MGA APEKTADO NG PAGGUHO NG SAN JUAN-BANTILAN BRIDGE DINALAW NI QUEZON GOV. HELEN TAN!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG MABILIS na nagtungo ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan, sa San Juan-Bantilan Bridge. Ito’y upang kumustahin ang mga residente at personal na kumalap ng report sa mga lokal na opisyal. Kasunod ito nang pagguho ng tulay na nagdurugtong sa San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon. Ayon sa nakalap nating impormasyon, nangyari raw ang insidente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi. Sa ulat naman ng Barangay Bantilan at lokal na pamahalaan ng…

Read More

DATING ES ATTY. VIC RODRIGUEZ, MINAMAHAL NG MASANG PILIPINO

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA KITANG-KITA ang pananabik ng mga tao sa muling ­paglutang sa publiko ni dating Executive Secretary (ES) Atty. Vic Rodriguez. Naglabas ito ng maikling bidyo kamakailan sa kanyang opisyal na pahina sa Facebook matapos ang matagal na pananahimik. Dinagsa ito ng mga positibong reaksyon at mga komento mula sa mga netizen. Sa kasalukuyan, nasa higit 15,000 na ang nag-react dito at mukhang aabot pa sa 2,500 ang bilang ng mga komento. Sa nasabing bidyo, binati at pinasalamatan niya ang mga taong patuloy na nagpapadala ng…

Read More

PAGLABAS SA PUBLIKO NI ATTY. VIC RODRIGUEZ, IKINATUWA

BISTADOR Ni RUDY SIM LABIS na ikinatuwa ng mga supporter ni Atty. Vic Rodriguez ang kanyang muling paglitaw sa publiko mula nang ito ay kusang nagbitiw sa puwesto bilang Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halos isa’t kalahating buwan na ang nakararaan. Sa official Facebook page ni Atty. Rodriguez, sinabi nito na walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagasuporta dahil nasa maayos na kalagayan at mabuti siyang kalusugan. Nagpaalala rin ito na mag-ingat at pairalin ang pasensya dahil sa pagbuhos ng mga taong tutungo sa mga sementeryo upang…

Read More

WALANG HABAS NA PAGSUSPINDE SA RECRUITMENT AGENCIES (Nagdudulot ng matinding dagok sa negosyo at ­pagkasira ng imahe ng Pilipinas sa ibang bansa)

Ni ATTY. DAVID CASTILLON MATINDING dagok para sa recruitment agencies ang naidulot ng mga bagong patakaran na ipinatutupad ng Welfare and Foreign Employment Branch ng Department of Migrant Workers (DMW). Sa sobrang higpit at hindi makatarungang regulasyon, ang mga may-ari ng ahensya ay nagrereklamo sa walang habas na pagsususpinde ng operasyon kahit pa labag na ito sa karapatan ng isang negosyante at hindi na napapaloob sa memorandum circulars na dati nang sinusunod ng industriya. Malayo ito sa mga regulasyon at patakaran na ipinatutupad ng POEA noong pinamumunuan pa ito ni…

Read More

KONGRESO NAKALIKOM NG P35M PARA SA APEKTADO NI PAENG

NAGPAHAYAG si House of Representatives, Speaker, Martin Romualdez nang kalungkotan sa hindi inaasahang pagbayo sa buong bansa ng bagyong Paeng na nanalanta sa kabuhayan ng marami nating kababayan lalo sa mga apektadong lugar. Agad na pinakilos ni Romualdez ang kanyang tanggapan na tutukan at magsagawa ng round the clock meetings sa kaukulang ahensya at Local Government Units upang masiguro ang kaligtasan at pangangailangan ng mga apektadong pamilya ng tropical storm na bumulaga sa bansa sa hindi naging magandang long weekend sa paggunita sa araw ng mga namayapa. Sinabi ni Romualdez,…

Read More

KAPITBAHAY TINARAKAN DAHIL SA BISIKLETA

ARESTADO ang isang lalaki makaraang apat na beses na saksakin ang umawat na kapitbahay dahil sa pagwawala ng suspek bunsod ng nakabalagbag na bisikleta sa Valenzuela City. Sinakote ng mga awtoridad ang suspek na si Marc Ale B. Canuto, 29, habang itinakbo sa Valenzuela Emergency Hospital at inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan nananatiling nakaratay ang biktimang si Jayrald Cabrera, 38-anyos. Nangyari ang insidente dakong umaga noong Oktubre 27 sa Dela Cruz St., Dulong Tangke, Malinta, ng lungsod, kung saan nagwala umano si Canuto dahil may nakaharang na bisikleta sa daanan niya.…

Read More

Grupo ng kababaihan nangangalap na ng pirma PETISYON KONTRA 12% VAT SA PAGKAIN IKINASA

MANGANGALAP ng lagda ang grupo ng kababaihan para sa ihahaing petisyon sa Palasyo ng Malacanang para igiit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas na alisin ang 12% value added tax (VAT) sa pagkain. Bukod dito, isasama sa petisyon ang House Bill (HB) 4898 o pagkakaroon ng national minimum wage sa pribadong sektor sa gitna ng lumalalang krisis sa pagkain dahil sa pagtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, mula noong Huwebes ay inilunsad nila…

Read More

OBRERO BUKING SA BARIL, PEN GUN

TIMBOG ang isang 33-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng baril at pen gun sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ronilo Jay Cacharo, ng Purok 2, Isla Puting Bato, Barangay 20, Zone 2 sa Tondo. Base sa ulat ni P/Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang ala-1:00 ng hapon nang mamataan ang suspek na kahina-hinala…

Read More

TOP 4 MOST WANTED PERSON, NASILAT

ARESTADO ang isang ginang na top 4 most wanted person sa kasong ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO ) ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nahaharap din ang ginang sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at theft. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villareal, commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang hindi na pinangalanang suspek ay pang-apat sa…

Read More