdeos, dakong alas-7:30 ng gabi. Narekober ng mga tauhan ng Burdeos PNP katulong ang mga barangay official ang katawan ng biktima nitong Lunes ng umaga. Samantala, sugatan ang barangay kagawad na si Jonathan Santoalla matapos na mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay sa Barangay Bañadero sa bayan…

Read More

P15K PRODUCTION SUBSIDY PINAHAHABOL SA DA BUDGET

NAIS ng dalawang militanteng mambabatas sa Kamara na ihabol sa budget ng Department of Agriculture (DA) ang P15,000 production subsidy sa mga magsasaka lalo na ang mga sinalanta ng bagyong Karding. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, tinataya ng DA na 1.7 milyong ektarya ng pananim na ang nasalanta ng bagyong Karding noong Linggo kung saan 1.5 milyon dito ay palayan. “Dapat hanapan ng pondo ang signipikanteng production subsidy sa ating mga magsasaka. Malaki ang nalugi sa kanila sa Rice Tariffication Law at mahal na presyo ng langis, at…

Read More

SIKLISTA SA MAYNILA SINURO NG SUV

HALOS hindi makagalaw ang isang 23-anyos na binata makaraang tumilapon sa kalsada nang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) sa eastbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Manila. Isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Diosdado Tagalog y Delatado, residente ng Sampaloc, Manila. Habang isinasailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng kotseng Lexus na may plakang NCO-1380, na si Gerwin Bryan Go y Ang, residente ng San Juan City. Base sa ulat…

Read More

3 SUGATAN SA BANGGAAN NG TREN AT CRANE

TATLO ang sugatan, kabilang ang isang pasaherong matandang babae, makaraang magbanggaan ang PNR train, at ang isang crawler crane sa northbound lane ng Antipolo railroad track malapit sa G. Tuazon Street, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga. Isinugod sa Chinese General Hospital ang mga biktimang sina Esperanza B. Mozo, 68, biyuda, pasahero; Ronnel Jay Bajaro, konduktor ng tren, at Melfarzar Delos Santos y Sisno, operator ng tren. Base sa imbestigasyon ni P/Cpl. Eric Jay Despabiladero ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente bandang alas-8:35 umaga sa nabanggit…

Read More