Hindi lang ugat ng krimen at droga PROSTITUTES BITBIT DIN NG POGO OPERATORS

(BERNARD TAGUINOD) PANAHON nang palayasin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil nagiging ‘ugat na ito ng kademonyohan” na sumisira sa moral ng mga Pilipino. Giit ito ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers matapos matuklasan na bukod sa mga naunang naiulat na krimeng kaakibat ng pagkakaroon ng POGO sa bansa ang pagkalat ng prostitutes. “Di naman natin nilalahat, pero ang POGO ang tila naging ‘root of evil’ na naglikha at nagdala ng bisyo at krimen sa ating bansa tulad ng kidnap for ransom,…

Read More

SCAFFOLDING SA QC HOUSING PROJECT BUMIGAY, 1 PATAY

PATAY ang isang construction worker at 10  iba pa ang sugatan nang gumuho ang scaffolding sa ginagawa nilang housing project sa Quezon City kahapon ng umaga. Dead on arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Francis Anzures, 45, ng Brgy. Baesa, QC dahil sa mga tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang kanyang mga kasamahang sina Renato Gallo, 49, foreman; Jerick Medino, 20; Mark Dave Asis, 21; Reynante Mandak, 50; Junrey Acoymo, 38; Jayson Rebalga, 27; Jerald Silvio, 20; Jorie Modesto, 40;…

Read More

MALAKANYANG NABAHALA SA PAMAMASLANG KAY PERCY LAPID

NABABAHALA ang Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa isang batikang mamamahayag at kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid. Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima, pasado alas-8 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakikilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City. “In fact I was in communication with certain officials who advised me…

Read More

BOC-SLFU, WAGI SA SEPT TARGET

WALANG kahirap-hirap na naabot ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando sa lalawigan ng La Union ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa buwan ng Set­yembre. Sa datos ng BOC Financial Service (BOC-FS), nakapagtala ng P1,055,542,982.88 kita ang BOC-Port of San Fernando, La Union (BOC-SLFU) katumbas ng “outstanding performance” sa larangan ng wasto at naaayong sistema ng paglikom ng buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento sa pinangangasiwaang pantalan sa gawing hilaga ng Luzon. Batay sa pagtataya ng BOC-FS, lumabis pa…

Read More

BOC-LEGAZPI HATAW SA ANNUAL TARGET!

TATLONG buwan bago matapos ang 2022, sapul na agad ng Bureau of Customs – Port of Legazpi ang (BOC-Legazpi) ang itinakdang target collection ng naturang distrito para sa kasalukuyang taon. Sa ulat ng BOC Financial Service Office, umabot na sa P406.49 milyon (katumbas ng P31.43 milyong surplus) ang ipinasok na kita ng BOC-Legazpi – malayo sa takdang target collection na P375 milyon. Sa pagtataya ng BOC Financial Service, nakapagtala ng 8.38% increase ang naturang distrito. Para naman kay BOC-Legazpi acting District Collector Arthur Sevilla, mala­king bentahe sa kanyang pinamumunuang distrito…

Read More

PAGBABAGONG LUBOS

imbestigahan natin ni JOEL O. AMONGO KUNG ang target ng pamahalaang linisin ang isang ahensyang kilala bilang kanlungan ng katiwalian, higit na kailangan ang isang mabigat subalit maingat na pagpapasyang magbibigay-daan sa tinatawag na rigodon. Subalit taliwas sa karaniwang rigodon, hindi angkop ang pakikipagpalitan lang ng mga opisyal sa mga sensitibong pwesto. Para sa mga Customs broker at port trucker, panahon nang palitan ng buo ang talaan ng mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) kung ang seryoso ang bagong talagang Customs Commissioner na linisin ang kawanihang pinamumunuan. Bagama’t nakikitaan…

Read More

HIGIT P1-B SRA NG HCWs INILABAS NG DBM

MAY go signal na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo sa Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng eligible public at private health workers na kasama sa COVID-19 health care response. Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na inaprubahan na nito ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.04 bilyon Oktubre 3, 2022. Sakop ng nasabing halaga, ayon sa DBM ang unpaid COVID-19 SRA claims ng 55,211 health workers, na makatatanggap ng grant na nagkakahalaga ng…

Read More

Angeles, Uy hindi kasama 10 CABSEC NI-REAPPOINT NI PANG. MARCOS JR.

KAPANSIN-PANSIN na hindi kasama ang pangalan nina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa roster ng reappointed Cabinet secretaries ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipinalabas ng Office of the Press Secretary (OPS). Matatandaang nito lamang Setyembre, na-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang 14 presidential appointees bago ang nakatakdang month-long recess ng Kongreso dahil sa kakulangan ng oras. Kasama sina Cruz-Angeles at Uy sa Cabinet members sa na-bypass. Martes ng umaga, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang oathtaking ng kanyang mga reappointed…

Read More

P1M reward laban sa mga salarin HUSTISYA KAY KA PERCY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HUSTISYA ang hiling hindi lamang ng pamilya at mga kaanak ng hard-hitting broadcast at print journalist na si Ka Percy Lapid kundi maging ng kanyang followers at iba pang personalidad sa lipunan. Kahapon ng umaga, agad nag-trending sa social media ang #JusticeForPercyLapid kung saan bumuhos ang pakikiramay ng netizens. Para naman sa pamilya ni Lapid o Percival Mabasa, ang karumal-dumal na pamamaslang dito ay hindi lamang sa kanila ginawa kundi maging sa mga kaibigan, kasamahan sa media, supporters, sa katotohanan, sa propesyon at sa bansa. “His…

Read More