PINAGHAHANAP ng mga tauhan ni Police Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng City of San Jose del Monte, ang isang security guard na namaril sa dalawang lalaki noong Sabado ng gabi sa loob ng Bria Homes, Subdivision sa Brgy. Muzon, CSJDM, sa Bulacan. Kinilala ang suspek na si Joven Macatigos Torino, 39, security guard ng Jericho Security Service Agency at kasalukuyang naninirahan sa Block 41, Lot 24, Phase 1, San Jose Heights, Brgy. Muzon, CSJDM. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang dalawang biktima na sina John Billy Tipasi y Domingo, 30,…
Read MoreDay: November 20, 2022
RIDER NAGULUNGAN NG 2 TRUCK, PATAY
CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang dalawang driver ng dalawang truck matapos sagasaan at takbuhan ang isang 28-anyos na rider na nagresulta sa kamatayan nito sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa Tanza Family Hospital ang biktimang si Christopher Mapa y Aliganad, 28, binata, senior staff, at residente ng Belvedere Town, Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite subalit hindi umabot nang buhay. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang driver ng dalawang truck na kapwa tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni Corporal Nikko Paul Baranco ng…
Read MorePAGSAGIP SA MGA BADJAO AT AETA SA KALSADA SINIMULAN NA NG DSWD
ILAN sa mga na-rescue na Badjao nitong Biyernes (Nov. 18) sa NCR ang binigyan ng P10,000 per family bilang puhunan at pamasahe. HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan. Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang. Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta pauuwiin sa kanilang lugar ang mga Indigenous People…
Read MoreACT-CIS DISMAYADO SA MGA SIRANG RFID SA SLEX
DISMAYADO si Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Representative Jeffrey Soriano hinggil sa umano’y faulty Radiofrequency Identification (RFID) collection system sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon kay Soriano, marami silang natanggap na report kaugnay ng matinding traffic sa SLEX na dulot lamang pala aniya ng sirang RFID scanners. Aniya, nagdulot ng traffic build-up ang ‘invalid reading at ETC lanes’ kaya’t nag-manual scanning na lang ng RFID cards. “Umagang-umaga, ito na ang bumungad sa ating mga motorista,” aniya pa. “Napakaraming Pilipino ang napeperwisyo dahil sa depektibong RFID system…
Read MoreBEBOT KULONG SA P.2-M SHABU
KALABOSO ang isang 40-anyos na babae nang makumpiskahan ng P170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Inaresto si Jocelyn Otano alyas “Josephine”, sa operasyon sa Riverside, Phase 12, Brgy. 188, ng lungsod, matapos ingusong nagtutulak umano ng shabu. Isang undercover cop ang nakaiskor ng P7,500 halaga ng umano’y shabu mula sa suspek kaya dinamba ito ng mga parak. Nakuha sa pag-iingat ni Otano, ang 25 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money. (ALAIN AJERO) 232
Read MoreBuking sa pagkuha ng police clearance NAIS MAKI-TUPAD WANTED ARESTADO
NAGWAKAS sa bangungot sa karsel ang pangarap ng isang lalaki na makasali sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan, nang damputin makaraang mabuking na may warrant of arrest nang tangkaing kumuha ng local police clearance sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Kenneth Cubos Lozada, 22, ng M. De Vera St., Brgy. Sipac-Almacen, ng lungsod, na kasama sa talaan ng most wanted persons sa siyudad. Nabatid, nag-apply para sa police clearance si Lozada sa Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit nabuking na mayroon…
Read MoreRIDER KRITIKAL SA TUMBOK NG TAXI
KRITIKAL sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa kilalang rider makaraang makasalpukan ang isang taxi sa pagitan ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita, Manila Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang driver ng taxi na si Artemio Talacay. Base sa ulat na nakarating kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa intersection ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita. Ayon sa imbestigasyon ng Traffic…
Read More7 TIKLO SA SUGAL, BARIL SA MAYNILA
PITONG kalalakihan ang nadakip sa ilegal na sugal, isa sa mga ito ay nakumpiskahan ng baril, sa ikinasang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District kaugnay sa ipinatutupad na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Sta. Cruz, Manila nitong Sabado ng umaga, Isa sa mga suspek na naaktuhan habang nagsusugal ng cara y cruz, ang nakumpiskahan ng .38 kalibreng baril na kinilalang si Enrique Ilanan, 46-anyos, electrician, at residente ng Sta. Cruz, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 …
Read MoreGINANG PATAY SA 2 HOLDAPER
BULACAN – Patay ang isang 55-anyos na ginang matapos holdapin at pagbabarilin ng isa sa dalawang armadong robbery suspects noong Biyernes ng umaga sa Barangay Malis, sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Jowilouie Bilaro, hepe ng Guiguinto Police, ang biktimang si Imelda Cabigting, may asawa, vendor, residente ng Brgy. Malis ng nasabing bayan. Arestado naman sa isinagawang pursuit operation ng Guiguinto Police, ang mga suspek na sina Juan Mejica alyas “Bakal” ng Phase 2, Northville 7, at Leonard Manota, residente ng Sta. Clara Estate, Guiguinto.…
Read More