Para lumuwag sa Maynila REGIONAL AIRPORTS PAGANAHIN – PBBM

(CHRISTIAN DALE) DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon. “Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa grand opening ng bagong terminal building ng Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga. Wika pa ni Pangulong Marcos, ang ilang flights ay hindi na dapat pang dumaan sa Maynila…

Read More

Pagtiyak ng Palasyo RED-TAGGING NI BADOY HINDI KUKUNSINTIHIN

HINDI kailanman papayagan o kukunsintihin ng administrasyong Marcos ang anomang ilegal na aktibidad na ang puntirya ay ang sinoman sa miyembro ng hudikaturang sangay ng pamahalaan. Ang pahayag na ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ay kaugnay sa pagkondena ng isang pambansang asosasyon ng mga hukom at mandatoryong organisasyon ng mga abogado sa red-tagging at paninira laban kay Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Presiding Judge Marlo Apalisok Magdoza-Malagar na nagbasura sa kaso ng gobyerno para ideklara bilang mga terorista ang Communist Party of the Philippines at ang armed…

Read More

ONE STRIKE POLICY SA VIOLATORS SA OFW, IGINIIT

ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo na magpatupad ng ng One strike policy ang gobyerno laban sa mga employers na nang-aabuso ng mga overseas Filipino workers. Sa pagdinig ng Committee on Migrant Workers na pinamumunuan ni Tulfo, pinuna nito ang paulit-ulit na ang diskriminasyon at pananakit sa mga OFW. “Dapat one strike policy para masampolan sila. Kasi po paulit ulit na po ang problema, I’ve been helping the OFW for years and years na po decades na po and pare-pareho lang po ang problema,” saad ni Tulfo. Inihalimbawa ni Tulfo ang…

Read More

SIM REGISTRATION POSIBLENG MAISABATAS NGAYONG 2022

NANINIWALA si Senador Grace Poe na maisasabatas ang panukalang pagpaparehistro ng subscriber identity modules (SIM) sa loob ng taong kasalukuyan. Inihayag ito ni Poe, chairman ng Senate Committee on public services, matapos makalusot ang panukalang kanyang inisponsor at inawtor sa dalawang Kapulungan ng Kongreso. “It has already hurdled both Houses. This is the first bill that was passed jointly in the 19th Congress and we are quite proud of that. Again, it was unanimously passed in the Senate and with big support. I think and I am hoping that the…

Read More

PINSALA NI ‘KARDING’ SA PANANIM HIGIT P1B NA

(JESSE KABEL/CHRISTIAN DALE) LUMOBO pa ang halaga ng pinsala ng nagdaang Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura. Sa talaan ng Department of Agriculture (DA), mula sa P1.29 billion na unang iniulat, pumalo na ngayon sa P1.97-B ang halaga ng pinsala sa agricultural products. Ang mga dagdag na datos ay mula Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Bicol Region. Tumaas din sa 148,091 ektarya ng farm lands at 88,520 ng magsasaka at mangingisda ang naapektuhan. Sa imprastraktura naman, umaabot na umano sa P23,050,000 ang halaga ng pinsala sa tatlong rehiyon…

Read More

SLP-PH TEAM DADAYO SA DUBAI MEET

MABIBIGYAN ng pagkakataon ang mga piling batang swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) na sumabak sa international competition sa susunod na buwan. Binubuo ng 13 atleta, kabilang ang apat na babae mula sa iba’t ibang swimming club na affiliated ng SLP, sasabak ang koponan sa Hamilton Aquatics Short Course sa Dubai, United Arab Emirates sa Oktubre 22-23. Kasama sa SLP-Philippine Team na makikipagtagisan ng husay laban sa locals at foreign squad sa Hamada Swimming Center sina Julia Ysabelle Basa, 15, at Behrouz Mohammad Moj­deh, 11, ng Paranaque Swim squad; Kathryn…

Read More

GM GONZALES SABAK AGAD SA TRABAHO

HINDI pa man ganap ­nakakarekober sa stroke ay balik-trabaho na si National Chess Federation of the ­Philippines (NCFP) chief executive officer GM Jayson Gonzales. Katunayan, agad nag-courtesy call si Gonzales kasama si national women’s chess champion WGM Janelle Mae Frayna at national coaches kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala kahapon. Si Frayna at national chess team ay katatapos lang lumahok sa 44th World Chess Olympiad sa Chennai, India. Na-upset ng national men’s squad ang Norway (2.5 – 1.5), nakatabla nila sa 32nd place sa pagtatapos ng torneo. Samantala,…

Read More

OLYMPIAN BOXERS SWAK SA ASIAN CHAMPIONSHIPS

Ni ANN ENCARNACION SASAGUPA sina Tokyo ­Olympian Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa Asian Elite Men and Women Championships sa ­Amman, Jordan sa Oktubre 30 ­hanggang Nobyembre 13. Kabilang ang tatlong nabanggit sa 13-member Philippine Team na lalaban sa torneo, habang ang isa pang Olympian at bronze medalist na si Eumir Felix Marcial ay kasama sa listahan ngunit hindi pa tiyak makakalahok dahil kasalukuyang naghahanda sa posibleng panibagong pro-fight sa US. Matatandaang nakapag-uwi ng silver medal mula Tokyo sina ­Petecio at Paalam, habang ­kinapos mag-podium finish si Magno.…

Read More

Nilumpo ng Super Typhoon Karding KOMUNIDAD SA BURDEOS, QUEZON NAGPAPASAKLOLO

(NILOU DEL CARMEN) HUMIHINGI ng tulong ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Burdeos sa Quezon na labis na sinalanta ng nagdaang Bagyong Karding. Isa ang Barangay Carlagan sa pinakamatinding napinsala ng Bagyong Karding nang mag-landfall ito sa nasabing bayan na nasa isla ng Polillo noong Linggo ng hapon. Batay sa datos PAGASA, unang tumama ang sentro ng bagyo sa kalupaan sa northeast portion ng bayan ng Burdeos kung saan naroon ang islang Barangay ng Carlagan at dalawang katabi nitong barangay ng Mabini at Bonifacio. Sa ngayon ayon…

Read More